E p i l o g u e

7.7K 146 45
                                    



Epilogue


5 years later,

Humahangos ang isang babae para habulin ang papasarang elevator. Hindi niya mabitawan ang cellphone dahil sa katawagang kaibigan. Its the end of her shift at tuwing Biyernes ng gabi kada linggo ay lumalabas siya kasama ang mga college friends niya. Ito ang napagkasunduan nila matapos ang graduation. Hindi dapat sila maubusan ng oras para sa jamming ng barkada at kahit mga fully matured adults na sila they should still know how to party.

Pagbaba ng dalaga sa hawak niyang cellphone ay nanalamin siya sa pinto ng elevator habang inaayos ang buhok niya. Buong araw siyang nakatayo sa opisina lalo at bago lang siyang employee kaya expected niyang madami ang ipapatrabaho sa kaniya.

Matapos ang limang taon ay pare pareho ng may matinong trabaho ang barkada. Blake is the only one studying dahil kumuha siya ng Medicine at nasa Med School siya ngayon but he still goes for jam. Habang si Sam naman ay nagmamanage ng business niya na condominium. She's now managing Summer Condomiums na partnership ng Alejo Group of Companies. Habang ang kakambal nito na si Sandro ay nakapasa sa kamakailan lang na Bar Exam at nag top 3 siya.

Sa ngayon nagtatrabaho si Feena sa isang Recording Company at officework ang inapplayan niya. Ginusto niyang doon mag apply dahil doon niya sa Studio na iyon madalas naririnig ang mga kantang ginagawa ni Zion.

Zion is making his own music while in Spain. Pero wala pang balita si Feena kung kailan ito babalik. Umaasa pa din siya sa pangakong iniwan nito.

"Ugh! Kainis!" Galit niyang wika nang bumuhos ang malakas na ulan. Papalabas na siya ng gusali at sakto naman na umulan. Minalas pa siya dahil nakalimutan niyang magdala ng payong."Sam is waiting for me. Nakakainis naman! Ngayon pa!" patuloy niya. Gumuguhit sa itim na mga ulap ang kidlat. At medyo malakas ang dagundong ng halong kulog at sinabayan ng malakas na hangin.

Tumayo siya sandali sa pintuan. Pinagmamasdan niya ang mga empleyado na labas masok at may mga dalang payong. At ilan magkasintahan na tumatakbo sa gitna ng ulan.

She felt jealous. She misses Zion. She missed how stubborn he is at kung gaanu ito kalakas mang asar sa kaniya. Pero ang hinahanap hanap niya ay ang mga words of wisdom nito na kumakalma sa magulo niyang isipan. 

Muling nagvibrate ang phone niya sa bag. Pagkasilip niya dito ay nakita niya ang pangalan ni Sandro. Nabasa pa niya ang message nito at siya nalang ang kulang sa barkada. 

"Susubukan ko nga pumara ng taxi." sambit niya sa sarili at lumabas. Humina ng bahagya ang ulan kaya't nagkaroon siya ng pagkakataon tumawag ng taxi pero unluckily walang gustong huminto para sa kaniya.

"Damn!" inis niyang sinabi. Bumalik siya sa kinatatayuan. Sumilip siya sa silver wrist watch niya and its almost 10. Super late na siya.

Balak na niyang tumakbo nalang kahit pa na bumubuhos pa din ang ulan pero bago pa man siya tumuloy ay napansin niya ang isang taong naglalakad patungo sa harapan niya. May hawak itong payong at naglalakad. Hindi niya mamukaan ang taong iyon sa lakas ng ulan.

Sumingkit ang mga mata niya. But she only sees the raindrops falling fast. At kasabay ay malakas na hangin. Nakaramdam siya ng lamig at humawak siya sa sariling balikat.  At habang papalapit ang estranghero ay lumilinaw na ang itsura nito.

Natigilan si Feena mula sa kinatatayuan. Habang papalapit ang animo lalake sa harapan niya ay lalo niya itong namumukaan. Humakbang ito sa unang baitang ng hagdan bago isara ang hawak na payong. At saka inangat ang mukha para tignan si Feena. She's speechless. She haven't seen this guy for years at nakalimutan na niya ang mukha nito.

His long hair has gone. It is now brushed back and  remained the original blond color of it. He is now matured at masasabi niyang hindi na ito ang lalakeng kaibigan niya noon college.

Zion is back.

But a better man he promised he will be.

"Uy! Tutungaga kana lang diyan? Pinapasundo ka nina Sam!" nagulat siya ng magsalita ito. She thought na hahalikan at yayakapin siya nito dahil matagal silang hindi nagkita. Akala lang pala niya.

Lumukot ang mukha niyang kanina ay platsadong plantsado dahil sa pagkagulat.

"Susunduin mo lang ako? Kailan ka pa nakabalik?" agad tanong ng dalaga.

"This morning. I just want to surprise you sana doon sa bar kung saan kayo nagkita kita nina Sam kaya lang it rains. Nasira ang plano ko." inis nitong sinabi. Natawa si Feena. Hindi pa din pala nagbabago ang binata.

"May balat ka talaga sa puwet at kapag may balak ako hindi natutuloy kasi uulan." pang aasar nito. She blushed. Still Zion knows how to tell a joke sa maling oras. Napalitan tuloy ang pagkamiss niya dito sa pagkabuwisit.

"Nakakainis ka talaga!" hinampas niya ito sa balikat.

"Lets go na Feena! They're waiting!" yaya nito sa kaniya. Binuksan muli ni Zion ang dalang payong at sumukob doon si Feena.

Patuloy pa din ang lakas ng ulan.

Napatingin ang dalaga sa lalakeng kasabayan niya sa paglalakad. Zion gained height and he's physically fit. Madami na itong pinagbago. Lalo at ganap na itong arkitekto sa Madrid.

"What?" nagulat siya nang tignan siya ni Zion. Nahuli siyang sinusulyapan ang binata. Umiling siya at nakaramdam ng hiya. Its not the same Zion back in college. And she still remembered how she said I love you. Its embarrasing for her dahil hindi pa niya naririnig mag I love you sa kaniya si Zion. Except on letters.

Huminto si Zion sa paghakbang.

"Bakit ka huminto?" pagtataka ni Feena. Suddenly nahulog ang payong na hawak nila. Raindrops started to pour on them. Pero ang malamig na pakiramdam mula sa hangin na may kasamang ulan ay hindi nararamdaman ni Feena ngayon, dahil sa bisig ng kasama niyang binata ngayon na sumasaklob sa kaniyang mga
labi ay ang tunay na nagbibigay sa kaniya ng init. Ito ay init ng pagmamahal.

Sandali pang dumampi ang labi ni Zion sa kaniya bago ito suminghap. Humalik pa siya sa noo ng dalaga.

"I missed you." wika niya habang magkadikit ang mga noo nila. Hinawakan ni Feena ang mga malalaking palad ni Zion na nakahawak sa magkabila niyang pisngi.

"I missed you more." she replied.





--

End ♡

Hopefully nagustuhan ninyo ang kwento ni Feena but wag kayo mawalan ng pag-asa dahil hindi pa nagtatapos ang kwento ni Sandro our next hero for his own story.



The Professor's Daughter ! ✔Where stories live. Discover now