Chapter 8: The Olympians

Start from the beginning
                                    

"And we meet in the sky..." both. 


"Ehem ehem ehem!" isang distraction ang umistorbo sa dalawa. 


"Miss, hindi ka pumasok dito sa dorm namin para kumanta." paalala ni Chronus na nakasandal sa may pintuan ng kuwarto ni Hoven.


Alam ni Caroline ang kanyang obligasyon; ang problema lang na naiisip niya, isa na siguro sa pinaka-nakakakilig na eksena ng buhay niya, ay ang makipag-duet kay Hoven. 


"Opo! Mag-tatrabaho na nga!" pasinghal na sabi ni Caroline. Lumabas ito at hinanap ang kusina para mag-handa ng pagkain. 


Sa kwarto ni Hoven...


"Dude, give her a break. Kanina lang nangyari yung pambabastos mo, tapos susundan mo nanaman ng pang-aasar. Di ka pa ba napapagod?" saway ni Hoven sa kanya.

"Sino ba nauna? Tinawag niya akong "bakla" anong gusto mong gawin ko? tumunganga? Bagay sa ganong klase ng babae, binibigyan ng leksyon. At least, napatunayan ko sa kanyang hindi ako bading." depensa niya.


Pagtalikod ni Chronus walang anu-anoy, lumpiad ang mukha nito at napaupo sa sahig. 


"So, hindi ka talaga titigil? Alam mo ba yung ginawa mo? Alam mo ba yung damage na ginawa mo ha? Sumagot ka!!!" Caroline. 


"Ang arte mo! Parang kiss lang! Nanuntok ka na? Eh ako nga sinabihan mo ng bak.." 


"Maarte? Ako? Oo! Sabihin mo nang maarte! Hindi kasi ako kasing babaw ng ibang babae na parang walang value ang kiss! Hindi ganong klase ng set up ang gusto kong maging first kiss ko! Alam mo ba yon??? Ang gusto ko pag maalala ko siya, sa lalaking espesyal sa akin at mapapangiti ako. Hindi yung babangungutin ako!" humihikbing si Caroline. 


"What the heck? Iniinsulto mo nanaman ba ako? Hindi mo ba alam na madaming babae dito sa Olympus ang kinaiinggitan ang nangyari sayo? Tapos sasabihin mo... bangungot? Gusto mo na ba talagang mamatay?"

Tumayo ito at lalapitan nanaman ang dalaga. 


"That's enough!" biglang may samurai na naka-pagitna sa kanilang dalawa na biglang ikina-kaba ni Chronus. 


"Zachariah wag kang makialam di..." Parang mga magician talaga ang mga 10 Olympians na to. Biglang nawala si Zach at Caroline. 


Sa may kuwarto ni Zach... 


"Okay ka lang ba miss?" Zach nilagyan niya ng tsaa ang teacup na nasa harap ni Caroline.

"Caroline. Salamat, okay na ako. San ka nga pala galing?"


"Dito sa balcony. Nice name. By the way I'm..." 


"Zachariah. (napangiti ng bigkasin ang pangalan) Bakit ka nga pala puma-gitna sa aming dalawa kanina?" 

Meeting Mr. GiftedWhere stories live. Discover now