CHAPTER TWELVE

13.2K 170 2
                                    


DAHIL sa mga sinabi ni Jopet sa kanya ay lalo nang hindi mapakali si Olive. Nag-text siya kina Alyssa at Marlon na kung pupuwede silang mag-jamming. Agad namang sumagot si Alyssa. At si Marlon, ang bakla niyang kaibigan na matagal-tagal din niyang hindi nakakakuwentuhan ay nagpapakipot pa.

"Himala, na-miss mo yata ako,"  reply ni Marlon  sa kanyang text message. "Anong hangin ang nagtulak sa iyo na magyayang mag-bonding?"

"Huwag ka nang maarte pa, Bakla. Sige na, kitakits na tayo dito sa bahay namin. Umalis si Madir kaya wala akong kasama. " In-invite ang nanay niya ng kaibigan nitong real estate broker, birthday party raw. Ang gusto sana ng nanay niya ay isama siya ngunit dahil nga may morning classes siya kinabukasan kaya nagpaiwan siya.

Nang makaalis ang ina ay dali-dali siyang nagluto ng spaghetti at naggayak ng egg sandwich para pagsaluhan nilang magkakaibigan.

Unang dumating si Alyssa. Kahit na iisang unibersidad sila pumapasok, dahil sa lawak ng SVU ay bihira silang magkita o magkasalubong man lang. Puwera na lang kung sasadyain nilang magkita which is madaling  mangyari dahil  sa conflicting ang  kanilang mga oras.

Si Marlon naman ay sa ibang school, HRM naman ang kurso nito.

Makaraan ang kinse minutos ay dumating si Marlon. Beso-beso rin sila. Natuwa naman siyang makita ang lalaki. Hindi pa rin nagbabago ang pangangatawan nito. Matipuno pa rin, lalaking-lalaki ang pananamit at nagpatubo pa ng bigote ang hitad. Iyon nga lang, kapag nagsalita na ito, bigay na bigay lalo pa at ang kasama ay silang mga kaibigan nito.

"Musta na mga gurls?!" tumitiling bati ni Marlon. "Lalo yata tayong gumaganda. Ano, nakarami na ba kayo?" Bineso rin nito si Alyssa.

Wala sa loob na inoobserbahan niya ang kaibigang bakla. Ngayon lang siyang nagkainteres na suriin itong mabuti. Lihim niyang pinag-aaralan ang gestures nito, ang pagsasalita, ang hands and body movement.

Hindi maarte magsalita si Kiel. Oo, lengguwaheng bading marami itong alam. Hindi naman nakakapagtaka komo madalas kahalubilo nito ang mga kabataan sa riles. Pero iba ang galaw ni Kiel kay Marlon.

Hay ano bang iniisip mo, Olivia? Tama na nga.

"Loka! Haliparot ka pa rin, Lou," wika ni  Alyssa na tawa nang tawa. "Igaya mo kami sa iyo nagpaparami."

"But of course. Remember, strikes while the iron is  hot. Huwag ninyo sabihing zero pa rin ang love life ninyong dalawa ha?"

Nag-blush si Alyssa. "Tiwalag na ako sa NBSB. Kaya hindi na ako No-Boyfriend-Since-Birth. And... " Ibinitin pa nito ang kasunod na sasabihin. "Gurls, ang totoo, na-try ko na. Ewan ko lang si Olive kung ano na ang status."

Nandidilat naman ang mga mata ni Olive, hindi makapaniwala sa isiniwalat ng kaibigan. "Totoo nga, Ally? Lukaret ka. Paano kung--"

Ang lakas ng tawa ni Marlon. "Wow, mukhang ikaw na lang ang ignorante, Olivia Baby. I pity you."

Inirapan niya ang lalaki.  "Nagka-bf naman ako, 'di ba? Si Tonton. Pero hanggang smack lang sa lips ang nangyari nun."

"At hanggang ngayon, iyon lang 'yon ang alam mo?"

"Hay naku, ayoko pang i-try," irap niya sa dalawa. "No-boyfriend muna. Nag-promise ako ke madir."

"Well, nasa iyo yan, Olive. Siyempre, choice mo 'yan. Ako naman kasi... eh, love ko naman si Vince, at saka we used protection naman para alam ninyo na... hindi mapasubo. Nag-iingat hanggang sa makatapos kami at makapag-work."

"At least, marunong. Pero minsan 'yang ingat-ingat na 'yan sumasablay rin. Teka, maiba ako, kumusta naman kayo ng bespren mo?" Biglang nagseryoso si Marlon.

MY LOVE, MY VALENTINE (Completed/unedited version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon