5.popularity

265 39 1
                                    

Nakasanayan na ang maagang pagising sa umaga kayat maaga din na umalis ang mga followers ni demeter.
Dumaan sa palenke sina daryl at mia para bumili ng bagong damit na maisusuot ni mia.
“kuya yung mura lang ha.nag iipon po kasi ako ng pang bili ng armor.”sabi ni mia.
“ngayon na nandito ka na sa pamilya namin.hindi na magagalaw ang pera mo.kaya makakaipon ka na.pero ngayon kailangan muna natin yan bawasan.para din naman sa mga personal na pangangailangan mo.para  masanay kang umasa sa sarili mong kayod.”sabi ni daryl.
“Sige po kuya.payag po ako.nagtitiwala naman po ako sayo eh.”sabi ni mia.
Namili ang dalawa ng komportableng damit para kay mia at agad na nagtungo sa pampublikong palikuran para doon makapagbihis ang bata.
Hanggang sa palikuran ay sariwa parin ang nagawa ni daryl sa nakaraang araw.
“sikat na sikat ka talaga kuya kahit hindi ka naman nila kilala.ano kuya.bagay ba?”sabi ni mia.
“oo hindi ka na maasim tignan.”sabi ni daryl.
“hahaha.kuya talaga.maasim ba talaga ko.um!”sabi ni mia sabay suntok sa tyan ni daryl.
“Hahaha.dati yon .pero ngayon. mabango ka na.halika na!.dadaan pa tayo sa guild house.”sabi ni daryl.
“ano po gagawin natin doon?”sabi ni mia habang hila hila ang kanyang cart na nakasanayan nang hilahin.
“bibili lang ako ng monster dictionary.para alam natin kung saan,ano,magkano at alin ang mga pwede natin pakinabangan sa mga monster.katulad ngayon medyo alanganin na ang lakas ko sa mga batang goblin.kaya lilipat na tayo ng lugar yung masmalakas na monster na kaya kong taluhin.para masmalaki ang bayad bawat ulo.”sabi ni daryl.
“Oo nga pala no.lvl 10 kana pala kuya.”sabi ni mia.
“shhh.hindi dapat natin pinag uusapan ang lvl baka may makarinig.secret lang natin yon ha.”sabi ni daryl.
“Okie.”sabi ni mia.
Narating nila ang guild at agad na nagtungo kay cherry.
“good morning mam cherry.”sabi ni daryl.
“Hi ate cherry.”sabi ni mia.
“good morning!.wow mia!.kasama ka na pala ngayon sa demeter worship.masaya ako para sayo.ang cute mo naman pala pag malinis ka.”sabi ni cherry nang makita nito ang emblem sa leeg ni mia.
“hihihi.ang ganda ng tatoo ko ate hano?binigay yan ni ate holy guide demeter.” sabi  ni mia.
“Oo bagay sayo.may pamilya ka na ngayon.”sabi ni cherry.
“ah mam cherry mag tatanong po sana ako kung may nabibiling dictionary para sa mga monster.para lahat ng information ay malaman ko.bago namin puntahan.”sabi ni daryl.
“mero po sir daryl.monstrephedia yun po ang tawag doon.sandali po at ikukuha ko kayo sa loob.kahit dito nyo na po bayaran  sa akin.”sabi ni cherry.
“May mapa din po ba yon at general info?.”sabi ni daryl.
“Opo sir.lahat po nang mga natuklasan na monster ay nakalagay doon.makikita nyo na po doon lahat ng gusto ninyong malaman tungkol sa mga monster at may magic automated update function pa po na mag lalagay ng mga karagdagang monster na matutuklasan pa ng mga raiding party sa oras na maireport sa guild.”sabi ni cherry.
“magkano naman po?”sabi ni daryl.
“2 copper lang po.”sabi ni cherry.
“sige.kukunin ko na.”sabi ni daryl.
Nagpatuloy ang dalawa sa paglalakad habang maaga pa upang marating ang susunod na destinasyon.
Nagulat pa si daryl nang marating nila ang gate.dahil ang mga tao doon ay bigla nalang nagbago at ngayon ay nakikipag ngitian na sa kanya at ang iba ay bumabati pa ng magandang umaga.
“hahaha.nagugulat ka ba kuya?.dahil yan sa ginawa mo kahapon.hindi nila kaya yon.kaya sikat na sikat ka na dito sa gate.pumapalakpak nga silang lahat kahapon eh.”sabi ni mia.
“bakit naman.chamba lang naman yung panalo ko sa cobolt ah?kung hindi ko yun napuruhan,malamang na ako ang napatay nya.”sabi ni daryl.
“pero tinalo mo parin yon kuya.tsaka hindi chamba yun kuya.ang galing mo nga eh.takot na takot ako pero sobrang galing mo talaga.”sabi ni mia.
“binobola mo na ko nyan eh.halika na nga”sabi ni daryl.
“sa loob lang ng maikling panahon sa mga hindi inaasahang insidente, nagbabago ang tingin ng mga tao,patunay lang na lakas ang basihan ng popularity.
pero ang nakakalungkot ,nanonood nalang sila kahit mas kailangan na tumolong sila.wala na talagang tutulong bastat hindi ka  nila kaibigan o kasama.”sabi ni daryl sa kanyang isipan habang nakikipag ngitian  sa mga tao sa gate.
Narating nila ang tara goblin field.
“Mula dito hindi ka na pwedeng lumayo sa akin.masmalalakas na ang pupuntahan nating halimaw.ang sabi dito sa monterphedia.pagkatapos ng goblin lvl 1 to 5.susunod na ang tara goblin lvl5 to 10.masmabilis at madulas daw ito at mukang palaka.”sabi ni daryl.
“ayyiii!!.iww!!.ayoko ng palaka eh.pero sige kuya.kaya mo naman yan eh.di ba?.”sabi ni mia.
Agad nagtago ang dalawa sa malagong halaman at nagmasid masid sa paligid.
“ok ganito.para hindi tayo mahirapan sa paghabol sa kanila.ikaw ang ipapain ko.sa oras na mag ingay ka.makikita ka na nila at maaamoy nila na mababa ang level mo.kaya siguradong susugurin  ka nila.kusa silang lalapit sa yo.”sabi ni daryl.
“kuya naman eh.pano kung makalapit sila.natatakot ako.”sabi ni mia.
“edi palakulin mo.kaya nga may sandata ka eh.tsaka hindi ko papayagan na makalapit sila sayo.wala ka na bang tiwala sa akin.sige ka kung dito palang natatakot ka na.pano pa kita isasama sa dungeon.”sabi ni daryl.
“ahm okie.pero galingan mo kuya ha?.”sabi ni mia na natatakot.
Mula sa di kalayuan ay natanaw pala sila ng mga followers ni holy guide ares.
At dahil naging matunog ang pangalan ni daryl na mabilis na kumalat dahil sa mga chismosa at chismoso ng bayan ay madaling nakilala ang binata lalu na sa labas ng gate kung saan naroon ang pinakamalaking bilang ng mga pamilya ng raiders na namumuhay ng simple at umiiwas sa panganib.
Umabot din ang balita sa mga sikat na worship house ng mga top holy guide god and goddess.
“bro wait.tignan nyo yun.naka kamisa de chinong puti at 3/4 na skiny short na itim,naka katana at may kasamang batang babae.hindi kaya yun ang tinatawag nilang daryl.”sabi ni ares follower 1.
“oo nga hano.sige nga tignan natin ang galing ng lowbie na yan.sabi nila dalawang araw palang na raider yan.”sabi ni ares follower 2.
“ano ba kayong dalawa.tatanghaliin tayo.”sabi ni ares follower 3.
“Wait lang sandra.interesado rin ako eh.sandali lang.mukang may binabalak sila eh.”sabi ni ares follower 4.
“bro tignan nyo to.lvl 1 lang yung bata.at lvl 10 lang yung lalaki.anong gagawin nila.nagpapakamatay ba sila ,delikado ang bata.”sabi ni ares follower 1 habang pinagmamasdan sa glasses of thruth ang antas ng level ng dalawang magpartner.
Nagsipagkubli sa malaking bato at pinanood ang plano ng dalawa.
“ano ready ka na?”sabi ni daryl.
“ok kuya.sisigaw na ba ko.”sabi ni mia at pinayagan naman ni daryl.
“Oiiii!!!mga panget na palaka!nandito ako.hooyyy!!!panget!panget! panget!”sigaw ni mia at nagpapapansin pa at gumigiling.
“ahahaha.ang cute.ano yun?!.nagpapakamatay ba sya?siraulong bata.”sabi ni ares follower 3.
Mabilis na nakuha ni mia ang pansin ng mga tara goblin at isa isa itong naglalapitan,kuminsan ay sabay sabay ngunit bihira iyon mangyari at makasarili ang mga tara.
Kagaya ng dati ay palaging nakafocus ang binata at listo ang posisyon ng mga paa sa kanyang sword stance upang maagapan ang mga paparating na tara.
Sapat ang lakas ng binata upang hiwain maging ang buto ng mga tara gamit ang kanyang katana dahil sa agwat ng kanilang mga lvl.
Kayat sa bawat paparating na tara ay sinasalubong iyon ng malakas na hiwa ng katana at sapat na ang isa para mamatay ang tara.
Noong una ay inisip ng mga ares followers na kalokohan ang strategy na iyon ngunit habang tumatagal ay nakikita nila kung gaano ito ka ipektibo.
“wow!.magaling nga pala ang ganyang strategy.ginagamit nyang pain ang bata dahil siguradong amoy ng mga halimaw na low level ito kayat magpupumilit na sumugod,habang nandoon naman sya para patayin ang mga paparating.sa ganoong stratehiya ay mababawasan ang pagkilos nila ganun din ang pagkunsumo ng enerhiya.”sabi ni ares follower 3.
“hindi lang basta strategy ang magaling sa kanila.tignan mo ang mabilis na shifting ng stance nya.kaya mabilis at comportable din ang reflex ng katawan nya at almost exact sa reaction ng susunod na attack kahit halos magsabay sabay pa ang tatlong tara.hindi madali yon.nakakapagod yun.pero sa lagay nya.parang meron syang malakas na instinc kayat madali nyang naaanticipate ang dapat na susunod na galaw.dahil dyan ay mas conserved ang energy nya.kayat hindi sya agad napapagod.parang nagsasayaw lang sya ng freestyle na walang steps pero sakto ang galaw habang kasabay ang instinct.wow astigen naman pala eh.”sabi ni ares follower 4.
“Wow.bro hindi na ko nagtataka kung isang araw.masmalakas pa satin yan.”sabi ni ares follower 1.
“baliw.25 level ang agwat natin sa kanya.hindi nya yon maabutan agad.tsaka magpapatalo ba tayo dyan.mga followers tayo ni ares.”sabi ni ares follower 2.
Kalahating oras na ay hindi parin tumitigil ang mga paparating na tara.
At dahil nangggagaling sa malalayong distansya ay nabibigyan pa ng pagkakataon si daryl para makapagpahinga habang naghihintay.
“O mia.kumokonti na sila.sigaw pa.”sabi ni daryl.
“kuya hindi ka ba napapagod.parang isang oras ka na yatang taga ng taga dyan eh,tapos tumatalon ka pa tsaka tumatakbo.ayaw mo ba makapagpahinga.” sabi ni mia.
“Sa tantya ko,nasa kalahating oras palang tayo mia.tsaka kasalukuyan palang bumubuhos ang adrenalin sa katawan ko.parang naglalaro lang nga ako ng basket ball.kaya to kahit dalawang oras pa.hindi naman tuloy tuloy eh.ganito din tayo sa mga kid goblin di ba?tsaka sa tingin ko.hindi naman sila ganoon kadelikado para sakin.”sabi ni daryl.
“Okie.sure ka kuya ha.ooiiiiii!!!.lapit pa mga panget na palaka!!lapit pa!!!.panget panget!!.”sigaw ni mia.
At nagpatuloy ang dalawa sa kanilang ginagawa.
“mga bro.siguro dapat nating silang tularan.tatanghaliin na tayo sa panonood.”sabi ni ares follower 1.
“sige gora na.”sabi ni ares follower 3.
At nagpatuloy na ang kanilang grupo patungo sa dungeon.
Makalipas ang dalawang oras ng walang humpay na pag atake ay hindi inaalis ng batang babae ang kanyang atensyon pati kay daryl sa pag aalala na napapagod na ito.
Ngunit sya man ay napapansin ang pagbabago kay daryl dahil mashumaba ang resistensya at maslumakas ang bawat halibas ng katana.
“wow.ang galing mo kuya daryl.kahapon lang ang bilis mong mapagod.pero ngayon.parang hindi ka pa napapagod.ganon pala kalakas ang level 10.”sabi ni mia habang pinagmamasdan si daril na palipat lipat ng sugod para salubungin ang mga tara.
Kayat ng maubos ang sumusugod na tara ay sisigaw sana ulit ang bata.
“mia wait!!ha ha ha(hingal).rest muna ng konti.10 min.”sabi ni daryl na madalas nitong gawin kapag napapagod na.
“Ahihihi.akala ko kaya pa eh.sorry.”sabi ni mia.
Pilit parin pinagkukumpara ang sitwasyon kahapon at ngayon.
Habang si daryl naman ay pinipilit na makuha ang record na 85 kahit masmalaki masmalakas at masmabilis ang mga tara na doble sa kid goblin.
“pwede bang bumawas na ako sa mga pupulutin kuya.habang nagpapahinga ka pa.”sabi ni.mia.
“sige pero wag kang lalayo.ito nalang munang nakapalibot sa atin.nakaka 38 palang ako.wala pa sa kalahati.magtatanghali na.”sabi ni daryl.
“kuya hindi mo ba nakikita.masmalalaki na to kesa doon sa mga kid goblin.naubos na yata natin yung mga nandito.”sabi ni mia.
“hahaha.may target kasi akong bilang araw araw.kailangan maka 85 ako pataas.parang training na din.”sabi ni daryl.
“hay nako kuya.ok sabi mo eh.pero ang galing galing mo na talaga.tasaka parang ang lakas lakas mo na ngayon.”sabi ni mia.
“Hindi naman.lvl 5 to 10 lang kasi ang mga halimaw dito samantalang ako lvl 10 na,kaya parang malakas ako tignan.pero kung lilipat tayo ng lugar.siguradong mahihirapan na ko.”sabi ni daryl.
“iba pala talaga kapag mataas ang lvl.pero ako kuya ok na ako sa ganito.”sabi ni mia.
“oo naman.mainam nga yan at madali mong natatawag ang mga monster.”sabi ni daryl.
“hump!gusto mo din naman .ginagawa mo nga akong pain.hahaha”sabi ni mia na nawala na ang kaba at takot dahil nakikita nyang kaya talaga ni daryl na bantayan sya.
Nang biglang mapansin ni mia ang sumisigaw sa di kalayuan.
Dalawang lowbie ang pilit na tumtakas sa langkaylangkay na mga tara at unti unti nang naoover power ng mga tara dahil sa dami ng kagat sa ibat ibang bahagi ng katawan at pilit na hinihila.
Nagdadalawang isip ang binata kung tutulungan ba o tatakas nalang at tutularan ang iba na walang pakialam.
Ngunit hindi matanggap ng kanyang konsensya kayat nagpasya na ito.
“Delikado to mia.umakyat ka muna sa puno bilis!sa pinakamataas.at wag kang bababa.”sabi ni daryl na agad naman sinunod ng bata.
Dahil abala ang mga tara sa ginagawang pagtutulong tulong sa dalawang lowbie ay hindi na nila napansin si daryl na tumatakbo papunta sa kanilang likuran at isa isang pinapatay ang mga tara ng hindi nila namamalayan dahil inuuna ang mga nakakakita sa kanya.
Tahimik,mabilis at maingat ay mabilis na napapatay ni daryl ang mga tara na parang pumapatay lang ng nagkakagulong daga mula sa likod.
Hanggang sa nadapa na ang dalawang lowbie.
Kayat masbinilisan ni daryl ang pagpatay dahil nag aalala din ito sa dalawang kapwa lowbie.
Naging watcher naman si mia na nasa itaas ng puno sa mga paparating naman sa likuran ni daryl habang minamasacre ang nakatalikod sa kanyang harapan.
Kayat agad din na naaagapan ang mga sumasalising tara.
Hanggang sa napatay na nya lahat pati ang mga nakakagat sa dalawang newbie.
Halos maubos ang lakas ng binata dahil sa walang tigil na katataga hanggat hindi nauubos ang mga tara.
At napaluhod nang mapatay ang huling tara.
“Haaaayyy haaaaa(hinga).grabe ang dami nun ah.ha ha ha.haaaa.huuuu.”sabi ni daryl na hinahabol pa ang paghinga sa sobrang pagod.
“kuya wala na!!.naubos mo na sila!!hahaha.ang dami!”sabi ni mia.habang papababa sa puno.
Dali daling tumakbo ang bata papunta kay daryl.
“Oo pero napagod ako dun.”sabi ni daryl.
Excited ang bata At ipinagpatuloy ang pagputol sa mga ulo.
“siguro naman kuya.ok na to.para makauwi tayo ng maaga.”sabi ni mia.
“huuummmm haaaaa(hinga).tlagang ok na yan.grabe ang pagod ko dyan.buti nalang at hindi nila ako napapansin sa likod nila.hehe.”sabi ni daryl.
“hihihi.hindi naman ako kinabahan eh.kasi parang nagpapatay ka lang ng palaka kuya.hindi ka nila napapansin sa likod.hahaha.”masayang sabi ni mia habang abala sa pagputol ng ulo.
Pilit na tumayo ang binata at agad na isinandal ang dalawang lowbie at ginising.
“Huy gising,ayos lang ba kayo?”sabi ni daryl.
At unti unting nagkamalay ang dalawang newbie na nakilala nyang alex lvl 6 at julia lvl 6 na pawang mga followers ni Aphrodite.
“salamat,kala namin ay kakayanin na namin ang mga tara.mabibilis pala sila.”sabi ni alex.
“hindi kasi kami nakinig sa 5 level rules.dapat pala talaga ay 5 level na masmataas sa monster para sa chance of survival.salamat ha.kung hindi ka dumating baka.namatay na kami.”sabi ni julia.
“nakakagulat naman kayo,kung ako ang nasa kalagayan nyo,hindi muna ako pupunta sa gitna.para madali ang pagtakas kung mangyari man ang ganitong sitwasyon.”sabi ni daryl.
“ito kasi eh.ang yabang yabang.pilit na ginagaya yung daryl.”sabi ni julia.
At nagulat pa ang binata at nanahimik nalang.
“bakit.parehas lang naman kaming lowbie ah.pero sya kinaya nya.”sabi ni alex.
“hindi sa tara goblin.ungas ka talaga.kala mo.naman kakayanin mo ang mga tara.bakit kasi sinusunod pa kita.”sabi ni julia.
“ops ops ops!.tama na.masmabuti siguro kung iintindihin nyo muna ang mga sugat nyo.kesa magaway kayo.”sabi ni daryl na hindi naman nagpakilala.
Nakita ng binata na malakas pa ang dalawa para makabalik sa greatwall.
Kayat hindi na ito nag alala pa.
“mula dito.sundan nyo lang ang direksyon na yan at malapit na ang kid goblin field.sisiw na sa inyo doon para makabalik sa greatwall.makakabuti kung magpagaling muna kayo.”sabi ni.daryl.
“pasensya na.gago kasi tong utol ko.salamat ulit kaibigan.”sabi ni julia at pinilit nang tumayo at naglakad.
Balik sa pagttrabaho ang dalawa upang mapulot ang lahat ng mga ulo bago pa may dumating na mga tara goblin.
“parang maliit na yata ang cart natin.”sabi ni daryl.
“oo nga kuya.masmalalaki kasi ang ulo nito keysa sa mga kid goblin.”sabi ni mia.
“ayos lang yan.nachambahan lang naman natin yung maraming tara goblin dahil sa dalawang yun.”sabi ni daryl.
“bakit parang nag aaway sila kuya.”sabi ni mia.
“Ganon ang mangyayari sayo kapag matigas ang ulo.hindi sila nakikinig sa mga senior nila .kaya ayun,nagsipagyabang na sumugod sa mga halimaw na halos kasing level nila nang hindi nag iisip.nakita mo naman.kamontik nang mamatay.”sabi ni daryl.
“buti nalang kuya.palagi akong nakikinig sayo.good girl naman ako eh.”sabi ni mia.
“oo.dahil nakikinig din ako sayo.magaling yung ginawa mo kanina.ikaw ang naging mata ko sa likod ko.”sabi ni daryl.
“syempre kuya.ayoko din kasing kagatin ka ng mga panget na to.”sabi ni mia.
“hihihi ang dami kuya.umapaw na sa cart ko.hihihi.”sabi ni mia.
Habang pinagmamasdan ni daryl ang bata ay hindi nito lubos maisip na magiging normal lang ang ganitong buhay kung saan ang pagputol sa ulo ng mga halimaw ay parang larong bata nalang na balewala kay mia kahit nagkakanda talsik ng dugo ang muka at damit.
“puro dugo ka nanaman.kadungis mo.”sabi ni daryl.
“kasi naman kuya.ang lalaki ng leeg nito.tapos mapurol pa yung palakol ko.”sabi ni mia.
“hindi ka ba.nasusuka or kinikilabutan kapag pumuputol ka ng ulo ng mga goblin?”sabi ni daryl.
“hindi na po kuya.araw araw naman akong nakakakita eh,tsaka tayo mismo ginagawa natin.kaya sanay na ko.”sabi ni mia.
Napailing nalang ang binata.
“Halika na nga.umalis na tayo.maaga tayong makakauwi.dilikado kung mauubusan ako ng lakas dito.malalakas parin itong mga tara.”sabi ni daryl.
“oo naman po kuya.para naman may kasama si ate holy guide demeter.mag isa lang po sya dun eh.tsaka naka 87 na po tayo ngayon kuya.”sabi ni mia.
“ayos yan.4 bronze ang halaga ng tara goblin.parang nag hunt na tayo nun nang 348 na kid goblin.sulit di ba?”sabi ni daryl.
“hihihi.bukas ulit kuya.”sabi ni mia.
Ano man daw simple ng isang gawain ay may mga tamad parin na maspinipili ang pandarambong.
Isang grupo ng mga non blessed raider ang nagkasundo sundo na tambangan si daryl at mia at agawin ang cart na umaapaw sa ulo ng tara goblin.
Pawang mga lvl 15 to 20 ang anim na iyon na hindi nagtrabaho nang araw na iyon at nais mamerwisyo upang makadelehensya ng pang inom.
“bakit nyo po kami hinaharang!”matapang na sabi ni mia.
“bakit nga ba mga kaibigan.may problema ba?”sabi ni daryl na noon ay kinakabahan na.
“lagi namin kayong tinitignan eh.alam mo bang naiinis kami sayo at mayabang ka.masyado kang pasiklab.at dahil dyan ay kukunin na nmin ang cart nyo.diba mga pare.hahahaha.”sabi ng pinuno at agad na binit bit ng dalawang kasama si daryl at inilayo sa kart.
Nang hahawakan na ng mga magnanakaw ang cart para hilahin ay agad na tinakbo ni mia at kinagat sa kamay ang humihila.
Dahil doon ay nagkaroon ng komosyon at nagpupumiglas ang lalaki kagat ni mia.
Samantala,Ang kapitan ng mga archer guard ang syang napagsabihan ng magkapatid na julia at alex.kayat nagtungo ito para rumonda sa mga kalapit na field.
Maswerteng nakita ng kapitan ng mga archer guard ng greatwall sina daryl na nattrouble sa kapwa mga raider na hamak ang taas ng level kumpara sa dalawa.
Kayat agad na sinita at dali daling pinuntahan.
“hoy!!.bitawan nyo ang dalawang yan.anong ginagawa nyo?.nang aagaw kayo ng kalakal.kalalaki nyong mga batugan.!!”sigaw ni kapitan.
Agad din naman nagtakbuhan ang mga bandido nang makita nilang nagalit ang kapitan na hindi nila kayang labanan.
“bwiset!.takas na mga kasama si kapitan.”sabi ng pinuno.
Naiwan ang mag partner sa tabi ng kanilang cart.
“kamusta kayo.nasaktan ba kayo?.nakapuno nanaman pala kayo ng cart kaya ganun nalang ang interes nila sa inyo.”sabi ni kapitan.
“salamat po sir.mabuti nalang at dumating kayo agad bago nila kami masaktan.”sabi ni daryl.
“oo nga po kuya sir.salamat po.mga salbahe po yon.gusto nilang kunin ang mga huli namin ni kuya.”sabi ni mia.
“Ang galing kasi ng party ninyong dalawa.palagi ko kayong pinapanood doon sa itaas ng wall,palagi kayong nakakapuno ng cart.at magaling ang ginawa nyo sa cobolt kahapon.”sabi ng kapitan kay mia.
“kasi magaling po ang kuya ko.tsaka masipag po kami.”sabi ni mia.
“lagi ko kayong nakikitang magkasama,at palaging puno ang cart nyo,minsan talaga ang mga katulad nyo ang gustong inaagawan ng mga mandarambong at inggiterong walang magawa.lowbie lang kasi ang kaya nila.at naiingit sila sayo daryl.”sabi ng kapitan.
“kilala nyo po ako?”sabi ni daryl.
“Walang balitang nakakalusot sa bibig ng mga chismosa,at sila mismo ang aalam sa pangalan mo.maaaring narinig nila sa inyo.at nakarating namn sa amin.”sabi ni kapitan.
“Ganun po pala nakakahiya naman po.hehe salamat po ulit sir.tutuloy na po kami at nang makapagpahinga ng maaga.”sabi ni daryl.
“sige at may mga lowbie ngayon na matitigas ang ulo,naglalakas loob pumasok sa mga field na hindi naman kaya ng level nila.magbabantay muna ako dito.mag iingat kayo.”sabi ni kapitan.
Nagpatuloy sa paglalakad ang dalaw at narating ang gate,naalala nilang hindi pa kumakain ng tanghalian,kayat dito palang  nakakain ng baon nilang tanghalian.
Maagang narating ng dalawa ang guild house at naipagpalit ang mga ulo.
Kayat pinauna na ni daryl si mia at nagbabalak itong magpalamig sa sikat na beer house sa bayan.kung saan nagpupunta ang karamihan sa mga raider.
Hindi napansin ng binata ang mga tilansik ng dugo sa kanyang damit.
Kayat ang mga tao sa kalsada ay alam nang galing sya sa raid.
4pm palang ng hapon ngunit bukas na ang beer house.
Nang mapansin ng binata ang madungis nyang damit ay nasa harap na sya ng beer house.
“kadumi nga pala ng damit ko buset.nakakhiya pumasok sa loob.”sabi ni daryl.
Nang biglang makita sya ni athena na noon ay papasok din sa loob para paunlakan ang paanyaya ng kanyang follower para uminom.
“o daryl ikaw pala.the killing machine.puro dugo ka pa ah.mukang kakagaling mo lang sa raid.”masayang sabi ni athena.
Namula ang binata sa sinabi ng goddess.
“hehe.nakalimutan ko nga po eh.hindi pa ko umuuwi ang dumi pala ng damit ko.”sabi ni daryl.
“ok lang yan.natural lang yan sa loob.amoy kalabaw pa nga yung iba eh.halika at isasama kita.arkilado nila ngayon ang beerhouse.”sabi ni athena na cowgirl ang dating.
Kayat sumama naman si daryl na nagkataong arkilado  nga ng athena followers ang buong beerhouse ng araw na iyon.
“guys.nandito na ang ating beautiful petite holy guide athena at may kasma syang date na mukang galing pa sa raid. ”sabi ng isang followers.
Hiyang hiya ang binata lalu na nang ipakilala ni athen sa kanyang mga follower.
“my dear followers.this is my friend daryl.the killing machine lowbie.”sabi ni athena na sobrang proud kay daryl.
“wow!.sya pala yun.the killing machine.”sabi ng karamihan na humahanga kay daryl.
Habang ang iba naman ay naiinis at naiinggit.
Hindi naman makatingin sa hiya si daryl.
“alright.inuman na!!!!.”sigaw ng host at bumuhos ang alak at pagkain nang hapon na  iyon.at dahil marami ang nagagalak na makilala ang killing machine  ay maraming babaeng followers ni athena ang nakipag inuman kay daryl.
Sunod sunod ang malalaking mug ng beer at masasarap na pagkain ang lumalabas galing sa kusina at naging masaya ang gabing iyon.
Pansamantalang nakalimot ang binata nalasing nang husto  at kinailangan pang ihatid mismo ni athena sa samabahan ni demeter.
“good evening demeter.inihatid ko lang itong si daryl mo.nalasing eh.mahina pala sa alak.”sabi ni athena.
“baka naman kasi pinainom nyo nang husto.kilala kita eh.pagod pa sa raid yan hindi pa umuuwi dito buhat kaninag umaga.”sabi ni demeter na mahinahon parin kahit inis na inis at nalasing ng husto si daryl.
“pasensya na demeter.nagkasiyahan lang naman kami.hahaha.sige bye bye.”sabi ni athena.sabay alis.
“haayy bakit ba kasi naglasing lasing ka pa.hindi ka naman pala sanay uminom ng alak.o baka sinabayan mo pa si athena,sanay sa alak yun eh.”sabi ni demeter habang inaasikaso si daryl.
Tulog na si bela at mia kayat mag isang iniakyat ni demeter si daryl sa.kanyang kwarto.
At dahan dahan na inihiga sa kanyang kama at hinubad ang maruming damit
Kumuha ng tubig at pinunasan.
Habang pinupunasan ay nagsasalita ang binata dahil sa kanyang napapanaginipan.
“magiging malakas akong raider at iaangat kong muli ang reputasyon ng goddess ko.hindi nyo na sya ulit mamaliitin pa,ang pinaka magada, maalaga,mabait,malambing,masipag,maalalahanin,at mahalaga kong  goddess.”sabi ni daryl ng walang malay.
Nagulat ang goddess sa kanyang narinig mismo sa bibig nang binatang nananaginip.
Napangiti ang goddess at nagpapasalamat kay daryl.
Naniniwala si demeter na ang sinasabi ng lasing ay pawang katotohanan lamang kayat bahagya itong namula at kinilig sa sinabi ni daryl na madali din nyang nagustuhan sa maikling panahon dahil sa natural na bait nito.
“ibig bang sabihin nyan daryl ay umiibig ka sa akin.ngunit hindi ppwedeng umibig ng mortal ang katulad kong goddess.patawarin mo sana ako at hindi ko masusuklian ang pagibig mo kahit gustuhin ko pa.”sabi ni demeter habang patuloy ang paglilinis kay daryl.
Sa panaginip ni daryl ay kasama nya ang goddess at malakas ang loob na humihingi  ng halik.
Kayat ang mga salita ay lumalabas sa bibig ng natutulog na binata.
“holy guide demeter.pwede bang halikan mo ako.”sabi ni daryl habang natutulog.
Hindi naman mapakali si demeter sa sinabi ni daryl at tila natutuksong gawin at lumalagkit ang kanyang titig sa labi ni daryl.
“ha?!.k-k-kiss ba kamo.ano ba to.nakakahiya.”sabi ni demeter
Hanggang sa hindi na nya napigilan ang sarili at iginawad ang halik.
“hindi ka mahirap magustuhan daryl,ngunit ipinagbabawal sa amin ang umibig sa mortal.kayat sa pag gising mo.sanay hindi mo maalalang hinalikan kita.ngunit para sa akin ay kayamanan ang pakiramdam ng iyong labi na dadalin ko sa aking puso.maraming salamat daryl.”sabi ni demeter habang hinihimas ang buhok ng binata at nakatulog na ng mahimbing.
Kinaumaghan ay hindi agad nakabangon si daryl dahil sa hangover at wala itong maalala.buhat ng malasing at kung paano nakauwi.
“ahh kasakit ng ulo ko.kwarto ko to ah.pano akong nakuwi dito?”sabi ni daryl.
Ngunit ang lihim na paghanga ng binata sa goddess na si demeter ay malinaw nang nalalaman  ni demeter at nagpapanggap ng normal upang hindi magbago ang pagtingin at pakikisama  ng binata sa kanya.

Zero To HeroWhere stories live. Discover now