Chapter 15

1.2K 52 17
                                    

Ashley Pov

Pagkaalis na pagkaalis ni Angela ay sya namang paglabas ni Lance galing kusina. Tumatakbo ito sa patungo sa kinarorounan ko.

"Ashley nakita mo ba si Angela" Medyo hinihingal pa sya ng sabihin nya ito.

"Ah palabas sya ng resort eh di ko lang alam san papunta" sagot ko naman sa kanya.

Tumakbo na ulit ito pero bigla namang umulan ng makalakas kaya kaya walang lingon lingon itong bumalik sa loob ng loob ng resort.

Ipinagwalang bahala ko nalang ito at pumasok na din sa loob ng masalubong ko si Tan.

"Ash saan ka pupunta?" Tanong nya ng makalapit sya sa akin.

"Sa room magpapahinga na ako medyo pagid narin kasi ako eh" sagot ko naman sa kanya.

"Tara hatid na kita" sabi naman nya na tinanguan ko lang sya at sabay na kaming umakyat papunta sa kwarto. At ng makarating kami sa kwarto ko huminto muna kami sa pinto.

"Sige Tan una na ako" sabi ko sabay bukas ng pintuan.

"Sige Ash pahinga kana, kita nalang tayo bukas." Sagot naman nya.

Tinanguan ko lang sya at ng akmang isisira ko na ang pinto ay bigla naman nyang tinawag ang pangalan ko.

"Bakit tan?" Tanong ko sa kanya ng tawagin nya ang pangalan ko.

At ito namang si Tan parang kiti kiti di mapakali tapos panay pa kanit sa batok nya next time ichecheck ko nga kung may koto to sa ulo.

"Tan ano ba sasabihin mo tsaka wag ka ngang kabahan dyan" Sabi ko sa kanya ng di sya magsalita mula ng tinanong ko sya.

Humugot muna sya ng malalim na hininga bago magsalita.

"I LOVE YOU ASH!" Sigaw nya sabay takbo.

What was that?!

Kung kanina sya ang parang di mapakali ngayon ako naman itong di makaget over at parang nastuck na yung paa ko sa kinatatayuan ko.

Makalipas ang ilang minuto ay nakabalik narin ako sa katinuan ko at tuluyan ko ng sinara ang pinto.

Pagpasok ko sa may bandang sala ay naabutan ko si Gwen na nakaupo sa may sofa habang kumakain ng sandwich.

Papasok na sana ako sa kwarto namin ng magsalita ito

"Kamusta naman ang pa I love you ni Bebe Boy?" Sabi nya na may bahid ng pag aasar. At ng tingnan ko sya ay tuluyan na itong tumawa ng malakas.

Ininis nya pa ako ng ininis pero di ko na sya pinansin at pumunta na ako sa kwarto para magpahingi. Sobrang dami ng nangyari simula nung dumating kami. Yung sa dinner na biglaang dumating si Mom and Dad tapos yung sinabi ni Tan kanila Dad about sa ligaw thingy. Tapos yung biglangaang pagdating nila Angela at Lance. Then yung sa pool na biglang pag alis ni Angela na umiiyak tapos yung paghabol ni Lance pero di natuloy dahil sa lakas ng ulan.

Ano kayang nangyari sa dalawang yun. Nag-away kaya sila? Or baka naman may nangyaring di maganda. Sana okay lang sila.

Dumagdag pa sa mga iniisip ko ang i love you ni Tan. Hindi ko alam di ko lang kasi mapigilang kiligin. Hindi naman kami nagmamadali. Gusto ko munang ienjoy tong feelings ko sa kanya at gusto ko rin malaman kung gaano sya kaseryoso. Ayoko na kasong magpadalos dalos pa.

Sa sobrang lalim ng iniisip ko at di ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

Kinabukasan paggising ko ay nagkagulo gulo ang mga tao dito sa resort. Hindi ko alam ang dahilan kaya agad kung nilapitan si Gwen.

Stuck In My Mind Where stories live. Discover now