T w e n t y

3.7K 82 1
                                    




Tahimik ako sa front seat habang wala din imik sa pagmamaneho si Papa. Nakatuon lang ang atensiyon niya sa daan. Hindi ako makakilos ng maayos, kinakabahan ako na baka magsalita siya na patungkol sa akin. Simula kasi ng masaktan niya ako, hindi na kami nag uusap. At ayoko din siyang kausapin.

"Feena.." Nagulat ako ng banggitin niya ang pangalan ko. Dahan dahan ko siyang nilingon. Natatakot ako na baka sermon nanaman ang lumabas sa bibig niya.

"Whatever happens. Trust me. Trust your father." Wika niya sa mababang tinig. Hindi ko alam bakit niya sinasabi iyon. Pero pakiramdam ko may gusto siyang sabihin sa akin.

Lumingon ako sa bintanang kaharap ko.

"Opo Pa." sagot ko lang. Hindi ko na siya tinignan.

--

Magkahiwalay kaming lumakad ni Papa papasok sa school. May sumalubong kasi sa kaniyang estudyante na mukhang may concerns about sa academics niya. Sinusundan ko lang ng tingin si Papa. Nalilito pa din ako sa gusto niya iparating.

"Feena!" nagulat ako sa humawak sa balikat ko. Lumingon agad ako at nakita si Zion.

"Zion! Where have you been!" tanong ko kaagad sa kaniya. Ilan araw kasi kaming hindi nagkita at wala akong balita sa kaniya. Para soyang kabute talaga.

Humawak siya sa batok niya at patawa tawa.

"May inasikaso lang. Eh kamusta kana naman? Hindi mo ata kasama si Sam?" bigla ko nga naman naalala si Sam. Alam kong may tampo yon dahil hindi aki nagpaalam sa kaniya at may utang pa ako sa kaniya. Sinalo niya kasi ang absences ko kay Sir Jared. Lumingon ako sa paligid.

"Hindi ko pa nga nakikita." pagtataka ko.

"Is that her and Blake?" sinundan ko ang turo ni Zion at laki namin gulat nang makita ang dalawa na magkasama. Sabay pa silang naglalakad at masayang nagkukwentuhan.

"Akala ko ba iniiwasan niya yan?" asked Zion at agad akong tumango. Yon din ang alam ko.

"Isang araw lang ako umabsent. Ang dami ng nangyari kay Sam?" tanong ko sa aking sarili. Hinintay namin silang makarating sa kinatatayuan namin hanggang sa mapansin nalang kami ni Sam.

"O Feena at Zion, nandiyan na pala kayo?" nagkatinginan pa kaming dalawa at ngumiti kay Blake na katabi lang niya.

"Hi.  Nagkape lang kami sandali. Mauuna na din ako." paalam sa amin ni Blake at nauna na siya. Pasimple pa siyang lumingon kay Sam na parang namimilipit sa kakiligan.

Naghintay pa ako ng ilan minuto hanggang sa mawala na sa paningin namin si Blake at hinampas ko sa balikat si Sam.

"Ano yon! Ano yon? Close na kayo?" mabilis kong tanong sa kaniya at mabilis niya akong tinanguan. Nagulat ako.

"Wala akong alam. Ngayon lang ako pumasok." wika ni Zion.

"Guys, calm down. Okay na kami ni Blake. Were friends." nakatawa niyang sinabi. Umiling iling ako at hindi makapaniwala sa sinasabi niya.

"Friends ka diyan? Eh may pakape kape pa kayo."

"Okay. Mahabang istorya. Pero Blake is now courting me and its official." lalo akong naguluhan sa nangyari.

"Akala ko ba, he rejected you?" Tanong ni Blake.

"Yeah yon din ang akala ko. Pero may other side pala ang kwento na yon." paliwanag niya. Pahapyaw akong tumingin sa wrist watch ko and its almost eight. Magsisimula na ang klase namin kay Papa. Mabilis kong hinawakan si Sam sa braso at hinatak. Naputol ang pag uusap namin tatlo.

The Professor's Daughter ! ✔Where stories live. Discover now