Chapter 16

578 4 5
                                    

A/N: I dedicate this chapter to realhappyme well kasi she placed my story sa library niya. :)) 

NICKA'S POV

Nandito pa rin ako sa tapat ng office ni Prof. Salvy. Kung saan ako iniwan ni Baron, with his kiss on my forehead. Pinunas ko yung luha ko sa mata, sana hindi ako maabutan ni Mike dito na umiiyak. Teka. Ba't nga ba ako nasa office nito? Ahh okay naalala ko. Bubuksan ko na sana yung pinto, biglang may nagbukas nanaman. 

"Oh, Ms. Cruz. Ba't ka nandiyan? Oh?! Bakit ka umiiyak? Nabangga ba kita? Saan? Nako!! Baka ma-sesante ako, ano masa ---"

"Hindi niyo po ako nabangga, hindi ako umiiyak. May sipon lang ako tapos napuwing pa ako."

"Haay salamat. Teka, pasok ka muna."

"Baka po naiistorbo kita."

"Hindi. Sige pasok ka na."

Pinapasok na ako ni Prof. Salvy sa office niya. Tapos pinaupo sa harap ng table niya.

"About ba sa changing of stations ba to ni Mr. Buko?"

"Opo. Bakit po siya nakipagpalit?"

"Dahil sayo."

"Po? Bakit po? Mabaho ba ako?"

"HAHAHA! Hindi! Ayokong sabihin, baka magalit ang pinsan ko."

"Magpinsan po kayo?"

"Hindi ba niya sinabi sayo? Oo magpinsan kami, Eric T. Salvador ako. T for Torres."

"Ah. Okay. Eh bakit kay Allan po siya nakipagpalit?"

"Para daw lumabas yung tunay na feelings ni Allan kay Ms. Paraiso. Teka, 11:15 na oh. 11:30 next class mo diba? Punta ka na dun, ma-late ka pa dahil sa akin."

"Po? S-sige po! Salamat Prof!"

"Eric na lang kapag sa office ako. 5yrs apart lang naman tayo eh. Sige. Go!"

"Salamat Eric. HAHA."

Pumunta na kaagad ako sa next class ko. Kailangan looking fresh pa rin ako. Kahit umiyak ako.

*toot toot*

From: Mike Bestfriend

Babe, hanggang 12:15 yang class mo diba? Sunduin kita, sabay tayo ng lunch.

To: Mike Bestfriend

Oh sige. 

*toot toot*

From: Mike Bestfriend

Last. Pakipalit naman pangalan ko diyan sa contacts mo. Boyfriend mo na ako.

"Miss Cruz. Kindly keep that cellphone of yours or whatever business you're doing there."

"Y-yes ma'am!"

Hmm? AYY!! SHEMAY!! Oo nga no. Mike 'bestfriend' pala yung name niya sa contacts ko! Mamaya ko ng palitan to! Kahiya, natawag tuloy ako ng Prof namin. Pagkatapos ng class namin, sinundo naman ako ni Mike. 

Parang hindi ka masaya?

Parang hindi ka masaya?

Parang hindi ka masaya?

Bakit biglang pumasok sa utak ko ang tanong ni Allan? Nangongonsensya ka ba, Allan?

Mahal kita, magpakasaya ka ha?

Reaching You [Fin;Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon