42.devils son

172 29 0
                                    

Kinaumagahan.matapos makapaghanda muli ay nilakad nila ang dahon patungo sa Russi sa great wall.
Kung saan dirediretso ang kanilang paglalakad at maingat na tinatakasan ang mga monster level 95.
Ngunit may mga halimaw parin na hindi maiiwasan kayat pinapatay  nila ng mabilis at tahimik.
Ngunit misteryoso ang great gate ng nurem at walang nakakaalam nito.
Palipat lipat ito ng lukasyon sa anim na lupaing nakapalibot sa nurem old trival city.
At dahil walang  pinto sa lupain ng russi ay naisip nalang ng grupo na manggilid sa great wall upang mahanap ang pinto.katulad din ng ginawa ni renren at alfred.
Katanghalian ng oras na iyon nang maisipan muna nilang kumain bago maglakad muli.
“bakit kaya ganun.ang sabi dito sa old map na nakuha ko.nandito daw ang pinto sa russi.pero wala naman pinto rito.”sabi ni cris.
“Old nga eh.baka nagbago na.”sabi ni kagura.
“ewan ko.baka nga.hanapin nalang natin.”sabi ni cris.
“tyaga lang.kung iikutin natin itong greatwall baka makita natin.”sabi ni daryl.
“kung akyatin nalang kaya natin?”sabi ni emily.
"oo nga hano.”sabi ni daryl.
“hindi nyo yan pwedeng gawin.protected ng magic ang greatwall.umikot nalang tayo”sabi ni kagura.
Matapos ang tanghalian ay muling naglakbay ang grupo habang patuloy ang pakikipaglaban sa mga halimaw,nakarating sa caribo hanggang sa dulo ng heilin sa panggigilid sa great wall.
Hanggang sa abutin muli ng gabi sa boundary ng bora.
“wala yatang pinto ito eh.sana naman nandito na sa bora yun. “Sabi ni emily.
“Relax.buti nga at kakaunti ang halimaw dito.”sabi ni daryl.
“baka naman umiikot yung pinto.hahaha.”biro ni kagura.
“Baliw.pano naman mangyayari yon?.hahaha.”sabi ni cris.
Madalang ang halimaw sa paligid ng nurem kayat kampante pa ang grupo sa kanilang pagtulog sa gabi.
Tatlo ang tent ng grupo.
Isa ang dala ni daryl,isa kay hanna at isa kay charlotte.
Kayat upang hindi magka selosan ay humiwalay si daryl na mag isa sa kanyang tent.
Sama sama sa tent si kagura,charlotte,at cris.
Magka sama naman si hanna at emily.
Dahil sa pagod ng maghapon na paglalakad ay maagang natulog si kagura,charlotte at cris.
Habang si hanna ay abala sa appraisal ng kanyang mga napulot na gamit sa loob ng tent.
“Iwan muna kita dito hanna.hindi pako inaantok eh.hindi ko naman maintindihan yang ginagawa mo.makikipag kwentuhan muna ako sa kanila.”sabi ni emily.
“sige lang,pasensya na ha.excited lang talaga ako sa mga ito.”sabi ni hanna.
Lumabas ang dalaga at nagtungo sa tent ng tatlo.ngunit natutulog na.kayat nagtungo sa tent ni daryl na noon ay kakatapos lang makipag kwentuhan kay demeter at naisipan na magbasa pa ng aklat na napulot sa loob ng ruin.
“Hi daryl.pwede ba akong tumambay dito.hindi ako makatulog eh.tsaka busy pa si hanna.tulog naman na yung tatlo.”sabi ni emily.
“Sure tuloy ka.”sabi ni daryl at pinapasok si emily.
“bakit hindi ka makatulog?”sabi ni daryl.
“Ewan ko ba.nababalisa ako.ang alinsangan kasi.”sabi ni emily.
“oo nga wala manlang hangin.halika dito sa gilid ko para mapaypayan din kita.”sabi ni daryl na noon ay hawak ang aklat sa kaliwa at pamaypay sa kanan.
Tumabi nga si emily ngunit nakaunan ang ulo sa hita ni daryl.
Napasarap ang higa ng dalaga kayat naidlip.
“nakatulog na.sige na nga dyan ka na matulog.mahirap pa naman magpa antok kung gigisingin pa kita.”sabi ni daryl kayat inayos nalang ang higa ni emily.
Ngunit habang inaayos  ang ulo ng dalaga kung saan malapit ang kanyang muka ay biglang nagising si emily.
Nagulat ito at napatitig kay daryl.
At dahil buhat ni daryl ang kanyang likod mula sa harap ay maluwag na nakakakilos ang kamay ni emily.
Bumilis ang tibok ng puso ni emily sa mga titig ni daryl.kayat niyakap sa leeg ang binata at ginawaran ng halik.
Hindi bumitaw ng halik ang dalaga hanggat hindi nya nararamdaman ang pagganti ni daryl na noon ay hindi makapalag dahil babagsak si emily kung bibitawan.
Dahil sa tagal ng senswal na halik ni emily  ay unti unting naramdaman ng binata ang sarap ng halik at  unti unti rin itong nahulog sa bitag ni emily hanggang sa bumigay na sa kanyang kahinaan at kusang loob na ibinigay ang gusto ng dalaga.
Hindi alintana ang panganib sa kagubatan ay nilukob na ng kamunduhan ang utak ni daryl kayat hindi na nagpapigil sa init ng katawan ni   emily at kusang kumikilos ang kanyang katawan tulad din sa iba upang paligayahin ang kasiping at punan ang init ng kanyang katawan.
Kayat unti unting lumalabas ang mahihinang tinig at halinghing ni emily na pilit nitong pinipigil ngunit dahil sa nararamdman na sarap ay hindi mapigilan lumabas sa bibig.
Hanggang sa narinig ito ni hanna at sinundan ang pinagmumulan ng tinig na unti unting lumalakas kasabay ng pagyugyog ng tent ni daryl.
“hihihi.siguradong pagtapos nyang ginagawa nyo.mahihimbing ang tulog nyong pareho.sorry nalang kayong tatlo.naka isa na si emily.wala sanang lumapit na halimaw.hihihi.”sabi ni hanna na noon ay parang naiingit din sa naririnig at pinasok na ang kanyang tent at pilit na natulog.
Samantala ang tatlo ay mahibing na natutulog.
Nang matapos si emily ay naisip nitong bumalik sa tent ni hanna upang hindi mahalata ng iba ang kanilang ginawa at agad na nakatulog.
Hindi natiis ni hanna ang inngit kayat.
Nang makapasok si emily sa tent at makatulog ay sya namang labas ni hanna at pinasok ang tent ni daryl.
Dahil madilim ay inakala ni daryl na si emily parin ang katabi.kayat nang sunggaban ni hanna si daryl ay bigay na agad ito dahil sadlak na sa init ng katawan kay emily.
Muli ay nagising si daryl at nakipag digmaan kay hanna na inakala nyang si emily na humihingi pa ng isang round.
Mga haling hing naman ni hanna ang sumasabay sa huni ng mga kulisap sa gabi.
Matapos ay bumalik din sa kanyang tent kung saan mahimbing ang tulog ni emily.
Kinaumagahan,gaya ng nakasanayan ay maagang gumising ang lahat sa pagpapatuloy ng mission.
Nagulat pa si daryl sa kanyang nakita.
“ha?!.paanong?.kahapon lang pader ito ah?”sabi ni daryl.
“ano ba yang tinig?.??gate?.wala naman yan dyan ah.?”sabi emily.
“hahaha.kita nyo na.mukang tama nga yata yung hula ko.gumagalaw nga yata ung gate.”sabi ni kagura.
“eh kung ganon.pumasok na tayo.baka mawala nanaman yan.”sabi ni cris.
Agad pumasok ang grupo at hindi na nag aksaya pa ng panahon.
Habang naglalakad at sinusundan ang kulo ng langis ay napansin ni kagura ang dalawang lumina general sa di kalayuan.
“tago tayo.nandito din sila”sabi ni kagura.
“mga lumina general pala sila.kanina ko pa sila nararamdaman.”sabi ni daryl.
At itinuro ni kagura ang dalawa na abala sa paglalakad.
“labanan nalang natin.”sabi ni emily.
“hindi pwede emily.kailangan natin silang iwasan.hindi nila tayo dapat makita.”sabi ni daryl.
Umiwas ang grupo at nag iba ng ruta upang iwasan ang mga kalaban na noon ay papalayo sa kanilang pupuntahan at hindi alam kung saan maghahanap.
Katakatakang wala ni isa halimaw,tahimik ang buong kapaligiran
Kayat payapa lang ang paglalakad ng grupo hanggang sa marating sa isang malaking templo na may mahabang hagdaan paakyat kung saan naroon ang malaking pintuan.
Inakyat nila ito na buong ingat sa pagtatago sa dalawang heneral ng lumina na noon ay nakikita nila ang kinaroroonan na papunta din sa isa pang mataas na templo gaya ng inaakyat nila.
May basag ang malaking pinto kayat nakapasok sila sa loob ng mataas na bader.
Dito sila dinala ng mahiwang langis ni lolo jerard.
Masukal sa mga baging at halaman ang loob ng saradong pader na parang hardin.
At sa gitna nito kung saan malakas ang kulo ng langis ay nagtungo ang grupo upang linisin ang makapal na baging at halaman na tumatakip sa isang bagay.
“Ano kayang klaseng lugar ito.kanina pa tayo pero napakatahimik,mas kinakabahan ako dito.parang may kung ano sa lugar na to kung bakit hindi pumapasok ang mga halimaw.wala akong maramdaman na kahit ano halimaw.”sabi ni daryl.
“Ganyan din ang naiisip ko.parang may kakaiba.”sabi ni kagura.
“parang may nakikita akong salamin sa loob.”sabi ni emily.
“Oo.mukang dyamante yata.ayos!.”sabi ni hanna na mas pursigidong makita.
Agad nagfocus sa paglilinis ang lahat upang ilabas ang salamin na nakita ni emily.
At sa kanilang pagtutulong tulong ay nailabas ang malaking clear white crystal.
Sa loob ng crystal ay  may natutulog na katawan ng isang halimaw na kasing wangis ng tao.
Samantala,nakarating naman ang dalawang heneral sa isang templo na katulad ng templo na pinasok ng grupo nila daryl.
At doon ay madaling nakita ang isa pang crystal na clear violet at may roon ding natutulog na halimaw na kasing wangis ng tao.
Kaunti lang ang halaman at baging sa templong iyon kayat madaling nalinis ng dalawang heneral.
Habang hinihimas ni renren ay biglang umilaw ang crystal.
Nagbitak ang kristal at biglang nabasang na parang giniling na bato.
Bumagsak sa gitna ng crystal stand ang halimaw na mukang tao na may mahabang buhok ngunit walang kasarian at may dalawang mahabang buntot sa kanyang batok.
Kulay itim ang mga mata nito at may itim na batong nakatanim sa kanyang dibdib.
Buto’t balat ang payat nitong katawan.
Hindi ito gumagalaw sa pagkakabagsak naparang patay na nakadilat ang puro itim na mata na noon ay nakatitig pala sa dalawa.
“Ano naman yan?halimaw ba yan?.bakit mukang tao?”sabi ni alfred.
“sigurado akong halimaw yan.pero hindi gumagalaw brad patay  yata.”sabi ni renren habang  inuuga ng paa sa dibdib.
“Tignan mo.walang kasarian.nasaan kaya nakatago.hahaha.”sabi ni alfred habang inaangat ang hita ng halimaw at pinaglalaruan.
Nang biglang gumalaw at humaba ang dalawa nitong buntot ng dahan dahan papasok sa ilalim ng mga baging at halaman.
Parang ahas na patungo sa dalawang lalaking naglalaro sa kanyang katawan.
Hindi napapansin ng dalawa ang mga itim na buntot dahil sa ginagawa nilang paglalaro at maingat na paggapang nito  sa ilalim ng halaman.
Humaba ito ng humaba sa ilalim ng  halaman at dahan dahan na umahon sa likod ng dalawang heneral na parang tumatayong cobra.
Bigla itong pumalupot sa katawan ng dalawang heneral kayat hindi nila magamit ang kanilang mga kamay para makapag cast ng spell o makapanglaban manlang.
Hanggang sa mapaluputan na ang buong katawan.
At ang pinakahuli ay may lumabas na karayom sa dulo ng mga itim na buntot na parang lubid at tumuhog sa batok ng dalawang heneral na walang magawa kundi ang magpupumiglas.
Napasigaw nalang sa sakit ang dalawang heneral habang Unti unting hinigop ng buntot ang kanilang mga dugo at mga kalamnan.
Dahan dahan na tumayo ang halimaw at lumapit sa dalawang nagsisisigaw sa sobrang sakit.
At nagsalita ito ng malademonyo nitong boses.
“huh?!.bakit?masakit ba mga pagkain ko?.kanina nyo pa ako pinaglalaruan.di bat masayang masaya pa kayo.bakit hindi kayo ngayon tumawa habang sinisipsip ko ang inyong katawan.
Batang bata at napakalaman.hahaha.”sabi ng halimaw.
Habang ang dalawa ay unti unting natutuyo sa laman at dugo at wala na din boses sa sobrang hina ng katawan na butot balat na nang bitawan ng halimaw at wala nang buhay.
Sumalin sa halimaw ang mga dugo at kalamnan ng dalawang heneral at ang katawan ng halimaw ay bumalik sa dati nitong katawan.
Malaman at matigas ang mga muscles na parang wrestler.malaki at matangkad.
“Hahaha.sawakas malaya na akong muli.wahahaha.”sabi ng halimaw.
Ang halimaw na ito ay si uode(dark) ang negative demon persona ng uode demon mula sa apocalypto realm na naiwan sa heavens art noong panahon ng great war sa pagitan ng mga holy beings.
Isa din ito sa mga anak ni lucifer.
Samantala,sa lugar naman nila daryl.
“narinig nyo ba yon?sigaw ng tao?kanina”sabi ni hanna.
“Oo.malamang na napapalaban yung dalawang nakita natin kanina.”sabi ni emily.
Habang tahimik na nakikiramdam si daryl na noon ay nasasagap ng kanyang yhon ang kinaroroonan ng dalawang heneral.
“patay na sila.hindi ko na maramdaman ang spirit energy nila.ang hindi ko malaman kung paano sila pinatay.basta hindi sila makakilos.tapos bigla nalang nagkaroon ng bagong spirit energy sa tabi nila habang sila naman ang nauupos.
Isang bagong spirit energy ang nabuhay.
Nararamdaman ko sya.naiiba ang flow ng energy nya na parang galit na daloy ng ilog.”sabi ni daryl.
“huh?!.Pano mo bang nalalaman?sigurado ba yan?”sabi ni charlotte.
“Magtiwala ka.parang nakikita ko na rin sya dahil sa ability ko.halimaw ang isang ito pero hugis tao.”sabi ni daryl.
“kung ganon.malakas ang isang ito para patayin lang ng walang laban si renren at alfred.kailangan ko nang makaalis dito.”sabi ni charlotte sa kanyang isipan.
“hindi kaya?.katulad din nitong nasa harapan natin ang nakita nila?”sabi ni kagura.
“Malamang nga.di ba umakyat din sila doon sa kabilang templo na yun.”sabi ni cris.
“Oo.doon  sila namatay.at nandoon ngayon ang bagong halimaw.pero  walang buhay ang isang ito.”sabi ni daryl.
“hindi kaya may kakayahan ang halimaw na to na mang-agaw ng buhay sa mga nabubuhay ,katulad din ng nakalaban ng dalawa.kaya hindi kamo sila makakilos.tignan mo.mukang tao din ang isang to.”sabi ni kagura.
“hindi ko alam.kaya wag na natin galawin ang isang ito.baka nga ganon.may mangyari pa satin.”sabi ni daryl.
“Hanapin na natin ang dapat natin hanapin dito.mukang delikado sya.”sabi ni hanna.
Agad hinanap ni daryl ang susi at natagpuan iyon sa loob ng crstal sa bandang likod ng halimaw
“kagura.nasa loob ng crystal.mukang kailangan natin basagin.”sabi ni daryl.
Natakot ang lahat sa maaring gawin ng halimaw kahit wala pa itong buhay.
“ano nang plano daryl.kukunin pa ba natin?.baka may.kakaibang magic ito at makuha tayong lahat.”sabi ni kagura.
“Wala tayong choice.hindi natin mabubuo ang susi kung kulang tayo ng isa.”sabi ni daryl
“susi pala ang hinahanap natin?”sabi ni hanna.
“pano yan.nakakakilabot ang isang ito.patay sya pero mukang buhay pa yung katawan nya.baka mamaya parang tao din ito mag isip.”sabi ni emily.
Nakikita ni charlotte ang susi,ngunit sya man ay natatakot na galawin ang crystal upang kunin.
at dahil plano nyang ikulong sa nurem ang grupo ay hindi na ito nag interes pa sa susi.
“sige guys.may naisip ako.kailangan talaga makuha ang susi na to.magtago na muna kayo sa labas ng pinto.
Ako na ang babasag sa Crystal.at kung mabubuhay sya.
tatakasan ko nalang.kaya listo din kayo kapag lumabas ako sa pinto.alam nyo na ang gagawin.tatakas na tayo.”sabi ni daryl.
“Ganyan ba talaga kaimportante ang susi na yan.sige mag iingat ka.”sabi ni emily.
“oo emily.ito ang ipinaglalaban namin kagura.”sabi ni daryl.
“mag iingat ka.”sabi ni cris.
“ingat daryl.alis agad pagnakuha mo na yung susi.”sabi ni kagura.
Habang si hanna at charlotte ay sumunod na rin sa tatlo.
Habang nagtatago ang lima ay nagbabalak na si charlotte na tumakas,ngunit nag aaway ang kanyang mabuti at masamang damdamin.
Hindi nya maiwan si daryl at ang mga kasama na noon ay naging mahalaga na sa mabuting katauhan nya.
“hindi ko talaga kayang iwan sila dito.”sabi ni charlotte persona 2.
“basta iwan mo na sila.hindi ka ba nakikinig.paano kung makapangyarihan ang halimaw doon sa loob.masasayang lahat ng pinaghirapan mo kung mamatay ka.”sabi ng charlotte persona 1.
Natatakot din ang charlotte persona 2.kayat ayaw man nitong iwan ang lahat ay bigla itong nagtatakbo palabas at agad na nag summon ng wyvern anima galing sa kanyang relic dali daling sumakay at iniwan ang grupo.
“Charlotte!saan ka pupunta?bumalik ka dito!”sabi ni cris.naalala ni cris na nakay sharlote ang mga pangil.
“paanong?.di bat ang sabi nya ay hindi nya maaring twagin ulit ang anima sa relic nya.niloko nya tayo.humanda ka sakin mamaya.makikita mo.pag hindi ko nagustohan ang sagot mo.”sabi ni kagura.
“baka sa takot nya.nakalimutan nya yung kasinungalingan nya.baka naman nagawa lang nya yun dahil gusto pa nya tayong makasama ng matagal.susundan ko sya.”sabi ni emily.
“sige.pero mag iingat ka.hindi tayo makakalabas ng nurem kapag hindi natin sya kasama.nasa kanya ang mga pangil.magkita nalang tayo kung saan tayo bumaba sa dahon.”sabi ni cris.
“Okie.kaya ko na to.ibabalik ko sya.”sabi ni emily at mabilis na hinabol si charlotte na noon ay sakay ng mabilis at lumilipad na wyvern anima patungo sa palipat lipat na pinto ng great wall na kanyang natatanaw mula sa itaas kayat sigurado ang direksyon nito palabas ng great gate.
Maswerteng playo sa dalawang templo ang lukasyon ng great gate kayat hindi rin nakita ng negative persona devil sibling uode ang paglipad ni charlotte.
Muling bumalik sa pagtatago si cris at kagura kasama ni hanna.
Samantala si daril naman ay ginamit ang medusa katana upang masmaging epektibo sakaling mabuhay nga ang halimaw,umaasang  masugatan lang ang kalaban ay mamatay sa kamandag at lason.
Gamit ang sword breaker technique ng kanyang single sword play ability ay binasag ni daryl mula sa likuran ang crystal at hindi binitawan ng kanyang tingin kung saan babagsak ang susi.
Nabasag ang crystal at agad na kinuha ni daryl ang susi sa pagtilapon at agad na ibinulsa sa loob ng kanyang jacket.
Bumagsak sa crystal stand ang halimaw na wala parin buhay.
Na noon ay mahaba din ang buhok may dalawang  buntot sa batok at walang kasarian,butot balat at matangkad na katawan.
Agad na dumistansya si daryl habang nakaalalay ang kayang medusa katana at dinadama din kung may spirit energy na mabubuhay dito.
Mayamaya pa ay tumibok na ang puso at muling nag alab ang mahinang spirit energy nito na agad naramdaman ni daryl kagaya din nang nangyari sa kabila.
Listo ang binata at ramdam nito ang bawat bahagi ng halimaw dahil sa flow ng spirit energy nito na katakatakang kabaligtaran ng  halimaw sa kabila.
Dahil ang flow ng energy ng halimaw na ito ay kalmado at tila nanginginig na parang natatakot.
Nagising sa paghabol ng hininga ang halimaw na hinanghina at hihinga hinga na parang galing sa pagkalunod.
Pinipilit bumangon sa butot balat nitong katawan.
Nang biglang matanaw si daryl na noon ay nasa kanyang likuran at naka handa ang dalawang katana sa magkabilang kamay.
“aahhh!!.wag po! wag po!.hindi po ako masma.”sabi ng halimaw sa kanyang lenggwahe at nagpupumilit tumakbo ngunit mahina,kayat nadapa at namaluktot nalang sa takot.
Hindi naman Nagulat si daryl sa naging reaksyon ng halimaw na kanyang naiintindihan dahil sakakayahan ng kanyang hand of imir.
“tama nga pala.natatakot sya.”sabi ni daryl sa kanyang isipan at hindi parin nagpapabaya.
“sino ka?”sabi ni daryl.
“Wag nyo po akong sasaktan.huhuhu.”sabi ng takot na halimaw at umiiyak.
Ramdam ng binata na nagsasabi ito ng totoo dahil sa walang pagbabago ang natatakot nitong flow ng spirit energy.
“hindi kita sasaktan.pero sagutin mo ang tanong ko.”sabi ni daryl.
“ako po si uode anak ni lucifer.pero ako po ang mabait na bahagi ng aming katawan.”sabi ng natatakot na si uode(light),positive demon persona.
“anong ibig mong sabihin?”.sabi ni daryl.
“dati po ay nasa iisang katawan kami ng isa pang uode,ang masamang bahagi. dahil kahinaan sa katawang iyon ang mabuting bahagi bilang anak ng demonyo ay humiwala ang masamang uode.
Kayat nabuo ako at ang masamang uode.pero iisang katawan lang kimi dapat.
Nararamdaman ko.buhay na din sya. ”sabi ni uode (light).
“anung nangyari bakit ka nakakulong sa Crystal.”sabi ni daryl.
“Noong panahon ng huling laban ng mga holy beings,kasama kami ng kabaligtaran ko sa pwersa ng mga demon dahil kami noon ay nasa iisang katawan pa na sunudsunuran sa mga utos ni amang lucifer.
Ngunit bago paman mangYari ang huling laban ay hindi na ako sumasali sa laban ng holy being at demons.dahil natutunan kong umibig sa tao.
Dahil doon nabuo ang mabuting bahagi kong ito na marunong magmahal sa panig ng kabutihan.
Ngunit sa kabila ng kabutihan sa iisa naming katawan ay kinailangan kong lumaban para sa pwersa ng demons.
Pero dahil hindi ko talaga yon gusto.
Pinilit ko nalang tumakas kahit kasama ko pa ang masamang bahagi sa iisang katawan.
Napadpad ako dito.ngunit nasundan kami ng isa sa mga holy beings na noon ay gabay ng aking babaeng minamahal.si zues.
Malakas sya,Hindi ko alam kung bakit hindi nya ako pinatay kahit ang masamang bahagi ko ay  tahasang hinarap ang kanyang kapangyarihan.
Bagkus ay hinati nya ang aming katawan sa dalawa.
Inihiwalay nya ang ako sa masamang bahagi ko para tuparin ang pangako sa aking minamahal na kanyang ginagabayan.
Ngunit dahil sadyang pangahas at purong kasamaan lamang ang masamang bahagi ko ay napilitan si zeus na ikulong kami sa loob ng crystal.
Buhat noon ay wala na akong naalala dahil natulog na ang aming kaluluwa.”sabi ni uode (light).
“Kung ganon pala na ikaw ang mabait na side.bakit pati ikaw ay ikinulong sa Crystal?”sabi ni daryl.
“dahil.mailap ang aking masamang bahagi na hindi basta mahuli ni zues sa katatakas,kayat isang spell ang ginamit upang mahuli sya at maikulong.ngunit kailangang isakrepisyo ako dahil bahagi ako ng iisang katawan.
Ang pagkulong ko sa crystal ay sya ring pagkakulong ng masamang bahagi ko sa parehong oras na binitawan ang spell.
Yun lang ang nakitang  paraan ni zues.kayat kami ng aking mahal ay hindi na nagkita pa.”sabi ni uode(light).
Naawa ang binata sa halimaw na noon ay umiiyak.
Naalala ni daryl ang isang kalansay na kanyang nakita kanina  na nakasandal sa stand ng crystal na natatabunan ng mga baging na may soot itong kwintas.
Nilapitan ng binata ang kalansay.
“Nag iisa lang ang kalansay na ito sa buong lugar,baka kilala mo sya.may soot syang kwintas.mukang pinili nyang mamatay dito sa tabi ng crystal mo.”sabi ni daryl habang inilalabas sa baging ang hinihinalang girlfriend ng halimaw.
“Kwintas?.kwintas ba kamo?.kwintas na may plawit ng isang ibon?”sabi ni uode (light)
Tinignan naman ng binata.
“oo ito nga,mukang binatayan ka nya hanggang sa mamatay sya.”malungkot na sabi ni daryl.
“Huhuhu.maari mo ba akong dalin sa kanya.pangako wala akong gagawin na kahit anong masama.gusto ko lang syang makasama,matagal syang naghirap ng dahil sa pagkawala ko.hindi pala nya ako kinalimutan.”sabi ni uode (light).
Nagtiwala naman si daryl kayat isinuksok nang muli ang mga katana at binuhat ang mahinang katawan ng halimaw na iniupo sa tabi ng kalansay.
Iyak ng iyak ang halimaw at punong puno ng pagdadalamhati.
“Ikinalulungkot ko ang nangyari sa inyo.pero wala na sya.at kailangan mong magpatuloy.tutulungan kita.”sabi ni daryl.
Ramdam ng halimaw ang mabuting intensyon ni daryl,Ngunit pinili na nitong manatili sa tabi ng bangkay ng kanyang minamahal at doon na rin nais na mahimlay.
“Salamat kaibigan.pero ayoko na rin mabuhay pa.dito na ang aming tahanan.kayat dito na rin ako mamamatay sa tabi ng aking minamahal na rosita.
Hintayin mo ako mahal ko.magkikita din tayo ulit.”sabi ni uode (light).
Hindi na pinilit pa ni daryl ang halimaw na noon ay nagdadalamhati sa sakit ng katotoohanan na wala na si rosita.
Kayat nilisan na ng  binata ang saradong  bakod at muling sumama sa kanyang mga kasama.
“Nakuha mo ba?anong nangyari sa halimaw.”sabi ni kagura.
“oo nakuha ko.iwanan nalang natin ang halimaw.san nagpunta si charlotte at emily?”sabi ni daryl.
“natakot kayat sumakay ng anima at lumipad palayo,kaya sinundan ni emily”sabi ni kagura.
“anima pala yun?hindi ko na masyadong napagtuunan ng pansin yon.pano nyang nagamit yon?”sabi ni daryl.
“Nagsinungaling sya satin.baka nga nasabi lang nya yun para makasama pa tayo ng matagal.”sabi ni cris.
“Di bale na.nakuha ko naman na ang kailngan natin.umalis na tayo dito.”sabi ni daryl.
“Sige.nasabi ko naman kay emily na makipagkita sa dinaungan natin.”sabi ni cris.
Katanghalian tapat ng lisanin nila ang templo upang lumabas sa parehong nilabasan ni emily at charlotte.
Ngunit sa kanilang pagbaba sa mahabang hagdan ay natanaw sila ng uode(dark).power class demon level 240.devil magic user. Habang lumilipad sa itaas ng lumang syudad ng trival people,gamit ang itim na aura magic wing
“ow my god.yan na ba yung tinutukoy mong halimaw.humanda kayo”sabi ni cris.
“Hana magtago ka.”sabi ni daryl.
Agad binunot ng binata ang kattana at medusa,hindi minaliit ang kalaban kayat complete reinforcement skilled ng yudo,push at pull.
Ganoon din si kagura at cris na gumamit din ng magidan para sa manadan at ang espesyal nilang mga magic.
