CHAPTER FOUR

17.8K 184 1
                                    


PIKON na pikon si Olive. Hindi matanggap ang sinabi sa kanya ni Kiel na "panira siya ng moment, ng eskedyul, ng kredibilidad at ng love life nito". Nagkukukot ang kanyang loob. Hindi siya dumeretso ng uwi. Idadaan niya sa kain ang nararamdamang inis.

Sa likod na bahagi ng campus ay may isa pang exit gate. Doon lumabas si Olive. Sa hindi kalayuan ay ang puwesto ng mga nagtitinda ng street food. Suki si Olive ng kwek-kwek. Ngunit  dahil ang kanyang best friend na si Kiel ay naging maarte na sa pagkain mula nang makaranas na magkasakit ng diarrhea kaya hindi na sila nagpupunta sa ganoong lugar. 

Naalala pa ni Olive ang araw na iyon na tumawag si Kiel sa kanya at nagpapatulong na ibili niya ng gamot. Pagdating niya sa bahay nito ay mukha ngang dehydrated na ang binata, hinang-hina habang pabalik-balik sa banyo. Naaawang-natatawa si Olive sa kaibigan. Kinulit niya si Kiel na pumunta na sila sa doktor subalit nagmatigas ito, nahihiya na baka sa daan ay magkalat ito.

Napangiti si Olive nang maalala ang eksenang pinagsuot niya si Kiel ng adult diaper para lang mapapayag niyang madala sa hospital. Sa puntong iyon ay bahagyang nabawasan ang kanyang inis kay Kiel. Gayunman, wala siyang balak na balikan ang kaibigan. Natatakam na siya nang malanghap ang amoy ng piniritong kwek-kwek.

Napuna kaagad ni Olive na dumami lalo ang suki ni Manong Kwek-kwek. Hindi tuloy siya makasingit na bumili dahil nahaharangan ng mga kalalakihan ang puwesto nito.

Tumabi muna siya at hinintay na lamang na matapos ang mga lalaki. Nang tumunog ang kanyang cell phone at nakitang tumatawag si Kiel ay mabilis na kinansela ni Olive ang tawag.

Idinayal ni Olive ang numero ni Alyssa para may kakuwentuhan siya habang naghihintay at para hindi makapasok ang tawag ni Kiel. Sinadya niyang maging busy ang kanyang cell phone.

"Bru, ba-bye na muna. May next class pa ako. Maya na lang uli tayo magkuwentuhan," sabi ni Alysaa at mabilis na nawala sa linya.

Nang biglang may naramdaman si Olive na pumisil sa kanyang puwet. Dagli siyang lumingon, nag-iinit ang pisnging tiningnan nang masama ang dalawang lalaking nasa malapit habang para ng nakakalokong ngumunguya ng kwek-kwek.

"Mga bastos!" bulyaw niya sa dalawang lalaki.

"Bastos ka raw," nakangising sabi ng isa sa kasama.

"Ang bastos nakahubo," sagot ng kasama.

Mabilis na nilapitan ni Olive at walang sabi-sabing hinambalos ng bag sa pagmumukha ang lalaki. Bumiling ang mukha nito. At pagkatapos ay sinipa niya sa tuhod ang isang lalaki. Ngunit mabilis na nakabawi ang dalawang lalaki.

Napaatras si Olive. Kung kanina ay mainit ang kanyang pakiramdam ngayon ay nanlalamig ang kanyang mga talampakan.

"'Tangna ka!" pagmumura ng isa habang hawak ang ilong na napuruhan ng bakal ng kanyang bag.

"Subukan ninyong kantiin ang babaeng 'yan, siguradong may kalalagyan kayo sa akin," anang malakas na boses.

Mabilis na lumipat ang tingin ng dalawang lalaki sa pinanggalingan ng boses.

Papalapit si Kiel na madilim ang ekspresyon ng mukha, nagtatagis ang mga bagang.

Lihim na nakaramdam ng ibayong tuwa si Olive nang makita ang kaibigan, kulang na lang ay pumalakpak siya. Gayunman, hindi niya ipinahalata. Sa isang iglap ay nahawakan ni Kiel ang kanyang braso at pinapuwesto siya sa likuran nito.

"May atraso sa amin ang babaeng iyan!" sigaw ng isang lalaki. "Bigla na lang siyang nanapak!"

"Gago! Minanyak ninyo ang babae kaya 'ayan ang napala ninyo!" sabat ng isang may-edad na babae. "Kayo na ang bastos, ang tatapang pa ng apog ninyo!"

MY LOVE, MY VALENTINE (Completed/unedited version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon