Ika-Sampung Kabanata

40 7 0
                                    

Gumising kaming lahat ng napakaaga dahil sa mga tugtog na narinig namin mula sa labas.

Agad kong kinuha ang pisong sinuweldo sa amin ni Nikolas kahapon at sabay sabay kaming lumabas ng kaharian.

Fresh air, ang sarap dito sa labas!

Namangha ako sa ganda ng disenyo dito sa festival. Napaka makulay at ang daming mga pagkain, gamit na binebenta.

Sa sobrang dami ng mga tao, hindi ko na mahagilap sina Sonora at Paloma. Nasaan na kaya yung dalawang yun?

Kaya pumunta muna ako doon sa isnag tindahan at nabigyang pansin ko ang isang napakagandang hair clip.

"Magkano po ito?" Tanong ko doon sa nagtitinda habang tinuturo ang hair clip.

"Tatlong monyeda." Sabi nung ate at napanganga lang ako. Ang mahal!

"Maaari po bang Isang monyeda lamang ang aking ibayad? Bigyan nyo po ako ng tawad." Tanong ko at umiling iling ang nagtitinda.

"Sige na po--" Naputol kong sinabi nang may lalaking tumabi sa akin kaya napausog ako ng kaunti papalayo.

"Magkano ito?" Tanong nung lalaki sabay turo doon sa hair clip na gusto ko.

"Tatlong Monyeda." Sabi ulit ng ate at binili ito nung lalaki.

"Binibini," Sabi nito at binigay sa akin ang hair clip.

"Ha-- bakit? Hindi mo na kailangan iyan bilhin." Paputol-putol kong sinabi.

Napatitig nalang ako sa mukha ng lalaki. Napakapogi, napakatangkad, at mukhang napakabait!

"Binibini," Sabi nito at natauhan naman ako.

"Ito'y binibigay ko sa iyo bilang isnag regalo na lamang." Sabi nito at binigay sa akin ulit ang hair clip.

"Mukhang babagay sa iyo iyan." Sabi nito at ngumiti kaya naman sinuot ko ito agad.

"Hindi nga ako nagkamali, ika'y ubod ng kagandahan binibini. Maaari ko bang malaman ang iyong pangalan?" Tanong naman nito.

"Ah-- Ako si Divina Ricaforte." Sabi ko naman.

"Ako naman si Nikodemus Agustin." Sabi nito at nag bow.

"Teka--Agustin?" Tanong ko at tumango naman ito.

"Ikaw ba ang nakababatang kapatid ni Haring Nikolas?" Tanong ko at tumango ulit ito kaya naman nag bow ako at napangiti naman siya.

"Paano mo naman nakilala ang aking kuya?" Tanong ni Nikodemus.

"Ako'y isang tagapagsilbi ng hari." Sabi ko naman at napatango tango ito.

"Nikodemus!" Narinig kong sinigaw ni Haring Nikolas at lumapit ito sa amin.

Tumingin ito sa akin at kay Nikodemus.

"Kilala mo siya?" Tanong ng hari at tinuro ako.

"Oo--" Naputol nitong sagot

"Kailan pa?" Tanong ulit ng hari.

"Ngayon lamang, kuya." Sagot ulit nito at tumango naman si Haring Nikolas.

"Diyan na muna kayo at may aasikasuhin lang ako sa loob ng kaharian." Sabi naman ng hari at bumalik na ito sa loob.

"Divina, gusto mo bang kumain?" Tanong ni Nikodemus

"Puwede rin, ako magbabayad mahal na prinsipe." Sabi ko at nag dikit naman ang mga kilay niya.

"Nikodemus nalang ang itawag mo sa akin." Sabi nito at ngumiti. Parang yung kuya niya lang hehe.

Pagkatapos naming kumain, nilibot niya ako dito sa festival. Ang ganda dito! It's beyond my expectations.

"Mamayang gabi maraming paputok ang lalabas dito. Napakaganda, sobrang makulay." Sabi nito habang naka tingin sa akin.

"Oo nga pala, para saan ang pagdiriwang na ito?" Tanong ko
"Tuwing 13 ng kada buwan nagaganap ang pagdiriwang na ito. Dahil itinayo ang kahariang noong 13 A.D." Sabi ni Nikodemus at tumango nalang ako.

Bigla namang may malakas na tugtog ang naglaro doon sa kabilang gilid at pinuntahan namin iyon.

May mga sumasayaw doon na may mga apoy apoy pa. Ito ata yung tinatawag na fire dancing sa ingles.

Sa gitna ng kasiyahan, may isang grupo ng nga nakanakapang knight na kasuotan ang dumating.

"Nasaan ang hari?" Tanong nung parang leader nito.

"Bakit?" Malakas na tinanong ni Nikolas na lumabas sa napakalaking pintuan ng kaharian. Naka armor din siya, may sword na hawak at may mga kawal na kasunod.

Anong nangyayari?

"Nagpadala ng mensahe ang mahal na hari ng Lo Bello." Sabi nito at may ibinigay na papel na nakaroll basta yung parang sa mga map ganun.

"Alam mo ba kung ano iyon?" Tanong ko kay Nicodemus at umiling siya. Mukhang wala rin siyang ideya kung ano yun.

The Story of UsWhere stories live. Discover now