“Hahaha.nakakakita ako ng tao,magiging pagkain ko kayo.”sabi ni uode(dark) sabay dagit gamit ang kanyang mga buntot na parang mahabang latigong dumudurog ng simento ang bawat hampas.
Agad naman nakaiwas ang tatlo at sinimulan ang pag atake.
Gamit ni kagura ang blesssed demon beast zardos o ang blade master demon.habang hawak ang dalawang katana ng leviatan at loki.
Agad gumawa ng 10 clone si kagura at buong lakas na sinugod ang halimaw na noon ay bumaba sa lupa at doon nakipaglaban.
Mabilis ang magic ng halimaw ganun din ang kanyang dalawang mahabang buntot.
Kayat sunod sunod na napatay ang sampung clone at kamontikan pang tamaan ng hagupit si kagura.
Ngunit nasalag iyon ni daryl at sya namang sugod ni daryl ng dual sword.
Nakaiwas ang halimaw na pinagbabaril naman ni cris ng machinegun beans habang nasa midair jump.
Tinamaan ang halimaw at nagpagulong gulong,na hindi naman nasaktan kayat nakabangon muli.
Sabay sabay na sinalakay ng tatlo ang halimaw.kayat kahit masmalakas pa ito ay nahirapan sa kanyang paggawa ng atake at pag ilag sa mabilis na pagsugod ni daryl at kagura na sinusuportahan ng machinegun beans ni cris.
Kayat inulan ng deadly skills ang halimaw na gumaganti din ng mga deadly magical skill kasabay ng galamay na nababalot din ng magic.
At dahil hindi makaporma ang halimaw sa palitan ng mabilis na atake sa tulong tulong na pwersa ng tatlo ay nainis na ito at nagbitaw ng war cry devil spell.isang uri nang magic na nagbibigay sa kanya ng masmalakas na pagaatake gamit ang kanyang dalawang buntot.
At mula sa itaas ng kanyang muling paglipad ay mabilis na inihagupit ang dalawang buntot na latigo sa kinaroroonan ng tatlo.
Tripleng lakas ang bumasag ng tripleng wasak sa mga simento at lupang tamaan.
At sapagkadurog ng lupa at bato ay nahirapan sa pagkilos ang tatlo.
Ngunit hindi nagpatinag sa kanilang pag atake,agad binigay ni kagura ang wings of an angel kay daryl at flight of the nymp sa kanyang sarili upang makalipad at sabayan ang halimaw sa ere.
Habang si cris ay ginamit naman ang sniper beans upang mas lumakas ang atake sa malayuan.
Parang mga ibon na nagdadagitan at naghahampasan ng kanikanilang sandata.
Nagpatuloy ang walang humpay na palitan ng pag-atake kung saan hindi binigyan ng pagakakataon ng tatlo na makalayo ang halimaw kahit sadyang madulas ito sa labanan.
Halos mawasak ang buong lugar sa labanan na iyon kung saan walang tigil na nakikipaglaban at sumasabay si daryl at kagura sa bilis ng kalaban.
Ngunit hirap si kagura na pantayan ang lakas ng kalaban dala ng malaking diperensya nito sa level.
Habang si daril ay ibinibigay ang lahat ng kanyang lakas upang pantayan ang lakas ng halimaw.kahit malaki din ang diprensya ng level.
Dahil sa tulong tulong na pagsugod ng tatlo ay maraming enerhiya ang nagagamit ng halimaw kayat ang pagod na nararamdaman ng tatlo ay katumabas din ng pagon ng halimaw.
Hanggang sa mapilitan  na magbitaw at magpahinga.
“nakakainis na kayong mga tao.nauubos na ang pasensya ko sa inyo.”sabi ni uode(dark) na noon ay humahangos sa paghinga habang nakalapag sa lupa.
“wag natin hayaang makapagpahinga sya.”sabi ni kagura at muling naglabas ng 10 clone at sabay sabay na sumugod.
Sinamantala ng binata ang pagsugod ng 10 clone ni kagura habang nasa lupa ang halimaw at abala.
Sa kanyang pinakabilis ng reinforced pull ay lumapit ito sa halimaw at ginamit ang kapangyarihan ng galema sa unang pagkakataon.
Sinakop ng galema ang 20m  radius territory kung saan itinuhog ni daryl ang medusa at nagsimulang maging bato ang lahat ng nasasakupan ng teritoryo.
Ngunit naramdaman iyon ng halimaw na umaakyat na ang pagiging bato sa kanyang mga paa,kayat matapos patayin ang 10 clone ay dalidaling pinutol ang kanyang dalawang paa at lumipad.
Nagsisigaw ito sa galit at matinding sakit,ngunit hindi doon natapos ang surpresa ng tatlo habang iniinda ng halimaw ang sakit.
hindi paman nakakalipad ng mataas ay sinundan ni kagura  sa likod at nahawakan   ang dalawang buntot mula sa puno ng kanyang batok at buong lakas na hinila at naputol.
Muling napasigaw ang halimaw sa sakit ng pagkaputol ng kanyang mga buntot.
Nang makaalis si kagura sa likod ng halimaw ay sunod sunod na tama ng sniper beans ang tumama sa halimaw na noon ay iniinda ang sakit ng pagkaputol ng paa at buntot.
Parang malalakas na suntok ang sinalo ng halimaw.
Hindi na malaman ang gagawin dala ng kalituhan at matinding sakit ay nagbitaw ito ng malakas na devil power impact upang pigilan ng sabay sabay ang tatlo.
Ngunit sandali lang naawat ang pagsugod ng tatlo na hindi na tinigilan ang pagkakataon  at muling sumalakas.
Dalawang mabilis at sabay na hiwa ng katana sa liko ang muling binigay ni kagura sa kanyang pagsugod kasunod ang mga sniper beans ni cris.
At ang finishing blow ay ibinigay ni daryl gamit ang medusa sa kanyang anger of blade vertical sword split technique.
Biyak sa dalawa ang katawan ng halimaw na unti unting kinakain ng lason at bago bumagsak ang nahating katawan nito ay pinasundan pa ng anger of the blade horizontal sword split technique gamit ang kattana na isinabay nya sa kanyang pagtalon patras.
Nahiwa ng pacross ang katawan na tumilapon sa lakas ng extended wind blade effect ng kattana.
Mabilis na nangitim sa lason at kamadag ang nahating katawan at hanggang sa mabulok.
Wala nang kukuhaning ulo at hindi na makikilala pa at iisiping ulo ng tao ng guild house.
Ramdam agad ng tatlo ang malaking level na nataggap sa halimaw na matyaga nilang pinatay sa mabilis na pagkilos ng maraming pag-atake at matalinong kombinasyon ng kanilang mga ipektibong combo sa mabilis at madulas ding kalaban na unti unting kinain at pinaghina ng kanilang taktika kahit hamak na masmataas ang level nito.
Nagpapatunay lang na hindi ganoon kataas ang galing sa pakikipaglaban ng halimaw kayat hindi nasuportahan ang taas ng kanyang level sa pkikipaglaban sa tatlong malayo ang agwat sa kanya ngunit talagang mahuhusay sa pakikipaglaban.
Higit na nakatanggap ng mataas na adisyonal na level si daryl na labis ang pakikipagsabayan sa halimaw kumpara kay kagura at cris.
Nakatanggap ng 16 level at 6 spirit essence si daryl,13 level at 4 spirit essence kay kagura ,at 11 level at 3.5 spirit essence kay cris.
Mayamaya pa ay natupok  ng apoy ang nabubulok na katawan ng halimaw at kinain ng lupa pabalik sa kanyang pinanggalingan.
Pagod pa ang tatlo na humahangos sa paghinga nang muling magsamasama kung saan naroon si hanna.
“wow!.ang galing ninyong tatlo.ligtas na tayo!hahaha.napakalakas ng halimaw na yun pero kinaya nyo.ang tindi nun.hindi ako humihinga sa panonood.lalu ka na daryl.ikaw ang halos nakipagsabayan,pero ni isang atake ay walang tumama sayo ng direkta.puro daplis.”humahangang sabi ni hanna.
“hehehe.Naramdaman nyo ba yun.ang gaan sa pakiramdam.malaking level ang natanggap natin sa kanya.high level power class siguro ang halimaw na yan.”sabi ni kagura na kahit pagod na pagod ay hindi mapigilang matuwa at magalak.
“Hihihi.kaya nga.malaking tulong ito.”sabi ni cris.
“Oo naramdaman ko yun.nasisiguro kong leve A ang isang yun.”sabi ni daryl dahil alam nitong masmalakas ang halimaw kaysa sa kanya na isa nang level 195 nang huling magsukat sa guild house ng lalilu fire kingdom.
“Halina kayo baka magbago pa yung pinto.baka mapalayo pa tayo sa dalawa.”sabi ni daryl.
“magpahinga na muna tayo.napagod ako sa kapipitik ng beans at kaiiwas sa galamay ng halimaw.tapos sobrang init pa at katanghaliaan.10 min lang.pababain manlang natin yung hingal sa katawan natin.”sabi ni cris.
“oo nga naman daryl.hindi ka ba manlang napagod.ayan at pawisan at hinihingal ka rin.”sabi ni kagura.
Matinding pagod din ang nararamdaman ni daryl kayat pinag bigyan na ang dalawa para makabawi din sa kanyang pagod.
Makaraan ang 15 minuto kung saan medyo normal na ang kanilang paghinga at pakiramdam ay muling naglakad ang apat upang sundan si charlotte at emily habang hindi parin nagbabago ang great gate.
Alas 4 na ng hapon nang makalabas sila ng pinto sa nido,at nagpatuloy parin sa paglalakad kung saan sinundan nila ang bakas ni emily patungo sa dalampasigan ng nido.
Ngunit inabot na nang gabi hindi  pa man nakakalayo ng husto sa great gate.

Zero To Heroحيث تعيش القصص. اكتشف الآن