Kabanata 33: Ang panggagamot

Magsimula sa umpisa
                                    

Pero naisip ko na tama ang matandang ito, pinrotektaha ni Blade si Flavia. Nakita namin lahat kung paano niya sinalo lahat ng mga palaso upang huwag lang utong masaktan.

"Avery, mukhang hindi na natin sila kailangang hanapin," sabi ni Tami at pinulot ang isang palaso. "May mataas na klase ng lason ang kasama sa bawat palaso. Makatakas man si Blade ngayon ay hindi rin magtatagal ay mamamatay din siya dahil patuloy na kakalat ang lason sa kanyng katawan." paliwanag niya.

"Kailangang makarating agad sa hari ang bagay na ito." sabi ni Avery. "Sabrina, Kaia. Dakpin ninyo ang matandang iyan dahil nakipagsabwatan siya sa mga kriminal."

"Avery, hindi nakakakita yung tao," suway ni Sabrina sa kanya. "Palagpasin mo na lang ang bagay na ito."

"Sabrina? Naaawa ka sa kanya gayong nakipagtulungan siya sa Sol Invictus? Sabrina, hindi awa ang dapat pinapairal natin kun'di katarungan. Ipaglaban natin ang kung anong tama." sabi naman ni Avery sa kanya kung kaya't natahimik si Sabrina. Si Avery pa rin ang pinuno namin kahit papaano.

"Tama si Sabrina, palagpasin mo na lang ito. Maraming palaso ang tumama sa katawan ni Blade kung kaya't imposible na mabuhay pa siya. At isa pa, wala naman tayong mapapakinabangan sa matandang ito." sabi ko sa kanya at nanaig ang ilang segundong katahimikan sa paligid.

"Hindi, ikulong ninyo ako." pagpiprisinta ng matanda. "Kung iyon ang sa tingin ninyong tamang gawin ay gawin ninyo. Kahit hindi ako nakakakita ay alam ko ang tamang bagay na dapat gawin. Hindi katulad ng inyong pinuno na tila ba nabulag sa kapangyarihan at sa papuri."

Napangisi ako dahil napahugot ng espada si Avery ngunit mabilis siyang napigilan ni Tami at napakalma ni Sabrina.

Hindi nawawala ang ngiti sa aking labi. "Halika na, may mga maalamat na hayop pa tayong dapat protektahan at kailangan pa nating mag-ulat sa hari tungkol sa pangyayaring ito." aya ko sa kanila.

***

Third person

Huminto ang grupo nila Basil sa gitna ng kakahuyan. Sinigurado nila na malayo sila sa bayan ng Zamora upang hindi sila masundan ng kahit sinong tao at maging ang Ixion.

"Panginoon! Panginoon!" pagkababa pa lang ni Isla sa griffin ay agad na siyang lumapit kay Basil na ngayo'y walang malay. Malubha ang kalagayan ng kanilang pinuno dahil sa dami ng sugat nito sa katawan at sa lason na patuloy na kumakalat mula sa kanyang katawan.

"Basil, gumising ka, Basil," inihiga ni Melia sa kanyang hita si Basil habang pinagmamasdan ang walang malay na binata. "May misyon pa tayong dapat gawin, Basil, kailangan pa nating pumunta sa lokasyon ng ibang maalamat na hayop." wika niya habang nag-uumahan ang pagpatak ng luha galing sa kanyang mata.

"Tumabi kayo," pagpapaalis ni Jacko sa mga kasamahan. "tatanggalin ko ang bawat palaso na nakabaon sa kanyang likod."

Lahat sila ay kinakabahan sa kung anong mangyayari sa kanilang pinuno lalo na't hinang-hina na ito. Kulay ube na rin ang kanyang katawan na patunay lamang na mabilis na kumakalat ang lason sa katawan nito.

Isa-isang tinatanggal ni Jacko ang mga palaso sa likod ni Basil habang malungkot na nakatingin ang lahat. Sumatutal ay mayroon limang palaso ang nakabon sa likod ni Basil.

"Jacko, magagawan mo ba ito nang paraan? Magagawa mo bang alisin ang lason na kumakalat sa loob ng katawan ni Basil?" naiiyak na tanong ni Melia. Nag-aalala siya sa kalagayan ng kaibigan dahil magkasama sila dati pa mula sa pagiging kalahok.

Inobserbahan ni Jacko ang katawan ni Basil. "M-mukhang imposible na magamot ko ito, masyadong mabilis ang pagkalat ng lason sa katawan ni Basil at mataas na uri ng lason ang kasama sa bawat palaso."

