32.adaventine trial temple

192 30 0
                                    

Noong lumang panahon,ang sky kuraki ay dati nang nasa lupa sa tapat mismo kung saan ito nakalutang.
Dati itong sagradong lupain ng gods and goddess o holy beings at minsan nang ginawang kanlungan ng lord god.
Ngunit buhat ng makapasok sa heavens art world ang mga demon na syang naging dahilan ng masasamang gawain ng mga restless soul ay nilisan ng lord god ang heavens art at hinayaang ang mga naiwang gods and goddess ang lumutas ng problema bilang hamon narin sa kanilang pagiging dyos.
Lumaki ng lumaki ang laban ng mga demonyo at mga dyos kung saan ang mga tao o restless souls ang labis na nagigipit.
Kayat isang malaking labanan ang sinadyang ihanda ng mg holy beings hamon sa mga demon.
Isang dakilang laban kung saan isang faction lamang ang dapat na maiwan.
Naging battle ground ang kuraki kung saan naganap ang huling labanan ng mga gods sa demons.
at dahil sa  abnormal na paghahalo ng devil power sa holy power ay nakagawa ng abnormal magic energy field na bumalot sa buong kalupaan ng kuraki kung saan humiwalay ito sa normal energy ng buong heavens art world surface.
Unti unting lumutang ang kuraki habang nagpapatuloy ang labanan.
At dahil sa tulong tulong na lakas ng mga holy beings ay natalo nila ang mga demons at naitapon sa kanilang dimensyon na tinawag ng mga holy beings na apocalypto dimension realm.
Buhat noon ay hindi na nawala ang abnormal magic energy sa buong kuraki kayat nanatiling nakalutang sa ulap.
At dahil nasira na ang paraisong iyon ng mga gods and goddess ay hindi narin nanatili pa doon ang mga ito dahil bahid ng negative energy dala ng demon power.
Pinili nalang na makihalubilo sa mga restless soul upang muling gabayan ang mga ito sa tamang landas upang mabigyan ng mabuting paglilitis.
Hanggang sa naisip ng lord god na gawing holy guide ang mga gods and goddess na tutulong sa mga restless soul sa pamumuhay nila sa loob heavens art world.
Ang inakalang kapayapaan sa loob ng heavena art world laban sa mga demon ay hindi pala permanente dahil ang negative energy na naiwan sa loob ng heavens art world ay nagiipon ng lakas sa kasamaan ng mga restless soul na syang dahilan kung bakit ang black aurora ay nabuo at unti untin nagbubukas ng dimensional gate para sa apocalypto gaya ng naganap sa 1st heavena art wolrd war laban sa pwersa ng mga demon level monsters mula sa apocalypto.
Ang adaventine trial temple ay dating palaruan para sa mga holy beings kung saan ang kapangyarihan ay ipinagbabawal upang makita ang tunay na galing ng isang holy beings,kayat nababalot ito ng magic na magbibigay dito ng proteksyon at kakayahang pansamantalang alisin ang magic sa sino mang papasok doon.
Sa loob ng templo ay matatagpuan ang nakaliligaw na daanan at ibat ibang uri ng dimensional na palaro .
At ang secred ground naman ay ang trono ng ng lord god,bahagi ito ng lupa kung saan dating sambahan ng mga holybeings,kung kayat nababalot ng malakas na holy power ang lupaing iyon na nasasakop din ng kuraki.
3pm na ng hapon nang marating ni daryl at kagura ang adaventine trial tower kung saan palakas na ng palakas ang kulo ng langis sa bote.
“ayos!nasa loob talaga ng ruins na to ang hinahanap natin.”sabi ni daryl.
“oo nga.pero mukang may nauna na sa atin.at nasa loob din sila.tignan mo ang bakas ng paa nila.bago lang ito nandito na sila daryl.”sabi ni kagura.
