Ika- Dalawampu't Siyam na Kabanata

25 6 0
                                    

//4 months later//

MAY 27, 1402

Ito na, ito na ang araw ng kasal namin ni Nikolas. Agad akong gumising ng maaga at naligo. Pagtapos inayusan naman ako nung mga tagapagsilbi. Nilagyan nila ako ng make-up tyaka binihisan ng damit pang-reyna.

Di rin nagtagal at natapos na. Hinihintay nalang namin ang oras na magsimula ang kasal.

Bigla ring dumating sina Sonora at Paloma.

"Masaya kami para sayo, Divina!" Sabi ni Paloma at sabay nila akong niyakap.

"Sana huwag mo kaming makakalimutan." Sabi naman ni Sonora at tumango ako.

"Syempre hinding hindi ko kayo makakalimutan. Kayo lang naman ang mga naging totoong kaibigan ko." Sabi ko at nagyakap kaming tatlo.

Maya maya nagstart na ang kasal.

Dahan dahang naglakad si Nikolas sa gitna papunta sa kanyang trono at ako naman ang sumunod. Kinakabahan ako sa sobrang dami ng tao.

Dahan-dahan din akong naglakad sa gitna at binigyan ng ngiti si Nikolas. Nakita ko namang nakangiti rin itong nakatingin sa akin sabay patak ng tears of joy.

Nang makarating ako, tinaas ni Nikolas ang kamay niya kaya inapiran ko at sabay kaming tumawa ng mahina.

Nagpalitan kami ng mga singsing at isinuot na sa akin ang korona tas you may now kiss the bride.

"Maaari nang halikan ang nobya." Sabi nung isang matandang lalaki.

Naghalikan kami sa harap ng lahat at masayang idiniwang ang kasal namin.

Pagtapos ng ceremony, kainan na. Masaya ako dahil pinakasalan ko ang nag-iisang lalaking minahal ko habang buhay.

Napatingin nalang ako sa kanya sabay napangiti.

"Maligayang pagdiriwang para sa bagong kasal!" Malakas na sinigaw ni Sonora at tinaas ang kanyang baso.

"Maligayang pagdiriwang para sa bagong kasal!" Pag-ulit ng lahat sabay nag cheers!

Loko talaga tong si Sonora.

Masayang nagtapos ang araw ng aming kasal na habang buhay kong ibabaon sa ilalim ng aking puso.

Simula ngayon, I will no longer sleep sa kuwarto ng mga tagapagsilbi. Kung hindi sa kuwarto na rin ni Nikolas. Sosyal na ko ngayon hahahah joke.

Di ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon. Sana habang buhay nalang akong mananatili sa 15th century.

The Story of UsWhere stories live. Discover now