Tila nawalan ng pag-asa ang buong grupo dahil pakiramdam nila ay dito na magsisimula ang pagkasira ng kanilang samahan dahil isang importanteng tao ngayon para sa kanila ang nag-aagaw buhay at patuloy na pinapatay ng lason.

"Kaya ko siyang gamutin," napatigil ang lahat nung buglang magsalita si Flavia at bumaba sa griffin. "Pero kung gagamutin ko siya ay hindi nangangahulugan ito na makikipagtulungan ako sa inyong Sol Invictus. Ibabalik ko lang kay Basil ang tulong na ginawa niya dahil sa akin naman talaga tatama ang mga palasong iyon at hindi sa kanya."

Umupo si Flavia sa tabi ni Basil at matingkad na nagliwanag ang kanyang kamay. May ibinubulomg siyang enkantasyon habang nakatapat ang kanyang palad sa mga bahaging may sugat si Basil.

"Oo nga pala, kasama natin ngayon ang babaeng may basbas ni Bathala," sabi ni Jacko habang pinagmamasdan si Flavia sa kanyang ginagawa.

Tumingin si Flavia sa kanila habang patuloy niyang ginagamot ang katawan ni Basil. "Bali-baliktarin ninyo man ang mundo, kayo ang masamang grupo na nabubuhay sa ating mundo. maraming bayan na ang nagrereklamo sa kasamaan na inyong ginawa at ilang maalamat na hayop na rin ang inyong pinatay."

Tila nagpantig ang tenga ni Melia sa kanyang narinig kung kaya't hindi niya naiwasang sumagot. "Masama? Iyan ang tingin mo sa amin? Hindi ka ililigtas ni Basil sa kamatayan kung masama kami at hahayaan niyng tumusok ang mga palaso sa katawan mo. Pinrotektahan ka ni Basil, Flavia. Wala siyang pakialam kung buhay niya ang maging kapalit para sa 'yo. Ngayon mo sabihing masama kami."

Walang naisagot si Flavia dahil napansin niyang may punto ang dalaga. At isa pa, ilang beses na siyang binalaan ng binata tungkol sa pagpana sa huling raun at siya 'tong hindi nakinig.

Natapos ang panggagamot niya kay Basil. "Ligtas na ang inyong pinuno, natanggal ko na ang lason na dumadaloy sa kanyang katawan ngunit kailangan niya pang magpahinga upang maghilom ang kanyang malalalim na sugat."

Napatingin si Flavias a kalangitan at papalubog na ang araw. "Dito na tayo magpalipas nang gabi. Hindi na tayo mahahabol dito ng mga Ixion at taga-Zamora lalo na't nasa gitna tayo ng isang kakahuyan."

"Bakit hindi ka pa umalis? Kung tutuusin ay maaari mo na kaming iwanan dahil nagamot mo na si Basil. Naibalik mo na ang tulong na ginawa sa 'yo ng aming pinuno." biglang nagsalita si Lucas na walang ekspresyon ang mukha.

"Huwag kang mag-alala, aalis mismo ako. Hihintayin ko lang magising si Basil at makapagpasalamat ng personal sa kanya. Kahit papaano ay sanay naman ako tumanaw nang utang na loob," umupo si Flavia sa malaking ugat ng puno at isinandal ang kanyang ulo. "Hahayaan ko rin siyang magpaliwanag ng mga nangyayari at mangyayari. Ipinasok ninyo ako sa gulo na 'to, hindi ba't mas maganda kung malaman ko ang lahat-lahat tungkol dito?"

Napabitaw sila ng buntong hininga at maging sila ay naghanda na sa pagtulog lalo na't naging isang nakakapagod na araw iyon para sa kanila.

"Ate Melia, ikaw ba? Hindi ka pa matutulog?" tanong ni Isla.

"Babantayan ko si Basil. Sige na, magpahinga na kayo." sagot niya at umupo sa tabi ng binata at pinagmasdan ang tahimik nitong pagtulong.

Hinawi ni Melia ang ilang hibla ng buhok ni Basil na nakaharang sa mata nito. "Hindi ko alam kung bakit ikaw ang nakakaranas nang lahat ng bagay na ito, Blade. Hindi ka naman masamang tao pero parang araw-araw kang naghihirap ara sa kaligtasan ng ibang tao. Hindi mo man ako naririnig pero namangha ako sa ipinakita mong kagitingan ngayong araw, ipinagmamalaki kita at araw-araw kong dasal na malinis na ang iyong pangalan sa kasalanang hindi naman ikaw ang gumawa."

Natapos ang araw na iyon at lahat sila'y nagpahinga na. Nailayo rin sa kapahamakan ang buhay ni Basil sa tulong ni Flavia.

Anti-HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon