At the Mansion

5.5K 94 3
                                    

Living With Mister Daniel Padilla

Chapter 4

Nasa labas na ako ng bahay nila Francine, nag text na kase sakin si Tito, malapit na daw sya. Kasama ko ang pamilya ni Francine, they want to see me off.

Maya maya pa, natanaw ko na ang isang puting kotseng papalapit sa kinatatayuan namen. Natanaw ko ang driver, si Tito Ranz. Pinark nya ang kotse sa tapat ng bahay nila Francine, saka lumabas ng kotse.

"Goodevening mam, sir",bati nya sa family ni Francine,

"Thank you for taking care of my niece".

"Dont mention it, napamahal na din samen si Grace" sagot ni Tita. 

Sabay ngiti sa aken.

"Are you ready princess"?. Tanong saken ng Tito ko.

Tumango lang ako. Kinuha na ni Tito ang mga dala kong maleta at sinakay sa kotse. Lumapit ako at niyakap ang pamilya ni Francine.

"Tita, Tito, alis na po ako. Thank you po sa lahat. Stay healthy po. 

Sabay yakap kay Tita.

"Baklaaa, mamimiss kita ! Text text na lang ah, Bisita ka kapag may oras ka". Sabi ni Francine na halata naman nagpipigil ng luha.

"Oo naman. Mamimiss ko din yung kakulitan mo. Ingat kayo palagi ah" niyakap ko siya.

Pumasok na ako sa backseat ng kotse ni Tito. Nagpaalam na din si Tito sa kanila. Unti unti ng umaandar ang kotse. Kinawayan ko sila hanggang sa parang anino na lang nakikita ko. Nakalayo na kame. May kausap sa phone si Tito. Tumingin tingin ako sa paligid. May nakita akong magazine. Kinuha ko. Muntik na akong mapatili. Si Daniel Padilla kase ang cover. Sa mga hindi pa po nakakaalam, big fan po talaga ako ni Daniel Padilla and I'll do everything to see him, sya lang ang  nagpapasaya saken katulad sa mga ganitong panahon. Kapag umuuwi ako galing sa burol nila mama mga kanta nya lang ang pinapakinggan ko bago ako matulog. Anyway, Nakakapagtaka lang bakit naman magkakaroon sya ng magazine na ganito. Binaba na nya ang phone. Nilingunan nya ako at napansin nyang hawak ko ang magazine.

"Idol mo ba si Daniel"?

Nagulat ako sa tanong niya. Mejo nahiya akong sagutin.

Sa sobrang kilig at hiyang nararamdaman ko napayuko na lang ako at napatango, sabay sabing "Opo". Speechless ako dun ah. 

"Ah, sa bagay." tipid na sagot ni Tito.

Nagpatuloy sya sa pagddrive. Kinuha ko na lang ang iPod ko at nagpatugtog. May pagkamalayo siguro ang bahay ni Tito. Kanina pa kase sya nagmamaneho. Mayroon siyang asawa, si Tita Elise pero wala pa silang anak. Mahigit isa't kalahating oras na ang lumipas hanggang sa makarating na kame sa bahay ni Tito.

Parang mansion ang bahay nila sa laki. Dalawa lang naman sila ni Tita pero bakit mala palasyo naman tong bahay nila. May dalawang maid na sumalubong sa amin, pagkatapos ipark ni Tito ang kotse niya. Kinuha ng mga maid ang mga gamit ko.

"May hinanda na akong kwarto para sayo. Sundan mo na lang ang mga maid. Gabi na magpahinga ka na".

"Thank you po Tito" Hinalikan nya ako sa noo. Pumasok na kame sa mansion. Ang lawak. May Grand Staircase tapos high ceiling. Dumiretso kami sa 2nd flr. Tumigil ang mga maid, at binuksan ang huling kwarto sa hallway. Ang daming kwarto nakakapagtaka kung para kanino yung mga yun.

Pumasok na ako sa kwarto. Iniwan na ako ng mga maid pagkatapos ilapag ang mga gamit ko. Lumuwa ang mata ko sa nakita ko. Pink lahat ng nandun, simula sa paint, bedsheets, closets, wardrobes, pati yung ilaw. Kumpleto na din ang mga gamit. May tv, laptop, may desk pa ako. May mini kitchen at bathroom din dun. Meron ding balcony na natatakpan ng pink curtains. Super obsessed talaga ako sa color pink. Kaya naman tuwang tuwa ako nag effort pa talaga si Tito.

May narinig akong ingay. Parang may nagpapatugtog. Lumabas ako ng kwarto. May katapat akong kwarto door to door talaga. Nilapit ko ang tenga ko dun sa pintuan ng kwartong iyon.

"♪♫At kahit na magkaanak kayo't magkatuluyan balang araw♪♫"-

Whoa that's Daniel on the track. Sino naman ang nagpapatugtog ng ganyan dito. Na curious ako sa kung sino ang nasa loob ng kwarto. Pero hindi ko na pinansin. Nakalimutan kong itanong kay Tito kung may kasama pa siya dito bukod kay Tita Elise at sa mga maids at drivers.

Bumalik ako sa kwarto at humiga sa kama. Di ko namalayan na nakatulog na ako sa sobrang pagod ko.

------------------------------------------- 

Ang haba pala nito. Sorry naman. !

Vote.Comment.Be a Fan :)

Thanks for reading !

-mackenzie

Living with Mister Daniel Padilla (FanFic)Where stories live. Discover now