CHAPTER TEN

13.8K 169 7
                                    

PAGKATAPOS ng first set, nag-break muna ang banda. Kanina pa nakita ni Kiel na naroon si Olive, kasama nito sa mesa si Hito. Magkadikit ang mga braso ng dalawa.

Dapat nga matuwa siya dahil hindi niya akalain na naroon pala si Olive. Subalit mas nangibabaw ang iritasyon sa kanya nang mapansin na umiinom ng beer ang kanyang best friend kasama si Hito. At mukhang may "something" na nga yata ang dalawa.
Ibayong awat sa sariling huwag nang lumapit sa mga ito ang napagtagumpayang gawin ni Kiel.

Bumalik  na siya sa mesa nila ni Natasha. Pawis na pawis siya. Mabilis namang naglabas ng panyo si Natasha at akmang pupunasan siya.

"Ako na lang. Nakakahiya naman sa iyo," wika niya sa  ka-date.

"Wala iyon. Basang-basa ka na ng pawis."

"Okay lang ako. Magpapalit na lang ako ng shirt mamaya." Siya na ang nagpunas sa buong mukha gamit ang panyo nito. Titig na titig sa kanya si Natasha. Titig na punumpuno ng admirasyon.

Ngunit kung si Olive sana iyon, baka napupog na niya ng halik.

Oh, great! Now he was imagining imposible things.

May ka-date na iba ang best friend niya.

Hindi mapigilan ni Kiel ang sarili. Sa sulok ng kanyang mga mata ay  nakikita niya kung ano ang ginagawa ng dalawa.  Nakatingin si Olive sa gawi niya. Nakita niyang kumaway ito sa kanya kanina. Marahil ay naghihintay ito na lapitan niya. 

Mayamaya ay naramdaman niyang nag-vibrate ang kanyang cell phone. Galing kay Olive ang text message.

"Baklus, tinubuan ba ng kulaba  ang mga mata mo at hindi mo ako nakikita? What time kayo matatapos?"may kasama pa iyong emoticon na nakasimangot.

Pinag-iisipan niya kung rereply-an ang kaibigan.  May sinasabi si Natasha sa kanya, dahil maingay kaya inilapit nito ang bibig sa kanya. Nagpapaalam ito na pupunta lang ng restroom. Bulong din sa tainga nito ang naging tugon ni Kiel. "Go ahead, Sha."

"Malamang umaga na. Bakit andito ka? Alam ba ng inay mong lakad mo na ito? At may kasama ka pang Hito.." reply niya sa kaibigan.

"Hindi hito ang kasama ko. T-A-O. " sagot sa text ni Olive na may kasamang emoticon ng umuusok ang ilong.

"Ingat sa pag-uwi. Kung umuwi ka na kaya ngayon!  Tama na 'yang isang bote ng beer. Huwag kang pakatiwala sa kasama mo, kahit tao yan, baka asal hito yan. Kalma lang, bestie. Huwag kang magpapauto."

Saglit lang ay may reply na agad ang dalaga. "Sino naman 'yang kasama mo sa mesa? Dyolalay mo? Ano siya, tibo? Ano yung nakita ko, sweet-sweet-an kayo? Kalokah ka!"

May kasunod pa ang text na iyon. "Kailangan mo pala ng dyulalay, hindi pa ako ang kinuha mo. Hindi lang panyo ang dala ko. May kasama pang pulbos at pamaypay. At saka tarpaulin na may mukha mo. I'm your number one fan,  stick that in mind."

Hindi niya malaman kung maaasar o matatawa sa text na iyon ng kaibigan. Pinili niyang huwag nang sumagot. Papalapit na si Natasha, may matamis na ngiting nakaplaster sa mga labi nito.

Makaraan ang kalahating oras ay muli silang bumalik  sa stage. Second at last set na nila. Pagtingin niya sa gawi nina Olive ay wala na ang dalawa.

Huminga si Kiel nang malalim.. Pilit na itinuon ang isip sa pagtugtog.

ASAR na asar si Olive. Hindi  niya maitago ang naramdamang inis kung kaya pinuna iyon ni Anthony.

"Parang pamilyar yung nagda-drum. Hindi ba friend mo yun?"

MY LOVE, MY VALENTINE (Completed/unedited version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon