Math Genius

3.9K 58 5
                                    

Living with Mister Daniel Padilla

Chapter 15

Grace's POV

Simula ngayon, ako na ang fake girlfriend ng sikat na hearthrob sa Pinas ! I feel so lucky. Pero kelangan kong kalimutan ang pagiging fan girl ko, at iwasan ang ma fall sa kanya. Kaya ko to! Ako ang nagsulat nun kya dapat panindigan ko din. Walang appointment ang boyfriend ko ! Haha f na f ! Pero may home study kame with Ms. Heather. First time namen magkakasama ni Daniel sa klase, kaya naman nag prepare na ako.

Naligo ako saka bumaba, nandun ang mga katulong pero wala si Daniel.

"Yaya Helen, si Daniel nasan?" tanong ko.

"Nasa Library na." sagot nya.

Ang aga naman nya dun. Nag almusal na ako at dumiretso sa Library. Pagpasok ko nakita ko syang nagbabasa ng libro. Wala pa si ma'am.

"Aga mo naman, ano yang binabasa mo"?

Hinarap nya sken ang librong binabasa nya. Pero di pa din sya nakatingin sken.

"History Book as you can see".

"Ah oo ngae, tanga ko talaga! Anyway alam mo ba kung ano ang subject naten ngayon? Di ko kase alam yung sched naten sa subject"

Sabay upo sa tabi nya.

"Hmm. Algebra tska Eco". Sinara nya na ang libro at tumingin saken.

Nagulat ako ng sinabi nya yun! Hindi ako magaling sa Math worst pa Algebra ! Bobo talaga ako dun. Iniiwas iwasan ko yun pero lapit pa din ng lapit! Nyetang math yan oh !

Nagmadali akong kumuha ng math book sa shelves but it's too late na ! Nanjan na si Mam. I went back to my seat and I saw Daniel smirked a little. Kainis!

"Good morning lovebirds"!! Bati nya, natawa ako oo nga pala couple kame sa mata ng lahat.

"Good morning din po" sabay kami ni Daniel. Na hindi mapigilang ngumiti. Liar kase.

Nagsimula ang klase namen. Eco ang una buti inuna nya yun. Nag lecture siya about sa Scarcity, Supply, Demand at kung ano ano pa. Hindi naman ako masyadong nahirapan mka pick up. Pasulyap sulyap din ako sa katabi kong todo aral at take notes.

Matapos ang mahigit 2 hours. Natapos na din kame. Next one ang nakakatakot na Algebra. My gawd talaga ! Sna hindi ako mapahiya kay Daniel ! Baka malaman nya na mahina ako sa Math. Pagtatawanan ako ng mokong na to for sure !

Nag umpisa na ang delubyo este Algebra. Nahilo kaagad ako ng my nakita akong numbers. Sino ba kasing hudas ang nag imbento ng math at napagtripan pang pagsamahin ang letters at numbers ?

At dumating na sa kinatatakutan ko, ang mag solve ng problem. Binigyan kami ni mam ng problem. Nagsimula kaagad mag solve tong katabi ko. Ako nganga ! Sumisilip ako sa papel nya pero di ko makita. Ang damot ! Ayaw magpakopya. Girlfriend mo kaya ako ! Peke nga lang. Kainis. Tinitingnan na ako ni mam dahil wala akong ginagawa. Nakayuko lang sa libro at kunwaring nagbabasa pero wala naman pumapasok sa isip ko. Sumasakit pa nga lalo dahil sa mga numbers na nakikita ko.

"Okay times up"sabi ni mam.

"May I see your work Grace"? Pucha lagot ako. Waley sagot! Binigay ko ang papel ko na sobrang linis.

"Hmm, Wow it's clean !" natatawa pa sya.

"Okay mr. Boyfriend may I"? At inabot ni Daniel ang papel nya. Tiningnan ni mam.

"Look we got a genius here ! Very good". Napangiti lang si Daniel.

"I think you should teach your girlfriend" sabay tingin saken si mam. Walang imik si Daniel.

"Next meeting. I'll give you a problem to solve, Grace and I'm expecting you to answer it correctly".

Aw ! Bwiset na math yan ! Pahirap ng buhay ! Di naman kelangan yan sa everyday life. Kapag nagbayad ka ba sa jeep tatanungin ka ng driver kung ano polynomials ? Hindi naman e.

"Okay. Let's call it a day. See you" sabi ni mam sabay labas sa Library.

Nangiti namang tumingin sa aken si Daniel. He's obviously holding back his laugh because of my stupidity. Napahiya pa ako !

"Oy, mag aral ka nga ng mabuti. Ang hina mo pala sa Math. Di kita tuturuan jan. Bahala ka"

Sabay tayo at pumunta palabas

"Uy wait lang naman!" hinawakan ko ang braso nya.

"Oh bket ka nkahawak ? Diba nakalagay sa kontrata na bawal maghawakan"?

Bumitaw ako sa kanya. "Favor naman tulungan mo ako sa math. Teach me. Please"???? Nag puppy eyes pa ako.

"Magpaturo ka sa katulong or di kaya kay Tito"

"Ang yabang mo"!!! Porket nasolve mo lang yung problem! Pa burger ka !

Umalis na ako ng Library at umakyat sa kwarto. Susubukan kong magsolve mag isa ng hindi humihingi ng tulong sa iba! Kumuha ako ng papel at nag aral.

-------------------------------------------

Nakarelate ka ba ? Ako yan e. Mahina ako sa Math as in .! Haha xD kayo ba ?

Vote.Comment.Be a Fan :)

Thanks for reading !

-mackenzie

Living with Mister Daniel Padilla (FanFic)Where stories live. Discover now