"Margarette, don't be mad please... Look wala---"
"Hoy bessy si Mark ba yang kausap mo? Hula ko siya e, kung makangiti ka diyan mukha ka ng tanga---" nabigla ako nung kinuha ni Maxine yung cellphone ko, "Hoy Mark huwag mo ngang pakiligin tong---" agad kong binawi pabalik yung cellphone ko tsaka yon pinatay!
"Maxine!"
Patay malisya siyang tumingin sakin.
"What?" Ugh!
Maya maya ay nagvibrate ulit yung phone ko, ayokong tingnan! Kainis naman kasi tong si bessy!
From: Anthony 💕
Pinapakilig ba kita? Haha. I love you. :)
Agad na napakunot yung noo ko. Asar to ah!
To: Anthony 💕
Tse! 😡😡😡 Mag-aral ka na nga lang diyan! Uuwi na kami!
Tinago ko na yung cellphone ko at sakto namang pabalik na si Lisa.
"Tara na?" Tumango na ako,
"Hoy Maxine! Tara na aba!"
Nagmake face lang siya sakin at tumayo na din. Wala din naman kaming gagawin dito at isa pa boring. Habang naglalakad kami papuntang harap ng Academy ay nagkwentuhan muna kami. Magcocommute kami ngayon dahil pinahatid kami ni daddy doon sa driver kanina.
"Anyways, bakit ba ayaw mo pang tanggalin yang salamin mo Pres? You know, mukha ka pa din tuloy nerd."
"Oo nga. Hindi naman malabo yung mata mo." Panggagatong naman ni Maxine. Sanay na akong ganito yung itsura ko e, bat ba.
"Maganda pa din naman ako kahit na mukha akong nerd. Tsaka hindi naman ako mukhang manang!" Dipensa ko. Totoo naman. Isa pa, nasanay na kasi akong suot tong salamin ko, tapos dagdag pa yung braces ko.
"Sus, ang kapal." Nag-apir naman ang dalawang bruha. Ang mga 'to ako nanaman ang trip!
"Maiba tayo, hindi ko nakita si Lucy ngayon ah." Oo nga no? Hindi ko na din siya napapansin nitong mga nakaraang araw. I mean parang ordinaryong school mates na lang kami.
"Oo nga! Pero nakita ko yung friends niya kanina, I mean nadaanan ko lang. Pinag-uusapan nila si Lucy," kibit balikat na sabi ni Lisa.
"Ano namang sabi?" Curious kong tanong, sa panahon kasi ngayon bihira na lang ang totoo. I mean, ako, kami, kahit na pare pareho kaming may ugali totoo naman kami at hindi plastic.
"Ang pagkakarinig ko ay hindi siya papasok ngayon kasi may pupuntahan yata? Hindi ko masyadong maintindihan e."
Napatango na lang ako. Pupuntahan? Baka dumating na sina tita. Isa din kasi sa dahilan kung bakit kami nagkasundong tatlo is because of our parents. Pare pareho silang nasa mundo ng mga business man and women, at laging nasa ibang bansa kaya ayon, naiiwan kami palagi. Although kahit ganon ay pinaparamdama naman sakin ni daddy noon yung pagiging ama niya sakin.
Pagkauwi namin ni Maxine sa bahay ay sinalubong kami kaagad ng dalawang maid. Napabuntong hininga na lang ako. Ayokong kumukuha ng maid dahil gusto ko ngang mapag-isa, well, noon.
Binati nila kami ni Maxine atsaka kinuha ang mga gamit namin. Nagkatinginan kami, nagkibit balikat siya at napailing na lang ako. Nauna ng umakyat si Maxine, napagod daw ang bruha at gusto munang matulog.
"Nasaan sina... daddy?"
"Nasa company po." Company?
"Anong company daw?"
"Hindi po sinabi e, basta ang sabi lang po ni sir ay pag nagtanong daw kayo kung nasaan sila sabihin naming nasa company lang sila." Mahabang litanya nung kumuha ng bag ni Maxine.
"Ahh.."
"At sabi pa po ay babalik sila before dinner, kung may lakad daw po kayo ay icancel niyo iyon." Napakunot naman ang noo ko. Anong meron? Tumango naman ako at ngumiti tsaka nagpasalamat.
"Walang anuman ma'am, alam niyo po kabaliktaran kayo nung sinasabi ni Madame Violet. Ang bait niyo naman pero sabi niya hindi daw." Ang isip bata, siraan ba daw ako sa mga bagong maids. Wow ha.
"Hayaan niyo na. Masama talaga ang ugali ko minsan, bayaan niyo makikilala niyo naman ako pag nagtagal." Nginitian lang nila ako at nagpaalam para makapagtrabaho na.
Dumiretso na ako sa kwarto at pagdating ko doon ay tulog na ang bruha habang hawak yung phone. Mukhang nakatulugan nito si Stephan. Kinuha ko yung cellphone niya atsaka nilagay sa bed side table, nilabas ko din yung cellphone ko at may dalawang missed calls at 3 text messages doon. Galing kay Anthony yung dalawang tawag habang yungvtatlong text ay galing kay Stephanie, Unknown number, at kay Anthony ulit.
Sms from: Stephanie 💋
Hi ate Ven, imissyou both! Bonding tayo soon! Girls bond! Hihi.
Sms from: Unknown number
Mag-iingat ka...
Kinilabutan ako nung mabasa ko yon, sino nanaman 'to? Ba't ba trip na trip ako ng mga tao ngayon? Kapikon na ha!
Sms from: Anthony 💕
Okay. Take care, see you soon. :)
Napangiti nanaman ako. Nakakainis. Nireplyan ko naman lahat kahit yung unknown number. Bwisit e. Humanda 'to!
To: Stephanie 💋
Hi Stephanie! Wemissyoumore! Sure. See you soon. 💋
To: Unknow number
Pizza delivery. Yes ma'am/sir! I'll take care of myself and your pizza. Just wait a sec! :)
To: Anthony 💕
Opo. Nasa bahay na kami. Ingat ka mamaya pag-uwi. Iloveyouuuu! Hohoho. Sleep muna ako, kapagod e. 💤
Nilapag ko na din sa bedside table yung cellphone ko at tinulak tulak si Maxine para makahiga na ako. Ang babaeng 'to sinakop lahat ng pwesto. Ng makakuha na ako ng pwesto ay humiga na ako at dahil na din siguro sa pagod kakalakad kaya nakatulog din ako kaagad.
-
Nagising ako ng dahil sa katok. Tulog na tulog pa din si Maxine sa tabi ko at gusto ko din na matulog pa. Kumatok nanaman yung kanina pa kumakatok kaya tumayo na ako, napatingin ako sa bintana at papalubog na yung araw. Pagkabukas ko ng pinto ay sumalubong sa akin yung isa sa mga maid kanina.
"Ma'am pasensya na po sa abala, pero pinapasabi po ni Madame na kailangan niyo na daw pong mag-ayos, aalis daw po kayo mamayang 7."
"Andyan na sila?"
"Opo." Tumango naman ako pagkatapos ay umalis na siya. Anong oras na ba?
Inaantok pa ako. Ginising ko na si Maxine at sinabi na maghanda na tumango lang siya at nauna pa sa banyo, feeling ko tulog pa diwa non.
-
Naglalakad na kami ngayon papasok sa isang italian restaurant. Hindi ko alam kung bakit kami nagpunta dito, I know this is not just an ordinary dinner.
"Venice.. may idea ka ba kung bakit tayo magdidinner dito?" Umiling lang ako bilang sagot. Tinext ko na din si Anthony para ipaalam 'tong about sa dinner thingy na 'to para alam niya if ever na di ako makakapagreply.
Pagpasok namin sa resto ay binati agad kami nung mga staffs, hindi naman sila pinansin nina daddy kaya sumunod na lang din ako at ganoon din si Maxine. Nakasuot kami ng simpleng dress. Backless ang kay Maxine at turtle neck ang akin na parehong kulay itim.
"Dad..." basag ko sa katahimikan, sabay sabay naman silang napatingin sakin.
"May inaantay po ba tayo?"
"Yes. They will be here in a few minutes, are you already hungry?" Para naman akong batang niregaluhan ng barbie nung tinanong yon ni daddy. Isa pa to sa namiss ko, agad namang tumaas yung kilay ni Auntie. Kontrabida talaga.
"Hindi po." Sabi ko na lang at ngumiti. Tumingin tingin na lang ako sa design nitong vip room kung nasaan kami, makaluma yung disenyo dito at madaming paintings. Napatigil ako sa pagoobserve sa room nung kinalbit ako ni Maxine.
"What?" Nginuso niya yung mga nasa pintuan ngayon at literal na nanlaki yung mga mata ko nung makilala ko kung sino ang mga yon. Anong ginagawa nila dito!?
ESTÁS LEYENDO
A Nerd With Class
Novela JuvenilSa buhay, may tatlong bagay na importante sa isang tao. Kaibigan, pamilya, at ang taong mamahalin nito ng higit pa sa buhay niya. Si Margarette Venice Park ay mayroon nito, pero paano kung ang perpektong buhay niya noon ay maging miserable? Kaka...
ANWC: 32
Comenzar desde el principio
