16.advance ability mastery

234 33 0
                                    

Sa tulong ng mga mages sa buong kaharian ay madaling naibalik ang mga nasira ng matinding laban gamit ang kanilang restoration magic.
Ngunit ang mga buhay ng mga nasawi ay hindi na mababawi pa.
At ang hinagpis ng mga naulila ay hindi  magagamot basta basta ng pahinga kayat laganap ang kalungkutan sa kabayanan.
Ngunit ang mga tao ay kailangang magpatuloy at nagsilbing aral ang biglaang pag atakeng iyon na matagal nang hindi nagaganap sa loob ng kaharian kung saan ang boss monster ay higit na masmalakas kaysa sa kanilang mga iniidolong elite 7 holy guide followers..
Nagising si daryl sa sahig ng waiting shed nang makita sya nila demeter na noon ay agad na hinanap dahil sa pag aalala  matapos ang mga labanan at ang paligid ay ligtas na.
“Akala ko kung ano na ang nangyari sayo.buti naman at ligtas ka.”sabi ni demeter habang yakap si daryl at napawi ang pagaalala.
“Ayos lang po ako holy guide demeter.bakit lumabas na po kayo,delikado po dito sa labas.”sabi ni daryl.
“Ligtas na ngayon ang lahat.patay na ang mga halimaw.”sabi ni demeter at sakto naman na nakita na rin sila nila bela,mia,edge,rina at himawari na noon ay humahanap din kay daryl na alam nilang tumulong sa kasagsagan ng labanan.
Habang papauwi ay malalim ang pag iisip ni daryl.
Nakita ni daryl kung gaano sya kahina at kung paano syang pinaglaruan ng halimaw dahil lang sa mababang level.
Ngunit ang labis na nilalaman ng kanyang isipan sa nakaraang insidente ay ang lalaking tumulong sa kanya.
Gusto nyang malaman kung sino ang lalaking ito na nakahihigit ng masmalaki sa lakas ng mga tanyag na elite 7 na labis na nyang hinahangaan at inirerespeto.
Nakita nya ang lakas ng lalaking nakaputi na kahit ang vajara na hinaharap ng tulong tulong na elite 7 ay nararamdaman nyang sandali lang papatayin ng lalaking iyon na may napakalas na calming magic aura at pinagmukang mahinang bata ang minion vajara.
Sinubukan nyang alisin sa kanyang isipan ang lalaking iyon,ngunit pabalikbalik ito at hindi makalimutan.
Kayat nagpasya si daryl na hanapin ang lalaking iyon para humingi ng payo kung paano nagkaroon ng ganoong lakas na hindi masilip ng level reader gaggles.
Tahimik lang ang binata habang naglalakad.
“oh bakit tahimik ka.kanina pa kita napapansin,maymasakit ba sayo?”sabi ni demeter.
“huh?!.ah eh.wala po!.ok lang po ako.may iniisip lang po ako.”sabi ni daryl.
“Ano yun?.baka matulungan kita kung ano man ang iniisip mo.”sabi ni demeter.
“kanina po kasi,kamontik na ko,pero may tumulong sakin,napakalakas po nya.hindi sya katulad ng mga malalakas na follower ng ibang holy guide gods.masmalakas pa po sya doon.at ang kakaiba po ay hindi sya masilip ng level reader.nakasoot po sya ng puti at mahabang damit na pang mongha,mahaba ang buhok at may hawak na mahabang bakal na baston.  ”sabi ni daryl.
“sorry daryl.pero hindi ko rin sya kilala.pero sa tingin ko.baka masagot ka ni athena.marami syang kilalang malalakas na tao.”sabi ni demeter.
“salamat po holy guide demeter,sapat na po yon.makikipagkita nalang po ako kay holy guide athena.”sabi ni daryl.
Kinabukas ay hindi sumama sa raid si daryl ngunit pinasama nito si edge na matapat sa kanya upang pangalagaan parin si mia at sumabay sa pagpapalakas.
Alam ni demeter ang dahilan ng hindi  pagsama ni daryl na walang inililihim sa kanya kayat tumulong ito para makausap ni daryl si athen.
Pinaunlakan ni athena ang request ni demeter na pakikipagkita ni daryl sa kanyang mansyon na sambahan.
Nagtungo si daryl sa mansyon ni athena.
“good morning po sir darwin,nandyan po ba si holy guide athena?”sabi ni daryl kay darwin nang salubungin sya sa gate.
“Oo.kanina ka pa nya hinihintay.”sabi ni darwin at pinapasok si daryl sa loob ng mansyon.
“anong maipaglilingkod ko sayo daryl.welcome back sa aking sambahan,next time direct ka na sakin ha.alam mo naman na open para sayo ang sambahan ko.hindi ko nakakalimutan ang ginawa mong tulong sakin.”sabi ni athena.
“wala po yun.tsaka matagal na po yon.”sab daryl.
“humble ka parin.sige ano ba ang gusto mong itanong sa akin.”sabi ni athena.
Isinalaysaya ni daryl ang buong nangyari sa kanya sa nakaraang insidente ng vajara.
“nagbabakasakali lang po na baka kilala nyo yung tumulong sakin.?”sabi ni daryl.
“wait lang ha.parang kilala ko nga yan.nakabalik na pala sya?”sabi ni athena.
“Po?.sino po?”sabi ni daryl.
“si agustos!.isa sya sa mga royal raider guard ni king david,tama ang sinabi mo.malakas sya.lahat silang apat ay talagang malalakas.bakit hinahanap mo sya.”sabi ni athena.
“Gusto ko lang po makapagpasalamat sa pagtulong nya sakin.kung hindi po sya dumating baka napatay po ako ng maliit na vajara.”sabi ni daryl.
“I see .okie!.kung gusto mo syang makita.syempre doon mo lang sya makikita sa palasyo.kaya nga royal guard eh.”sabi ni athena.
“Ah sige po,pupunta nalang po ako doon.”sabi ni daryl.
“baka hindi ka makapasok sa palasyo.bawal ang walang apointment doon.”sabi ni athena.
“gagawan ko nalang po nang paraan.baka sakali.”sabi ni daryl.
“o sige.ikaw ang bahala.ingat ka.”sabi ni athena.
Ipinahatid ni athena sa palasyo si daryl kay darwin gamit ang kanilang karwahe.
Sa gate palang ng palsyo ay ayaw nang tanggapin si daryl nang biglang makita.ng mga guard ang kwintas ni daryl.at biglang maalala ni daryl ang halaga ng kanyang natanggap na parangal sa hari.
“Ipagpaumanhin mo binata.hindi namin napansin ang soot mong kwintas.sandali lang at ipapaalam ko sa butler.”sabi ng gwardya.
Kayat natuwa ang binata.
Maya maya pa ay personal na bumaba ang hari upang salubungin si daryl.
Agad nagbigay galang si daryl at nagbow.
“daryl!.ano at nadalaw ka sa aking palasyo.nabalitaan ko ang ginawa mo kahapon.matulungin ka parin gaya ng inaasahan.”sabi ni king david.
“tungkulin ko po na tumulong sa mga nangangailang lalu na po sa mga ganoong sitwasyon ng kaharian.”sabi ni daryl.
“ano ba ang dahilan nang iyong pagparito?”sabi ni king david.
“gusto ko lang po makapagpasalamat sa taong nagligtas ng buhay ko kahapon.dito ko daw po sya matatagpuan sabi ni holy guide athena.nakasoot po sya ng puti at mukang mongha.”sabi ni daryl.
“ah oo tama.baka si agustos ang tinitukoy mo?”sabi ni king david.
“opo.sya nga daw po.”sabi ni daryl.
“o sige maaari mo syang puntahan sa hardin,diretsohin mo lang ang landas na yan.pasensya na ha.hindi na kita masasamahan pa at kasalukuyan kong tinatapos ang mga pirmahin ko,bumaba lang ako dito at importanteng tao ka.”sabi ng hari.
“Opo mahal na hari.maraming salamat po sa pag aabala ng oras ninyo.”sabi ni daryl.
“o sya sige.iwan na kita.”sabi ng mabait na hari.
Nagtungo si daryl sa garden ng palasyo kung saan madalas ang hangout ng 4 na royal raider guard.
Agad napansin ng apat ang kanyang pagdating at nakamatang naghihitay sa kanyang paglapit.
“ah magandang araw po!”sabi ni daryl na noon ay nahihiya pa.
Biglang lumapit si minerva na noon ay napakaganda at sexyng katawan sa soot nitong mapanuksong damit na black dress at agad na hinawakan ang kamay ni daryl.
“wag ka nang masyadong pormal pogi.halika na dito sa loob ng pabilyon,may kailangan ka samin tama ba?”sabi ni minerva na sadyang mahilig sa mga binatang lalaki na kaidad ni daryl.
Hiyang hiya si daryl dahil tinitingala nya ang mga royal guards sa reputasyon ng mga ito.
“Teka na aalala kita.ikaw yung level 48 na mag isang lumalaban sa minion vajara.napaka reckless nun bata.”sabi ni agustos.
