Chapter 18

557 2 1
                                    

A/N: I dedicate this chapter to JessaMayeGarcia. Well, nilagay niya kasi yung story ko sa library niya. Thank you! :* Basahin mo pa rin to ah.

BARON'S POV

1 MONTH LATER...

Ayun. 3 months na sila ngayon. Wala nga si DR eh. Ewan ko dun kung nasaan na yun. Si Nicka, medyo malungkot. Siyempre tatlong buwan na sila ngayon tapos wala. Pati nga sa bahay niya wala eh. Umuuwi naman daw sabi nung housekeeper nila.

Ewan ko ba dun sa lalaking yun. May pinoproblema yata eh. Nako. Sana next month may surprise na yan kay Nicka. Nalulungkot kasi ako kapag malungkot si Nicka eh.

Pero alam niyo ba guys, may kinuwento sa akin si Mich nun. Lagi daw nasa Fiamma Bar si DR tuwing gabi. Ewan ko kung paano nakikita ni Mich dun si DR pero sana may maayos siyang dahilan kung ba't siya nandun.

Oo nga pala, si Mich yung reporter ko tungkol kay Nicka at Baron. Kaya ang dami kong alam. Actually, hindi ko naman talaga tinatanong si Mich eh. Siya lagi yung lumalapit tapos magk'kwento. Si Rivera at Isa rin, mga reporters ko. Ewan ko ba sa mga yan.

Sana maayos yung next month nila. Baka kasi umasa si Nicka na may surprise si DR para sa kanya. Kapag umiyak yan next month si Nicka, hindi ako magdadalawang-isip na ligawan siya. JOKE. Hindi ko gagawin yun. Ayoko namang magmukhang Daniel Guidotti ng Walang Hanggan no. Baka kasi mala-Nathan Montenegro magalit si DR.

Baka naman kasi may problema sila. Mas mabuting may alam ako, kesa makialam ako.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

NICKA'S POV

Isang linggo na ang nakalipas pagkatapos ng 5th Monthsary namin. Hindi nagparamdam sa akin si Mike. Ever since 2nd week ng October hindi ko na siya nakakausap. Ano na kayang nangyari dun? Balak ko kasi sana siyang ipakilala kayla lola pag-uwi nila next week. Kaso hindi ko na nga nakakausap.

No actually nasa university raw siya nung October 30. Pero bakit ganun? Hindi man lang siya nagparamdam sa akin? Ayan tuloy, si Allan yung nakakasama ko tuwing wala siya. Kung pwede lang sana si Baron, kaso 5 months na nga kaming hindi nag-uusap. At medyo awkward kung si Baron yung kasama ko. 

Oo nga pala, pupunta pala ako ng Fiamma Bar mamaya. May reunion kaming mga classmate ko nung 1st year. So expected nandun si Mike. Sana. Nam'miss ko na kasi yun. Hindi porket sinagot ko siya dahil ayaw ko siyang saktan, hindi ko na siya mam'miss. Hindi naman ako ganun kasama. 

"Hi Nicks." 

"Hi Allan."

"Hindi nga pala kita masasamahan mamayang dismissal ah. May lakad kaming mga boys."

"No don't worry. Okay lang sa akin. Nakakahiya na nga sayo eh."

"Ha? Bakit?"

"Eh kasi, minsan busy ka, pero sinasamahan mo pa rin ako."

"Sus. Wala yun. Kailangan rin natin ng bonding kasi partners tayo sa cooking. Diba? Yeah boy!"

Sabay apir sa akin. Inapiran ko naman with matching smile na kalaki-laki.

"HAHAHA. Sira ka talaga eh. Ayan na mga tropa mo. Mukhang hinihintay ka na."

"Sige. Bye mate!"

Wait. Kasama niya si Baron? Kelan pa sila naging close nun?

"T-teka. Kasama mo si Baron?"

"Oo. B-O-Y-S nga eh. You know, cooking classmates. Sige na, bukas na lang panget ah."

Yep. That's what he call me. Nicks, panget at mate.

"Oo na. Bye na rin pangit! Mag-ingat kayo ah."

"Kayo o si Baron?"

Ngumiti siya ng pagkaloko-loko.

"Sira ka talaga! Sige na, bye!"

"HAHAHA. Labyou panget!"

Oops. Wag lagyan ng malisya ang 'labyou' ni Allan. Ganyan talaga sa mga girls na close niya. Pero kung may 'I Love You' yan, seryoso yan dun sa babae.

"Oo na! Umalis ka na!"

Umalis na si Allan tapos ako naman pumunta muna sa office. Pero aalis din ako kapag 7:30 na. 8:00 kasi start ng reunion namin sa Fiamma.

Pagdating ng 7:30 bigla akong kinabahan. Ewan ko kung bakit. Parang ang sama bigla ng loob ko. Ano kaya meron? Habang papunta ako sa bar mas lalo akong kinabahan. Hindi ko alam. Para talagang ang sama ng loob ko. 

May kinain ba ako na hindi nagustuhan ng katawan ko?

Nandito na ako sa may tapat ng bar nakita ko yung isang classmate ko nung 1st Year. Ayun nagkamustahan lang.

"Oo nga pala, si Michael nandiyan na sa loob."

"Oh? Sige sunod na ako ah."

"Sige!"

Papasok pa lang ako, parang may gustong pumigil sa akin. Bakit, ano bang meron? 

Palakad pa lang ako sa area ng mga former classmates ko. Then I saw someone making-out sa isang corner. Nakatalikod yung guy. jusko. Parang ang sarap sabihan ng, 'get a room' eh. Hello bar to. Hindi kissing bar.

Huy katawan. Umalis ka sa kinakatayuan mo. Gusto mo ba talagang mapanood yung make-out session ng lalaki diyan?

Ewan ko kung bakit, pinanood ko lang sila, biglang akong nailang. Ayun, tumigil na sila. Bago pa ako umalis sa pwest ko, lumingon na yung guy...

*SLAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAP*

Reaching You [Fin;Editing]Where stories live. Discover now