CHAPTER THREE

19.3K 244 1
                                    


"BAKLUS!" mataginting na tili ni Olive sa kabilang linya.

Awtomatikong nailayo ni Kiel ang cell phone sa kanyang tainga. Hanggang ngayon, magdadalawang taon na siyang tinatawag ni Olive na baklus ay hindi pa rin nawawala ang kanyang pangingilo sa tuwing maririnig iyon.

"Ano na naman ba? Kung makatili ka abot hanggang Tagaytay. Malakas ang signal kaya hindi mo kailangang sumigaw sa cell phone. At wala ka rin sa bundok. Nasa SVU tayo pareho."

"'Asan ka ba kasi?"

"Dito sa gym. Eh, ikaw ba?"

"Gosh! Gusto kong himatayin, Baklus. Puntahan mo ako rito , sa tapat ng bulletin board. Bilis! Now na, ha!"

"Eh, bakit ba?"

"Basta! Dalian mo."

"Lukring, sabihin mo muna kung tungkol ba saan at pinagmamadali mo akong pumunta diyan. Busy ako." Kilala ni Kiel ang dalaga, bukod sa may pagka- KSP, kulang sa pansin, ay si Miss Exaggerated din ito.

"Wee, busy raw. If I know, nagsa-sight-seeing ka lang dyan ng mga abs at bulge. Pumunta ka na kasi rito at gusto kong makita mo ito."

"Oo na!" pabulyaw na sagot ni Kiel, narinig pa niyang bumungisngis si Olive at saka pinutol ang tawag. Katatapos lang nilang maglaro ng basketball. Dali-dali na niyang binitbit ang kanyang bag. kahit pawisan ay dumiretso na siyang lumabas ng gym. Hindi rin naman niya gustong paghintayin nang matagal ang kanyang best friend.

Ang sinasabing bulletin board ay naroon sa main building ng Sain Vincent University. Malalaki ang hakbang na tinungo ni Kiel ang naturang building. Malayo-layo rin iyon mula sa gymnasium.

Pagpasok pa lamang ni Kiel sa maluwang na hallway ay tanaw na agad niya si Olive, kandahaba ang leeg sa pagtanaw din sa kanya. Napansin kaagad ni Kiel ang ngiti ni Olive na abot-tenga. Nakasuot ang dalaga ng puting skinny jeans at red short-sleeved polo na ang mga dulo ay pinagbuhol sa harap. At dahil skinny jeans kaya kitang-kita ang hubog ng katawan nito.

Isa sa mga assets ni Olive ang "behind" nito. Long-legged, sobrang tambok pa ng pang-upo nito. Kahit napakatakaw kumain ng dalaga ay hindi naman tumataba. Alam ni Kiel ang vital statistic nito, 36-25-38.

Nakasuot si Olive ng 2-inches pump. Feel na feel naman talaga nitong magsusuot ng matataas na takong na sapatos sa pagpasok gayong ilang beses nang kamuntik nang sumubasob sa tuwing kasama niya. Mabuti na lang at naaagapan niya.

Napansin ni Kiel ang grupo ng kalalakihan sa hindi kalayuan na pawang mga nakatingin kay Olive. He wondered kung aware si Olive na takaw-pansin ito sa mga kalalakihan. Gayunman, walang balak si Kiel na ipamalay sa kaibigan dahil malamang na lalo itong magkaroon ng hangin sa ulo. Sa madaling salita, ayaw niyang mas lalong bumilib sa sarili si Olive.   Sa puntong iyon, hindi niya rin malaman ang dahilan kung bakit ganoon siya. Ayaw ni Kiel na magkaroon ng ideya si Olive na  totoong malakas ang karisma nito sa mga lalaki.

"Ano naman kayang meron?" sa loob-loob ni Kiel habang papalapit sa dalaga.

Two days ago ay ganoon din ang eksena. Tumitiling tinawagan siya ni Olive para sabihing pupunta raw ito sa kanyang bahay. Nang malaman na wala pa siya sa bahay, inapura siyang umuwi na dahil may dala raw itong masarap na lumpiang shanghai at lutong ulam na pinahuhulaan pa sa kanya kung ano.

Nasa date si Kiel ng araw na iyon, kasalukuyang may kabolahang chick na nagtatrabaho sa HR department ng Panasonic Industrial Sales. Ang babae ay suki ng kanilang boutique kaya regular silang nagkakapalitan ng mensahe. Sa Starbucks Nuvalli sila nagkita at mauuwi na sana sa magandang pangyayari kung hindi lang tumawag ang kangkarot niyang kaibigan.

MY LOVE, MY VALENTINE (Completed/unedited version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon