Warzone

3.9K 61 1
                                    

Living With Mister Daniel Padilla

Chapter 17

Grace's POV

Nakakainis na talaga tong si DJ ! Up to now di ko pa din alam ang gagawin sa Algebra. Kanino kaya ako magpapaturo ? Hay. Pumunta ako sa Library at naghanap na lang ng libro baka sakaling may multong magturo saken dun. Kumuha ako ng Math book, I scan through the pages. Hmm.. At sa wakas nakita ko na din ang hinahanap ko ! Pinag aralan ko kung papano isolve ang problem. Mas nagets ko sya dahil madali lang sundan ang mga steps. At last nakasolve din ako ng isa hanggang sa namaster ko na !

It's time for my revenge ! Just wait and see Padilla ! Pinahiya moko kanina ! I almost gave in to that stupid fake kiss. Ano kayang pwedeng ipanglaban against him ! Ano ba ang weakness ng isang Daniel Padilla ? Hmmm.

Time check: 9 am

Nakatulog na pala ako sa Library and Thank God naaalala ko pa ang pag solve sa problem na yun.

Paglabas ko ng Library nakita ko si Daniel sa sala paalis papuntang shooting. Nakita ko si yaya Helen at pumunta sa kanya.

"Yaya, alam mo ba kung saan takot si Daniel, parang weakness nya"?

"Bakit mo naman natanong yun"?

"Syempre girlfriend nya ako kaya dapat ko malaman yun"

"Baka fake girlfriend kamo, alam ko ang lahat jan. Wag ka mag alala di ko pagkakalat yan"

Luhh alam nya pala yun !

"Hmm, haha e sagutin mo na yung tanong ko"

"Saan nga ba ? ah ehh alam ko na sa ipis. Takot na takot sya dun."

"Oh ? Hahaha ! Ipis lang pala e"

"Nagtatatalon kase sya tska sigaw palabas ng kwarto ng my nakitang ipis sa kama nya"

"Bakla ! Haha sige yaya Thanks"

Sabay alis at pumuntang bodega.

Maghahanap ako ng ipis dito at ilalagay ko sa kama nya. Evil plan ! Kahit nandidiri ako sa ipis I still manage to caught 5 of them. Nilagay ko sa box.

Sakto naman naiwan ni Daniel na bukas ang kwarto nya. Kaya naman pumasok na ako at pinakawalan ang limang ipis sa kama nya bago tinakpan ng kumot. Akala nya ha !

Naligo na ako at humilata sa kama ko. Di daw makakadating si Mam ngayon dahil may meeting daw sa school.

Time Check: 11 pm

Daniel's POV

Pauwi na ako galing ng shooting para sa next movie ko. After almost a decade of driving nakauwi na din kame ni Tito sa mansion.

Pumasok kaagad ako sa kwarto ko at humilata sa kama. Ang sarap humiga nakatingala lang ako sa kisame, nag iisip isip ng may bigla akong naramdaman gumagapang na nakakakiliti sa bandang braso at leeg ko.

Nag panic ako at pinagpagan bigla ang sarili ko. Adfghjkl ! Ang daming ipis ! Tumayo ako at lumabas ng kwarto ! Lagot saken ang gumawa neto.

Grace's POV

Hahaha ! Tawa ako ng tawa after kong marinig ang mga sigaw ni Daniel sa kabila ! Bakla pa ata ! Well ! Ang galing ko talaga ! Nakasandal ako sa pinto at hinihintay pa ang mga susunod pang mangyayare.

Daniel's POV

Bumaba ako para itanong sa mga katulong kung sino ang may kagagawan nun.

"Yaya, bakit ang daming ipis sa kwarto ko?!?"

"Ha ? Eh ewan ko, di naman ako napasok dun kanina"

"Sino ba huling pumasok dun? Pakilinis nga po ang dami kase e"

"Ay, baka naman si Grace ? Kaninang umaga tinanong nya ako kung ano ang kinatatakutan mo e. Yun ang sinabi ko"

"Naku! Walang duda sya nga ! Sino pa nga ba ang gagawa nun sya lang"!!

Dumiretso ako sa taas at sinugod ko sya sa kwarto nya, binuksan ko ang pinto, not knowing na nandun pala sya kaya naman natulak ko sya at napaupo.

"Araay ha!!!!" sabi nya habang hawak ang ulo nya.

"Ikaw may kagagawan nun nuh?!?"

"Did you like my surprise babe"?

Pang aasar nya pa saken habang tumatayo.

"Ano bang gusto mong mangyare ha"??

"Oh chillax ka lang. I was just getting my revenge from yesterday. You made a fool out of me." nakataas pa ang kilay nya.

"Huh. How pathetic ! Do you really want to start a war with me"?

"Hmm, yes ? No ? Maybe ? I dunno. I just want you to know that I'm not treating you like a superstar. You're just an average guy for me. Ang laki na kase nyang ulo mo"!

"Okay you want war ? I'll give you war". Naiinis na ako eto pala gusto nya dapat matagal nya ng sinabi. I'm not gonna lose.

"It's on ! Now shoo !" pagtatakwil nya saken. Umalis naman nako at bumalik sa kwarto ko pagkatapos alisin nila yaya ang mga ipis.

Nakatulog na din ako ng mahimbing at last !

-------------------------------------------

Nag declare na ang both party ng war ! Just when you thought na nagiging okay na sila.

Vote.Comment.Be a Fan :)

Thanks for reading !

-mackenzie

Living with Mister Daniel Padilla (FanFic)Where stories live. Discover now