PANIMULA

152 7 1
                                    

Started- 4/14/19
Finished- 5/27/19

//Unang Kabanata//

Once upon a time, may isang babaeng nagngangalang Divina Ricaforte at ako iyon. Ang buhay ko ay pwede mo na ring ikumpara o itulad sa isang fairytale ngunit walang happy ending.

Sa aking kwento, dito mapapatunayan na hindi lahat ng mga hari,reyna,prinsesa o prinsipe ay nagkakaroon lagi ng happy ending. Tulad ko, I was the queen pero nasaan na yung hari?

***

Agosto 1, 2005

Nandito ako ngayon sa bahay ni lolo. Dahil mag cecelebrate ako ng 9th birthday ko bukas! Medyo maluma na rin yung bahay ni lolo dahil sa mga magulang nya pa yun. Ngayon, 68 years old na si lolo at malakas lakas pa siya.

Maya maya ay dumating na rin si mama sa bahay dahil may binili lang siya sa labas.

Umikot ako sa bahay ni lolo at napadpad naman ako sa loob ng kanyang kuwarto.

Andaming mga antique na gamit sa kuwarto ni lolo. Halos walang bago. May mga libro pero iilan lang. Napalapit ako sa bookshelf ni lolo at nabigyang pansin ko ang isang libro.

'Ang Hari at Ang Nawawalang Reyna'

May something sa librong to. Parang nakakacurious kaya naman kinuha ko ito.

Bago ko buksan ang pinto, biglang pumasok si lolo at kinuha ang librong iyon.

"O, apo. Ano naman ang ginagawa mo rito?" Tanong ni Lolo

"Wala po lolo. Parang ang ganda pong basahin ng librong iyan." Sagot ko

Napatingin naman siya sa libro at sa akin.

"Apo, hindi pa ito ang tamang panahon para basahin mo ito."

"Bakit naman po lolo?"

Hindi na sinagot ni lolo ang tanong ko. Binalik na niya ang libro sa bookshelf at lumabas na ng kuwarto.

"Tara apo, kumain na daw tayo." Sabi ni lolo na nakangiti at sinenyasan akong bumaba.

Binalikan ko muli ng tingin ang librong iyon. Tungkol saan kaya yun?

Bumaba na ako at ako nalang pala ang hinihintay nila. Nagdasal kami at sabay sabay na kumain.

"Ma, Pa, Lola." Tawag ko sa kanila habang kumakain.

"Oh ano yun, apo?" Tinanong ni Lola. Tumingin ako kay Lolo at nagsalita ako

"Alam niyo po ba kung tungkol saan yung libro?" Tanong ko

"A-anong libro?" Tanong ni Papa

"Yung Hari at Ang Nawawalang Reyna." Sagot ko at nagkatinginan silang lahat. Parang may alam sila na hindi ko alam.

"W-wala yun apo." Nautal na sabi ni Lola

"Okay po," Sagot ko. Hindi ko na sila pinilit kung tungkol saan yun.

Pagtapos kumain, nagpaalam akong pupunta lang ako sa computer shop. Binuksan ko ang google at sinearch ko yung pangalan nung libro.

Walang lumabas.

No results found

Bakit wala? Siguro hindi sikat yun. Gusto ko siyang basahin. Bakit ayaw nila ipabasa sakin yun? Hindi naman siya 18+
Hindi kaya napakamahal nung librong yun kaya ayaw nila ipahawak?

Pinapareserve ba nila yun para sa future? Ibenta ko kaya. Yayaman ako sa librong yun.

Agosto 2, 2005
12 am

Gumising ako ng madaling araw at pumasok ako sa kuwarto ni lolo. Birthday ko na ngayon! Hihingiin ko kay Lolo yung libro, baka pumayag siya.

Dahan dahan kong ginising si Lolo.

"Lolo, birthday ko na po" Mahina kong sinabi at unti unti niyang minulat ang mga mata niya.

"Apo? Happy Birthday. Ang aga mo naman nagising." Sabi niya

"Aba, 12 pa lang ng madaling araw. Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya

"Lolo,"

"Pwede nyo po bang ibigay sakin yung libro? Birthday gift nyo nalang po please lolo." Tanong ko

"Ah-- di pwede, apo. Pasensiya na." Sagot niya

"Hindi ko po babasahin. Promise." Sabi ko

"Kahit na, apo. Hindi pa rin pwede."

"Lolo, ibenta ko nalang po yung libro. Ginagamit niyo pa po ba?" Tanong ko at napatakip ako ng bibig. Hala, ba't ko sinabi?

"Ano?! Hindi maaari." Nagulat niyang sinabi at napaupo siya

"Joke lang po lolo. Matutulog na po ako hehehe." Kinakabahan kong sinabi

"Oh sige" sabi ni Lolo at nakatulog din agad

Bumalik na lang ako sa kuwarto ko at natulog na rin.

Maya maya ay nag umaga na rin. 6 am, gising na ako. Bumaba ako at nakita ko na agad si Lola, nagluluto. Agad siyang lumapit sakin at niyakap ako.

"Happy Birthday, Apo!" Masaya niyang binati.

"Thank you po, Lola." Sabi ko at napatingin doon sa niluluto niya.

"Lola baka po masunog yung niluluto niyo." Sabi ko

"Ay oo nga pala." Sabi niya at bumalik sa niluluto niya.

"Ano po niluluto niyo?" Tanong ko

"Paborito mo, pansit." Sabi ni Lola at tumingin sakin

"Magpapansit po tayo sa almusal?" Tinanong ko

"Hindi apo, ano ka ba. Mamayang tanghalian natin ito ihahain." Sagot niya

"Thank you po, Lola!" Masaya kong sinabi at niyakap ko siya.

Masayang diniwang ang 9th birthday ko. After 12 years, hindi na siya ganoon ka saya.

A/N: Ito nanaman, new story! Sana maenjoy niyo talaga to. Lalagayan ko ng napakalaking effort ang pagsusulat nito. Enjoy!

The Story of UsWhere stories live. Discover now