38.lalilu fire forest

166 30 0
                                    

Habang nagkakagulo ang mundo sa malakas na pagyanig ng lupa ay payapa naman ang paglalakabay ng destiny kung kaya walang alam ang mga sakay nito.
Makaraan ang apat na araw ng payapang paglalakbay ay narating din ng destiny ang karagatan sa pagitan ng nurem,yugatan at lalilu.
Kung saan matatanaw ang nagngangalit na ipo ipo at alimpuyo sa tubig na nakapalibot sa karagatang nasasakupan ng mystic island of nurem.
“pano natin papasukin yan?siguradong mawawasak ang destiny pag ipinilit natin”sabi ni cris.
“sa tingin ko nga.sagad sa ulap ang mga ipo ipo.”sabi ni charlotte.
“pero hindi imposible,dahil may mga kwentong nagsasabi na may mga tao nang nakarating dyan.sabi pa nga sa kwento.nakakatakot daw pumasok dyan.
Kapag naligtasan mo ang tubig o ang ipo ipo ay malalakas na halimaw naman ang sasalubong sayo.”sabi ni kagura.
“Speaking of halimaw, humanda kyo!malaking grupo itong paparating sa atin.”sabi ni daryl nang masagap ito ng kanyang yhon.
“saan manggagaling?”sabi ni kagura at itinuro ni daryl ang direksyon.
“humanda kayo!.nakikita ko na sila!ang dami nila!”sabi ni emily.
Ang mga halimaw ay nanggagaling sa mga genesis dungeon  ng lalilu.ang mga mushuking level 85 at dalawang neroking power class boss level 170.
Dahilan ito ng lindol kayat nabulabog ang  iba pang halimaw sa mga dungeons na hindi sana gustong lumabas kagaya ng ibang nauna na,na kasalukuyang pagalagala sa mga lupain.
Ang mushuking ay isang uri ng humanoid trype monster na may pakpak at nababalot ng makapal na balat na hindi iniinda ang apoy at marunong gumamit ng sibat.
Ang neruking ay ang boss level ng mga mushuking.karagdagan sa makapal na balat ang matigas na kaliskis at mga nag-usliang matutulis na sungay sa ibat ibang bahagi ng katawan.at ang halimaw na ito ay highly inteligent spear fighter dala ng pagiging power class level.
Agad nagsipaghanda ang lahat para protektahan ang destiny.
Gamit agad ni kagura ang blessed demon lay-ar  para sa long range attack.
“sky celestials beast,grant me the power.come port! wings of an angel.”spell ni kagura para kay daryl.
“Celestial queen of the north star,grant me the power.come port! Flight of the  nymph.”spell ni kagura para kay emily.
“Emily!dalin mo to!”sigaw ni kagura sabay bigay ng sariel katana at nag multiply ng 10 kagura clone gamit ang loki katana.upang ubusin ang malaking pulutong ng mushuking
Ginamit ni cris ang infinite mind wish magic,sniper piercing beans.para naman suportahan si emily sa isang neroking.
Habang si charlotte ay nababalot naman ng ice magic absolute zero at pinauulanan ng  ice spear shower ang mga mushuking katulong si kagura.
Mag isa naman hinarap ni daryl ang isa pang neroking gamit ang dual sword dance habang lumilipad ng mabilis sa hangin at sumasabay sa neroking.matinding laban ang ipinakita ng mga neroking upang protektahan din ang kanyang mga nasasakupan na mushuking.
Ngunit wala ni isa sa mga mushuking ang umabot sa destiny dahil sa opensa ni kagura at charlotte,mabilis nilang napapabagsak ang mga ito.
Nahirapan din ang neroking na kalaban ni emily at cris dahil sa magandang kombinasyon ng close at long range attack ng dalawa.
Maya maya pa ay napatay ni daryl ang kalaban nyang nero king nang mahiwa ito ng malakas na dual sword split technique sa katawan.nalaglag ang hiwa hiwa at nabiyak sa apat na katawan ng nero king.
Natakot ang isa pang neroking kayat agad na tinawag ang mga natitira pang mushuking at lumipad pabalik sa kanilang kweba.
Dahil dito ay huminto na sa pag atake si kagura,cris,daryl at charlotte.
Ngunit si emily ay humahabol parin at pinapatay ang lahat ng abutan hanggang sa makatakas na ang mga ito.
“Emily!.tama na yan!.hindi na babalik yan.”sabi ni daryl.
“Sayang naman.hindi namin napatay yung isang boss.tsk!.sayang”sabi ni emy habang bumabalik sa destiny.
Muling huminahon ang lahat at muling pumayapa ang paligid.
Muling Tumanggap ng 2 level at 1 spirit essence si daryl sa neroking.
Wala parin maisip na plano ang grupo kung paano lalagpasan ang ipoipo.
“may naisip ako daryl.bakit hindi natin subukan na lumapag sa lalilu fire  kingdom.malaki at mayaman din ang kaharian na iyon tulad ng mangculia,baka may mga impormasyon na naitatago nila sa mga library kung paano mararating ang nurem.”sabi ni charlotte na minsan nang napunta doon.
“Magandang idea yan.para makapag resupply tuloy tayo.ok na!.dun tayo cris.”sabi ni daryl.
Agad pinihit ni cris ang destiny patungo sa lalilu fire kingdom.
“teka sandali.hindi natin pwedeng dalin doon ang airship natin.dahil madalas na umuulan ng apoy doon,hindi rin tayo pwedeng magpalipad sa itaas ng ulap dahil manipis ang hangin at nakahalo ang nagaapoy na hamog sa hangin.hindi tayo makakahinga.posible pa tayong masunog.”sabi ni charlotte.
“so ang ibig mong sabihin.kailangan natin iwan ang destiny sa dalampasigan ng lalilu.”sabi ni daryl.
“Ganun na nga.at kailangan natin iwasan ang apoy na ulan habang papunta doon.”sabi ni charlotte
“Walang problema sa ulan na apoy.may pangotra tayo dyan.ako na din ang bahala sa pagtatago ng destiny.”sabi ni cris na planong gamitin ang infinite mind wish magic.
“may problema pa ba tayo?”sabi ni daryl.
“wala na.go!”sabi ni charlotte.
Ipinagpatuloy ni cris ang byahe papunta sa pangpang ng lalilu fire kingdom.
“magpahinga na muna tayo,aabutin pa ng 12 oras ang byahe ng destiny papunta sa dalampasigan ng chacha.”sabi ni cris.
5 pm na ng hapon kayat nagsipagpasok na sa loob ng destiny.
Walang naramdaman na kalaban si daryl kayat kampante din itong pumasok na sa loob.
Habang abala ang lahat sa kanya kanyang gawain bago sumapit ang pagkain ng hapunan.
Napansin ni charlotte na palaging nagpapahuli si daryl na makapagpahinga at sinisigurong ligtas ang paligid,bagay na hinangaan nya ng hindi  sinasadya.
Habang pinagmamasdan ay iniisip parin ang prensipyong sinabi ni daryl tungkol sa kanyang tanong nang nakaraang araw na ngayon ay gumugulo sa kanyang paniniwala.
At habang tumatagal ang kanyang pagkakatitig ay naalala ang mga bagay na nagpapahanga sa kanya,ano nga ba ang sikreto at madaling nahahanap ang mga susi,bakit naramdaman agad ng binata ang paparating na mga halimaw,paanong nanalo sa neroking.
Kayat nabuo sa kanyang isip ang paniniwala na malakas si daryl at ang kabutihan nito ay unti unting humihila sa kanyang patay na damadamin patungo sa mabuting landas.
Ngunit sa kabila ng pagaaway ng kanyang konsensya ay nagwawagi parin ang masmatagal nang sugat sa kanyang puso.kayat kahit nakakaramdam ng pagbabago ay pilit na kinakalimutan at bumabalik sa kanyang masamang plano.kahit kalimutan pa ang pagkakaibigan at masasayang alala na itinatanim ng bawat isa sa kanyang puso.
“May dumi ba sa muka ko?”sabi ni daryl at ngumiti nang mapansin na nakatitig sa kanya si charlotte.
“Ha?.ah wala wala.parang may iniisip lang ako.”sabi ni charlotte.
“ah ok.tapos na yata sila sa cr ng cabin.hindi ka ba maglilinis?”sabi ni daryl.
“sige thank you.mauna na ko sa cr.”sabi ni charlotte.
Nagdaan ang mapayapang gabi upang paghandaan ang paglalakbay sa lupa.
Madaling araw na nang marating nila ang dalampasigan ng chacha.
Maagang nagising si cris upang idaong ang destiny,matapos idaong ay muling bumalik sa pagtulog.
Kinaumagahan,nagsipaghanda na ang lahat soot ang kanikanilang baluti at mga kagamitan.
Binalot ni cris ng water mirror magic at wish magic ang destiny upang itago at maging invisible sa paningin at isinabit nang husto ang angkla.
Kumuha ng limang piraso ng dahon at isa isang nilapitan ang mga kasama.
“paki patong sa mga  bumbunan ninyo,sandali lang naman at igagawan ko kayo ng proteksyon laban sa kahit anong ulan.”sabi ni cris at muling ginamit ang infinit mind wish magic.
ang maliit na dahon ay ginawang malaking invisible na dahon at lumulutang sa tapat ng ulo kayat hindi na kailangan pang hawakan dahil permanente nang nakatapat sa ulo.
“o ayan lahat tayo meron na.”sabi ni cris.
“Lumilipad yung dahon na maliit,anong magagawa non?”sabi ni charlotte.
“hihihi.ang cute naman ng dahon na to.”nakangiting sabi ni emily.
Napailing nalang si cris at ipinakita nalang ang ipekto ng dahon.
Nang biglang magpalutang ng tubig galing sa dagat si cris at ibinuhos sa mga lumulutang na dahon ni charlotte at emily.
Nagulat pa ang dalawa sa invisible na extension ng dahon kayat parang payong na sinalag ang buhos ng tubig at hindi sila nabasa.
“wow!.ok naman pala eh.lakad na tayo.ang galing mo talaga cris.lika nga sabay tayo.hahaha”nakangiti parin na sabi ni emily sabay akbay kay cris upang suyuin sa kanilang pagdududa sa magic nito.
“ok .parang gusto ko na itong munting dahon na to.”sabi ni charlotte.
“yan ang magic ni cris,lahat ng bagy basta hinilingan nya ay matutupad na maging isa ding kapakipakinabang na bagay.”sabi ni kagura na noon ay walang duda sa magic ni cris.
Nagsimula ang grupo sa paglalakbay.
Kakaiba ang klima,ngunit may mga puno at mga halaman parin na nabubuhay na kayang tagalan ang init ng kalikasan,fire proof at sadyang pagkain ay maiinit gaya ng apoy at sikat ng araw.
“literal na fire land pala ang lugar na ito.pati ang mga puno at halaman ay mapupula at amoy usok.”sabi ni kagura.
“ngayon lang din ako nalibot sa kagubatan nito.”sabi ni charlotte.
“Kamusta naman kaya ang mga halimaw dito.excited na ko”sabi ni emily.
“Hindi tayo mag reraid emily,war freak ka ba.”sabi ni cris.
“Wag kang mag alala.ako ang bahala sayo.kailangan kong mag level ng mag level.”sabi ni emily.
“Baliw ka na.gusto ko nga sana wala na tayong makasalubong na halimaw.”sabi ni cris.
“hehehe.basta akong bahala sayo,pababagsakin ko sila sa bilis ko.”sabi ni emily.
“halimaw na din lang ang pinag uusapan nyo,papalapit na tayo sa kanila.nararsmdaman ko na sila,1km mula sa atin.”sabi ni daryl.
“Daryl pano mo bang nalalaman.”sabi ni charlotte.
“Dahil sa advance sensitivity ability ko.lahat ng nabubuhay na may spirit energy ay kaya kong maramdaman kayat kaya kong matukoy kahit ang hubog ng katawan nila hanggang sa pinakamaliit na bahagi.kahit gaano pa sya kabilis kumilos bastat nasasagap ng pakiramdam ko”sabi ni daryl habang nakikinig din si emily.
“ah ganon pala ha.tignan ko nga kung kaya mo ang bilis ko.”bulong  ni emily at nagpati huli.
Naisipan magbiro ni emily at matahimik na sinugod si daryl ng kanyang pinakabilis mula sa likod at sinuntok sa batok upang alamin kung totoo nga ang sinasabi ni daryl.
Ngunit bago pa man tumama ang suntok ay walang hirap na naiwasan iyon ni daryl at nahuli pa ang kanyang kamay at naiditso ang kanyang buong katawan sa lupa.
“aw!.aray!.bakit mo naman ako ipinakat sa lupa.ang balakang ko.”sabi ni emily.
“Hahaha.ikaw kasi.kabod ka nalang susuntok.sorry ha kala ko kalaban ka eh.”sabi ni daryl kahit alam nitong si emily ang sumugod dahil sa rehistro ng spirit energy nito.
alam nang binata na hindi iindahin ng katawan ni emily ang mahinang counter slam gaya non.
Nagulat pa ang tatlo sa napakabilis na pangyayari na hindi manlang nila naramdaman at kabod nalang pumakat sa lupa ang katawan ni emily.
“daryl?!.anong ginawa mo kay emily?”sabi ni kagura na noon ay kasamang nauuna ni cris.
Si charlotte man ay nagulat dahil bigla nalang nakitang nakapakat si emily matapos maramdaman na mahagingan ng hangin,gayung nasa harap lang nya si daryl.
“hehe.wala syang kasalanan.ako ang may gawa.gusto kasing subukan kung totoo nga ang ability nya.”sabi ni emily habang tinutulungan na itayo at pagpagan ni daryl.
“hahaha .hindi ka lang pala makulit.napaka kangkarot mo pa.”sabi ni kagura.
“kaya pala kahit panong gawin ko sa training namin ng kickboxing.hindi ko sya matamaan.ang galing!.parang kungfu master ng ki.ang lupet mo daryl!.walang laban kahit ang mabilis kong surprise attack.”sabi ni emily na ngingislap ang mga mata sa matinding paghanga kay daryl na bigla na nitong nagustuhan.
Nakalakihan nang tradisyon ng devoted martial art family ni emily noong nabubuhay pa sa daigdig,na sino mang lalaki ang makatalo sa kanila ay sya ding lalake na nararapat na maging asawa nila.
At dahil tanggap ni emily ang pagkatalo kay daryl,na alam nyang masmalakas at masmagaling ang kakayahan ay bigla nalng gumawa ng eksena ang magnadang babae.
Lalakad na sana ulit ang grupo nang biglang.
“daryl! Sandali!”sabi ni emily.
Natigilan ang lahat at napatingin kay emily.
“Sa pamilya namin.kapag tinalo kami ng lalake at natanggap namin ay sya nang karapat dapat na maging asawa namin.kaya gusto kitang maging asawa daryl.”sabi ni emily,siryoso at lumuhod na sa lupa tanda ng paggalang at pangungusap.
“Haaaa?!!!”sabay sabay na gulat ng tatlo.
“emily?!No! no! no!.may girlfriend na si daryl,kaya hindi ka na pwede.dito akin sya habang wala pa ang girlfriend nya.”sabi ni kagura sabay hawak sa braso.
“Bakit girlfriend palang naman ah.hindi panaman sila kasal,hindi ako magpapatalo.tsak hindi ka naman nya girl friend.kaya akin din sya dito.”sabi ni emily na biglang tumayo at niyakap naman sa kabilang braso.
“kahit na basta akin lang sya.dadagdag ka pa saming tatlo.”sabi ni kagura.
“Teka lang wag nga kayong nagbiro ng ganyan.tsaka anong tatlo?.”sabi ni daryl na hiyang hiya sa kalokohan ng dalawa.
Kayat napatingin kay charlotte na nakangiti na may sinasabi ang titig ng mata at cris na noon ay namumula sa hiya at nangungusap din ang mata dala ng pagseselos kay kagura at emily.
“oo tatlo kaming nakipag Tumabi sayo nung nalasing ka.hindi mo naalala?ang lakas nga ng katawan mo eh.”sabi ni kagura.
“huh?!.kaya pala kumakalog ang tuhod ko paggising ko.”sabi ni daryl.
Hindi na kinaya ng binata at sumurit na ang nosebleed.
“Hahaha.ang cute mo talaga pag nahihiya ka na.”sabi ni kagura.
Hindi na rin nagpigil ng kanyang damdamin si cris.
“bitawan nyo nga sya!!hindi na kayo nahiya.”sabi ni cris na noon ay yumakap naman sa bewang ni daryl at nagpapanggap na umaawat.
Inggit na ingit naman si charlotte na pinagmamasdan ang tatlong babae na masayang nag aagawan sa katawan ni daryl sa kanilang paglalaro.
Nang biglang magserysoso si daryl.
“wait!.shh!.malapit na sila satin.listo kayo.malalaking halimaw itong mga paparating.”sabi ni daryl.
Agad naman nagsipagbitaw sa panglilingkis kay daryl at nagsipaghanda.
Makaraan ang limang minuto ay nakikita na ang mga rumaragasang halimaw ng genisis dungeon na matagal nang nagpapaikot ikot sa teritoryong iyon mula nang maimplowensyahan ng black aurora.
Parang bagyong rumaragasa sa mga puno at halaman ng kagubatan.
Unang sumalubong si daryl para makipaglaban.
“cris kagura!.paramihan tayo nang mapapatay, ang mananalo sa kanya si daryl.una na ko.”masayang sabi ni emily na sinakyan naman ng dalawa kayat ginamit ni kagura ang blessed demon puma upang maging mabilis at makipagkompitensya kay emily,habang si cris naman ay ginamit ang kanyang  infinite mind wish magic,machine gun beans upang sumali din sa kompitisyon.
Nagpaligsahan ang tatlo sa pagpaparamihan ng kanilang napapatay na halimaw ng ibat ibang sukat na parang naglalaro lang.
Habang si charlotte ay nakamasid sa kanilang lahat.
“ibang klaseng mga babae,pero hindi rin sila madaling kalaban.”sabi ni charlotte at nakisali na din sa pakikipaglaban at paligsahan ng tatlo, ayaw din magpatalo para kay daryl na labis na gumugulo sa kanyang isipan.
hindi  nya namamalayan ang wirdong pakiramdam ng kanyang kasiyahan habang nakikipaglaban kasama nila daryl dahil nasanay ito sa pakikipaglaban ng solo.
Nagpatuloy sa pakikipaglaban ang grupo habang sumusulong sa kanilang ruta,nahirapan din sila sa dami ng kalaban ngunit napapatay din dala ng kanilang diperensya sa skills,level,lakas at abilidad sa pakikipaglaban.
Walang tigil ang pagdating ng mga pulotong ng level 80 hanggang 95 na halimaw mula sa ibat ibang dungeon at mga halimaw na likas nang nasa kagubatan.
Hanggang sa marating ng grupo ang boundary ng tralala jungle sa katanghalian,kung saan piniling magpahinga sa ibabaw ng matandang puno upang pagtaguan ang mga halimaw sa paligid na hindi maubos ubos.
“ano bang nangyayari dito?.hindi naman ganito karami dati ang halimaw dito.”sabi ni charlotte na hindi inaasahan na makakalaban nila ang ganoon karaming halimaw.
Sinusulit ng grupo ang pagkakataon na nakapagtago sila sa itaas ng mayabong na puno kayat kumakain habang nagbabantay sa paligid.
“relax na muna tayo.kahit hindi uubra satin yang mga halimaw.sa dami nyan.isang pagkakamali lang.siguradong tepok tayo.
ayos lang ba kayong lahat.ikaw emily sugod ka nang sugod ang tapang tapang mo relax ng konti.wag kang masyadong lalayo kay charlotte.masmabuti na yung binabantayan natin ang bawat isa.”sabi ni daryl.
“yes honey.concern sya sakin.hihihi.”masayang sabi ni emily.
“oi ganyan lang talaga si daryl kaya wag kang umasa.”sabi ni kagura.
“Shhh.um maririnig nila tayo.kaingay nyong eh.behave nga kayo.”sabi ni cris.
“hihihi.selos ka rin eh.”sabi ni emily.
Habang si daryl ay sumasakit ang ulo sa kulit ng tatlo.
Habang nagkukulitan ang tatlo ay sinasamantala naman ni charlotte na maupo sa tabi ni daryl at kinukuha ang pagkakataon na ishare ng kanyang chopsticks ang pagkain sa plato ni daryl.
“Teka lang?!,tahimik ka lang din eh.pero dumisdiskate ka rin.type mo din si daryl no.”sabi ni emily kay charlotte.
“aha!,bantay salakay karin pala ha.”sabi ni kagura habang nakatingin kay charlotte.
“Malay ko ba.baka masgusto ni daryl ng eleganteng tulad ko.hump.ingit lang kayo”biro naman ni charlotte.
“pati ba naman ikaw charlotte!.”sabi ni cris.
Nagkagulo nanaman ang mga kababaihan at nadagdag na sa kulitan si charlotte na noon ay nag eenjoy sa pakikipagkulitan.
Dahil sa kanilang kulit ay nakita sila ng mga halimaw.
“yan na nga ba sinasabi ko eh.kaiingay nyo kasi eh.Nandyan na sila.”sabi ni daryl.
Isang malaking suntok ng kamao mula sa malaking halimaw ang yumanig sa puno.
Agad tumalon ang grupo at napilitan nang magpatuloy sa pagsulong at pakikipaglaban sa mga halimaw.
“hahaha.ang dami nila.”sabi ni emily.
“bakit natatakot ka na.hahaha.”sabi ni kagura.
“Wag na nga kayong magsalita.takbo na.”sabi ni cris.
Palaging nasa unahan si daryl na nakikipag daop sa mga paparating.
Hanggang sa hapunin na sila sa katatakbo at pikikipaglaban.
6 pm na ng gabi nang humupa ang mga halimaw sa pagsugod at napatay ang pinakahuling halimaw na malapit sa kanila.
Narating nila ang dulo ng tralala papasok sa boundary ng marioka.
Dahil sa pagod ng maghapon na pakikipaglaban sa dami ng halimaw ay ipinagpasya na ni daryl na doon humanap ng matutulugan.
Sa ilalim ng maugat na puno itinayo ni daryl ang nag iisang tent ,nakatago sa mga halimaw na kanya parin nararamdaman sa di kalayuan.
Habang abal naman ang apat sa paghahanda ng pagkain.
Muli ay sama sama silang kumakain ng magkakaharap at nag uusap.
“grabe kala ko wala na silang katapusan.nangangalay na ko sa kakasuntok eh.hihihi”sabi ni emily na pinagtatakpan ang pagod.
“pagod na pagod ako.kasakit na ng binti ko.”sabi ni cris habang hinihilot ang binti
“Buti nalang tumigil na sila.”sabi ni kagura na pansin na din ang pagod.
“Gusto ko nang makapagpahinga.”sabi naman ni charlotte.
Alam ni daryl na matinding pagod ang nararamdaman ng lahat dahil sya man ay napapagod na.
“sige Pagtapos kumain.magpahinga na kayo.tabi tabi nalang kayo sa loob ng tent.dito nalang ako sa labas at para makapag bantay tuloy.”sabi ni daryl.
“san ka matutulog?”sabi ni kagura.
“sasandal nalang ako dito sa ugat.ok na ko dito.”sabi ni daryl at ayaw ipahalata ang kanyang pagod.
Gamit ang yhon skill ay Ramdam parin ng binata ang dami ng mga halimaw na naglisawan sa buong paligid na hindi kalayuan sa kanilang lukasyon hanggang sa 1km radius na nasasagap ng yhon skill ng binata,kayat hindi nito makuhang magpahinga kahit pagod na.
Ngunit naawa ang binata sa ipinapakitang pagod ng apat na babae,kayat pinili nyang makapag pahinga ang mga ito at bantayan.
Wala nang lakas para makipag kulitan pa ang mga babae kayat matapos kumain ay pumasok na sa tent at nahimbing.
Sa kabila ng mahimbing na tulog ng mga babae ay muling natutunton ng halimaw ang kanilang kinaroroonan.
Kayat upang wag maabala ang apat sa pamamahinga ay nagsakrepiayo ang binatang harapin ng mag isa ang mga paparating na halimaw na hindi naman sabay sabay.
Gamit ang shadow cloak ng imir,ay nabawasan ang pwersa at lakas na ginagamit ng binata para habulin ang mga halimaw dahil sa instant teleportation sa dilim.
At sa buong magdamag ay hindi nakuhang umidlip manlang at makapagpahinga ang binata sa sunod sunod na pag atake ng mga halimaw na nakakatunton sa kanila.
At dahil may oras pa,upang malibang at hindi antukin ay pinupulot ng binata ang ulo ng mga halimaw.
Kayat nanatiling gising at nakikipaglaban habang kumukulekta ng mga ulo ng napapatay nya.
Ngunit hindi parin maiwasan na kalabanin ang sarili nyang diwa na wag makatulog dahil sa pagod.
Kinaumagahan.paggising ng apat ay hindi parin nagpahalata ang binata ng matinding pagod at puyat upang maiwasan na mag alala ang mga ito at bumagal ang kanilang paglalakbay.
Ngunit hindi maitatago ng mga patay na katawan ng ibat ibang halimaw na nagkalat sa buong paligid  na hindi hihigit kumulang 400 halimaw na si daryl ay nakipaglaban upang sila ay protektahan.
“daryl nakapagpahinga ka ba?”sabi ni kagura.
“ah oo.ok lang ako.hindi naman sila sabay sabay eh.”pagsisinungaling ng binata.
“Wow.ang dami nito ah.sure ka ba daryl.”sabi ni emily
“ok lang ako.yakang yaka ito.sayang ang oras.lakad na tayo.”masiglang sabi ni daryl.
“Ok sabi mo eh.”sabi ni kagura.
Kayat matapos makapag impake ng tent at makakain ng agahan ay muli nanaman silang naglakad at nagpatuloy.
Hindi pa man umiinit ang araw ay muli nanaman silang nasabak sa maraming labanan ng pulupulutong na halimaw ng ibat ibang uri habang binabaybay ang kagubatan ng marioka hanggang kagubatan ng doremi kung saan muli nanaman silang dinatnan ng gabi.
Katulad ng nakaraang araw ay pagod ang mababakas sa kilos at muka ng mga babae kayat hinahayaan ng binata na makapag pahinga ang mga ito habang sya ay patuloy na lumalaban sa gabi upang bantayan ang mahimbing na pamamahinga ng mga babae.
Ngunit sya man ay damang dama ang matinding pagod ng kanyang pag sasakrepisyo.
Muli sa buong madamag ay hindi hihigit kumulang 400 halimaw ang kanyang napatay bawat oras at minutong lumilipas ng magkakasunod. habang inaaliw ang sarili sa pag iipon ng ulo.
Dagdagpa ang 2 magkasunod na power class boss level 170,ang wolf garm at fire garuda.na halos umubos sa lakas ng binata na pilit nitong tinitipid habang gamit ang shadow cloak ng imir.
Inabutan pa ng mga babae na nakikipaglaban ang binta ng sila ay magising kinaumagahan.
Matapos patayin ang huling halimaw na malapit sa tent ay nagtungo lang sa isang malinaw na batis para mag hilamos upang itago ang puyat sa kanyang mata.
Muling nagulat ang apat nang makita nilang muli ang mga nagkalat na patay na katawan sa buong paligid.
“daryl ikaw nanaman ang gumawa nito.nakakapagpapahinga ka ba talaga?”sabi ni kagura na noon ay nag aalala na.
“oo nga .ang dami nitong pinatay mo sa magdamag,bakit hindi mo kami ginising.”sabi ni emily.
Habang si charlotte ay tahimik lang na nakatingin kay daryl na noon ay nakaramdam din ng pag aalala.
“ang laki na ng eye bag mo.ok ka ba?”sabi ni cris.
Pansin nila ang humahangos na hininga ng binata na pilit parin ikinukubli ng marahan na pag hinga sa  ilong at ang mapungay na mata at panginginig ng kamay dala ng dalawang araw na walang pahinga at pakikipaglaban.
Ngunit ngiti parin ang isinusukli ng binata sa apat na babae.
“hehe.ok lang ako.nakaka idlip naman ako pag may pagkakataon.”sabi ni daryl.
Ngunit hindi naniniwala ang lahat at nag aalala sa kanyan at sobrang humahanga sa kanyang pagiging maginoo.
“Sige na. konti nalang nandoon na tayo.mag reresearch pa tayo sa library di ba.yakang yaka ito.”pilit na sabi ni daryl na noon ay pinang lalabanan ang matinding pagod at puyat na sinusubukang pawiin ng pagkain at tubig.
Kayat inunawa ng mga babae ang kanyang sinabi at nagtiwala.
