CHAPTER SEVEN

16K 179 2
                                    


MATAPOS kumain ng tanghalian ay sama-sama silang nanood muna ng palabas sa TV. Tamang-tama ang palabas ay ang sikat na noontime show kung saan kasali ang grupo nina Jopet.

Maging si Kiel ay matamang nanoood. Lihim na pinag-aaralan ni Olive ang ekspresyon ng kaibigan. Pakiwari niya ay parang may malalim na iniisip ito. Feeling nga niya ay wala sa palabas ang isip ni Kiel. Bakit niya iyon nasabi? Kasi kilala niya ang kaibigan. Hindi maaaring hindi ito magkomento, magbigay ng opinyon, ng saloobin hinggil sa mga bagay-bagay na nakikita o napapanood nito.

Kiel was not in his usual self. Iyon ang obserbasyon ni Olive sa kaibigan. Tila kay hirap arukin o hulaan ang tumatakbo sa utak nito nang mga sandaling iyon. Nang matapos ang palabas ay nagpaalam ang mga bata na magpapagupit. Naiwan sila ni Kiel.

"May napili ka na bang piyesa?" mayamaya ay tanong ni Kiel sa kanya habang tila may hinahanap ito sa isang Dura Box. Naglalaman iyon ng mga compact disc.

"Wala pa nga, eh," sagot ni Olive na may kabuntot na buntong-hininga.

Mayamaya ay nagsalang si Kiel ng ng CD sa component. Pumailanglang ang isang pamilyar na tugtog. "Let's get loud" ni J. Lo.

"Pakitaan mo ako ng alam mong dance moves. 'Yong seryoso ha?"

Napangiti si Olive. Paano sa tuwing may praktis ang mga ito ay nakakatuwaan niyang manggulo. Nagpapakuwela siya. Nili-lipsync ang mga tugtog sa paraang mukha siyang tanga. Kaya naman nauuwi sa tawanan ang bawat praktis ng mga ito.

"Ayoko n'yan. Hindi naman ako big fan ni J. Lo, eh."

"Bakit naman? Hindi naman kayo nagkakalayo ng "behind"."

Nandidilat si Olive sa narinig. "Aha! Type mo yata ang behind ko," biro niya na ang ngiti ay nagbabadya ng kapilyahan.

Tila nasusuyang ngumisi si Kiel. "In your dream, Olive."

"Eh, kasi pansin na pansin mo ang likuran ko. Eh, 'yong harap ko kaya try mong pansinin," patuloy niyang pamimilya rito. Ewan ba ni Olive kung bakit naisipan niyang asarin ang kaibigan.

Wow! Big time! Tama ba'ng nakikita niya? Para yatang namumula ang mukha ni Kiel...

Lukot ang mukhang inalis ni Kiel ang CD at naghagilap uli sa kahon. Saglit lang ay muli itong nagsalang ng CD.

"Hindi ko rin type si Shakira. Heto na lang, may mga songs naman sa cell phone ko.  Heto na lang muna gamitin nating sound."

Nakatayong pasandal sa dingding si Kiel, nakahalukipkip ang mga braso at nanatiling nakapako ang tingin sa kanya. 

Nagdudutdot si Olive sa kanyang cell phone, pinili niya ang paboritong patugtugin nina Alyssa at Marlon  sa tuwing magkakasama sila. Itinodo  niya ang volume  ng cell phone at pagkuwan ay ipinatong iyon sa ibabaw ng speaker.

Binigyan ni Olive ng matamis na ngiti si Kiel. "Manood ka, Maestro."

"Hey, yo, Jason Say, something to her Holla at her.... I got one question. How do you fit all that in them jeans?" Sinasabayan din ng kanta  ni Olive, kabisado na niya ang tugtog.

"You know what to do with that big fat butt... wiggle... wiggle... wiggle... wiggle... wiggle."

Tumalikod siya kaya nakikita niya mula sa salamin ang kanyang sarili at si Kiel. Pumikit siya at ini-imagine ang dance moves na napanood kagabi. Kagabi kasi ay mahigit isang oras siyang nagpraktis sa harap ng salamin ng kanyang dresser. Iyon ngayon ang ipinapamalas niyang sayaw. Dahil nakatalikod siya kay Kiel at nakapikit ang kanyang mga mata kaya hindi niya alam kung ano na ang reaksiyon nito lalo pa at iginigiling-giling niya ang kanyang may kalusugang pang-upo. Sa pagkakataong iyon ay hindi niya gustong makita sa salamin ang ginagawa at hindi niya gustong makita na natatawa o  baka nasusura si Kiel dahil siguradong madi-distract siya. Baka mauwi lang sa pagpapatawa ang kanyang gagawing sayaw.

MY LOVE, MY VALENTINE (Completed/unedited version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon