Chapter 24

449 2 0
                                    

I dedicate this chapter to Ate Ella Larena, the author of His Personal Slave, His Personal Wife, My Gangster Husband and etc... Hi ate! Ayos lang kahit hindi mo to basahin. =)) Basta inform na lang kita na may part dito na inspired sa isang story mo.

CHAPTER 24

BARON'S POV

"Uy miss, sige na. Pakibigay naman to sa boss mo oh."

"Sir, bawal nga ako magpapasok ng mga ganyan unless na siya mismo ang nagpakuha. Tsaka mamaya kung ano yung nakalagay diyan no." Sec. ni Nicka

Nandito ako ngayon sa may office ng secretary ni Nicka. Badtrip naman oh!

"Dali na! Wala namang laman to eh. Sour Gecko nga lang to tapos usb."

"USB? Ano laman nun?"

"Alam mo yung respect privacy? Dejoke. Music video lang yan. Dali na."

"Eh, sir hindi nga pwede."

"Haay nako! Pinapadala kasi to ng tatay niya! Ayan, nasira yung surprise para sa kanya!"

"Ayy ganun po ba? Bakit kasi hindi niyo sinabi kaagad? Oh sige, iiwan niyo na lang po dito tapos ako na bahala."

"Bilin kasi sa akin hindi ako aalis hangga't madala to sa kanya. Kaya miss, dito lang ako."

"Sige sir."

Ayun! Nauto na rin sa wakas! HAHA. Umupo muna ako sa may chair na malapit sa pinto ni Nicka. Mamaya-maya, nadala na nung secretary kay Nicka, pero ako, nandito pa rin. 

Yung USB na yun, may nakalagay na lyric video ng 'Before the Worst' ng The Script. Yung meaning kasi ng kantang yun para sa mga nagkagalit na tao. Halos, break-up song na nga yun eh. Then, at the end of the video, ako. Mags'sorry ako. Lumuha nga ako dun eh. HAHAHA. Bakla ko talaga.

Pero hindi lang yun, hihintayin ko yung mag-P'P.S. ako. May line kasi dun na 'Reaching you is the hardest thing I have ever done in my life.' Diba? HAHAHA. May tarp pa nga pala, may big sorry na nakalagay tapos sa likod may french na tanong. At yun ang big surprise ko. Sana nga maintindihan niya eh.

...

AYAN NA! Woo! Hinga!

"Sir, anong gagawin niyo?"

"Papasok. Pwede wag ka ng mangelam? Bilin kasi ng CEO niyo to eh."

"Bahala nga kayo."

Dahan-dahan kong binuksan yung pinto niya, tapos hinawak ko na yung tarp na may 'sorry'. Nung narinig ko na yung P.S message ko...

"P.S. Sana napatawad mo na si Mich. Wala talaga siyang alam tungkol dito.. HAHAHA. Last.. Reaching you was the hardest thing I have ever done in my life."

Nakita kong nagulat siya nung bigla akong nagpakita at sinabi yung last part. Napatingin siya sa tarp na hawak ko. Kinabahan ako. WOOO! 

Nagulat na lang ako sa nangyari.. niyakap niya ako. Akala ko papalabasin niya ako ng building.. pero hindi.

"Am I forgiven?"

"Matitiis ba kita? Pa-hug nga ulit!"

Tumawa ako ng malakas. YES! Okay na kami!!! Naghug ulit kami. Halos ayoko na ngang kumawala, kaso may surprise pa ako. Umalis na ako sa pagyakap ko sa kanya tapos lumuhod sa harap niya. Inikot ko na yung tarp..

Reaching You [Fin;Editing]Where stories live. Discover now