Ika- Labing Anim na Kabanata

37 7 0
                                    

//Agosto 18//

KINABUKASAN, nagising ako na nasa tabi pa rin ni Nikolas. Hindi ko nananaginip, totoo ang lahat ng iyon!

Napaupo ako at nagulat ako nang bigla nalang din itong umupo.

"Magandang umaga, aking reyna." Bati nito

Totoo nga! Ugh, nakakakilig! 'Aking Reyna' paulit ulit na naririnig ko sa isipan ko. Ayoko na dead na ko HAHAHAHA.

Itinaas naman nito ang kamay nito at ngumiti.

"Apir?" Sabi nito at inapiran ko.

"Bakit?" Nagtataka kong tinanong

"Wala. Masaya lamang ako at nalaman kong ako'y iyong nagugustuhan din." Sabi nito.

***

A month passed, same routine. Naglilinis, kakain, kilig moments with Nikolas. Sa aming dalawa lang ang relasyon namin sa isa't isa. Walang nakakaalam nito. Kahit sina Sonora at Paloma.

//September 9//

May mga torotot na tumugtog sa labas at sabay nito ang pagpasok ni Nikodemus!

Agad nagtama ang tingin namin at kumiparas ito ng takbo palapit sakin.

"Divina!" Masaya nitong sinabi at niyakap ako. Oo nga pala hindi ko pa nasasabi. Mas matanda ako kay Nikolas in terms of age ngayon. Pero in terms of panahon, hmm hulaan niyo nalang hahaha obviously mas matanda lang naman siya ng 6000 years.

"Kamusta Nikodemus?" Tanong ko

"Mabuti naman, ate!" Sabi nito at tumawa kami.

"Ano naman ang ginagawa mo dito, Nikodemus?" Nagtataka kong tinanong. Di ko man lang alam na pupunta siya dito.

"Bumibisita lamang ako rito." Sabi niya at may ibinulong sa akin, "Isang linggo nalang din at kasal na namin ni Kriselda." Bulong niyang may malungkot na tono.

Tumango nalang ako.

Nag-usap kami saglit at di man nag tagal dumaan sa amin si Nikolas. Nagpaalam na sa akin si Nikodemus kasi kailangan daw niyang kausapin ang kuya niya. Binigyan niya ako ng yakap at sumama na sa kuya na.

Aalis na rin kasi siya pagtapos niyang kausapin si Nikolas. Napatingin naman ako kay Nikolas na magkadikit nanaman ang kilay. Selos much babe? HAHAHAHAHAHA jk

Nang magdidilim na, umalis na rin si Nikodemus.

Nang madaanan ko naman si Nikolas, di man lang ako kinibo. Kaya sinundan ko.

"Nikolas?" Mahina kong tinawag. Tuloy tuloy pa rin siya sa paglalakad at di man lang ako nililingon.

"Nikolas." Seryoso kong pagtawag sa kanya.

"Ano?" Naiirita nitong tinanong.

"Galit ka?" Tanong ko at tinalikuran naman ako nito at nagsimula nanamang naglakad.

"Selos ka no—" Naputol ko namang sinabi.

"Divina, maaari ba? Gusto kong mapag-isa." Sabi naman ni Nikolas. Hinayaan ko nalang siya.

Pagkalipas ng isang oras, pinuntahan ko siya sa secret place. Tuwing 8:00 ng gabi, pumupunta kami sa secret place niya.

Pagdating, I was right. Nandun nga siya.

Kahit alam kong galit siya, makapal mukha ko kaya tumabi pa rin ako sa kanya.

"Bakit?" Tanong ko at tumingin siya saken.

"Bakit ka nagalit?" Tanong ko naman.

"Naaalala mo yung sinabi ko? Sabi ko walang puwedeng gumawa nun sayo." Sabi nito

"Ng?" Tanong ko, anong walang puwede?

"Pagyakap. At talagang sa harap ko kayo'y nagyakapan. Nakaka walang gana." Sabi nito at umalis nalang ako.

Sungit naman.

The Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon