Twenty Nine

105 5 0
                                    

Aki's POV

"Mahal kita."

I opened my mouth to say something but only to shut it again. Napakunot ako ng noo.

I tried to laugh pero para lang ako naubo. "Ha-ha-ha. Ang galing mo talagang mag joke. Keep it up. You have a future." Tinapik ko ang balikat niya at pinagpatuloy ang paglalakad.

"Sandali lang Aki..." narinig kong sabi ni Terrence kaya napahinto ako.

Hinarap ko siya. "That better be good Terrence. Dahil ang tanging naiisip ko kung bakit mo sinabi yan ay nagbibiro ka lang. Wag mo ng patagalin. Ok na huli na ako. Tapos na ang palabas."

"Hindi ba talaga ako nababagay para sa iyo Aki? Hanggang biro lang ba at pagkukunwari ang akala mo sa lahat ng ito?" puno ng paghihinagpis ang tinig nito.

"Sinasabi mong mahal mo ko pero hindi ka nagparamdam. Bigla-bigla ka na lang nagspe-speech jan. Nasaan ka nitong mga huling nakaraang araw?" Hindi ko mapigilang itanong sa kanya.

"Nag-iipon ng lakas ng loob," nakayuko nitong sabi. "Alam mo bang naghanda ako ng sasabihin sa'yo? Medyo mataas din yun pero ngayong nandito na ako, wala eh."

"Bakit kay Daddy ka nag propose?"

"I grab the oppurtunity. Nag-uusap na kasi kami nun kaya sinabi ko na lang yung damdamin ko sa kanya."

"Eh ba't di ka na lang kay Daddy nanligaw?"

"Syempre ikaw ang mahal ko eh, hindi siya."

Bigla akong namula sa sinabi niya. Boom! Speechless!

"Come to think of it, ba't ko naman ikakahiya ang pagsasabi sa'yo ng mahal kita? Nakakagaan pala ng feeling kaya simula ngayon uulit-uulitin ko na. Mahal kita Aki. Mahal kita." Puno ng intensidad niyang sabi.

"Uhm..." I stared at him. Not knowing what to say.

"Unang kita ko pa lang sa'yo gandang-ganda na ako. Napaka misteryosa mo pa nun. Laking pasalamat ko nga ng makita kita na kausap si Tita Cory. Lalo na nung sinabi mong manliligaw mo ako. Nanginginig ang tuhod ko nun nung gusto mo akong makausap. Alone." He smiled at the memory.

"Kaya ako pumayag sa kasunduan natin Aki. Naisip ko nga nun kung bakit ako sunod ng sunod sa pinagsasasabi mo, wala naman akong makukuha pero ngiti mo pa lang sapat na." Nagkamot siya ng ulo. "Corny na ba?"

"Pero.. Tinawagan mo ako tas inakalang ako si Peony." I winced at the memory. Lahat ata ng insecurities ko nun lumabas.

Tumawa si Terrence. "I was desperate. Ayoko na kasing maging option mo lang pag kailangan mo ng excuse. I want to be there for you every single second of your life. So I used an old tactic hoping na gagana yun. Nagselos ka ba nun?" He chuckled. "It was Peony's idea and it was a group date. Teka lang, nagselos ka ba nun?"

Kunot-noo ko siyang tiningnan. "Ba't naman ako magseselos?"

"Sabi ko nga eh. Aki, hindi kita minamadali. Gusto.. Gusto ko lang malaman mo na nandito lang ako and please don't shut me out of your life. I don't ask but I'm hoping that you'll love me back. But for now, please, let me love you."

"Time out muna. Parang nalulunod na ako eh. Teka lang ha..."

"Pero kung di mo talaga ako gusto at nandidiri ka na, aalis ako ng tahimik. Sabihin mo lang. Naiintindihan ko. Anak ako sa labas. Bastardo. Hindi ako nababagay sa isang katulad mo. Sino ba naman ako para..."

"You're mine. Aki's Terrence," putol ko sa sasabihin niya. And just like what he did, I grab the oppurtunity.

MaskedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon