Chapter 13

1K 49 5
                                    

Tan Pov

Nagulat nalang ako ng paglingon ko ay nakita ko sa Lance at Angela.

At ng makalapit naman sila ay pinakilala sila samin ng kaibigan ni Ate Kaori na kapatid pala ni Angela.

"Sya nga pala si Lance mangliligaw ni Angela" Pagpapakilala ni Ate Karina kay Lance.

Nanliligaw na pala si Lance kay Angela pero bakit nya pa ako binabakuran kay Ashley?

Tiningnan ko naman si Ashley at nakikita ko sa mata nya na parang normal lang sa kanya wala akong nakikitang pagkabigla o ano man. Siguro ay inaasahan nya narin na liligawan ni Lance si Angela. Sana lang di sya nasasaktan ng dahil kay Lance.

Binalingan ko naman ng tingin si Lance at di ko inaasahan na nakatingin lang din pala sya sakin. At kitang kita ko sa mata nya ang pagkainis. Bakit sya maiinis eh katabi nya naman yung nililigawan nya napaka unfair naman nun para kay Angela.

Hindi ko nalang sya pinansin at tinuloy ang pagkain ko.

Sa lamesa ay di mawala wala ang ingay nila Emjay. Iniinis kasi nila ako dahil matapang daw ako. Tapos iniinis pa nila ako sa harapan ng magulang ni Ash dahil kung ano ano ang sinasabi.

"Ash, tito and tita alam nyo po matapang to si Tan." Sabi ni Emjay ito na naman po sila pagkakaisahan na naman po ako.

"Oo nga po matapang yan at masipag sa sobrang sipag po nyan kaya nya pong maghugas kahit walang higasin" Dagdag pa ni Kuya Batit. Na naging dahilan naman ng tawanan ng lahat maliban kay Lance. Bitter talaga

"Talaga Batit ganyan kasipag si Tan" Sabi naman ng mom ni Ashley na naging dahilan ng pagkahiya ko.

"Nako tita ganyan sya kasipag kaya nga kami na gumagawa ng paraan para may mahugasan sya eh" sagot ni Jem na naging dahilan upang magtawanan ulit sila.

"Opo tita at alam nyo po sa sobrang tapang nya kaya nyang matulog ng patay ang ilaw" Sabi ni Emjay. Ano bayan puro kabaliktaran naman sinasabi ng mga to.

"Ang tapang mo pala Tan" Sabi naman ni Tito. Ano ba naman yan baka maniwala si Tito at patulugin ako mag isa sa madilim.

Nagtawanan naman ang tatlo naaalala siguro nila yung time na ng sleepover kami kay Jem tapos biglang ngblack out na naging dahilan ng pagsigaw ko. Sobrang epic ko daw sabi nila.

"At sa sobrang tapang ni Tan kaya nyan mag mahal ng Del Mundo" Sabi ni Emjay na may pataas taas pa ng kilay. Nakakahiya na di ba nila iniisip ang kalagayan ko dito. Halos lamunin na ako sa sobrang hiya.

"Yown ang pinaka matapang na ginawa mo Tan. Gusto kasi namin na kung sino man ang magmamahal sa bunso namin ay yung matapang at kayang ipagsigawan sa lahat kung gaano sya kamahal. Yung kaya syang ipaglaban at panindigan. At higit sa lahat yun matapang para manatili sa kanya hanggang sa dulo. Kaya nag papasalamat kami dahil ikaw yun Tan." Sabi ni Kuya Andre na naging dahilan ng upang tuksuhin ako nitong tatlo sa lamesa nabigla naman kami ng tumayo bigla si Lance.

"Excuse me lang po" sabi ni Lance sabay labas at nagtungo papunta sa mga cr.

Nagkatinginan kami ni Emjay at nagkibit balikat lang sya. Siguro dahil walang syang idea kung ano ang nangyayari kay Lance pero alam ko kung ano ang rason nya at alam ko kung bakit sya nagkakaganito.

Nang matapos na kami kumain ay nagpagpasyahan ng iba na magswimming daw sa may pool. Gabi na at gusto daw nila mag night swimming kaya sumama narin ako.

Umakyat muna kami para magbihis ng pangswimming. Nag sando lang ako at ng short gabi narin naman.

Papunta na kami sa may pool side ng biglang nagsigawan ang tatlo.

Stuck In My Mind Where stories live. Discover now