“bahala na.dalawa lang din sila.sa tingin ko ay kakayanin natin sila.”sabi ni daryl.
“Malalakas sila,hindi sila pang karaniwan.”sabi ni kagura.
“kakayanin natin.hindi natin pwedeng hayaan na makuha nila ang susi.”sabi ni daryl.
Naunang humakbang papasok si kagura.
“Huh?!.ano to.nacancel ang magic ko at parang pakiramdam ko ay bumalic ako sa pagiging newbie.”sabi ni kagura.
“talaga ba?sige nga lumabas ka ulit.baka permanente yan.”sabi ni daryl.
Lumabas naman si kagura at muling nanumbalik ang kanyang lakas at magic.
“haay salamat.kinabahan ako. maaring protected ng magic negation spell ang buong ruins.kaya pag pumasok ka sa loob ay siguradong babalik ka sa pagiging newbie pero maiiwan ang ability.”sabi ni kagura.
“edi mabuti pala.dyan sa loob kapantay lang natin sila kahit gaano pa sila kalakas dito sa labas.magmadali na tayo.”sabi ni daryl.
Agad pumasok ang dalawa sa lugar na hindi nila inaasahan na maze.
Samantala ang dalawang nauna ay kanina pa naliligaw sa dimensional maze na pinagdudugtong ng mga pintuan at sa loob ng 4 na oras ay walang tigil sa kanilang paglalakad,dahil sa tuwing mag sasanga ang maraming pintuan ay palipat lipat ang mga ito ng dinadaanan.
Inakala ng dalawang lumina general na magiging madali ang lahat kayat binabalewa ang paglalakbay sa loob ng maze hanggang sa maligaw na ang mga ito.
“ano bang klaseng lugar to.kanina pa tayo naglalakad.hindi na ba mauubos ang daan nito.”sabi ni wilbert na naiinis na.
“Wag ka nang madaldal dyan.nakikita ko na yung dulo.”sabi ni ramona na noon ay natagpuan din ang isa sa mga dimensional  game chamber.
Pagpasok nila sa pintuan ng chamber ay sinalubong sila ng game guide spirit sapilitan silang inihanda para sa isang pisikal na laro.
Samantala,nagpatuloy din sila daryl.
“nakakatakot naman dito .pakiramdam ko parang tunnel na walang katapusan.”sabi ni daryl na halatang nag aalala at pilit nilalakasan ang loob para sa misyon.
Napansin ni kagura ang pag aalala sa mata ni daryl.
“relax ka lang.natatakot ka ba?”sabi ni kagura.
“ah oo eh.medyo natatakot ako at baka hindi tayo makalabas.baka biglang gumuho yung kisame.pero ok lang ako.wag mo kong alalahanin.”matapat na sabi ni daryl.
Hinawakan ni kagura ang kamay ni daryl.
“magkasama tayo dito.kung doon sa labas inaalagaan mo ako.asahan mo na hindi rin kita pababayaan dito.makakalabas tayo.kaya wag kang matakot.okie?!”sabi ni kagura habang hawak ang dalawang kamay ni daryl at lalong napapahanga sa katapatan ni daryl.
“Hmmmm hhaaa(hinga) .um um.thank you.”mahinang sagot ni daryl.
Cute na cute nanaman kay kagura ang maamong reaksyon ni daril kayat na excite ito.
“hhaayy ang cute mo naman. ummmmwa”sabi ni kagura sabay halik sa labi ni daryl.
Nagulat naman si daryl at muling natauhan.
“huh?!.ikaw talaga,ok na ko.”sabi ni daryl at muling bumilis sa paglalakad at nakalimutan ang kanyang munting takot.
Kagaya ng dalawa na naliligaw at umabot sa isang game chamber ay ganoon din ang nangyari kay daryl at kagura.
Ngunit sinundan nila kung saan malakas ang kulo ng langis,hanggang sa dalin sila sa isang game chamber.
“mukang nandito sa loob ng pinto na to ang hinahanap natin.iba na ang reaksyon ng langis.”sabi ni daryl.
Dahan dahan na binuksan ni kagura ang pinto ngunit,nagulat sila sa ipekto ng pinto.kabod nalang silang hinigop sa loob kung saan walang pagkakaton para umatras.
Ang kwartong kanilang.kinalagyan ay naglalaman ng laro na kung tawin ay slay the king.
Lumabas ang game spirit.
“maligayang pagdating mga dyos ng kalangitan.”sabi nang game spirit na hindi napansin ang mga sinasalubong dahil sa pagkakayuko at pagpikit ng mata.
“ha?!.tao?.ang weird naman,tao din ang pumasok sa kabilang laro.”sabi ng game spirit na sya rin palang nagpapakita sa lahat ng game chamber.
“ah opo.may problema po ba sa tao?”sabi ni daryl.
“naku wala naman po.nakakagulat lang at madalas ay mga holy beings ang pumapasok dito.pero matagal na panahon  na po yon.buti naman at may nakaalala pa sa akin.”sabi ng game spirit.
“Handa na po ba kyo sa palarong napili ninyo.”sabi ng game spirit.
“laro?”sabi ni kagura.
“Opo.ang chamber pong ito ay tinatawag na slay the king,kung saan kailangan nyong malagpasan ang 10 wave ng mga halimaw gamit lang ang ordinaryo ninyong lakas at mga sandatang matatagpuan sa loob ng laro,pero syempre abilidad ang magpapanalo sa inyo.”sabi ng game spirit.
“pero hindi naman kami maglalaro.may hinahanap lang kami.”sabi ni kagura.
“patawad po.pero hindi po kayo makakalabas hanggat hindi kayo naglalaro.matalo man o manalo.”sabi ng game spirit.
“Wala na palang atrasan to .sige maglaro nalang tayo.baka sakali mahanap natin sa paglalaro.nandito lang ang hinahanap nati.hindi nagbabago ang kulo ng langis.”sabi ni daryl.
“ok.wala naman tayong choice.”sabi ni kagura.
“mabuti po.humanda na po kayo.ang laro ay magsisimula na.sa ikat long bilang.1-2-3.”sabi ng game spirit at biglang naglaho.
Napunta ang dalawa sa loob ng isang bilog na arena kung saan may anim na pintuan na nakapalibot at isang malaking pinto.
Nang biglang umilaw ang  anim na pinto.kung saan lumabas ang tig iisang baby daragon.
Agad naalarma ang dalawa kayat agad na pumulot ng mga lumang  nakakalat na sandata sa sahig.
Nakakuha ng sibat at panangga si kagura,habang si daryl ay dalawang espada.
Malambot ang balat ng mga baby daragon kayat hindi nahirapan ang dalawa kahit lumilipad pa ang mga ito na parang nag aaral palang lumipad.
Naglaho ang mga patay na katawan ng mga baby dragon.
Muling umilaw ang mga pinto at lumabas ang mga new man dragon o yung mga dragon na kakagaling lang sa pagiging baby dragon at nakuha ang unang evolution ng paglaki.
Medyo mabibilis na rin ang mga ito ngunit bata parin ang pag iisip kayat madali lang din napatay sa pamamagitan ng saksak sa puso.
Muling naglaho ang mga patay na katawan at lumabas ang inter adult dragon sa anim na pinto.
Masmalalaki ito ng doble sa mga new man dragon kayat masmadaling pontiryahin ang dibdib nito ngunit sadyang malalakas na at mabilis sa paglipad.
Kayat medyo natagalan bago tinalo ng dalawa.
Nakatulong ang mahabang sibat ni kagura sa mabilis na pagpatay.
Muling naglaho ang mga bangkay at muling umilaw ang anim na pinto at doon lumabas ang grown dragon.
Ganap na ang laki ng dragon sa stage na iyo at lubhang mababangis na lumilipad at kumakapit sa mga dingding.
Kayat na pwersang kumilos ng mabilis si daryl upang lansihin ang dragon at ihanda para maambush ni kagura.
Kayat maraming beses na nagpapahabol si daryl at harapang nakikipaglaban ng dalawang espada.
At sa ganoong strategy ay naubos ang anim na grown dragon.
Muling naglaho ang mga bankay at umilng umilaw ang dalawang pinto.
Lumabas ang evolving dragon,kung saan ang grown dragon ay nagkakaroon na ng makapal na kaliskis at mahahabang kuko.
Sa pagkakataong iyon ay nabawasan ang mga dragon at dalawa lang ang kalaban.kayat naging masmadali ang pagpatay sa mga ito kahit may kaliskis na ito sa balat ngunit hindi ang dibdib
Kayat sa parehong strategy ay napatay ang dalawang dragon.
Muling naglaho ang mga katawan.
At sa pagkakataong iyon ay may lumabas na mga elemental source fountain sa buong paligid kung saan hindi pa alam nila daryl at kagurA kung para saan.
Nang biglang lumabas ang earth dragon.
Nagsimulang sumalakay ang dragon ng buong lakas at bangis n agad naman iniwasan ng dalawa,at pilit na nilalaban.
Ngunit ano mang pag atake ay hindi tumatalab sa matigas na kaliskis ng dragon kayat na bubugbog lang ang dalawa sa maraming hagupit ng buntot at kalmot ng kamay.
Hindi malaman kung paano tataluhin.
Habang abala sa pakikipaglaban ay parehong nag iisip Kung para saan ang mga elementong nakapaligid.
Hanggang sa mapansin ni daryl ang umiilaw na kaliskis sa batok ng dragon.
Kayat pinunterya iyon sa pag aakalang ito ang kahinaan,ngunit sya ay sawi at tumilapon sa fire fountain kung saan nasawsaw ang kanyang espada.
Nag apoy ang talim ng espada kayat isinawsaw pa ang isa,at muling sumalakay sa parehong kaliskis na umiilaw at nagbabakasakaling gagana.
Matagumpay n bumaon ang espada itinarak ni daryl habang nakaupo sa batok ng earth dragon.
Agad namatay ang dragon at bumagsak sa sahig kasama ni daryl na lumalaban sa himpapawid habang nakasakay sa dragon.
“wow pano mong nalaman?”sabi ni kagura.
“hinulaan ko lang tsaka chamba.”sabi ni daryl..
Muling naglaho ang patay na katawan at lumabas ang isang bagong dragon,at ito ay isang fire dragon.
Napakainit ng alab nito kayat hindi makalapit ang dalawa,kayat patago tago sa mga elemental source fountain.
Agad pinagmasdan ni daryl ang batok at tama nga ang kanyang kutob na pareho din ng earth dragon ang kahinaan ng fire dragon.
Kayat nagtanong si daryl.
“Kagura!.kung ikaw ay isang elemental mage.ano ang ilalaban mo sa apoy para manalo ka?”sabi ni daryl habang abala sa pagtakbo at pag iwas.
“Tubig!”sabi ni kagura.
“isaw saw mo sa water fountain ang sibat at abangan mo at dadalin ko sya sayo.sibatin mo sa batok sa parte ng umiilaw na kaliskis.”sigaw ng abalang binata.
Sumunod naman si kagura.
“Handa na ko!”sigaw ni kagura.
Agad dinala ni daryl ang fire dragon kay kagura kung saan nakaabang na sa pag sibat.
Nang magawi sa tinataguan ni kagura ay agad  na sinibat ni kagura ng water element spear sa umiilaw na kaliskis ang dragon.
Bumaon ang sibat at Subsob ang dragon at nagpagulong gulong at namatay.
“Mukang tinuturuan nila tayong gumamit ng element.”sabi ni kagura.
“kaya nga.buti at nakuha mo na din.”sabi ni daryl.
Muling nawala ang.patay na dragon at lumabas ang isang water dragon .
Sa puntong iyon ay alam na ng dalawa ang kahinaan ng dragon at kailangan nalang isipin kung anong elemento ang kahinaan nito.
Sinubukan ni kagura ang earth element,ngunit hindi ito tumalab sa kaliskis.
Kasunod naman si daryl kung saan ginamit ang thunder.
Tupok sa kuryente ang dragon sa pagbaon ng espada ni daryl na isinawsaw sa lightning fountain.
“Ayos!.hahaha.buti natuklasan mo ang paraan na to.”sabi ni kagura.
“hehe.chamba lang.dalawang kalaban pa tapos na tayo.”sabi ni daryl.
Muling naglaho ang patay na dragon at lumabas ang electric dragon.
Nahirapan ang dalawa kahit alam nila kung saan ito papatayin dahil sa malakas na kuryenteng nakabalot sa buong katawan ng dragon.
Malawak ang sakop ng kuryente kayat doble ingat ang dalawa na matupok ng boltahe.
“pano na?ang hirap lapitan.”sabi ni kagura.
“may naisip ako.lupa laban sa kuryente.tama di ba?”sabi ni daryl.
“oo pero paano ka lalapit.”sabi ni kagura.
“Basta magpahabol ka.akong bahala.”sabi ni daryl namay kompyansang sagot.
Parehong isinawsaw sa lupa ang kanyang mga sandata at naligo sa lupa ang binata.
Natakpan ng tuyong putik ang katawan at espada ni daryl.kayat nakalapit ito sa dragon ng palihim, habang nagpapahabol si kagura.
Nang makakuha ng tyempo ay inukyabit ni daryl ang batok ng nagiispark na katawan ng dragon at hindi na nag-aksaya ng panahon  at agad na sinasak sa kahinaan ang dragon at namatay.
Nakasakay pa sa batok si daryl nang bumagsak sa sahig ang electric dragon.
Muli ay naglaho ang patay na dragon.
At sa pagkakataong iyon ay bumukas ang pinakamalaking pinto,kung saan lumabas ang  napakalaking wind dragon.
Huling wave  na ito sa palaro.ngunit hindi makita ng dalawa ang kahinaan ng dragon na sunod sunod na gumagamit ng malalakas na hangin na nagpapatilapon sa dalawa.
Alam ni kagura na sapat na ang mga steel weapon na natural nang steel element para patayin ang Wind dragon.
Ngunit hndi talaga mahanap ng dalawa kung saan patatamaan ang nagngangalit na dragon.
Sa dami ng tilapon ay bugbog na ang dalawa,ngunit patuloy parin na pinagmamasdan at hinahanap ang umiilaw na kaliskis.
Ngunit iba ang nahanap ni daryl.
“nakita ko na!”sigaw ni daryl.
“saan ang kahinaan nya!”sigaw ni kagura.
“Hindi kahinaan.pero yung susi na hinahanap natin nakita ko na.”sabi ni daryl.
“ha?!.saan?”sigaw ni kagura.
“ayun sa ngipin nakatinga.”sabi ni daryl.
“Oo nga ayos!.”sabi ni kagura.
“pero paano natin makukuha yun.”sabi ni kagura.
”kailangan mahanap na natin ang kahinaan nya,at tsaka natin kukunin yung susi pag patay na sya.”sabi ni daryl.
Magkasamang inobserbahan ng dalawa ang katawan ng buong dragon na sabay nilang nilalansi.
Hanggang sa pareho nilang mapansin ang manipis at nag-iisang buhok sa nunal sa  ilong ng wind dragon.
Umiilaw iyon ngunit hindi halata dahil mahina.
Kayat pinilit nilang makuha ang buhok na iyon. Sa pamamagitan ng mga strategy ng quick ambush attack.
Kayat nagtago si kagura.kung saan madalas na pamain si daryl.
Tinakbo ng  matulin ng binata ang arena patungo sa nakatagong kagura.
Sabay inihagis ni daryl ang kanyang mga sandata na tumuhog sa magkabilang mata ng wind dragon .
Natigil ang dragon at nag sisigaw sa galit
Sinamantala ni kagura ang pagliyad ng dragon at agad na inakyat ang ulo upang bunutin ang umiilaw na buhok.
Matagumpay na nakuha ni kagura ang buhok at bigla nalang namatay ang dragon at bumagsak.
Dali dali naman pinuntahan ni daryl ang bunganga upang kunin ang susi bago pa maglaho ang katawan ng dragon.
At sa wakas ay nasa kamay na ni daryl ang legendary steel key,bago nawala ang patay na dragon.
Masayang masaya ang dalawa sa kanilang tagumpay,kayat upang pangalagaan ang susi ay agad din na itinago ni daryl sa mahiwagang supot upang huminahon muli ang kumumulong langis at kumulo ulit para sa ibang susi.
“espesyal na supot ito para hindi maramdaman ng langis ang susing nakuha natin.para magamit natin uli sa ibang susi ang langis.”sabi ni daryl.
“Buti at kumpleto ka nang dalang gamit.”sabi ni kagura.
“Pinaghandaan namin ito ni lolo jerard.”sabi ni daryl.
“congratulations!.kayong dalawa ay nagwagi sa palaro.maaari na kayong makalabas sa templo.tanggapin nyo ang munting reward bilang kabayaran sa inyong tibay,lakas,talino,tyaga at team work kayat napagwagian ninyo ang palaro..salamat.hanggang sa muli.”sabi ng game spirit at inabot ang tig isang wishing starball na may tig isang star bago naglaho.
“Salamat din po.”sabi ni daryl.
Muling dumilim ang paligid at muling lumabas ang pinto na kanilang pinasukan.
Nang lumabas ang dalawa ay nagulat pa sila at sa entrance ng templo sila lumabas kung saan sila nagsimula kanina.
Madilim na nang makalabas sila.ngunit kailangan nilang makaalis agad upang makaiwas sa posibilidad na makita sila ng dalawang lumina general.
Kayat nagpasya ang dalawa na bumalik sa pinakamalapit na ruins ng midea jungle at doon magpalipas ng gabi.gaya ng ginawa sa armidal jungle.
Habang tumatakbo palayo ay pinagmamasdan ni kagura ang bola.
“Ano to?”sabi ni kagura.
“wishing starball ang tawag dyan.pwede mong hilingin ang kahit anong bagay.basta kailangan lang alam mo ang itsura ng hinihiling mo.”sabi ni daryl.
“pano mong nalaman.”sabi ni kagura.
“Kasi meron pa akong isang nakatagong ganito.nakuha ko sa lucky season goblin.naikwento sa akin ng mga convoy ng mustang caravan na sinakyan namin ni lolo jerard sa lemuria papuntang yugatan.”sabi ni daryl.
“magandang reward pala to.makukuha ko ang isa ko pang katana gamit ito.”sabi ni kagura.
“oo sure yun at ikaw ang gumawa sa mga katana.kaso isa lang ang makukuha mo at 1 star lang ang laman ng wishing star ball.”sabi ni daryl.
“ok na yon.”sabi ni kagura.
Samantala, 20 min.ang pagitan nang lumabas din sa entrance si ramona at wilbert.
“Grabe.ang tagal natin nilaro ang game,hindi ka kasi marunong makinig.”sabi ni ramona.
“ikaw ang matigas ang ulo.kung hindi ka sana kalgasol.daig mo pa ang kangkarot.”sabi ni wilbert.
Nag aaway ang dalawa at natagalan silang tapusin ang laro.
Madilim na kayat kumain muna sa tapat ng entrance ng temple at doon narin binabalak na matulog.
At dahil hindi pa nahahanap ang susi ay tanging option nila ay laruin ang lahat ng laro at manalo upang doon magbakasakali na hanapin ang susi sa mga silid ng palaro.
Kayat nanatili ang dalawang lumina general sa templo ng hindi alam na wala na doon ang hinahanap nila.
Tahimik ang gabing iyon at ang karamihan sa mga halimaw ay kasalukuyang nagpapahinga din.kayat naiwasan ni daryl at kagura ang pakikipaglaban hanggang sa makalabas sila sa araraba jungle, papasok sa midea jungle.
10 pm na nang gabi nang marating nila ang unang ruins na madadatnan sa midea jungle.
Pagod nang pareho sa maghapon kayat  naisip nalang ni daryl na humanap ng kwarto sa loob ng ruins at barahan ang pintuan ng malaking bato upang maging ligtas at payapa ang kanilang pamamahinga kahit hindi na ubusin pa ang halimaw sa loob ng ruins.
Hindi na iniwan ni daryl si kagura at isinama na sa loob.
Nakipaglaban sa mga halimaw na nasasalubong at naglilibot sa kanilang kwartong pupuntahan.
Nakahanap ng kwarto at pinagtulungan na linisin at  takpan ng malaking bato ang pinto.
Gamit ang magic ni kagura ay gumawa ito ng ilaw sa bato na kasing liwanag ng ledlight.
Nang masiguro nilang maayos na ang lahat ay naghain na ng pagkain si daryl.
“ano kaya ang nangyari doon sa dalawang lumina general?”sabi ni kagura.
“posibleng nandoon pa sila at hindi tumitigil sa paghahanap.”sabi ni daryl habang kumakain.
“Hahaha.mamumuti ang mata nila.hindi nila mahahanap ang susi.dahil nasa atin na.hahaha.”sabi ni kagura
“hahaha.hayan mo sila.mainam nga yon.para hindi sila makahabol.kain na tayo.”sabi ni daryl.
“salamat,buti nalang at marami kang baon na pagkain,thank you.”sabi ni kagura.
“wala yun.ang pagkain ko.pagkain mo rin.kaya pag nakabalik tayo sa bayan.magrerestock ako at papaubos na ang laman ng mga capsule.”sabi ni daryl.
“malaking tulong din itong mga magic capsule no?”sabi ni kagura.
“oo.kasi pag yan ginamit mo.humahaba ng 10 araw ang buhay ng pagkain bago masira.”sabi ni daryl.
“siguro kung ako lang mag isa baka puro inihaw na karne ng hyop sa gubat ang kakainin ko.wala naman akong pera .buti nga at may ipinang bili pa ako sa misha at nasha.”sabi ni kagura.
“wala na kasi tayong oras kung pupulutin pa natin isa isa ang mga ulo ng monsters na napatay natin.pwede mong ipagpalit yun sa guild.”sabi ni daryl.
“ginagawa ko rin yan dati.pero sa sitwasyon natin.wala na nga tayong oras na kumuha ng ulo.”sabi ni kagura.
“kaya pasensya ka na.sayo na muna ako aasa.babayaran ko nalang pag nagkapera na ko,sa ngayon katawan ko nalang muna.”sabi ni kagura na parang wala lang ang sinasabi.
“ubo! Ubo!.(nose bleed).hindi mo naman kailangang magbayad.libre ko naman lahat yan.hehehe.”sabi ni daryl habang pinupunasan ang ilong dahil nagulat nanaman sa napaka natural na sagot ni kagura.
“ang bait mo talaga.pero hindi ok sakin yon.kaya sa ayaw at gusto mo ay babayaran parin kita ng katawan ko.mabuti din daw kasi na nagagamit natin yung excess energy ng katawan natin.kaya ako na ang bahalang gumamit ng sa atin.hihihi.”pilyang sabi ni kagura.
“nyek!.ayan nanaman po sya.gaano ba katigang ang babaeng to.”tahimik na iniisip ng binata.
Nahiya naman ang binata at hindi na nakipag talo pa dahil alam nyang hindi rin magwawagi sa gusto ni kagura.
Matapos kumakain ay naalala ni kagura ang wishing starball at agad iyon inilabas
“tignan nga natin kung totoo to.”sabi ni kagura habang hawak ang wishing starball ng dalawang kamay na humiling sa bola.
“bakit wala naman nagyari?”sabi ni kagura.
“baka naman kasi.may kasalukuyang nagmamay ari ng hinihiling mo.bawal yun.against the rule yun.pagnanakaw yun eh.”sabi ni daryl.
“ah ok.sige subukan ko nalang sa ibang katana pa.”sabi  ni kagura.
Inulit ni kagura ang paghiling.
Nang biglang umilaw ang wishing star ball at lumabas sa harap ni kagura ang legendary gemini soul katana na kung tawagin ay loki.
“Wow!.loki!!.hahaha.totoo nga.ito ang loki ko.”sabi ni kagura.
“sabi sayo eh.ano ang ability nyan?”sabi ni daryl.
“Cloning ability, gamit ito ay makakagawa ako ng iba pang kamuka ko para gamitin sa laban.pero hanggang 10 lang ang pwede kong palabasin.”sabi ni kagura.
“astigen.Maganda din pala yan.edi may kasama din yan dapat na dalawang relics?”sabi ni daryl.
“Oo.lahat ng katana ko meron.kakambal nitong loki ang dalawang bull nose earing na ikinakabit dito sa dulo ng puluhan.na kung tawagin ko ay mimica at pieces.
Kayang gayahin ni mimica ang lahat ng itsura at pananamit ng tao.
Habang si pieces naman ay kayang gayahin ng lahat ng halimaw.”sabi ni kagura.
“soul armor meron kang alam?”sabi ni daryl.
“wala.hindi kasi ako gumagawa ng soul armor.pero ang iba ko pang kasamang tinuruan ni god hepaestus na gumawa ng mga soul item.baka sila meron.
kahit wala silang lost soul magic ability gaya ng sakin.pwede naman kasing manghuli ng mga ispirito na gagamitin sa pagpapanday ng soul item.hindi nga lang kasing dami ng soul item ko.”sabi ni kagura.
“ah ok.sayang naman.balak ko sanang gamitin ang wishing starball ko.pero saka nalang.”sabi ni daryl.
“meron akong kilala.mahusay din sya.hindi ko lang alam kung buhay pa sya.
kilala talaga syang soul armor smith noong panahon namin.
mula sa pinaka simple hanggang sa pinaka maganda ay kaya nyang gawing matibay.
kung prinsipyo ng pagiging magi black smith ko ang makagawa ng sandatang puputol sa lahat.
Sya naman ay makagawa ng baluti na hindi mapipinsala ng kahit anong sandata.
Ang naalala ko nakagawa sya ng 10 mula sa spirito ng kalikasan.
Yun nga lang.armor talaga ang design,Kung marunong sana sya ng advance forging baka meron din soul armor gaya ng soot natin.”sabi ni kagura.
“sino naman sya?”sabi ni daryl.
“si aczen krotoson.”sabi ni kagura.
“parang pamilyar sakin ang pangalan na yan?..ahmm?.oo tama!.nakabili pala ako ng armor sa black market.yung unang ginagamit ko.luma na pero maayos parin.”sabi ni daryl.
“kung makikita natin sya.pwede kong kopyahin ang mga itsura ng armor sa isip nya.tapos gamitin natin ang wishing starball mo.”sabi ni kagura.
“kung buhay pa sya.sana nga.”sabi ni daryl.

Zero To HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon