Chapter 8

1K 43 1
                                    

Ashley Pov.

This is it opening na ng intrams at excited na excited na ako. Mamaya tutug tug ang banda nila Emjay. At kaylangan nandun daw ako para suportanahan sila. Kahit hindi naman na nila sabihin susuportahan ko naman talaga sila.

3pm ang laro namin mamaya kontra sa iba pang school na ininvate ng school head para makisali sa intrams namin. Medyo kinakabahan pero ayus lang.

Sa ngayon papunta kami sa Gym para manood ng laro ng men's basketball team. Kasali si Lance dun at ang alam ko sya daw ang captain. Bago palang sya pero sya na agad ang captain ganun daw sya kagaling sabi ng mga student buds.

Papunta na ako dun ng makita ko si Gwen. Agad ko naman syang tinawag at ng makita nya ako ay agad nya naman akong nilapitan at niyakap ng sobrang higpit.

"Ash Oh My God!" Sabi nya habang yakap yakap nya parin ako sa may leeg.

Hinawakan ko ang kamay nya at dahan dahan kung ibinaba. Buti naman nafeel nya na hindi ako makahinga.

"Grabe ka Gwen papatayin mo ba ako?" Sabi ko sa kanya habang hinimas himas ko ang leeg ko. Jusko mamamatay ata ako sa babaing to.

"Sorry na Ash, namiss lang kasj kita. Akala ko di na kita makikita ang dami pa namang tao." Sabi nya habang nakangiti.

"Kasalanan ko bang lumipat lipat ka ng school. Tsaka bakit ka nandito?" Sabi ko sakanya at nag-umpis ana kaming maglakad papasok sa Gym. Humanap muna kami ng mauupuan para mas maayos yung pagkukwentuhan namin. Di pa naman mag-uumpisa ang laro eh.

"Kasali ang school namin sa mga sports activity dito. Tsaka hindi ko po kasalanan kung bakit ako nilipat ng school. Desisyon yun nila Mama kaya bawal tumanggi." Sabi nya. Kung si Emjay ang boy bestfriend ko si Gwen naman ang girl bestfriend ko. Classmate din sana kami ngan kung di lang sya lumipat. Pano kasi sila tita pinalipat si Gwen kasi mas magiging productive daw si Gwen sa school na nilipatan nya. Pag dito kasi mas marami ang kalokohan namin lalo na pagmagkakasama kami nila Emjay.

"Nga pala Ash kasali ka ba sa volleyball game mamaya?" Tanong nya. Volleyball player din kasi sya magkasunod nga lang kaming umalis ng team eh sya umalis dahil lilipat ng school ako aalis dahil magfofocus muna sa studies.

"Yup, bakit? Maglalaro karin ba mamaya?" Tanong ko sa kanya. Tumungo na lamang sya dahil biglang naghiyawan ang mga nandito sa loob ng gym. Mag-uumpisa na ata.

At ayun na nga mag-uumpisa na nga. Tinawag na ang player ng kabilang team sobrang ingay naman ng gym ng biglang pumasok yung nakajersey number 4. Sobrang ingay na ng gym dahil sa pagpasok nya. Mukhang sikat to ah

"Yan si Mich sya ang captain ng basketball team sa amin" biglang sabi ni Gwen sa gitna ng mga sigawan at tilian ng mga nanonood.

Ah kaya naman pala sikat sya ang captain ball at the same time may itsura din.

Sunod naman pinakilala ang player ng school namin. Todo sigaw naman ang mga taga school namin. At mas umingaw pa to nung pumasok si Lance. Kilala rin pala sya ng mga nanonood malamang sya ang captain ball ng school namin.

"Ang gwapo nun ah! Sino yun Ash?" Tanong ni Gwen.

"Si Lance captain ball ng team" sagot ko nalang sa kanya at nagfocus na sa pinapanood ko dahil mag-uumpisa na.

Nakatayo na ang mga player sa loob ng court. Naghahanda na sila para sa jump ball at ng pumito ang referee ay tumalon na si Lance at yung Mich. Natapik nung Mich yung bola at napunta sa kakampe nya. Kay nagsitakbuhan na ang lahat papunta sa court side namin. Nagdidrible yung player ng kabilang school sabay para dun sa Mich at ng crossover at biglang lay up at pasok ito. Ang galing nung Mich maglaro nahihirapan din ang school narin na bantayan sya. Nasaamin na ang bola at dinidrible ito ng player namin medyo nahihirapan sya kaya bigla na nya nalang shinoot ang bola kahit medyo nahirapan sya. Tumama ang bola sa may ring at bigla mamang tumalon si Lance at kasabay nyang tumalon ay si Mich pero nakuha ni Lance ang bola sabay shoot ng bola at pumasok naman.

Masyadong dikit ang laban ng nag end na ang second quarter. Nagsipuntahan naman ang mga player sa bench nila.

"Wait si Angela ba yun?" Sabi ni Gwen sabay turo sa bench ng school namin. At mula dito kitang kita kung paano bigyan ng tubig ni Angela si Lance at kung paano nya punasan ang mukha nito. Alam kong nilinae ko na ang lahat between me and Lance pero di parin maiwasan ang konting sakit pag nakikita ko sila. Alam ko naman na masaya na sila. I should be happy for them too.

"Jowa nya ba si Lance, Ash?" Biglang tanong ni Gwen. Kilala nga si Angela ang totoo pa nga nyan ayaw nya kay Angela kasi sobrang arte daw at sabi nya ay plastic daw ito. Pero hindi ko nalang pinansin kasi baka hindi lang talaga sila magkasundo right?

"Hindi ko alam" sagot ko nalang sa tanong ni Gwen.
Hindi naman na sya nagsalita kaya tuloy na kami sa panonood ng mag-umpisa ulit ang laro. Medyo lamang ang kalaban nahihirapan din ang players namin dahil ang galing dumepensa ng kalaban ng bigla nalang pumito ang referee at nakita ko na nakahiga si Lance sa ilalim ng ring ng kalaban napasama at ang bagsak nya. Kaya sya natumba. Pumunta naman agad ang staff ng school namin para kunin si Lance at dalhin sa gilid kung saan nakastandby ang mga medic.

Pano na yan wala na sila Lance mukhang matatalo kami nito. Pero nagulat ako ng biglang pumasok ang isang lalaki na nakajersey number 13. Wait lang si Tan yun ah. Maglalaro sya? Marunong pala sya.

Nag-umpisa na ulit ang laro at na kay Tan ang bola at sya ang binabantayan nung Mich ngayon.

"GO TAN KAYA MO YAN!!" Biglang sigaw ko. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas para isigaw yun. Tumingin naman si Tan sa kinaruruonan ko at biglang nagsmile na naging dahilan ng pagkaingay ng gym.

Pagkatapos nyang magsmile at bigla nalang itong nagshoot ng 3 point shoot and luckily pasok ang bola. Kaya sigaw ako ng sigaw, si Gwen nga minsan napapalo ko eh. Medyo naexcite ako nung naglaro si Tan. Di nyo ako masisisi im just a supportive friend here.

'Friend lang nga ba' biglang singit ng inner self ko.

Oo malamang meron pa bang iba?

'Wala makacheer ka kasi dyan lara kang proud girlfriend' extra na naman ng inner self ko.

Pwede namang magcheer ng bongga ang kaibigan ah

'Sige sabi mo eh'

Teka bat ba ako nakikipagtalo sa sarili ko. Iwinaglit ko nalang sa isipan ko ang mga iniisip ko at nagfocus na sa laro.

Unti unti ng nakahabol ang school namin at sobrang galing ni Tan. At gada nakakapoints sya ay tumitingin sa dito sa kinaruruonan ko at may kasama pang ngiti. Natuwa naman ako sa mga actions nya.

Pagkatapos ng game ay nagkamayan na ang mga player at panalo ang school namin. At may pa player of the game pa sila at ang napili nila ay si Tan.

"May gusto ka bang batiin Christian" sabi nung announcer.

"Ahm gusto ko lang pong magthank you sa mga pumunta para mapanood ang game at sa babae na mahal ko. Salamat sa inperasyon" sabi ni Tan sabay ngiti.

Babaing mahal? Hindi ko alam pero bakit parang biglang may tumusok sa puso ko nung sinabi nya na mag babae na syang mahal? Parang hindi ako makahinga na parang biglang may bumara sa lalamunan ko.

Hindi ko nalang pinansin ang nararamdaman ko at bumaba na kami para makalabas na ng gym ng biglang akong salubungin ni Tan.

"Hi Ash" sabi ni Tan na medyo pawisan pa. Pero ang cute nya parin at parang fresh na fresh parin sya tingnan. Ano ba Ashley umayos ka nga!

"Hey Tan congrats sa panalo nyo huh?" Sabi ko nalang. Pinilit ko talagang panormalin yun tuno ko dahil ayokong mautal sa harap nya.

"Ah sige Ash shower lang ako kasi mag-uumpisa na daw ang live band nila Emjay." Sabi nya at tinanguan ko nalang sya tsaka sya umalis. Sumulyap pa sya ng last sakin at ngumiti sabay bulong ng

Thank you

—————
Ano na dalawang chapter na nauupdate ko. Ganyan talaga pag insomnia ang dumalaw sayo. Pasensya na kung medyo magulo ang gawa ko. Gusto ko lang po talagang magsulat.
Thank you po sa mga nagbabasa at sa mga nagvote. Nakakataba ng puso. Gusto ko lang po talaga magsulat hindi ko po ineexpect na may magbabasa. 💙🙈

Thank you po sobraaaaaa! See you sa next chap!

Stuck In My Mind حيث تعيش القصص. اكتشف الآن