Fifteen

124 3 0
                                    

     "Arrrrgh!" Kanina pa ako pabaling-baling sa kama ko. Hindi ko alam kung tatawagan ko ba si Terrence o hindi. Dahil hindi ko din alam kung may nagawa ba akong mali o wala.

~~

    "Siguro nga. Quits na tayo," sabi ni Terrence ngunit bago pa man ako makasagot ay bigla siyang nagsalita.

    "Peony! Teka lang!" sigaw nito sa may likuran ko. Pagtalikod ko, nakita ko ang isang magandang babae. Naka off-white lace blouse siya na pinatongan ng cardigan. Isang gray fitted jeans at doll shoes naman ang sapin niya sa paa. She looked smart yet sweet.

    "Renz!" Kahit boses niya ang sweet.

    Bigla akong iniwanan ni Terrence at lumapit siya kay Peony.

    "Pupunta ka ba sa office? Sasabay na ako sa'yo. Si Yuan kasi, napagtripan ako sa Jail Booth niya."

    "Si Yuan talaga. Sige halika na para makarami tayo ng benta. Madami na kasing tao dun."

    Bumaling ang tingin ni Terrence sa akin. "Ah Aki, mauuna na ako. Bye."

    And before I bid my goodbye, nawala na sila sa harapan ko.

~~

    "Ang bilis naman magbago ng isip ng mokong na yun! Bipolar ba yun? Ano ba kasi kasalanan ko at bigla siyang nagtampo? Ang hirap naman kasi nila basahin! Daig niya pa ang jejemon na text!"

    Kinuha ko ang selpon ko at tinitigan ang number ni Terrence. To call or not? To call or not?

   "Bakit ko ba iisipin ang mokong na yun? Bahala siya! Daig niya pa ang babaeng meron sa pagiging moody!"

    Bigla kong naalala si Peony. "Sino ba kasi ang Peony na yun? Ano ba kasi ang binebenta nila? Ang sakit mo sa ulo Terrence! Lumayas ka na sa isip ko!"

    "Ayy Terrence." Napasigaw ako ng makita ko ang pangalan niya na naka flash sa screen ng cellphone ko. Natataranta kong sinagot.

    "Hello? Hello? H-hello?" Ano kayang kailangan nito?

    "Malapit ka na ba? Sabihin mo lang para masundo kita sa labas."

   "Huh? Di kita gets." May usapan ba kami ni Terrence na magkikita ngayon? Di ba galit-galitan kami ngayon?

     "Yung treat kung dinner sa'yo? Limot mo na?"

     "May sinabi ka bang ganun kanina?" Wala ata akong maalala. At imposibleng makalimutan ko, kung meron man.

    "Natural wala. Last month ko pa pangako yun sa'yo di ba? Ang sabi ko pa nga nun pag naubos lahat ng paninda natin tetreat kita ng dinner."

    "Paninda?"

   "Peony naman. Paulit-ulit?"

    Kumulo ang dugo ko, kamukha este kaboses ko ba ang Peonyng yun para mapagkamalan niyang ako?! At isa pa ang layo naman ata ng Aki sa Peony sa phonebook niya! Kahit ang Jacky!

    "Hoy Terrence! Tanga ka ba o bobo? Si Aki 'to! HINDI. AKO. SI. PEONY! Bwesit ka!"

    "A-aki? Aki?! I'm so sorry! Magkasunod kasi ang pangalan niyo sa call register ko ee. Namali pala akong pindot, sorry talaga."

    "Ahh so hindi ka tanga o bobo. Bingi ka lang. Mukha ba kaming magkaboses?! Ha?!"

    "I really can't distinguish. I'm so sorry. I ah, I gotta go. Enjoy your night. Bye."

    Ganun-ganun lang yun? At may pa dinner-dinner pa siyang nalalaman?

    Ahh ayoko talaga siyang isipin! Masakit lang sa dibdib.

    

    

MaskedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon