17.advance ability training 2

202 31 0
                                    

Nakatago ang daan ng gym sa isang matandang puno sa sulok ng north dist.lemuria kingdom kung saan kagubatan at malayo sa kabayanan at nasa ilalim ng lupa.
Naratining ni daryl at pietro ang gym at agad na sinimulan.
Lahat ng training mo ay sisimulan natin sa 10kg.at taas ng 2kg araw araw.
Ang tawag Dito ay mobilizer weight.para sa large trend ability.
Mga magical tension chain na yan na ikakabit sa lahat ng bahagi ng katawan mo na hihila sayo pabalik,wala kang ibang gagawin kundi ang lumakad o tumakbo papunta at paatras.mula dito hanggang doon sa dulo ng paulit ulit sa loob ng 3 hrs.gamitin mo lahat ng bahagi ng katawan mo pati ang mga kamay at ulo mo sa paghila ng tension chain.hindi yon magiging madali.at ito ang magpapalaki sa katawan mo.basta ibigay mo lang lahat ng lakas mo dito wag kang manghihinayang.
Ito naman ang catching dodging chamber para sa small trend ability.
Sa palibot ng chamber na yan ay maraming butas.lalabasan yan ng mga lumilipad na bolang bakal.kayat 1.5hrs na iilagan mo at 1.5hrs na sasaluhin mo.para maging epektibo ay dapat na walang bola ang masayang.
Sosootan ka ng head protector at ng total of 10kg weight sa buoang katawan at additional 2kg kada araw.
Ito naman ang torture chamber.para sa endurance solidification ability.
Ikakadena ang kamay at paa mo para hindi mo maitikom at panatilihing nakabuka sa taas at sa ibaba.kailangan mo itong tiisin at patigasin ang mga muscles mo na tatamaan ng mga bola na lalabas sa mga butas na iyan.
Siguraduhin mong patitigasin mo ang muscles na puntiryado ng mga bola.para hindi masayang ang training hours.
10kg weight ang pwersa ng mga Matitigas na bola at madadagdagan ng 2kg araw araw.
At ayun naman yung dami chamber kung saan ka makikipag spar sa sarili mo.
At ayun naman ang teleport gate ni agustos,sunod sunod yan ,neosum ,mideocre,creohisia at genisis.
Kuha ba?”sabi ni pietro.
“opo.malinaw po.”sabi ni daryl.
“magsimula ka na dyan sa mobilizer weight,alam mo na ang gagawin mo.hindi na kita kailangang bantayan pa.ituturo ko lang sayo kapag may nakita akong mali sa galaw mo.makikita ka namin kahit wala kami dito at makakausap basta tumawag ka lang hanggang sa may sumagot sayo.kahit nasaang bahagi ka pa ng gym.at yun nga pala ang portal food stand courtesy of castle chef.libre yon,araw araw ay bago ang pagkain at inumin.”sabi ni pietro.
Isa isang isinoot ni daryl ang mga mobilizer at pinalitan ng weights ni pietro at itinuro din kung paano magpapalit ng weight.
“Iiwan na kita,basta tandaan mo masnahihirapan ang katawan mo,mas effective ang training.meron pa palang isa,pagkatapos mong magtraining, maligo ka doon sa  sa cold spring para marestore agad ang lakas mo.isang beses lang ha.bago ka umuwi.kung ayaw mong mapasma.”sabi ni pietro.
“Opo.tatandaan ko po.”sabi ni daryl.
sinimulan ng binata ang pag takbo paabante at paatras na inakala nyang madali lang hanggang sa halos gumapang na sya at magpagulong gulong dahil sa pwersa ng tension chain.
Ramdam na ramada ng buong katawan nya ang muscle strain at power stress dahil sa mga makunat na tension chain na nakakabit sa lahat ng bahagi ng katawan nya upang ang lahat ng joint na may movement ay magkaroon ng matinding force action.
Matinding pagod ng binata at napilitan nagpahinga sandali
Sumunod ang catching dodging chamber.na sobrang nagpahirap din sa kanya dahil sa bilis ng mga bola na hindi rin nya nasasalo at naiiwasan,madalas ay tumatama sa kanyang katawan,kayat madalas mag pause dahil hindi makuha ang rhythm ng kanyang mga reflex stance.
Halos wala nang lakas para sa susunod na training,ngunit nagpatuloy parin at ginawa ang torture chamber  na may life support healing magic upang pangalagaan ang bubugbugin sa loob.
Kahit bugbog ang buong katawan sa harap at likod ay pinilit parin pumasok sa loob ng dami chamber,kung saan binugbog lang ulit ng sarili nyang copy.
Plastado,bugbog at totally drained ang katawan ng binata nang pumasok sa loob ng ice cold bath pool at naligo.
“Ay!ay !ay!. waaaa.!!!ha!. haaa kalamig buset. hiiiiiiiiii..hu.pero kasarap!”sabi ni daril.
Hindi magkanda pihit sa lamig ng tubig sa unang lubog ngunit ramdam agad nya ang ipekto ng malamig na pool kung saan mabilis na pinapawi ang pagod at pinaghihilom ang mga bugbog na laman at pilay na buto.
“ayos pala tong cold pool,may magic pala to!.ang sarap.parang instant healing water.ok to ha.kahit pala gumapang na ko sa hirap ng training basta marating ko lang ito ay ok na ulit ako.ayos!!”sabi ni daryl kayat nawala na ang.pangamba na baka hindi sya makauwi sa pagod.
Hindi alam ng binata na sa buong araw na iyon ay maghapon syang pinapanood ng mga  royal raider guard at tuwang tuwa sa mga kapalpakan nya.
“hihihi.talagang may magic yan pogi.yummy!!.hihihi”sabi ni minerva na hinhintay pala talaga na maghubad ang binata at maligo habang pinapanood sa kanilang magic monitor.na ginagawa din sa mga kasama.
“huh?!.hanggang dito po ba ay nakikita nyo ako?”sabi ni daryl.
“Yup!.dont worry.mag isa nalang akong nanonood sayo.hihihi.”pilyang sabi ni minerva kayat napatukop ng kanyang ari ang binata at hiyang hiya.
Tawa naman ng tawa si minerva.
“hay.ginawa nananaman nya”bulong  ni victor at napahawak sa muka at napailing dahil madalas gawin iyon ni minerva sa kanya.
Kahit gaano pa katinding hirap ang pinag daanan ay hindi parin nakakalimutan si demeter.
Bago umuwi ay nagbalot ng masarap na cookies galing sa food stand para ipasalubong kay demeter.
10pm na nang gabi nang makauwi si daryl,ngunit nagulat pa ang binata at matyagang naghihintay si demeter sa kanyang pagbabalik at nakatulog na sa supa.
At dahil alam nyang mahimbing ang tulog ng goddess ay hindi na inabala pa.
Natuwa ang binata sa pag aalala ni demeter at ramdam na ramdam nya ang kanyang halaga sa holy guide.
Kayat dahan dahan binuhat ni daryl at dinala sa kwarto ng goddess at maayos na inihiga at kinomutan.
Na noon ay nagising na pala at nagtulogtulugan upang alamin ang gagawin ni daryl.
Pinagmasdan ng mabuti ng binata ang maamong muka ni demeter, hinalikan sa noo at bumulong sa pag aakalang mahimbing parin ang tulog ni demeter.
“Salamat po sa paghihintay. napakaganda mo po talaga.para po sayo lahat ng ginagawa ko.”sabi ni daryl.
Tumayo at iniwan sa maliit na lamesa ang pasalubong na cookies.
Nang makalabas si daryl ay dumilat si demeter.
“salamat daryl.”sabi ni demeter at naging masarap ang kanyang muling pagtulog na may ngiti sa muka.
Kinaumagahan bago pa man magising ang lahat ay umalis na si daryl para takbuhin ang pagpunta sa gym at muling ipagpatuloy ang pagsasanay.
Matagal nang hindi nagpupunta sa gym ang apat na royal raider guard kayat ang gym ay kay daryl lamang.
At ginagawa ang lahat ng kanyang dapat na gawin.
Samantala,nagkaroon ng meeting ang elite seven sa isang sikretong samahan na kanilang binuo na tinawag nilang centourion knights.pinagtibay na samahan ng 7 malalakas na follower ng 7 holy guide upang magkaroon ng kasunduan na magtutulungan bilang individual na alyansa hindi man nila kasama ang kanikanilang mga kasamahan sa kanilang sinumpaan.
Dahil hindi man aminin ay may gap ng pagsasarili ang bawat god follower sa ibang god follower at nagkakaroon ng competisyon.
Pero kahit laganap ang kompitisyon ay nanantili parin naman mabuti ang hangarin at nagmamahal sa kaharian.
Ligal na pinayagan ng hari ang sikretong samahan ng elite 7.na nangakong patuloy na maglilingkod sa kaharian.
Ang elite seven na ito ay syang nagsasama sama at nagtutulungan sa pagpapalakas sa loob ng genesis dungeon.
Layunin din nilang mapalakas at manatiling pinakamalakas sa lahat ng followers hanggat maari.
Bata pa ang lemuria kingdom kayat wala pang masyadong malalakas na raider kumpara sa ibang mga kingdom.
“Mga kasama,hindi ba kayo nagtataka kung paano nakapasok ang vajara sa bayan.masama ang kutob ko.”sabi ni rando.
“naisip ko na din yan.hindi naman lalabas ang vajara sa loob ng genisis dungeon.liban nalang kung may huhuli sa kanya at dadalin sya dito.”sabi ni gregory.
“Kung ganon nga na may humuli sa ganyan kalakas na boss level at minions,hindi sya mahina para mapasunod nya ang vajara.at ang masakit nyan.nandito din sya kasama natin sa loob ng lemuria.dahil walang report ang mga guards na mga dyuhan sa lemuria nitong mga nakaraang araw.”sabi ni hynes.
“tama.sang ayon ako dyan.galing sa summoning spell ang mga minion vajara kaya sigurado akong nasa malapit lang ang tunay na salarin.pero masyado syang magaling magtago ng magic presence.nagpapatunay lang na malakas ang isang yon.”sabi ni rhea.
“kailangan natin mag ingat,hindi natin alam kung kelan ulit sya aatake at kung ano ang tunay na motibo nya..”sabi ni gregory.
“mga bro.naisip ko lang,maiba lang ako ng usapan.hindi ba dapat nagfofocus tayong lahat para dagdagan pa ang ating mga lakas.hindi natin masasabi.baka sa susunod ay higit pa sa isang boss ang kalabanin natin na higit pa doon ang lakas.dalikado na tayo non.”sabi ni devon.
“kung ganon.dapat wala tayong sayangin na oras.hayaan na muna natin na ang mga pulis ang mag imbestiga sa kasong ito.at kailangan natin maghanda sa pagpapalakas.”sabi ni vincent.
“Then dapat na pala tayong lumakad.sayang ang oras.ipriority natin ang level up program.”sabi ni hynes.
Nagkasundo ang pito at muling bumalik sa raid ng genisis dungeon.
“hindi ko manlang nakita si kuya daryl kahapon.ano kaya ang ginagawa nya.”sabi ni mia.
“kung ano man yon.siguradong mahalaga yon sa kanya.hayaan mo at nangako naman sya sayo di ba.tsaka iniwan nya si edge .para sayo talaga yon.love ka nun.”sabi ni  bela.
“Oo nga naman mia.basta sundin lang natin si daryl.kailangan pag balik nya.nadagdagan na tayo ng level.at ipakita mong magaling ka na sa pana.para makita nya na hindi tayo nagpabaya.at tutuparin natin ang pagraid sa dungeon.”sabi ni himawari.
“opo ate.pagbubutihan ko po.para maging kasing lakas ko kayong lahat.”sabi ni mia.
“Kaya wag ka nang malungkot,nandito naman kami.”sabi ni rina.
“O handa na ba kayo,sisimulan ko na ang luring potion.dating position lang.”sabi ni bela at nagsimula ang kanilang raid sa mga bone monkey gargoyle sa lvl 15 to 20 luna forest.
Nagpatuloy sa pag raid ang kanilang grupo at pinapanatili ang nakasanayang paraan ng raiding party system ni daryl.
Nagdaan pa ang mga araw sa kanikanilang buhay at payapa parin ang buong kaharian.
Dahil ang lumina general na nagtatago sa bayan ay may roon nanamang inihahandang malaking pasabog na ang tanging layunin ay magbigyan ang sarili ng kasiyahan.
“Dalawang linggo na pala .medyo malamig lamig na naman ang mga gwardya.bawal kayong magpahinga, hintayin nyo ang susunod na pasabog ko.tignan lang natin ang ipinagmamalaki ninyong elite 7. pababagsakin ko na kayo.wahahahahaha.”sabi ni lumina general 1.
Lumabas ang general at nagtungo sa genesis dungeon na paborito nitong puntahan sa dead valley,kung saan madali nyang napapasunod sa kanyang beast taming magic ang mga halimaw liban lang sa iisang boss monster na naninirahan sa kailaliman ng dungeon na kung tawagin ay ravian.
Ang ravain ay isang uri ng boss level 99 monster na hindi kailan man magpapabihag kahit kanino man,isa itong halimaw na kasing wangis ng tao ngunit ibon na ang balahibo ay isang uri ng organic metal na hindi tinatalaban ng magic at nagsisilbing makapal at matibay na baluti.
Ang halimaw na ito ay isa sa pinakamalakas at mailap na boss ng genisis dungeon dahil marunong itong makipaglaban tulad ng tao ay marunong din gumamit ng destructive magic at sandata.
Bihira itong mangitlog na labis nitong binabantayan sa kanyang pugad at hindi kailan man mawawalay sa kanyang pandama.
Kilala ng lumina general 1 si roco at billy na pawang mga myembro ng lumina brotherhood na pinakamadaling utuin sa lahat.kayat gumawa ito ng paraan  para maitatakas ang dalawa sa kulungan ng lemuria kingdom.
Nagpanggap na ordinaryong raider ang heneral upang makalapit sa likod ng prisinto at panatilihing sikreto ang kanyang katauhan.
Gamit ang kanyang  maliit na halimaw na maaaring makalusot sa mga kisame at mga tubo tulad ng daga.nilagyan nito ng explosive  magic skill na parang remore control bomb na sasabog sa kanyang pahintulot.
Pinawalan ang maliit na halimaw at inutusang maghatid ng sulat sa dalawang target bago pasabugin ang dingding sa likod ng kulungan.
Nabasa naman ng dalawang kriminal ang sulat at agad na nag-abang sa magaganap na pagsabog.
Ginising ng malakas na sabog ang buong paligid at naalarma ang buong kapulisan.
tumakas kasama ng iba pang preso ang dalawa .
Nang masiguro ng general na nakalabas na ang dalawa ay sinundan nya ang mga ito kung tutupad sa sulat na natanggap.
Tinanggap naman ng dalawa at agad na nagtungo sa kanyang mansyon upang makapagtago.
Kayat agad din bumalik sa kanyang mansyon ang general at hinintay ang dalawan.
“pare wala yatang tao.pero bukas ang pinto eh.basta pumasok na tayo dito.baka makita pa tayo ng mga pulis.sya naman ang nagpapunta satin dito.”sabi ni roco.
“pare baka sibatin tayo dyan.”sabi ni billy.
“sige tumuloy kayo.hinihintay ko talaga kayo.isa ako sa 8 general ng lumina brotherhood.”sabi ni general na noon ay sinadyang patayin ang ilaw ng bahay kahit soot pa ang mahaba nyang black cloak habang nakaupo sa dilim.
“salamat po,pinatakas nyo po kami general.ano po ba ang gusto ninyong gawin namin.?”sabi ni roco.
“pinatakas ko kayo dahil kakailanganin ko ang tulong ninyong dalawa.siguraduhin nyong walang makakaalam ng bahay na ito..”sabi ni general.
“Opo general.”sabi ng dalawa.
“buti yan.sasama kayo sakin sa loob ng genisis dungeon sa dead valley.wag kayong matakot at hindi kayo mapapahamak.”sabi ni general.
“ano po ang gagawin namin doon,delikado po ang level namin doon.”sabi ni billy.
“basta wag kayong matakot!!.sasama kayo para sa iisang rason lamang.lalabanan ko ang ravian at itatakas nyo ang itlog.pagkatapos ay itago nyo sa loob Ng kahit anong gusali sa bayang ito.”sabi ni genearal 1.
“Pprotektahan ko kayo hanggang sa makalabas kayo ng dungeon..maliwanag ba.?)sabi ni general 1.
“opo general.pero sayang naman po yung itlog.malaki po ang pagbibilan non sa black market.”sabi ni roco.
“Masmasasayang ang buhay ninyong dalawa kapag hindi nyo nagawa ang napakasimpleng ipinapagawa ko.”sabi ng general 1.
“nako patawad po general.sisiguraduhin po namin na madadala namin dito ang itlog.”sabi ni roco.
“kelan po tayo lalakad.”sabi ni billy.
“Sa susunod na araw.babantayan natin ang pagalis ng ravian sa kanyang pugad.”sabi ng genral 1.
“sige po.ah general pwede po ba kaming magtago muna dito at makikain tuloy.wala po kaming pera.”si ni roco
“Sige lang.pero wag kayong magkakalat.”sabi ng general 1.
Puspusan ang training ni daryl at walang sinasayang na oras.
At dahil nasa ilalim ng lupa malayo sa bayan ang sikretong gym ay wala itong nalalaman sa labas.
Ang focus ng binata ay purong pagsasanay lamang.na sadyang inaagahan at ginagabi upang dagdagan pa ang oras ng kanyang pagsasanay.at maisingit pa ang 3 oras sa loob ng Neosum at mideocre dungeon at makipaglaban ng personal sa malalakas na klase ng armadong boss level na halimaw pangunahin na ang boss lotus lvl 40 ng neosum dungeon at boss oroboro lvl 60 ng mideocre dungeon.
At sa nakaraang dalawang linggo ng matinding pagsasanay na  nagamay na ng kanyang katawan ay tsaka lang ulit nagpakita si pietro.
“sir pietro.kayo po pala.nalibot po kayo?may problema po ba sa training ko?”sabi ni daryl.
“Wala naman.70 kgs na pala ang weights ng mga equipment,ayos yan,!”sabi ni pietro na napahanga kay daryl.
“ah eh.sakto lang naman po ang bigat sa katawan ko sir.”sabi ni daryl.
“good!.nagagawa mo naman ng maayos lahat at talaga naman nag improve ka na sa mga moves mo sa training ng malaki pa sa inaasahan ko.
Tumayo ka sandali at titignan ko ang mga muscle mo.
Masmatigas na ang mga muscles mo ng higit kaysa dati at maayos ang pagkakahubog ng mga laman,nangangahulugan na tinatanggap ng katawan mo ang parusa ng training mo.na nasisiguro kong nasayo na ang tatlong ability.
Nakakagulat at dinagdagan mo pa ang oras ng training.
tama lang ang laki ng katawan gaya nga ng sabi mo.na maintain mo ang diet.”sabi ni pietro.
“malaki nga po ang pagbabago sa katawan ko  na parang masmagaan ang katawan ko ngayon.”sabi ni daryl.
“Oo naman.dahil ang training na yan ay katumbas ng taon taon na experience ng isang dungeon raider.hindi nga lang nagpprogress ng malaki ang level mo sa gym training.pero bulto bulto ang nakukuha mong ability exp.tsaka pumapasok ka pa sa neosum at mideocre dungeon kaya malamang na may level up ka rin.madali na ang level kapag lumakas ka sa ability.”sabi ni pietro.na sa loob loob nya ay talaga naman mabilis ang progress ng binata.
Nang biglang suntukin ni pietro si daryl na agad nasalag ng  dalawang kamay.
“very good !.mabilis na reflex at focus.at kung hindi mo napapansin.yung parte ng kamay mo na sinuntok ko,nagbago ng kulay bago ko pa tamaan at ayan at hanggang ngayon ay activated pa.
ganyan kabilis magreact ang mga muscles mo very impressive,ibig sabihin nyan.active na ang passive effect ng yudo sayo.gaya ng sabi ko.parang automatic armor ang yudo na sumusunod sa reaction time ng muscles mo.
may apat na kulay ang yudo.berde(lv1),asul(lv2),lilak(lv3) at pula(lv4).ikaw ngayon ay nasa asul palang,ibigsabihin lv2.masmataas na kulay,masmatigas at masmatibay na natural muscle armor ang matatannggap mo.we talk about durability.
at buhat sa pulang kulay ay wala ng ibang kulay ngunit nakabase parin ang lakas sa dami ng training.kaya iba iba rin ang lvl ng pulang yudo.
Mamayang gabi.ipasilip mo kay holy guide demeter ang mga bagong ability at skills mo.nasisiguro kong nariyan na din ang push at pull ngunit hindi lang matandaan ng isip mo,natural lang yon na mahirap tandaan ang isang bagong support buff type skills ng non magic users,unusual yon sa katawan natin at hindi naman tayo magic user.
kaya magpapatulong ka na maenhance sa isip mo ang dalawang buff reinforcement support skill para magamit mo ang mga skill ng maayos at madali.”sabi ni pietro na noon ay lihim na humahanga sa progress ni dary.
Tuwang tuwa naman ang binata na walang idea na nasa kanya na pala lahat ng inaaral na ability at skill.nanoon ay pinapalakas na ng kanyang training.
“wow!.hindi po pala mapapansin agad.pero nandito na pala.” Sabi ni daryl.
“Ganyan din ang mga taong nakatuklas sa ability at skill na iyan.batak sila sa hirap,mabibigat na trabaho at matitinding labanan ng maraming taon.kaya naman ang training ay katumbas din ng mabigat na torture at hirap ng katawan ngunit nagfofocus sa mga bahagi na dapat matraining katulad din ng naexperience  ng mga  taong nakatuklas ng ability at skill na yan.
kung magpapatuloy ka pa ng training ay hindi malayong maabot mo ang kulay pulang yudo,maraming torture pa at muscle control ang dapat mong gawin.ganun din ang push at pull.kung gusto mong makuha ang excellent performance power ng mga reinforcement supporting skill.”sabi ni pietro.
“Tatandaan ko po yan.”sabi ni daryl at nagpatuloy sa pagttraining.
“alis na ko.sinilip lang naman kita.”sabi ni pietro.
Muling umalis si pietro patungo sa palasyo.
“ibang klaseng tao din yun hehe.ang bilis ng progress.2 weeks na training palang,kulay asul na ang yudo.samantalang ako ay inabot ng mahigit isang buwan bago mag berde.
Kahanga hanga talaga.tsk! tsk!
sa oras na ito ay ganon na rin ang level ng push at pull mo.hindi ka na pangkaraniwang raider daryl.”sabi ni pietro habang naglalakbay sakay ng kanyang peko anima.
Matapos ang maghapon na training ay maagang umuwi si daryl upang abutan na gising si demeter na araw araw na naghihitay sa kanya.
“huh? maaga ka ngayon daryl?.wala ka bang nakalimutang gawin doon.”sabi ni demeter.
“Po?!.hahaha.nakakagulat po ba?umuwi po talaga ako ng maaga para abutan ko kayo ng gising.”sabi ni daryl.
“Hihihi.sorry ha.ikaw naman kasi,lagi kang hatinggabi kung umuwi.tapos napakaaga mong umalis ngayon.nagtatampo na sila syo.nahihirapan na nga akong magpaliwanag eh.hindi ka manlang kasi magpakita.”sabi ni demeter.
“hihihi.ganon po ba?.pasensya na po holy guide demeter.babawi nalang po ako sa kanila kapag natapos ang training ko.kamusta na po ba sila?”sabi ni daryl.
“Mabuti naman ang progress nila.palagi nilang sinusundan ang paraan ng raid party mo.parang may kompitisyon sila palagi sa pagpaparamihan ng kill.
Level 20 na si mia,level 23 na si rina,level 36 na si bela,level 21 na si edge at level 40 na si himawari.
Kahapon lang nag raid na sila sa loob ng neosum dungeon level 2 sa rain jungle.
Namimiss ka na talaga nila daryl.”sabi ni demeter na sya man ay sobrang namimiss na si daryl.
“Malapit na po talaga promise.”sabi ni daryl.
“2 weeks na pala kitang hindi na checheckup.silipin ko nga ang progress mo.”sabi ni demeter.
“sige po.”sabi ni daryl na noon ay talagang pakay kayat hinubad ang kanyang damit pang itaas.
“wow.ang ganda ng katawa nya.”sabi ni demeter sa kanyang isip at biglang namula na tila ba naakit ito at napakagat sa kanyang labi habang natitigilan at nakatitig sa katawan ni daryl.
Ilang minuto pa ang lumipas ng mga mapantasyang titig ni demeter ay nahimasmasan itong muli sa pag aalala na mapansin ni daryl.
Agad ginamit ni demeter ang magic blessing at nagulat si demeter at bahagyang nainis.
“daryl.umamin ka!.training ba talaga ang ginagawa mo o may kasama kang nagrraid na iba.?”sabi ni demeter na noon ay nagdududa.
“huh?!.opo.training lang talaga,magtiwala po kayo sakin.hindi ko po kayang magsinungaling sa inyo.promise.”sabi ni daryl.
“okie.nakakagulat kasi itong growth mo.level 70 ka na.inilagay ko ang 12 spirit essence point mo sa agi at str.
massive ang increse ng mga ability mo.at may karagdagan pa.gaya ng critical point ability,consentration force  ability,large trend muscle control ability,small trend muscle control ability,endurance solidification muscle control ability,energy enhancer ability at moderate regeneration ability.
Bukod pa dyan meron kang tatlong skill,Buff type strengthening  reinforcement skill,buff type quickening  reinforcement skill at passive type hardening reinforcement skill.
Ayan naenhance ko na sa isip mo.
Malaking improvement ito.ano ba talaga ang ginagawa mong training?
Bakit ganito ang mga nakikita ko.halos patayin mo na ang katawan mo.hindi ka ba nahihirapan?”sabi ni demeter na biglang nag aalala.
“ok lang po ako.kailangan ko pong gawin ang mga bagay na ito para masiguro ko na kaya ko kayong ipagtanggol sa mga kaguluhan .natatakot po ako para sa inyo.
Kaya gusto kong maging malakas para po sa inyong lahat.
Ito na po ang pinakamabisang paraan na itinuro sa akin ng mga royal raider guard.malalakas po sila.”sabi ni daryl.
“nag aalala kasi ako sayo.masyado mong pinupwersa ang katawan mo para sa amin,para sakin.napakabuti mong lalake.ayokong may mangyari sayo.”sabi ni demeter na noon ay napahawak sa dibdib ni daryl.
“Wala pong mangyayari sa akin,palagi po akong mag iingat,dahil ayaw kong mag alala kayo.”sabi ni daryl.

Zero To HeroDonde viven las historias. Descúbrelo ahora