“Nasa Tagaytay sila ngayon. Ang sabi ng nakapagsabi sa amin ay kakalipat lang nila doon. Pabago-bago daw sila ng lugar na tinitirhan kaya hindi mahanap ng private investigator ko ang eksaktong lugar kung nasaan sila, mukhang alam ng ama mo na pinapahanap mo sila kaya ganon ang ginagawa niya.”

“Wise thinker, huh?” Naibulong nalang ni Yeonjun habang nakangisi.

“At sabi pa ng nakapagsabi sa amin ay mukhang maayos naman ang kapatid mo. Hindi naman daw ito mukhang naghihirap sa kamay ng ama mo.” Dagdag pa ni Kaze.

“As I've said, my father is a wise thinker. Pwedeng binayaran niya yung tao o kaya naman ay inutusan niya si Innah na magpanggap na ayos lang ito. Who know's, Kaze? Masiyadong hayop ang ama ko para paniwalaan ko na maayos ang lagay ni Innah sa kaniya.” Ani ni Yeonjun habang mahigpit ang pagkakawak sa tasa na halos mag-crack na.

“Bakit niya naman babayaran yung taong gustong mag-sumbong sa kaniya? Paano kung totoo nga yung sinasabi ng taong yun?”

“I want to see it in my own eyes, I want to hear if from Innah. At kapag nalaman kong nagsisinungaling ang taong nakapagsabi sayo niyan, I will skin him or her alive, together with my father.” Si Yeonjun na ngayon ay nagngi-ngit-ngit ang ngipin sa galit.

Nawala ang emosyon na nararamdaman nito kanina at ang saya sa puso niya, nabalot agad yon ng pagkamuhi, pagkamuhi sa sarili niyang ama. Naiisip niya pa lang ang posibleng pinag-gagagawa nito kay Innah ay parang gusto na niyang maging kriminal at makapatay.

“So, what's your plan now?” Tanong ni Kaze na parang wala lang sa kaniya ng galit ni Yeonjun.

Sanay na naman kasi ito, sa tatlong taon niya ba naman itong makitang ganiyan e, hindi na siya natatakot o kinikilabutan man lang ngayon kaysa noong una niya itong makitang ganito.

“Pupuntahan ko sila, babawiin ko na agad si Innah.”

“Paano ang trabaho mo dito? Hindi niyo pa tapos ni Samantha ang movie na ginagawa niyo di ba?”

“Do I look like I care? I have money and power now, Kaze. Sa dami ng pera ko, kayang-kaya ko nang buhayin si Innah kahit wala na ang propesyon ko. And also, there's too many actors in the showbiz industry, pwede nila akong palitan, they can take my role when I leave. So, I don't need to worry about that.” Balewalang sagot ni Yeonjun saka inubos na ang kape sa tasa niya.

“Grabe, hindi mo man lang ba minahal ang pagiging artista? Kahit konti?” Reklamo ni Kaze. Tinignan lang siya ni Yeonun gamit ang blangko nitong mga mata.

“I'm not like you, Kaze. Hindi ako katulad mo na pinangarap na maging artista simula pagkabata. Hindi ako katulad mo na ginusto ang pagiging artista. I didn't enter the world of showbiz-ness because I like it, I enter that world because I need money and power so that I can find my sister.”

Napabuntong hininga nalang si Kaze dahil sa isinagot nito.

“Pero, kahit kailan ba ay hindi mo nagustuhang pagiging artista?”

“Of course, there are times that I like being an artist. I like it everytime I'm being tired of it.”

Napakunot ang noo ni Kaze dahil sa isinagot nito.

“Ano? Hindi kita gets.”

“I mean, I like being a star when It's making me tired, example, when I get exhausted after the shooting. You want to know why? Because when I'm tired, it's making me foget that I have a as-shole father who stole my sister, that, I need to find my sister to fulfill my promise to Mom.” Nakatingalang sabi ni Yeonjun habang inaalala ang panahong gumawa siya ng pangako sa harap ng kaniyang ina na nag-aagaw buhay.

Si Kaze naman ay natahimik nalang saka napayuko.

“Fuck, I need a beer. Do you want to drink?” Tanong ni Yeonjun kay Kaze.

“Thanks but no thanks. Ayokong uminom sa umaga, isa pa, may lakad ako.”

“Kay.” Maikling sagot ni Yeonjun at nagkibit-balikat bago dumiretso sa kusina at kumuha ng isang lata ng beer doon.

Pagbalik niya sa dining area ay wala na doon ang kaibigan, naisip niya na baka ay umalis na ito kaya tahimik lang siyang bumalik sa upuan niya at sinimulang tunggain ang beer.

Biglang bumalik sa alaala niya ang mga alaalang dapat ay kinakalimutan na niya pero hindi niya magawa, dahil kahit anong gawin niyang pagkalimot ay patuloy pa din siyang binabangungot tungkol dito. Kailangan na talaga niyang makuha ang kapatid para matapos na ang lahat ng ito.

Nakaka-tatlong beer na siya at nakaka-dalawang bote ng alak nang pumasok si Yumi sa unit niya. Nang makita siya nito ay agad nitong inagaw ang baso ng alak na hawak niya saka sinermunan siya.

“Hoy, boss! Ang aga-aga, umiinom ka! Kung makainom ka ng alak parang tubig nalang sayo ah, kung palaklakin kaya kita ng isang jug?” Aniya nito.

Natawa nalang si Yeonjun dahil doon. Masiyadong malaki ang pagkakaiba nila ng kapatid niya, si Tania ay tahimik lang habang ito naman ay pala-sigaw.

“Natatawa ka pa diyan. Hmp!” Inis na sabi nito.

Napailing-iling nalang siya saka hinawakan ang kamay nitong nililigpit ang mga lata at bote ng alak na naubos niya.

“Hey, Yumi.” Papikit-pikit niyang sambit.

“Oh, bakit?” Mataray nitong tanong. Kahit hindi niya ito masiyadong maaninag ay sigurado siyang nakataas ang isang kilay nito.

Tumayo siya kahit nanginginig ang mga tuhod niya. Ipinantay niya ang mukha sa dalaga at tsaka pinagka-titigan ang mga mata nito.

Ngumiti siya ng matamis pero agad din yong nawala.

“Can you make me happy? Please? Because I'm tired of being alone and sad.”

Mister Superstar ll Choi Yeonjun ✔️Where stories live. Discover now