Ika- Labing Siyam na Kabanata

27 6 0
                                    

//3 months later//December 24//

Ang sarap pala sa feeling ng ma inlove.
Maya maya ay magc-christmas na rin kaya lahat kami naghahanda.

Oo nga pala mayroon akong bagong kaibigan dito. Actually kakapasok lang niya dito bilang isang tagapagsilbi tulad ko mga 1 week ago na.

Pangalan niya is Ramona.

Di ko maintindihan pero parang may iba sa kanya eh. Sabi naman nina Sonora parang di daw maganda ang pakiramdam nila sa pagdating ni Ramona.

Pero di naman ako nakakakita ng masama sa kanya kaya kinaibigan ko rin siya.

Ako, si Sonora, Paloma at si Ramona ang nakaasign sa decorations. Yung iba sa pagluto ng pagkain tas yung iba naman sa paglilinis. Kaya mas okay na dito kami napunta. Ang kailangan kang naming gawin ay mag dikit ng mag dikit ng mga parol na nakapalibot sa kaharian.

Di pa kasi uso ang christmas trees o christmas lights kaya easy lang.

Nang mag 12 am, nag greet ang lahat, "Maligayang Pasko!" Sabay nag bobow. Laking tuwa ko naman ng igreet ako ni Nikolas sabay hila sakin papunta sa secret place.

Di pa introduced ang catholicism sa panahong to pero si Nikolas kasi pati family niya Catholic na kaya nagcecelebrate ng pasko dito.

"Maligayang Pasko uli, aking mahal na reyna." Sabi ulit nito sa akin sabay hinalikan ako sa noo.

First time kong magchristmas ng wala sina mama, papa, lola at si lolo.

Nakakamiss. Pero okay lang naman, atleast kahit papano naging masaya rin naman ang pasko dito. Sabay naranasan ko sa isang kaharian, sa isang libro, sa panahon ng 15th century.

"Maligayang pasko rin sayo, Nikolas." Sabi ko naman.

Hinawakan nito ang kamay ko at dinala ako papunta sa isang parte sa loob ng secret place na may dalawang upuan, isang lamesa. maraming kandila na naka pa hugis puso. May maraming pagkain din doon sa lamesa.

"Nais kong magdiwang ng pasko na tayong dalawa lamang. Ito ang kauna-unahang pasko na wala ang aking mga magulang. Pati si Nikodemus wala din dito. " Malungkot nitong sinabi.

"Ngunit masaya ako na may makakasama pa rin akong magdidiwang ng pasko. Isang mahalagang babae sa aking buhay." Sabi nito at hinawakan ang pisngi ko.

Sandali nitong hinalikan ang aking mga labi at binati nanaman ako ng, "Maligayang pasko, aking reyna."

Nagsimula kaming kumain, mag kuwentuhan at magtawanan. Hindi kaya nagtataka na sila kung bakit wala kaming dalawa doon?

Siguro hindi naman?

Nang matapos namin kumain, may daan sa likod ng secret place papunta doon sa lawa. Doon muna kami nag istay ng sandali at babalik na rin kami sa loob. 1 am na rin, napatagal ang kuwentuhan namin kanina habang kumakain.

Umupo kami malapit sa lawa.

"Aalalayan na kita at baka malunod ka nanaman." Sabi naman nito nang pinanupo niya ako.

"Sana lagi nalang tayong ganito." Sabi ko naman.

"Bakit hindi? Puwede rin naman." Sabi naman nito at ngumiti. Di nalang ako sumagot. Puwede temporary, pero hindi puwede lagi. Matatapos at matatapos din ang kuwento nating dalawa.

Di rin nagtagal at bumalik na kami sa loob, nagsisiyahan pa rin sila. Parang di nga nila napansin na nawala kami ng higit isang oras.

My first christmas na wala ang pamilya ko, isn't that bad kaysa sa inisip ko dati.

The Story of UsWhere stories live. Discover now