Chapter 9

1.2K 36 5
                                    

Ashley Pov

Pagkaalis ni Tan ay nagpasya kami ni Gwen na pumunta muna sa cafeteria para bumili ng pagkain bago pumunta sa may open field. Dun kasi gaganapin ang live band at dun din tutug tug ang banda nila Emjay na tinawag nilang tatlokoys.

Habang bumibili kami ng makakain namin ni Gwen ay biglang dumating si Yen.

"Oy Ash nandito ka lang pala." Sabi ni Yen pagdating nya sa kinaruruonan namin ni Gwen. Tumingin naman sya kay Gwen at nagulat ito.

"Hala Gwen bat andito ka? Akala ko lumipat kana" sabi ni Yen na nakaharap kay Gwen.

"Ah maglalaro kasi yung school namin eh kaya andito ako" sabi ni Gwen kay Yen na tinanguan lang nya at bumaling na naman ng tingin sakin.

"Ash mamaya huh after ng opening ng live band punta ka na agad sa gym para sa laro natin." Sabi ni Yen tumango nalang ako at nagpaalam na si Yen samin dahil titingnan nya pa yung ibang player.

Nang makabili na kami ni Gwen ng makakain at sabay na kaming pumunta sa open field. Grabe sobrang tao at marami ding outsiders. Pinayagan naman ng head na magpapasok ng mga outsiders kasi nga big event ang intramural ng school namin.

Habang nasa gitna kami ng napakaraming tao ay nakita naman ng mga mata ko ang kinaruruonan nila Lance at Angela. Grabi hindi na sila mapaghiwalay. At ang worst pa nito parang hindi na ako kilala ni Angela kung unasta sya. Parang hangin nalang ako pag-nagkakasalubong kami, pag binabati ko naman sya ngingitian nya lang ako ng pilit tapos sabay alis. Parang simula nung araw na nakita ko sila sa football field ay parang kay Lance nalang umiikot ang mundo nya. Inilihis ko nalang ang tingin ko sa may stage kung saan kitang kita ko ang ibang officer ng school na hinahanda ang mga props at mga instruments ng mga tutug tug mamaya.

At ng sumapit na ang takadang oras para mag-umpisa na ang opening ay kanya kanya ng sigawan ang mga tao na nakapalibot sa may stage na hinanda dito sa open field. Nag umpisa naman kami sa prayer na sinundan ng lupang hinirang at ng school hymn. At ng matapos na ang opening remarks ay biglang umakyat ng stage sila Emjay, kuya Batit at Jem. Biglang nagsigawan agad ang mga tao sa paligid.

"WASSAP MGA KAISTUDYANTE!!!!" Sigaw ni Emjay. Na naging dahilan ng sobrang lakas na sigawan. Syang ang drumer ng grupo at si Kuya Batit naman ang isa sa maggigitara at si Jem naman ang vocalist at main guitarist.

"HANDA NA BA KAYO!!!!" Sige ni Kuya Batit at nagsigawan ulit ang mga tao pati nga ako at si Gwen nakikisigaw na rin eh.

Biglang nagbilang si Emjay

"1 2 3.......

Hanggang kailan ako maghihintay na para bang wala ng papalit sayo?
Nasan ka man
Sigaw ng puso ko'y ikaw hanggang ngayon

Kumakanta na si Jem at sobrang ganda nga talaga ng boses nya. Umpisa palang ng kanta nya ay parang ikaw na nakikinig ay damangdama mo ang pinaparating ng kanta.

Kung sana lamang ay nakita mo ang lungkot sa'yong ngiti
Isang umagang 'di ka nagbalik
Gumising ka at ng makita mo
Ang tamis ng sandali ng kahapong 'di magbabalik
Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan
Hanggang ang puso'y wala ng nararamdaman
Kahit matapos ang magpakailan pa man
Ako'y maghihintay sa ngalan ng pag-ibig
Hanggang kailan ako maghihintay na para bang walang iba sa piling mo?
Nasan ka man
Sigaw ng puso ko ay ang pangalan mo
Kung sana lamang ay nakita mo ang lungkot sa'yong ngiti
Isang umagang 'di ka nagbalik
Gumising ka at ng makita mo
Ang tamis ng sandali ng kahapong 'di magbabalik
Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan
Hanggang ang puso'y wala ng nararamdaman
Kahit matapos ang magpakailan pa man
Ako'y maghihintay sa ngalan ng pag-ibig
Hanggang kailan pa ba magtitiis?
Nalunod na sa kaiisip
Huling kapiling ka'y sa aking panaginip
Ikaw mula noon
Ikaw hanggang ngayon
Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan
Hanggang ang puso'y wala ng maramdaman
Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan
Hanggang ang puso'y wala nang nararamdaman
Kahit matapos ang magpakailan pa man
Ako'y maghihintay sa ngalan ng pag-ibig
Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan
Hanggang ang puso'y wala nang nararamdaman
Kahit matapos ang magpakailan pa man
Ako'y maghihintay sa ngalan ng pag-ibig mo

Stuck In My Mind Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon