Napahikab nalang siya sa pagod at antok na nararamdaman hanggang sa hindi niya namalayang nakatulog siya.

Maganda ang naging gising ni Yeonjun dahil naging maganda ang tulog niya sa hindi malamang kadahilanan. Hindi niya alam kung paano siya nagkaroon ng magandang tulog, ngayon lang ito nangyari ulit sa kaniya sa loob ng tatlong taon, simula noong mangyari ang trahedyang yon.

Nagtataka siya dahil hindi naman siya uminom ng sleeping pills para gumanda ang tulog niya ng ganon.

Maybe because I drank too much.

Napatango-tango siya dahil sa naisip niya. Naisip niyang dahil sa kalasingan ay hindi siya nagkaroon ng bangungot.

Umupo siya sa pagkakahiga at napakislot din agad siya dahil sa sakit ng ulo niya. Bakit ba kasi ang aga-aga ay uminok siya?

“Fucking hang over.” Bulong niya habang hinihilot ang sintido niya.

Nang medyo umayos ang pakiramdam niya ay nag-unat-unat siya saka tumayo na sa kama pero napahinto din siya agad nang makarinig ng ungol. Sinundan niya kung saan nanggaling ang tunog na yon at napataas ang kilay niya nang makita ang personal assistant niya na mahimbing ang tulog habang nakadukdok ang ulo sa gilid ng kama niya.

Natawa siya nang makita ang bahagyang nakaawang na labi nito at naririnig niya pa ang mahihinang hilik nito.

Kababaeng tao...

Napailing-iling nalang siya saka inilapit ang ilong sa bibig nito at inamoy ang hininga nito. Nang maamoy ito, napangisi nalang siya dahil mukhang kanina pa natutulog ang dalaga base sa amoy ng hininga nito.

Nakita din niya ang planggana na may tubig at isang panyo sa side table niya, mukhang pinunasan pa talaga siya nito. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit parang may pumisil sa puso niya nang maisip niya yon.

Mukhang inalagaan siya nito habang natutulog siya, napansin niya din ang suot niyang damit na pinalitan ng dalaga.

It's been a long time since someone took care of me. And I didn't expect that, that 'someone' will be Yumi. My annoying personal assistant.

Naglakad siya papunta sa direksyon ng dalaga at walang sabi-sabing pinangko ito. Inihiga niya ito sa kama at ini-angat ang kumot hanggang leeg nito. Nang magawa niya iyon ay umupo siya sa tabi nito saka ginulo ang buhok nito.

“Thanks for taking care of me but, I really wish that I didn't say anything to you while I'm drunk.”

Wala kasi talaga siya sa sarili niya kapag lasing siya, alam niyang sariling ganon siya kaya hindi niya sinubukang makipag-inuman kahit kanino man maliban kay sa kaibigan niyang si Kaze dahil hindi niya kontrolado ang sarili kapag nakainom siya.

Pero iba ang kaso ngayon, nakita siya ni Yumi na lasing at posibleng may nasabi siyang bagay dito.

Sinulyapan niya muna ito bago tuluyang lumabas ng kwarto. Sumalubong sa kaniya ang malinis na kapaligiran na sobrang kalat kahapon dahil sa kaibigan niyang si Kaze na kung makapag-kalat ay parang bahay niya.

Kaya hindi na siya nagtaka kung bakit mukhang pagod na pagod si Yumi kanina dahil sa paglilinis. Nagmukha na kasi talagang tambakan ng basura itong unit niya dahil kay Kaze.

Mister Superstar ll Choi Yeonjun ✔️Where stories live. Discover now