Chapter 5

1.1K 39 4
                                    

Ashley Pov.

It's been a week since I started to train with the volleyball players and so far okay naman yung naging practice namin.

At nitong mga nakaraang araw ay medyo naging busy na kami para sa preparation para sa darating na intrams. Sila Emjhay busy sila sa Live band kami namang mga athletes ay busy sa kanya kanya naming sports. At ang section namin busy sa paggawas ng mga booths. Minsan na nga lang kami magkita nila Emjhay. At madalas naman kami magkasama ni Lance dahil sa iisang gym lang naman kami nagpapractice.
Kasalukuyan akong nagsiserve ng biglang nagpabreak si coach.

"Ash!" Sigaw ni Lance na papalapit na sa inupuan ko.

"Oy Lance, may kaylangan ka?" Tanong ko sa kanya ng makarating sya. Makikita mo sa mukha nya ang pawis gawa ng sobrang hirap na training nila.

"Aayain sana kita sa coffee shop mamaya may sasabihin sana ako" sabi nya sakin habang tumabi sa kinauupuan ko.

"Ano ba sasabihin mo? Pwede mo namang sabihin ngayon." Sabi ko sa kanya kasi mamaya baka magkaroon kami ng biglaang training mamaya.

"Ah mamaya nalang. Nagpaalam narin naman ako kay Yen eh na hihiramin muna kita. Punayag naman sya kaya mamaya nalang huh" Di pa man ako nakasagot ay tumayo na sya at patakbong bumalik ulit sa kabilang court.

May choice pa ba ako? Malamang wala. Lumingon ako sa may pinto dahil feeling ko may nakatingin sakin. At ng pagtingin ko ay nakita ko si Tan sa may pinto na nakatitig kung saan banda ako nakaupo. At ng nilibot ko ang paningin ko ay nakita ko si Sheena sa tabi ko. So pumunta sya dito para mapanood ang training ni Sheena. Ang sweet naman.

Kumaway ako sakanya pero di nya ako pinansin at unti unti ng naglakad palabas ng Gym. Ano bang problema nun? May galit ba sakin yun? Di ko nalang sya pinansin at nagtuloy tuloy na ang training naman.

Makalipas ang ilang oras ng pagpapractice ay pinauwi na kami ng coach namin. Papalabas na ako ng pinto ng bigla akong harangin ng isang lalaki.

"Ash" sabi nya habang nakahawak na sa may braso ko ang kamay nya.

"Oy Tan what are you doing here?" Tanong ko sa kanya. Tumingin naman sya sakin na as in eye to eye contact talaga.

"May sasabihi
Di na natapos ni Tan ang sasabihin nya dahil biglang dumating si Lance.

"Oy pinsan nandito ka pala." Sabi ni Lance habang nakatingin kay Tan at ng mapansin nya ay nakahawak si Tan sa braso ko ay biglang kununot ang noo nya.

"Bakit ka nandito?" Biglaang tanong ni Tan habang nakatingin kay Lance.

"Susunduin ko kasi si Ashley pupunta kami sa coffee shop malapit sa campus." Sagot ni Lance sa tanong ni Tan.

Hindi ko alam pero bigla nalang kumalas si Tan sa pagkakahawak nya sa braso ko.

Nang bigla namang tumunog ang phone ko. Si ate Kaori pala, ano kayang kaylangan nito? Sinagot ko na lang dahil baka importante.

"Hello Sis" sabi ni Ate Kao sa kabilang linya.

"Yes Ate?" Sagot ko naman kay ate.

"Ah itatanong ko lang sana kung uwuan nyo na. Late kasi ako makakauwi mamaya may Date kami ni Jel. Baka ikaw muna mag isa sa bahay tsaka alam ko dadating si Kuya Andre ipapakilala nya daw satin yung girlfriend nya. Ikaw nalang muna kumausap sa kanila" mahabang sabi ni Ate Kao. So darating pala si Kuya Andre sya yung pinakatatanda naming kapatid pero nakabase na sya ngayon sa province. Umuuwi lang sya dito pag may occasion.

"Ah sige ate uuwi na ako ngayon" sabi ko nalang kay ate. At ibinaba na ang tawag nya.

Binalingan ko naman ng tingin si Lance. Kaylangan kong sabihin sa kanya na hindi kami tuloy.

"Ahm Lance kaylangan kasi ako sa bahay eh, ano ba yung sasabihin mo pwede mo namang sabihin ngayon eh" sabi ko sa kanya. Ayoko naman syang paasahin kaya lang importante lang talagang makauwi ako ng maaga. Ayaw na ayaw ni kuya na nalalate ako ng uwi pwera nalang kay ate Kao matigas ulo non eh.

"Okay sige, Ash" huminto muna sya at bumuntong hininga bago nya ituloy ang sasabihin nya.

"Ash I think I like you" diretsyong sabi nya. What? Gusto nya ako? Pero at least ngayon malinaw na na gusto nya ako.

Tiningnan ko naman si Tan na nasa tabi nya. May nakikita ako sa mata nya na kung ano. I see sadness pero bakit? Dahil ba gusto ako ng pinsan nya? Ayaw nya ba ako sa pinsan nya? Pero bakit? We are friends naman ah. He knows me and I know him too.

"Okay lang naman sakin if hindi mo ako gusto eh I understand" pagpukaw ni Lance sa akin mula sa malalim na pag-iisip. Oh oh namisunderstand nya ang pananahimik ko.

"No it's not like that" sabi ko sa kanya.

"So you like me too?" Sabi naman nya ng nakangiti. I don't know what to react. Nabigla ako pero I know alam ko sa sarili ko na I like him too. Kaya no need to hide it.

Tumango lang ako bilang sagot sa kanya. Na kinangiti nya naman at kinangiti ko rin.

"Ah alis na ako" biglang sabi ni Tan na nakaagaw ng pansin ko.

"Wait, Tan diba may sasabihin ka" sabi ko sa kanya dahil konting hakbang nalang ay makakalabas na sya sa may pinto ng Gym.

"Wag mo ng isipin yun di na yun mahalaga" sabi nya at umalis na ng tuluyan. Hindi ko alam pero parang may iba parang napakaimportante ng sasabihin nya sakin.

"Ahm Ash tara na? Hatid na kita sa inyo" sabi Lance. Tumungo nalang ako. At nag unpisa na kaming maglakad papunta sa sasakyan nya. It feels weird dahil dapat masaya ako dahil gusto ako ng gusto ko pero di maalis sakin yun sinabi ni Tan.

"Ash okay ka lang?" Tanong ni Lance habang nakafocus sa pagdadrive.

"Ah okay lang" sabi ko sa kanya pero nakabaling parin sa bintana ng sasakyan nya.

Mga ilang minuti ay nakarating narin kami sa bahay. Inaya ko naman sya sa loob pero sa susunod nalang daw.

Nangmakaalis na si Lance ay dali dali akong umakyat sa kwarto para makapagbihis na dahil paparating na si Kuya.

Nangmakapag bihis ako ay humiga muna ako sa kama para pagpahinga saglit. I decided na mag open muna ng mga social media sites ko. At pagbukas ko ay una kung nakita ang post ni Lance.

Lance Castro
Finally nasabi ko rin sa kanya and guess what? She likes me too!

Nilike ko lang yung post nya then sunod kung nabasa ay ang status ni Tan

Christian Red Reyes
I was a little bit too late. I wish you to be happy

I don't know pero parang ang sad nya sa post nya. Parang may hugot sya dito. Okay lang kaya sya? Di ko narin kasi nakakausap ng maayos si Tan.

I want to be happy pero parang may mali.

Tan Pov

Nangmakita ko yung pagtatapat ni Lance alam ko na guso rin sya ni Ashley. Pero siguro kung nauna lang ako baka ako pa. Ako pa ang piliin nya. Pero kahit nahuli ako mananatili ako sa tabi mo Ash I will protect you no matter what.

I love you to the point na I rather choose to protect you.


—————
Ang sabay ng update ko. Pero lavarn lang hahahaha! Abangan natin angg proposal ni Tan mamaya.

See you sa susunod na Update mga kateam Ash. 💞

Stuck In My Mind Where stories live. Discover now