Mula sa gitnang bahagi ng kagubatan ng doremi ay muling nagpatuloy ang grupo at katulad ng sitwasyon ng nakaraang araw ay nagpatuloy ang mga labanan.
Sa pagkakataong iyon ay kitang kita na ng mga babae ang pagod sa katawan ng binata na pilit nitong nilalabana kahit nagdagdagan pa ng 6 na level  at 3 spirit essence sa mga power class boss monster na kanyang napapatay.
Ramdam na ng binata ang pangangalog ng kanyang tuhod at panginginig ng kanyang mga kamay sa walang humay na pag takbo at patuloy na pakikipaglaban.
Kayat ang mga babae naman ang sumuporta sa kanya upang mabawasan ang mga hinaharap nito dahil sa kanilang pag aalala.
Hanggang sa muling makapagpahinga ng tangahalian sa madamong  kalupaan ng hoot.
Lahat ng atensyon ng apat na babae ay nakatutok kay daryl na hindi na kumikibo sa sobrang pagod at puyat na pinanglalabanan at sinusubok na paiwin ng pagkain at tubig.
Ngunit hindi alintana ng mga halimaw ang kanilang pagod,at dahil bukas ang malawak na madamong kalupaan ng hoot at walang mapagtataguan ay muling sumalakay ang mga ito habang sila ay kasalukuyang nagpapahing sa gitna ng damuhan kung saan may isang puno ang nakatayo.
Muling napilitan na makipaglaban ang mga ito at magpatuloy sa kanilang ruta nang hindi pa nasusulit ang pagkain at pamamahinga.
Hindi parin sumuko ang binata at patuloy na lumaban hanggang sa kahulihulihan nyang lakas at maraming beses na muntikang mapinsala ng kinakalabang halimaw kung hindi lang naka suporta ang mga kasamang babae na noon ay nag aalala at naguguilty dahil sa kanilang pagtulog ng mahimbing sa mga nakaraang gabi.
Hanggang sa marating nila ang gate ng lalilu fire kingdom kung saan nakapalibot ang mga kingdom raider knights.sa tabi ng great wall.
Sa kabila ng matinding pagod ng katawan ay naitagpos ng binata ang tatlong araw ng walang tigil na pakikipaglaban araw at gabi ng walang sapat na pahinga at tulog.
Kayat nang masiguro na sila ay ligtas na sa greatwall ay dito na bumigay ang katawan ng binata.
Habang magkakaupo sa mahabang upuan ng wait shed sa loob ng great wall kung saan sila nagpahinga sandali,ay dahan dahan humiga sa upuan si daryl at umunan sa hita ni kagura at doon na nahimbing ng pamamahinga,na agad naman hinawakan ni kagura at maingat na inalalayan ang ulo ng binat upang hindi dumulas at magising.
“sige daryl magpahinga ka na muna,sobrang pinag alala mo kami.salamat sa pag babantay mo.napakabuti mo talagang lalake.”sabi ni kagura habang alalay  ang ulo ng binata.
“nag sinungaling sya.hindi taga sya nagpahinga.hanggat hindi nya nasisigurong ligtas tayo.lalu mo lang akong pinapaibig daryl.”sabi ni emily.
“Oo nga.kahanga hanga syang lalake at kinaya nya ang tatlong araw ng walang tigil na pakikipaglaban.habang pinoprotektahan pa tayo sa gabi.”sabi ni cris na noon ay nagpapasalamat  ang kalooban at hinahalina ng pagibig para kay daryl.
“Bakit mo ba itinataya ang sarili mo para sa iba?sira ulo ka.pero salamat.”sabi ni charlotte sa kanyang isip habang pinagmamasdan si daryl na sobrang gumugulo sa kanyang isipan na ngayon ay kanyang pinag aalalahanan.
4pm palang ng hapon ng oras na iyon kayat pinili nilang manatili muna ng ilang oras pa upang makapagpahinga ang bagsak na katawan ni daryl.
At sa pagkakataong iyon ay sila naman ang nagbatay sa mahimbing na pagtulog ng binata.
Habang lumakad naman sila cris at emily para humanap ng matutuluyan para sa gabi.

Zero To HeroOnde histórias criam vida. Descubra agora