Chapter 14

1.1K 46 6
                                    

Ashley Pov

Pagkaalis ni Tan ay bigla naman nag excuse si Lance para mag cr.

Tuloy naman kami sa pagwasiwas ng tubig sa pool habang sila Ate Kaori ay naglalaro ng lumapit si Angela sakin.

"Ash" sabi nya ng makarating sya sa kinarorounan ko.

"Yes?" Tanong ko sa kanya.

Hindi naman sa naiilang ako na kausap sya. Parang nagbago kasi eh, I mean hindi naman sya dating ganito na pag may nainvolve sa kanya na guy ay hindi na kami magpapansinan pero ngayon kasi parang lately kasi di na nya ako pinapansin.

"Totoo ba na naliligawan ka na ni Tan?" Tanong nya sakin. Di ko naman mapigilanang mapangiti.

Nililigawan na ako ni Tan.

"Mukhang masaya ka ah" Dagdag nya pa ng di agad ako nakasagot sa unang tanong nya.

"Ewan ko ba basta masaya ako dahil sa kanya. I feel safe pag kasama ko sya." Sabi ko naman sa kanya ng di parin mawala wala sa labi ko ang ngiti.

"Mukhang inlove ka na nga, masaya ako para sayo Ash" sabi nya sabay ngiti. Kaibigan ko parin si Angela kahit medyo nagbago sya.

"Ash wait lang huh medyo nauuhaw ako" sabi nya tinanguan ko nalang sya at umahon na sya para pumunta sa may kusina.

Tuloy parin ang iba sa kasiyahan. Grabe sobrang saya ng araw nato.

Angela Pov

Pagkaalis ko sa pool ay agad akong tumungo sa may kitchen para kumuha ng tubig.

Masaya ako kay Ashley kasi masaya na sya kay Tan pero di parin maalis sakin na may something sila dati ni Lance. Pero dapat maging masaya na ako dahil ako ang pinili ni Lance. Selfish na kung selfish pero kung ano ang sakin ay akin lang wala ng dapat pang eeksena kahit sino pa.

Palapit na ako sa may kusina ng may marinig akong nag uusap. Kaya minabuti ko munang makinig.

"Ang tigas din ng ulo mo eh no. Sinabi ko na sayo na layuan mo si Ashley" sabi ng boses na sobrang pamilyar sakin.

Teka si Lance yun ah

At bakit nya pinapalayo si Tan kay Ashley?

"Ikaw ang tumigil Lance, masaya na kami at masaya kana masaya na kayo. Kaya ano bang kinakagalit mo?" Sagot naman ni Tan

Naguguluhan ako kung ano ba ang nangyayari sa kanila at mula dito sa kinatatayuan ko ay kitang kita ang masamang tinginan nila sa isat isa

"Wala kang pake basta layuan mo sya. Di sya nararapat sayo. Di kayo bagay" may diin naman na sagot ni Lance.

Pakiramdam ko ay may mali. Bakit nya pinapakealam ang kung anong meron kay Tan at Ashley.

Lumapit si Tan sakanya ng bahagya at tiningnan muna sya nito. Nagkakasukatan na sila ng tingin sa isat isa

"Bakit Lance bigyan mo ako ng dahilan kung bakit di kami karapatdapat. At bakit kaba nangingialam?" May paghahamong tanong ni Tan kay Lance.

Hindi ko alam pero humugot ako ng malalim na paghinga parang may kung ano sa lalamunan ko na nakabara. Parang ayoko marinig ang sasabihin ni Lance pero may part sakin na gusto malaman ang sagot nya.

Na sana hindi ang isagot nya. At sana walang kung ano syang nararamdaman kay Ashley.

"Dahil mahal ko sya at di ako papayag na mapunta sya sayo. Akin lang sya Tan! Akin lang!" May diin na pagkakasabi ni Lance.

Bigla akong nakaramdam ng panginginig dahil sa sinabi ni Lance bigla akong nakadama ng parang mabigat sa may dibdib ko at parang may bumabara sa may lalamunan ko. Napaatras ako at di ko namalayan na nabangga ko pala ang vase na nasa likod ko dahilan ng pagkabasag nito.

Agad akong tumakno para hindi nila ako mahuli.

Sobrang sakit na akala ko ako ang pinili pero parang pinili lang ako ng panandalian.

Tumatakbo ako habang patuloy sa pagtulo ang mga luha sa mata ko at nanlalabo na ang dinadaan ko dahil sa mga luhang ito. Nang bigla akong nakabangga ng kung sino

"Angela? Okay ka lang bat ka umiiyak?" Tanong nya. Tanong ng babaing umahaw sakin ng lalaking mahal ko.

May galit ko syang binangga sa may balikat at di na sya pinansin at patuloy lang ako sa pagtakbo.

Nakalabas narin ako sa resort kakatakbo at nakikita ko nalang ang sarili ko na naglalakad sa isang gubat. Sobrang dilim na at hindi ko pa matandaan kung saan ako dumaan kanina.

Great! Napaka malas ko!

Dahil bigla namang bumuhos ang ulan. Nilalamig na ako dahil galing pa ako sa pool pero di ko maintindihan dahil patuloy parin sa pagtulo ang mga luha ko at pati ang langit nakikisimpatya sakin.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ng makakita ako ng isang kubo. Agad naman akong pumunta dito para makisilong at saktong bukas ito.

Pagpasok ko ay wala akong ibang ginawa kundi umiyak ng umiyak.

Lance akin ka lang at wala ng ibang mag mamay-ari sayo kundi ako lang. Hindi ako papayag na basta basta kanalang mapupunta sa Ashley na yun. Gagawin ko ang lahat para hindi mangyari ang gusto mo. Hindi ako papayag na iiwan mo lang ako dahil sa Ashley na yun. Nakuha na nya ang lahat ng gusto nya. Hindi ako papayag na pati ang lalaking mahal ko makukuha nya pa.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Dahil sa pag-iyak at sa malalim na pag-iisip dahil kay Lance at kay Ashley. Nang biglang may magsalita sa may likod ko.

"Woooh! May Tao! bakit why ka nandito!" Sigaw ng isang mamang singkit at may pagkabulol pa.

"Yamyam sara mo pinto kagabi diba?" Dagdag nya pa sabay baling sa lalaking medyo moreno.

"Yes I close not open the door" sabi naman nung Yamyam.

What? Nalilito ako sa mga pinagsasabi nila. Nakakalito sila.

"Ahmmm sorry po nakisilong po muna ako naabutan po kasi ako ng ulan kagabi" sabi ko sa kanila. Nagkatinginan naman silang dalawa.

"Yamyam what she sabi?" Tanong nung parang hapones

Ano bayan ang gulo naman ng dalawang to

"Fumi she sabi she enter the house because rain rain is not go away so she stay" pagpapaliwanag naman nung Yamyam.

Nalilito ako pero parang naintindihan naman sya nung kaibigan nya.

Pagkatapos nun ay nagpaalam na ako sa kanila nahirapan pa nga akong mag-explain eh. Buti nalang pinayagan nila ako. Nagpasalamat narin ako sa kanila at umalis na.

Naglalakad ako ng makarating ako sa may entrance ng resort. Ay kitang kita ko sila na akala mo may hinahanap na kung ano.

At ng makita nila ako ay agad naman silang lumapit.

"Angela san ka galing alam mo ba nag-aalala kami sayo" Sabi ni Ashley na halata ang sobrang pag-aalala nito.

Tiningnan ko lang sya.

Sorry Ashley pero mula ngayon kalaban na kita.



———
Isang boring na update tagal ng Kadenang Ginto eh. Enjoy po kahit na walang masyadong ganap.

By the way pawelcome sa FumiYam! Spiritual Brothers is in the House yowwwww! 💞

Stuck In My Mind Where stories live. Discover now