Chapter 18

1.4K 62 31
                                    

Ashley Pov

It's been a week since we arrived galing sa short vacation namin. Masaya naman ang experience pero ang pinagkakatakahan ko lang eh kung bakit bigla nalang hindi nagpaparamdam si Tan. At sa mga araw na hindi nya pagpansin ay mga araw na sobra naman ang mga aksidente na nagkakasama kami ni Lance. Like for example nung nakaraang araw bibili sana ako sa cafeteria tapos sinabihan ko si Tan kung pwede ba nya ako samahan kaso busy daw sya kaya ako nalang ang pumunta. Nang nasa cafeteria na ako at magbabayad na sana sakto naman na naiwan ko yung wallet ko. Ibabalik ko na sana ang binili ko pero biglang may nag-abot ng pambayad sa may cashier.

"Ako na Ash" sabi ng nag-abot at ng paglingon ko ay si Lance pala ito.

Nagthank you lang ako sa kanya at ng paalis na ako ay nag-insist pa sya na ihatid ako sa room namin.

"Hmmm baka kasi malate ka eh" sabi ko sa kanya. Ayoko lang na makita kami ni Angela na magkasama. Hindi naman kasi ako tanga para di mapansin ang mga masasamang tingin nya sakin sa resort. Kaya hanggang sa may magagawa ay iiwas ako para iwas gulo.

"Di okay lang Ash wala pa naman yung teacher namin." sagot nya.

Wala na akong nagawa kaya naglakad na kami papunta sa room kaya lang wala pa nga kami sa may pinto ng cafeteria ay bigla namang may tumawag sa kanya.

Nang paglingon namin ay nakita ko si Angela na papunta na sa kinatatayuan namin. Habang papalapit sya ay di maitago sa mukha nya ang pagkainis.

Tsss. Alam kong ako na naman ang kinaiinisan nito.

Pero di ko lang alam kung bakit. Dahil ba kay Lance? I mean yes may something kami dati pero dati nayun. Wala na para sa akin yun. Tsaka masaya na ako na magkaibigan nalang kami ni Lance.

Magpapasama pala si Angela kay Lance sa may library. Tinanong naman ako ni Angela if okay lang ba? Syempre alangan namang sabihin kung hindi kaya ayun lumayag agad ako.

"Sure ka Ash? Okay lang sayo na ikaw lang mag-isa?" Tanong ni Lance.

Sasagot na sana ako kaya lang biglang sumingit si Angela.

"Syempre naman Lance, kaya nga nyang pumunta dito mag-isa kaya sure ako kaya nya ring bumalik. Diba Ash?" Sabi nya at may diin pa talaga sa pangalan ko kasabay ang paglaki ng mata nya.

Para wala ng gulo ay ako na mismo ang nagpaalam sa kanila. As if naman gusto ko magpasama kay Lance. Nagkataon lang talagang nakalimutan ko yun wallet ko at nandun sya.

Isa lamang yun sa mga pagtatagpo namin ni Lance. Pero lagi namang sa mga pagkikitang yun ay bigla bigla nalang sumusulpot si Angela. Well sya na ang may sabi boyfriend nya yun kaya malamang nandon sya. Ang di ko lang talaga maintindihan ay yung mga masasamang tingin na pinupukol nya sakin. Para bang may mali akong ginawa sa kanya kung makatingin sya.

"Ash sasabay ka ba samin mamaya?" Tanong ni Emjay.

"Ah uuwi muna ako sa bahay magbibihis muna ako." Sagot ko sa kanya habang inaayos ang mga gamit namin. Kakatapos lang kasi ng klase at naghahanda na kami para umalis.

Mamaya kasi pupunta kami sa birthday ni Gwen. Ininvite na kasi kami tapos sila kuya Batit sabay na daw pupunta. Sasabay sana din ako kaya lang may biglaan kaming training kanina sa swimming kaya ayun kaylangan ko munang magbihis sa bahay.

"Nga pala Kuya Batit sasabay ba sa inyo si Tan?" Tanong ko sa kanila. Di nya kasi sinabi sakin if sasabay sya sa kanila.

"Di ko lang alamoh nandito lang lala sya eh" Sabi ni Emjay nangbiglang dumating si Tan. Lumapit naman sya agad samin.

Speaking of my Missing in Action suitor.

Ilang araw na ding di ko nakakausap masyado si Tan. Lagi nalang syang busy tapos minsan pag-hinahatid nya ako magmamadali ding umuwi kasi may gagawin daw sya. Minsan nga naiisip ko kung may plano pa bang manligaw to o ano eh.

Stuck In My Mind Where stories live. Discover now