Chapter 29 - The Last Chapter

493 3 0
                                    

CHAPTER TWENTY NINE - THE LAST CHAPTER

NICKA'S POV

"Uy taray anong oras ka matatapos diyan sa trabaho mo?"

"Di ko alam kumag eh. May inaasikaso pa ako. Bakit?"

"Wala naman. Miss na kasi kita. Yii. Kilig siya oh."

"Che! Tumahimik ka! Tawag na lang ako sayo kung matatapos na ako ha. Sige bye!"

"Wala man lang I love you?"

"I love you too. Yii. Bye na!"

"HAHA. Bye!"

Kahit kelan talaga tong Baron na to oh. Ang landi! HAHAHA. 

Dalawang taon na ang nakalipas mula ng naging kami, at ganun pa rin siya. Alaskador! 

Ngayon nga pala kasi yung monthsary namin ni Baron kaya ayun, naghanda siya sa bakery niya. 

Oo nga pala. Si Baron ay may bakery shop na malapit sa bahay ko. Siya yung may ari at yung head ng mga pastry chef. Ako naman ay eto, ang nags'sponsor ng mga kailangan dun at the same time nagt'trabaho sa kompanya ng dad ko.

Pero may pinoproblema kasi ako ngayon... Hindi ko alam kung paano babayaran tong utang namin sa mga Sanchez. Sa ngayon isang milyon pa lang yung nababayaran ko, pero.. haay. Hindi ko na alam!

_________________

BARON'S POV

"Hoy Pineda, hindi ka man lang nagsabi na uuwi ka na pala. Si Dela Rosa, nasaan?"

Nandito ngayon si Pineda sa bakery ko. Gulat nga ako eh, basta basta na lang pumasok. 

"Nandun sa tito niya. May pinag-uusapan. Si Nicka nga pala, kamusta na?"

"Ayun problemado sa trabaho niya. Hindi ko nga alam kung ano yun eh, ayaw niyang sabihin."

"Ganun talaga yun. Anong oras ka pa ba nandito?"

"Mga 9pm pa. Ang tagal nga nun eh."

"Hayaan mo muna yun. Pero sure ka ba na okay lang na makita niya ako ngayon?"

"Oo. Sus! Yun pa. Miss ka na nun eh."

"Sigurado ka ah? Baka mamaya masampal ako."

"Hind-- NICKA!"

Bigla kong nakita si Nicka na tumakbo. Anyare dun?

"Teka lang ah. Baka akala may kabit ako. HAHAHA."

"Hoy! Wala akong ambisyon na maging kabit mo no!"

Tumakbo na ako palabas.. Tumakbo na lang ako sa direksyon kung saan ko nakita tumakbo yun.

Bigla na lang ako napako sa pwesto ko. 

Y-yung.. kotse ni Nicka... nabangga sa isang trak. Kinabahan na ako.

H-hindi.. Hindi siya yun.. Nakita ko na lang na may ambulansya na dumating.. 

Lalapit na sana ako kaso.. Natakot ako. 

Pero siyempre joke lang yun.. walang bangaan. HAHA. Natakot ko ba kayo? 

Rewind tayo.. Rewind..

Bigla na lang ako napako sa pwesto ko. 

Si Nicka may susi na hawak at kotse na dati ko pang gustong bilhin.. 

Nilapitan ko kaagad siya at niyakap..

"Happy 29th Monthsary babe." Nicka

"Binilang mo talaga? May surpresa nga pala ako sayo. Mamaya na yang kotse ko."

"ANONG KOTSE MO? AKIN YAN."

"Ha?"

"Dejoke lang. Ano surpresa mo?"

Hinila ko siya pabalik sa may bakery ko, pero wala ng tao. 

"Uy kumag, asan na?"

"Hindi ko alam."

"May surprise ka tapos hindi mo alam? HA? Ang labo mo ah."

"So eto yung bakery na pinag-gagastusan mo Nickaella?"

Napalingon kami ni Nicka sa narinig namin. Yung dad niya.. Bigla na lang hinila nung mga guwardiya si Nicka paalis sa akin. Hindi na ako nakapagsalita. 

"DAD! Ano bang ginagawa mo?! Bitawan niyo nga ako mga letche kayo!"

"Don't tell me what to do Nicka! Alam mong may utang ang kompanya natin tapos mags'sponsor ka sa walang kwentang ambisyon mo! Tapos bibili ka pa ng porche para lang may ipagyabang?!"

May utang ang kompanya nila Nicka? Naalala ko bigla yung sinabi sa akin ni Nicka noon..

"Hilig mo talagang magbake no?"

"Well, mama ko kasi pastry chef nun."

"Ahh. Bakit hindi ka na lang tumigil sa pagt'trabaho?"

"Ano kasi.. me and my dad had an agreement na, kapag successful yung company niya dito sa Pinas I can live the life I want, but if not. I'll live the life my dad wants me to have."

"Ahh."

Hindi to pwede.

___________________________________________________________________

FOOTNOTE.

The MASTER has return. 

Bitin diba? 

Clue: Let's do the twist.

Reaching You [Fin;Editing]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora