2.ang bleesing ng holy guide

324 41 1
                                    

“good morning daryl.”sabi ni athena.
“good morning po.”sabi ni daryl.
“nakatulog ka ba ng mabuti.halika na munang mag breakfast.”sabi ni athena.
Magkasamang kumain ang dalawa at masayang nagkwentuhan.
“sya nga pala daryl.ipinahanda ko na din kay darwin ang mga bagong damit na wala naman gumagamit sa mga followers ko.para naman may pang palit ka dyan sa soot mo.pagtyagaan mo na at may pagkaluma ang mga style.binili ko iyon dati para sa mga new comers.”sabi ni athena.
“nako salamat po.malaking tulong po yon.”sabi ni daryl.
“at gaya ng pangako ko.narito ang listahan  ng mga available kong kasamahan.ang iba ay puno na din at ayaw nang magdagdag pa.
1st on my list is holy guide dionysus.30% capable pa sya na mag handle ng mga followers.
2nd is holy guide arthemis.25 % capable of handling followers.
3rd is apollo wich is the same with arthemis.kasi twins sila.
And last but not the least  is holy guide demeter.among all the holy guide in this kingdom.demeter is the most fewer followers.as of now ay meron syang 12 followers.medyo weird kasi ang pamamaraan nya.mahiyain at mahina ang loob.but im sure shes a good holy guide too.
ang mga raider followers kasi ay mas pinipili ang may malalakas na personality.
Ikaw na ang magpasya kung kanino ka mag woworship.at syempre kung sino din ang tatanggap sayo.”sabi ni athena.
“malaking tulong po ito.salamat po.”sabi ni daryl.
“hindi na kita maihahatid pa mamaya pag labas mo.kailangan ko na din umalis eh.o heto nga pala ang kaunting pera para may magamit ka.”sabi ni athena.
“napakabait nyo po holy guide athena.maraming salamat po talaga.”sabi ni daryl.
Bumalik sa kanyang silid ang binata at nagbihis,inayos ang mga damit na ibinigay at tsaka nagpasya nang umalis.
Agad nyang hinanap ang mga lugar na nakaguhit sa mapa na covered ng greatwall.
Nakita ng binata ang taas ng pamumuhay sa loob ng greatwall kung saan mapayapa ang lahat at sagana ang antas ng pamumuhay.
Kapansinpasin din ang mga tao na bahagi na ng kanilang pang araw araw na gawain ang paggamit sa magic.
Nakaramdam sya nang inggit dahil hindi sya nabiyayaan ng magic na sana ay tahimik din syang mamumuhay sa loob ng greatwall.
Malinaw nyang nauunawaan ang kwento ng mga tao sa heavens art world,ngunit hindi nya lubusang tinanggap ang maling batas na nakasanayan  nang mga tao doon.
Hindi rin nya maunawaan kung bakit ang mga tao ay tila nilimot na ang dahilan ng kanilang pagpunta sa heavens art at pinili nang mamuhay dito habang buhay.
Nalungkot ngunit nagpatuloy sa kanyang  paghahanap.
Madali nyang nahanap ang mga sambahan nila holy guide dionysus,arthemis at apollo.
Ngunit sya ay nabigo sa tatlong ito na pareparehas ang katanungan at basehan.
Hindi sila tumatanggap ng newbie dahil ang gusto nila ay ang mga solo raiders na matagal nang lumalaban sa labas kahit hindi kataasan ang level o yung mga higher level na ayaw umasa sa mga holy guide,dahil ang mga holy guide gods and goddess ay may roon ding profeciency popularity ranking na ginawa ng mga tao doon na labis na sineseryoso ng karamihan sa mga ito.
Kayat nilisan ng binata ang mga sambahan.
“ang yayabang naman nila.ganyan ba dapat ang basehan.kaya nga holy guide.dapat hindi namimili.ibang klase.”sabi ni daryl.
Natanaw nito ang isang babae sa market place kung saan maraming  raiders ang lumilibot.
May hawak itong calling card at brochure na dapat ay ipinapakalat upang makakuha ng possible client.
Ngunit ang babae ay nakaupo lang sa ilalim ng puno at pinagmamasdan ang mga dumadaan.
Ang babaeng ito ay si holy guide demeter.
Ayaw nitong kumilos sa takot na may masira nanaman sya dahil sa carelessness at clumsy nitong pagkilos na madalas na nauuwi sa pagbabayad ng malaking halaga gayung halos wala naman itong pinagkukunan ng pera.
Dahil din sa natural nyang kapalpakan na hindi naman sinasadya  ay nauubliga ang kanyang natitirang mga followers na bayaran ang mga nasira nya.
Hanggang sa dumating ang oras na iniwan pa sya ng 11 followers na nagsilipat kay apollo.
Malungkot si demeter at nais nyang makabawi sa natitira nyang follower kayat pursigido syang maghanap ng bagong follower ngunit kinakain ng matinding kaba sa pakikipag usap na nauuwi palagi sa kaguluhan dala ng clumsiness level 9999 na hindi nya macontrol sa kaba.
“haaayyy.pano na to.iniwan nanaman ako ng 11 followers ko.hindi ko naman sila masisi.kasi napakapalpak kong holy guide.nahihiya na ako kay bela.natatakot tuloy ako baka kung ano nanaman ang masira ko.bakit kasi sobrang kinakabahan ako makipag usap.”sabi ni demeter habang pinagmamasdan lang ang mga  raiders na dapat ay kinakausap na.
Kahit alam ni demeter na maaring magpababa sa kanyang reputasyon ang pangungumbinsi ng mga raider na maging followers nya ay ginagawa parin nito alang alang sa kanyang mga natitirang followers upang panatilihin ang lakas ng loob ng mga ito.
Ngunit disaster kapag kinain na ng kaba si demeter.
“holy guide demeter.umuwi nalang po tayo.kinakabahan nanaman po kayo.baka kung ano po ang mangyari dito.”sabi ni bela na matapat na follower ni demeter.
“o bakit nandito ka.hindi ba may raid kayo ngayon?”sabi ni demeter.
“eh.na cansel po yung contract ko sa raiding party na pinasukan ko.kaya bumalik nalang po ako sa guild house para maghanap ulit ng bagong raid party.”sabi ni bela.
“haay.pasensya ka na bela ha.kung hindi sana ako pumapalpak.edi sana nandito pa yung iba.hindi ka na sana sasama pa sa ibang raiding party.”malungkot na sabi ni demeter habang unti unting tumutulo ang luha.
“Wag na po kayong umiyak.ok lang po ako.hindi naman po ako katulad nila.hindi ko po kayo iiwan.kahit ano pa po ang mangyari.”sabi ni bela.
“doon nalang po kayo sa sambahan natin.at ako na po ang magpapamigay ng brochure at calling card.”sabi ni bela.
“nakakahiya na sayo.pero naiintindihan naman kita.baka mamaya kung ano nanaman ang mangyari.”sabi ni demeter.
Habang magkausap ang dalawa ay napako naman ang tingin ni daryl sa hawak ni demeter habang kumakain ng kalamares.
Pilit na binabasa ang laman ng brochure na nakatupi.
Maya maya pa ay natigilan na at nagpasya nang umalis si bela at demeter upang umuwi.
Nag iwan ng ilang piraso ng brochure si bela sa concrete island na nakapalibot sa punong inuupan ni demeter bago ito umalis.
Kayat agad na kinuha ni daryl ang isa sa mga iyon upang ipagpatuloy ang pagbabasa.
“teka.mga followers pala yun ni holy guide demeter.tamang tama at sila nalang ang hindi ko nakikita.masundan nga.”sabi ni daryl.
Palihim na sinundan ni daryl ang dalawa dahil ayaw pa nyang magpakilala sa mga iyon at sya ay kasalukuyan pang nagpapasya kung tutuloy ba ito o magiging solo raider nalang din.
Naramdaman ni demeter na may sumusunod sa kanila.
“bela.sa iba tayo dumaan at may sumusunod sa atin.iyyy.kanina pa sya.”sabi ni demeter.
“po?!.pero wala naman po akong makitang sumusunod sa atin.”sabi ni bela.
“maniwala ka bela.nandyan lang sya.”sabi ni demeter na kabang kaba at agad na hinawakan sa kamay si bela at itinakbo upang lansihin ang sumusunod sa kanila.
“naku!.nakahalata na yata.”sabi ni daryl at agad na nag iba din ng direksyon kung saan mapagtataguan ang dalawa.
“sandali lang po.wala na pong nakasunod sa atin.ha ha ha ha.(hingal)”sabi ni bela.
“ha ha ha ha(hingal).grabe nakakatakot yun.baka mamaya kung ano na pala yun.ang ganda pa naman nating dalawa.baka gawin tayong slave tapos ipagbili tayo sa mayayaman tapos molestyahin tayo.oh my god.im scared.”sabi ni demeter.
“huminahon po kayo wala pong masamang mangyayari.wala na po yung humahabol.”sabi ni bela.
Nanginginig sa takot si demeter at hindi makalakad sa kaba kayat ipinasan ni bela hanggang sa kanilang sambahan.
Tumigil sa pagsunod si daryl at nauna na sa sambahan ni holy guide demeter at naghintay kung saan hindi sya makikita.
Nakita nya kung ano ang estado ng holy guide demeter worship dahil sa itsura ng sambahan nito na tagpi tagpi ng yero at kahoy ang mga dingding na malinis naman at pinturado.
Kabaligtaran ng mga sambahan na kanyang pinuntahan.
“nandito na po tayo.”sabi ni bela na hinihingal sa pagod.
Alam ni bela na sobrang depress si holy guide demeter sa sabay sabay na pag alis ng 11 follower na itinuring nang anak at kapatid ni demeter na kung titignan ay mukang 19 yrs old lang na dalaga.
Sa pintuan palang ay umiiyak na si demeter sa pag aalala sa 11 followers na dapat ay makakasama sa hapunan dahil doon nanunuluyan sa kanyang sambahan.
“Huhuhuhu.bela huhuhu.sorry.hindi ko sila napigilan.huhuhuhu.”sabi ni demeter.
“tama na po.naiiyak na din po ako nyan eh.”sabi ni bela.
Naawa ang binata sa kalagayan ni bela at demeter na kanina pa pinagmamasdan sa di kalayuan habang umiinom ng softdrink sa isang tinadahan.
“sila yata ang pinaka kulelat sa mga worship.pero masmabuti na to kesa sa iba.dito 12 lang ang mga followers.matututukan kami ng holy guide demeter.bahala na.pwede naman umalis kung saka sakali.sana lang hindi ito katulad ng mayayabang na worship na pinuntahan ko.”sabi ni daryl.
Kayat nagpasya itong lumapit na at magpakilala.
Malungkot na magkaharap sa kanilang sala si bela at demeter ng kumatok sa main door ng altar si daryl.
“tao po!.may tao po ba dito?”sabi ni daryl.
“Huh?!.tao?.may tao nga bela.halika baka sila na yan.”sabi ni demeter na umaasa parin na babalik ang 11 follower.
Agad na binuksan ang pinto at nakita ang binata.
“ah.magandang hapon po.dito po ba ang sambahan ni holy guide demeter?”sabi ni daryl.
“ah oo dito nga po.ano po ang kailangan nila?”sabi ni bela.
“magandang hapon din po sayo sir.ako po si demeter. ano po ba ang maipaglilingkod ko?”sabi ni demeter.
Nagulat pa ang binata at sobrang humble ni demeter na hindi mo makakakitaan ng godly pride and attitude.kayat nahiya ang binata.
“ah good afternoon po holy guide demeter.ahm nakita ko po itong brochure sa market place.gusto ko po sanang magpa bless sa inyo at maging bahagi ng worship.kung papayag po sana kayo.”sabi ni daryl.
“ha?!.oo naman po sir.very welcome po kayo.”sabi ni demeter at agad na pinapasok si daryl.
Hiyang hiya naman ang binata at ganoon nalang ang paggalang ng greekgod sa kanya.
“bela.isama mo na sya sa ating hapunan.”masayang sabi ni demeter na bahagi din ng kanyang ugali na maalalahanin,matatakutin,ngunit mababaw ang kaligayahan.
“kung wala ka pa po tutuluyan ay maaarikang tumuloy dito.bakante naman na po ang karamihan sa kwarto.kaninang umaga kasi ay umalis ang 11 ko pang fallowers.nakakalungkot nga po.pero wag po kayong mag alala at maayos ko din ang lahat.hindi ko alam kung magugustohan mo po ako.pero pangako magiging mabuti po akong guide sayo.”sabi ni demeter.
“ah oo naman po.hindi naman po ako mahirap makisama.tsaka pwede po ba.wag nyo na po akong sinasabihan ng po.nakaka ilang po kasi eh.tao lang po ako.dapat po kayong mga dyos ang iginagalang namin.wag nyo po sanang mamasamain.sobrang humble nyo po kasi.”sabi ni daryl na hindi na nakatiis sa sobrang hiya at humahanga sa kabaitan ni demeter.
Naluha si demeter at muli nyang narinig ang paggalang sa isang bagong tao na matagal na nyang hindi naririnig kahit sa 11 nyang followers na unti unting nagalit sa kanya.
“ah ok.sorry.”sabi ni demeter.
“ahehe.hindi nga nag po.nag sosorry naman.”sabi ni daryl sa kanyang isipan.
“so dito ka na din titira?”sabi ni demeter.
“kung hindi po nakakahiya eh.tutulong po ako sa gawaing bahay.”sabi ni daryl na wala din naman matutuluyan.
“yehey!.sige dito ka na tumira.at wag mo nang pansinin ang sambahan.ako na ang bahala sa paglilinis.kaya ko na yon habang abala kayo sa raid.”sabi ni demeter.
“ok lang ba kung.bigyan na kita ng blessing ngayon?”sabi ni demeter.
“opo! holy guide demeter.karangalan ko po.”sabi ni daryl.
Sa harap ng altar ng demeter worship house isinagawa ni demeter ang power blessing kay daryl kung saan ang emblem ay lumabas sa kamao ni daryl.
“o ayan tapos na.opisyal nang follower kita.pangako magiging buti akong guide sa inyong dalawa ni bela.”sabi ni demeter.
“salamat po.ang cool naman po pla ng tatak  natin.”sabi ni daryl.
“hihihi.sa kamao mo pala lumabas.takpan mo nalang para hindi ka pagtawanan.”sabi ni demeter.
“bakit po tatakpan.wala naman pong nakakahiya dito.”sabi ni daryl.
“pasensya ka na.kung hindi mo pa alam.ako kasi ang pinaka lowest rank sa mga guide.kaya ang simpleng makita nila na dala mo ang blessings ko ay pagtatawanan ka nila ng palihim.”sabi ni demeter na matagal na din palang nakakahalata at nagtatanga tangahan kahit nasasaktan.
Nakita ng binata ang kalungkutan sa mata ni demeter na isang dyos ngunit mababa ang pagtingin ng mga tao doon at pinagtatawanan.
Kayat habang pinagmamasdan ang nalulungkot na godess ay ipinangako ni daryl na tutulong sya upang I ingat muli ang reputasyon ng pagiging dyos ni demeter sa abot ng kanyang makakaya.
“basta ikaw na ang bahala.ayoko lang na mapapaaway ka dahil sa emblem ko.yun lang naman ang rason.kasi ayokong pinagtatawanan kayong mga followers ko.kaya kahit itago mo ang emblem ko ay ok lang sa akin.”sabi ni demeter na matagal nang tinanggap ang pagiging looser.
“napansin kong nasa zero lvl pa ang mga ability at stat mo.mukang first time mo palang dito.kung mag reraid kayo bukas.wag na muna kayong pupunta sa mga dungeon.hayaan mo at patutulungan kita kay bela tutal at wala parin naman syang raid party.”sabi ni demeter.
Ang mga holy guide gods lang ang nakakakita sa mga ability at stats ng isang taong may bless ng  holy existence.
Sinamahan ni demeter si daryl sa kanyang magiging kwarto sa itaas ng sambahan.
Ang sambahan ni demeter ay maliit lamang at binubuo  ng 10 kwarto, worship altar for 20 person, dining area good for 20 person ,kitchen at living room good for 20 person.
Hiwalay ang cr sa likod ng sambahan at ang bakanteng lote at training space sana ngunit ginawa nilang taniman ng gulay.
“pagpasensyahan mo na at maliliit ang kwarto.pero malinis naman at malamig ang mga iyan dahil may blessing ko rin ang buong sambahan upang maging presko sa mga followers ko sa kanilang pamamahinga.kung gusto mo ay marunong din akong magmasahe.”sabi ni demeter.
“ah eh.ok na po ako dito.”sabi ni daryl na biglang namula sa hiya.
Nagdaan pa ang mga oras at patuloy na inilibot ang binata sa loob ng sambahan.
Maliit man kung titignan kumpara sa ibang sambahan ngunit malinis at maayos naman ang lumang sambahan.
Kinagabihan habang magkakaharap sa lamesa at kumakain ng hapunan.
“ah bela.maaari bang samahan mo si daryl bukas para maexperience naman nya ang pakikipaglaban sa mga low level monsters.”sabi ni demeter.
“opo.wala naman po akong gagawin.mainam na din po iyon at kahit papano ay kikita kami.”sabi ni bela.
Naiiba ang donation system ni demeter kumpara sa ibang mga gods na umaasa sa donation ng  kanilang mga followers.
Hindi importante kay demeter kung meron o walang laman ang donation box nya na dapat lang naman na lagyan ng mga followers lalu na at maraming blessing ang dumarating sa kanila sa mga raid.
Ang gusto nito ay palaging makasama ang mga followers kahit sa pinakasimpleng harapan sa hapagkainan.kuntento ito sa kahit anong pagkain na lutuin at ihain ng kanyang mga followers basta sama sama silang kumakain at masaya .
At kapag nakakahawak ng pera,malaki  man o maliit ay inilalaan din para sa lahat ng followers upang magbigay ng ligaya.
Parang isang ina na naghihitay sa pagbabalik ng kanyang mga anak at hindi humihingi ng kapalit.
“natutuwa akong makatulong sayo daryl.isa akong alchemist.ang sabi ni holy guide demeter ay lvl 11 na daw ako.skills ko ang paggawa ng mga potion at explosive.pero hindi rin naman ako mahusay pa.mahihina lang ang ipekto ng mga gawa ko.pero kung hanggang lvl10 na mosters lang ay kakayanin ko pa ng mag isa.”sabi ni bela.
Walang idea si daryl na lahat ng naging follower ni demeter ay pinaka mataas na ang lvl 15.kumpara sa ibang worship na may roon pang lvl 70.
Lvl 99 ang max lvl ng isang normal raider sa kanyang mga ability at stat   ,.lv.100-297 ang tinatawag na power class,at lv.298 -396 ang super class.
“anong ang ability mo?”sabi ni bela.
“ah hindi ko alam eh.”sabi ni daryl.
“isa syang melee type.nasa zero lvl pa lahat kaya wala pang skills na lumalabas.kundi ang mga basics ability.”sabi ni demeter.
“hindi madaling trabaho yan.pero malalakas ang ability at skills ng mga melee.”sabi ni bela.
“ah.pwede mo bang ipaliwanag sa akin ang kaibahan ng mga ability at skills .”sabi ni daryl na noon ay naniniguro lang kung tama ang pagkakaintindi gaya din ng mga rpg games na nalaro na nya noong nabubuhay pa.
“ok.ang ability ay yung mga basic movement na ginagawa natin.
Like for example,basic weapon skill,jumping,dodging, reflex ,pumel, kick,martial arts, dance, sharp shoot ,tumbling,parry,block,run,fishing at  lahat ng pwede mong maging galaw.masmadalas mong gawin mastumataas ang lvl.
Ang skills naman ay mga espesyal na galaw ng iyong katawan gaya halim bawa ng potion making ko or yung mga deadly attack at defese.
At ang stats mo naman ang base lvl ng pangkalahatan.gaya ng strength ,agility,dexterity,intelligence,at vitality.dito naman direktang idinadagdag ng mga holy guide ang bawat spirit essence point accumulated ng mga napapatay na halimaw.bukod pa sa natural lvl progress natin.”sabi ni bela.
“hindi pala advisable na wag humingi ng tulong sa mga holy guide.sayang ang mga essence maiipon lng ng maiipon.”sabi ni daryl.
“oo.pero kung intensyon mo lang ang mabuhay gaya ng ginagawa ng karamihan.nagstay lang sila sa mga low level field.ok na sa kanila ang mga low lvl monsters para kumita ng sapat na pera para sa araw araw na pangangailangan.kaya hindi na nila hinahangad pa ang blessings at guidance ng mga holy guide.”sabi bela.
“intindihin nalang nating sila.ganyan lang talaga.dahil gusto lang nilang mabuhay ng mapayapa.kaso hindi sila pinalad na mamuhay dito sa loob.kaya wala silang choice kundi ang gawin ang mga bagay na nakatakda sa kanila.hindi sila pupunta sa mga lugar na alam nilang delikado at masmalalakas ang mga halimaw.”sabi ni demeter.
“pano po kung biglang sumugod ang masmalalakas na halimaw.”sabi ni daryl.
“edi magtatago nalang sila at hahayaang ang malalakas ang humarap.”sabi ni demeter.
“pano nalang po kung walang malalakas na lalaban para sa kanila.edi mamamatay nalang sila doon.”sabi ni daryl.
“tama.kaya dapat ay magpalakas kayo.wag nyo silang tutularan.kahit paunti unti.masmalaki ang chansa ninyong makatulong kung magiging malakas kayo dahil profession ninyong mga raiders ang lumaban.”sabi ni demeter.
“hindi po kasi patas ang equality ng batas sa mga tao dito.nakakalungkot lang po.”sabi ni daryl.
“hindi rin naman namin ginusto ito.lahat nang nangyayari ay gawa din ninyong mga tao.mahigpit na.ipinagbawal ng lord god na  kami ay makikialam.bastat gawin lang namin ang aming trabaho.”sabi ni demeter.
“wala po yon.tama naman po kayo.”sabi ni daryl.
“sandali lang.ano pala ang gagamitin mo bukas sa first raid mo?”sabi ni demeter.
“wala pa po.pero mahihina lang naman po ang mga haharapin ko.baka mamulot nalang ako ng kahoy o bato.”sabi ni daryl.
“mahihirapan ka nyan.teka sandali.meron ako ditong itinatagong sandata.matagal nato dito eh.hindi ko maitapon tapon kahit luma na at kalawangin.”sabi ni demeter.
Tumayo ito sandali at nagtungo sa sala kung saan naroon ang lumang baol na matagal na.nyang hindi binubuksan.
Hinalukay ang baol hanggang sa makuha ang isang luma at kalawangin na espada.
“galing pa yata ito sa world war.hihihi.pero kahit papano ay makakatulong ito sayo.ipacheckup mo nalang sa black smith dyan sa bayan.doon kay sir lukas.mabait yun.”sabi ni demeter at inabot ang lumang katana.
“salamat po.nag abala pa po kayo.kumain na po muna tayo.”sabi ni daryl.
“excited na kasi akong makita ang progress mo.at syempre gusto kong siguruhin na ligtas kayong makakauwi.kahit manlang sa lumang gamit na yan.pasensya na kayo ha.yan lang ang meron ako eh.”sabi ni demeter.
“ah ok na po ito.ang ganda nga po eh.gagamitin ko po ito palagi.”sabi ni daryl upang pagaanin ang loob ng goddess.
Matapos ang hapunan ay pumasok na sa kanyang silid ang binata.
“hindi ko parin makuha ang ibig nilang sabihin na dito kami lilitisin.ano ba ang dapat namin gawin dito.wala talaga akong clue.katulad nito.parang napunta lang ako sa ibang mundo na mas worst pa sa dati kong buhay.ngayon eto mauubliga akong maging sundalo dahil yun ang batas na kinalalagyan ko.walang pagkakapantay pantay ang mga tao.wala naman choice kundi sumunod.dito na siguro ako habang buhay pag namatay ako dito.haaayy bawal talaga mamatay.kailangan lumaban.ayokong maging halimaw.”sabi ni daryl.

Zero To HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon