“S-S-S-Salam-mat.” Nagkanda-utal-utal na siya dahil sa sari-saring emosyon na nararamdaman niya.

Gustong-gusto na niyang magsisi-sigaw sa kilig at magtata-talon pero mamaya na niya gagawin yon kapag wala na si Kaze sa harap niya. Nakakahiya naman kasi kung makita siya nitong kiligin.

Ang dami ko talagang benefits na nakukuha dahil kay Yeonjun!

“Stop flirting with her, Kaze.” Pagsingit na naman ni Yeonjun habang nakatingin ng masama sa kanilang dalawa.

Kanina pa siya bad mood dahil hindi siya nakatulog ng maayos, una, ang agang dumating ni Yumi at pangalawa ay may ipis siyang nakita. Bibili talaga siya ng isang box ng insecticides at iee-spray yun sa buong unit niya para mawala na ang mga pesteng monster na yon.

Nawala yun saglit dahil ipinagluto siya ng dalaga pero agad ding nabalik ang inis niya nang makitang naglalandian ang dalawa sa harap niya. Halata namang nilalandi lang ni Kaze si Yumi at halata ding gusto yon ni Yumi.

Napairap nalang siya.

A flirt and a flirt. What a good combination.

Nasabi niya nalang sa isip niya.

“Why are you here?” Tanong niya kay Kaze na ngayon ay nakatayo na ng tuwid. Bumaling ulit ito kay Yumi na nakatulala ngayon.

“Ahm, Yumi? Can you leave us alone for a while? We will just talk about some matter.” Sabi ni Kaze habang nakangiti sa dalaga.

Parang wala naman sa sariling tumango si Yumi saka lumabas ng unit. Napairap na naman si Yeonjun dahil doon.

“What is it?” Tanong ulit ni Yeonjun pero imbis na sagutin siya ni Kaze ay kinuha nito ang kape niya at akmang iinumin yon nang pigilan siya ni Yeonjun.

Hinablot nito ang kape mula kay Kaze saka hinawakan ng mahigpit na parang may kukuha nito.

“Pahigop lang!” Si Kaze habang pilit na kinukuha ang kape mula sa kaniya pero hindi siya pumapayag na kunin nito yon. “Ang damot mo naman!” Reklamo ni Kaze saka sumuko na.

“It's mine, get your own.” Ika ni Yeonjun.

Ayaw niyang bigyan ng kape ang kaibigan dahil importante ang kapeng yon para sa kaniya. Ang kapeng yon ay ang kauna-unahang kape na natikman niya sa loob ng tatlong buwan.

Wala naman kasi talagang nagtitimpla ng kape sa kaniya. Hindi pumupunta si Tania dito sa unit niya kahit naman ibinigay niya ang pin ng unit niya sa dito. Isa pa, hindi din siya marunong magtimpla, sa maniwala man kayo o sa hindi at wala din siyang time para bumili sa café.

“Parang kape lang pinagdadamot mo pa.” Reklamo ni Kaze habang nakanguso.

“Sabihin mo nalang kung anong kailangan mong sabihin para makalayas ka na.” Si Yeonjun na umirap pa.

“Kay, fine!”

Padabog na umupo si Kaze sa upuan kanina ni Yumi saka nag-seryoso na. Si Yeonjun naman ay simimsim sa kape niya.

“May lead na kami kung nasaan ang kapatid mo at ama mo.” Panimula nito.

“Where?” Agad na tugon ni Yeonjun.

Mister Superstar ll Choi Yeonjun ✔️Where stories live. Discover now