Twenty Eight

101 4 0
                                    

Terrence's POV

Nanginginig ang kamay ko habang hawak-hawak ang gitara. Ang sarap umurong pero ng mapagmasdan ko siya, nawala lahat ng takot ko.

She looked so damn pretty under the light of the moon and the christmas lights. Nakikita ko sa mga mata niya ang repleksyon ng ilaw hatid ng mga christmas lights.

I could drown into them. Parang langit sa gabi. Puno ng mga nagkikislapang bituin. Ang sarap lang ng buhay habang tinititigan siya. Now, I found my courage. I ain't going back.

I started strumming the guitar. Napa kunot-noo ako. I played the wrong key. I awkwardly smiled at her.

"Pasensya na. Hindi kasi talaga ako marunong. Take two." I strummed my guitar again. "Hindi ko talaga alam kung papaano simulan. I sucked at this."

Gulong-gulo ako. Natatakot ako. Hindi ko alam kung normal pa bang maramdaman na baka ayawan niya ako. Baka tumakbo siya. Baka di na niya ako kausapin. Baka kinabukasan she'll act as if nothing happened. Or maybe I'm just to paranoid. Ganito ba ang feeling pag magtatapat?

She smiled at me. And that smile was enough to make me fall for her even more. I could do everything and anything for this lady in front of me. I want to make her happy for the rest of my life. I started singing.

I won't talk
I won't breathe
I won't move till you finally see
That you belong with me

Takot ako. Takot ako nararamdaman ko sa kanya. Takot ako na baka di ako ang nararapat sa kanya pero nagawa kong harapin lahat ng insecurities ko dahil mas takot akong mawala siya sa akin. Mas masakit yun.

You might think I don't look
But deep inside
In the corner of my mind
I'm attached to you

Naalala ko ang mga nakaw kong tingin sa kanya. Nakaw dahil ayaw kong makita niyang unti-unti na pala akong nahuhulog sa kanya.

I'm weak
It's true
Cause I'm afraid to know the answer
Do you want me too?
Cause my heart keeps falling faster

Naging duwag ako. Tanga. Torpe. Kinain ako ng pangamba dahil baka ayawan niya ako. Hindi ako nabibilang sa mundo niya pero siya, naging mundo ko siya.

I've waited all my life
To cross this line
To the only thing that's true
So I will not hide
It's time to try
Anything to be with you
All my life I've waited
This is true

Ito na 'to! Totoo na talaga. Nagawa kong magtapat sa kanya para at dahil sa kanya. Gusto kong subukan kesa itanong sa hangin lahat ng mga paano kaya at sana pala. Wala ng pasakalye. Wala ng bawian. Dahil mahal ko siya.

I've waited all my life to cross this line
To the only thing that's true
So I will not hide
It's time to try anything to be with you
All my life I've waited

This is true

Yumuko ako dahil, dyahe nakaka bakla pero naiiyak ako. I have never felt this strong kind of emotion ever since. Parang gustong sumabog ng dibdib ko. Ganito ba talaga lahat ng na iinlove?

"I must say. You really suck at this."

Napatingin ako sa kanya at huli na para bawiin at yumuko.

"Umiiyak ka Terrence? Hala bakit? Ok ka lang ba? May problema ka ba?"

Napa iling ako. "Dense mo rin eh noh? Mukha ba akong may problema lang kaya ako pumunta dito at kinantahan ka?" Nagsibalikan lahat ng luha ko sa tear ducts ko.

"You tell me."

Napalunok ako. Nakuha niya ako dun ah.

"Well... Ano na? Ayoko namang mag assume dahil baka nag practice ka lang di ba? Or gag show 'to tas may camera pala sa poste o sa puno..." Nilingon nito ang paligid. "Malay ko kung anong nasa isip..."

"Mahal kita." I blurted out.

Mula sa kahoy ay bumaling ang paningin niya sa akin. "Eh?"

"Yun na yun. Wala ng ulit-ulit." Dyahe naman. Nanginginig na tuhod ko tas ipapa ulit niya pa. Baka mawalan na ako ng ulirat niyan.

"Ok sabi mo eh. Sige mauuna na ako. Goodluck na lang sa kung ano man niyang pinagkakaabalahan mo." She passed through me when I grab her hands. Hinarap ko siya.

"Mahal kita."

MaskedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon