Dumagsa ang kaba sa puso ko kya napalunok ako saka nag-isip ng idadahilan.

“A-Ahm, n-naiwan ko kasi yung... p-planner sa bahay, oo! Naiwan ko, sorry.” Ika ko saka nag-peace sign pa.

Bumuntong hininga siya bago tumingin sa akin. Napakurap ako ng ilang beses sa klase ng tingin niya. Oo, sa mata ng iba, simpleng tingin lang yon, pero bakit iba ang dating para sa akin?

“Tania, anong meron sayo ngayong araw? Una, late ka ng dalawang oras, that's a very unusual of you, akala ko ba ayaw mo na nalelate? Pangalawa, naiwan mo ang planner mo na supposedly, lagi mo dapat dala. Anong nangyayari sayo? Bakit wala ka sa sarili mo ngayon?” Tanong nito habang nakataas ang isang kilay.

Pinagpawisan ako ng malamig dahil a mga itinanong niya sa akin.

Ang dami niya namang napapansin!

“S-Sorry...” Nasabi ko nalang saka nag-iwas ng tingin.

"Ang lastly, why are you stuttering? Hindi ka naman nauutal kapag kausap ako. At parang naiilang ka pa sa akin, sabihin mo, may ginawa ka ba na hindi ko nagustuhan?” Dagdag niya.

Umiling nalang ako at hindi nagsalita. Bumuntong hininga nalang siya saka nagpamulsa.

“Good. Kilala mo ako, Tania, ayoko ng may mga bagay na ginagawa sa akin na hindi ko gusto.” Ika niya at saktong bumukas ang elevator kaya pumasok na siya doon. Sumunod naman agad ako saka pumwesto sa pinakasulok.

Saan kaya kami pupunta?

Ang awkward naman ng atmosphere, pero mas okay na to, nakakatakot kasi si Yeonjun kapag may salitang lumalabas sa bibig niya. Kapag nagsasalita siya, naghuhurimentado agad ang puso ko sa kaba.

Ano ba tong napasok ko? Mamaya nga tatawagan ko si ate para malinaw niya kay Yeonjun ang nangyayari, ang hirap magpanggap, jusme, sigurado kasi akong katakot-takot ang mangyayari sa akin kapag nalaman ni Yeonjun ang totoo. Pumasok sa isip ko ang sinabi niya sa akin kanina.

Ayoko ng may mga ginagawang bagay sa akin na hindi ko gusto.

Pinanlamigan ako bigla. Biglang pumasok sa isip ko si Yeonjun habang pinapakain ako ng putik at nilalatago ako. Jusme, patawarin niyo po ako sa lahat ng kasalanan ko.

“Earth to Tania!" Nabalik ako sa ulirat nang may magsalita sa harap ko.

Napakurap-kurap ako bago magsalita.

“H-Huh?” Inosenteng tanong ko.

Napatitig siya sa akin pagkatapos kong sabihin yon pero maya-maya din ay nag-iwas siya ng tingin.

“W-Were here.” Aniya saka nauna nang maglakad.

Sumunod naman agad ako sa kaniya. Paglabas ko ng elevator, sumalubong sa akin ang isang set na parang kukuhanan ng scene sa isang drama o movie. My backround doon na parang loob ng isang kwarto at may kama sa gitna na pagkukuhanan, may camera at iba't-ibang kagamitan. Ang mga tao ay nagkakagulo at may kaniya-kaniyang ginagawa.

“Yeonjun!” May narinig akong matining na boses sa harap na ikinangiwi ko.

Napatingin ako doon at nakita ko si... OMG! Si Samantha Gibson! Ang idol ko!

Napanganga ako sa ganda niya, grabe, ang ganda niya pala talaga sa personal kaya lang ang sakit sa tenga ang matining niyang boses. Yung eardrums ko, nasira na yata.

Idol ko na siya simula noong makanood ako ng isang movie niya, nagalingan ako sa kaniya doon kaya pinanood ko lahat ng drama's, movie's, show's at lahat ng magazine niya ay kumpleto ako. May posters pa nga niya ako sa kwarto.

In fairness, may benefits din pala akong makukuha kapag sumama ako kay Yeonjun e.

Gusto ko sanang lapitan si Ms. Samantha kaya lang hindi ko magawa, baka mabuking ako, ako si Tania ngayon, hindi si Yumi na tangahanga niya. Napanguso nalang ako sa panghihinayang.

“Ano na namang kailangan mo?” Bored na tanong sa kaniya ni Yeonjun na blangko ang mata habang nakatingin sa kaniya ngayon.

Bakit ba parang laging walang gana to?

“Nothing, nae-excite lang ako sa magiging scene natin mamaya." Sabi nito habang may mapang-akit na ngiti sa labi.

Medyo na turn off ako dahil doon, akala ko ba inosente siya at mahinhin? Bakit parang kabaligtaran naman yata yon sa nakikita ko sa kaniya ngayon? Kung makayapos at kung makakagat ng labi e.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Yeonjun.

“Cut it, Sam, hindi ako excited.”

“Kailan ka ba na-excite?" Rinig ko ang nagtatampong boses ni Ms. Sam habang naglilibot ako ng tingin.

May relasyon kaya sila ni Yeonjun? Kung makayapos kasi siya e, akala ko ba friends lang sila? Tsaka ano ba yung scene na sinasabi niya na nae-excite siya? Na-curious ako bigla.

“Tss. Tania, let's go.” Nagulat ako nang may humatak sa kamay ko.

Tinignan ko kung sino yon at nakita ko si Yeonjun na hinahatak ako papunta sa kung saan.

“T-Teka, paano si Ms— I mean, Samantha?” Tanong ko.

Napatigil siya sa paglalakad at hinarap ako na nakakunot ang noo.

“Kailan ka pa nagkaroon ng pakialam kay Samantha?” Nahihimig ko sa boses niya ang pagtataka.

Napaiwas nalang ko ng tingin sa klase ng titig na ipinipukaw niya sa akin.

“A-Ahm,” Shems! Hindi ako makapag-isip ng palusot!

“Akala ko ba, ayaw mo sa kaniya?” Dagdag na tanong niya.

Bumuga ako ng hangin at humarap sa kaniya ng may maisip na palusot.

“People change, Yeonjun.” Sagot ko.

Nanliit naman ang mga mata niya habang nakatingin sa akin, ginawa ko naman ang lahat para hindi iwasan yon dahil baka mahalata niya ako.

“Whatever.”

Nagising ako dahil sa tapik sa pisngi ko. Dinilat ko ang mga mata ko at sumalubong sa akin ang napaka-gwapong mukha ni Yeonjun na ngayon ay mukhang ayos na ayos na at ready na para sa shoot.

Napatitig ako sa gwapo niyang mukha, oo, ang gwapo niya ngayon, kahit ayokong aminin, ang gwapo niya talaga. Ang mata, ang kilay, ang ilong, ang pouty pink lips niya dahil sa lipgloss at ang buhok niyang magulo ang ayos. Grabe ang nadagdag na dating sa kaniya dahil doon. Ngayon, hindi na ako nagtataka kung bakit nababaliw sa kaniya ang mga pinsan ko... PERO! Hindi maaalis ng gwapo niyang mukha ang galit ko sa kaniya.

“Done checking me out?” Nabalik ako sa ulirat nang magsalita na naman siya.

Napaiwas ako ng tingin. “Kapal mo.” Ika ko.

Ilang minuto bago siya magsalita ulit.

“Let's go, hinahanap na tayo ni direk.” Sabi niya.

Inayos ko muna ang sarili ko bago tumayo. Humarap na ako sa kaniya at nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko. Gusto ko sanag bawiin yon dahil may nararamdaman akong kakaiba kaya lang, hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi ko magawa.

“Why do it felt so good to hold your hand like this, Tania?” Sabi niya habang nakatingin sa magkahawak naming kamay. “Hmm, this is weird.”

Mister Superstar ll Choi Yeonjun ✔️Where stories live. Discover now