“opo sir.pero hindi ko po yun kagustuhan,talaga lang po naabush ako nang halimaw na yun.nagkataon po na nagtatago pala sa bahay na tinungtungan ko yung halimaw,naghahanap po kasi ako ng mga sugatan para dalahin sa mga manggagamot.”sabi ni daryl.
“kaya naman pala.akala ko ay katulad ka rin ng iba na nagmamadaling mamatay.”sabi ni agustos at ngumiti.
“Gusto ko pong magpasalamat sa pagtulong ninyo sakin,iniligtas nyo po ako.maraming salamat po.”sabi ni daryl.
“Naman.kung alam ko lang na may ganito kapogi doon sa labas ,dapat pala ay lumabas na din ako.pakiss nga.”sabi ni minerva sabay halik sa leeg ni daryl.
“hmmm ang bago pa.”sabi ni minerva.
Namula si daryl sa hiya at hindi nakakibo.
“Wag mong landiin yan.parang anak mo na yan.”sabi ni pietro.
“nainggit ka nanaman,matanda ka na kasi.hindi naman tumatanda ang katwan natin dito,tsaka kaakit akit naman ang alindog ko.ayaw mo pa kasing aminin na gusto mo rin ako.hump!”sabi ni minerva at naupo na sa kanyang upuan.
“Pagpasensyahan mo na sila.ganyan lang talaga kami dito,sya pala si minerva,si pietro at victor.”sabi ni agustos.
“ako naman po si daryl,gusto ko po sanang humingi ng payo sa inyo.nakita ko po kung gaano kayo kalakas,hindi po kayang pantayan yun nila sir gregory at sir rando.humahanga po ako sa kakayahan ninyo.baka po mabigyan nyo ako ng paraan kung paano magkakalakas na tulad ng sa inyo.hindi po kayo mabasa ng level reader glass.”sabi ni daryl.
“tagahanga na pala kita ngayon?alam mo bang ikaw palang ang labis na nagpakababa ng ganyan para makiusap sa aking payo.bakit mo yan ginagawa?.”sabi ni agustos.
“gusto ko po magkaroon ng lakas na katulad ng sa inyo para makatulong sa mga panahon gaya ng nangyari kahapon.”sabi ni daryl.
“pero hindi ba tumutulong ka na sa ginagawa mong pagkuha sa mga sugatan.hindi pa ba matatawag na pagtulong iyon.”sabi ni agustos.
“opo.tama po.pero”sabi ni daryl nang biglang magsalita ulit si agustus.
“kung hindi mo sasabihin sakin ang totoo,wala akong maitutulong sayo kung ngayon palang ay hindi ka na nagtitiwala sa akin,paano kita pagtitiwalaan.”sabi ni agustos.
“ang totoo po.nakita ko po kung gaano ako kahina.hindi dahil mababa ang level ko.marami pa akong dapat na matutunan na nakita ko po sa pamamaraan ninyo.gusto ko pong lumakas hindi lang para makatulong sa mga kapwa ko na naiipit sa mga pataya na ginagawa ng malalakas na halimaw,kundi dahil natatakot po ako para sa mga kaibigan ko lalu na po kay holy guide demeter.gusto ko pong siguruhin na kaya ko syang ipagtanggol sa lahat ng kalaban at mabigyan sya ng karangalan na matagal nang nalimot ng mga tao dahil sa kawalan nila ng paggalang sa iniisip nilang pinakamahinang goddess.matagal na din po syang nagtitiis ng dahil doon.”sabi ni daryl.
“Ang sweet,nakakaamoy ako ng pag ibig,ang sumo total ng rason mo ay si holy guide demeter.nobya mo ba sya?”sabi ni minerva.
“Po?!.h-hindi po.”sabi ni daryl.
“namumula ka eh.pero gusto mo?kung mabibigyan ka ng pagkakataon.hihihi ang dali mong basahin eh.”sabi ni minerva.
Natahimik si daryl.
“Malinaw na ngayon.naiintindihan kita.minsan na din akong umibig.pero gustuhin ko man ay wala akong maitutulong sayo,kung tama ang naiisip ko.non magic user ka tama ba?”sabi ni agustos.
“Opo sir.”sabi ni daryl.
“isa akong magic user at malaki ang pagkakaiba ng mga ability natin.pero alam ko kung sino ang makakatulong sayo.”sabi ni agustos.
“Ako!!.yehey.!”sabi ni minerva.
“Hinde.magic user ka din eh.may binabalak ka nanaman sa bata.tigilan mo yang kalandian mo.”sabi ni pietro.
“hihihi.sya ang kailangan mo.si pietro o kaya ay si victor,parehas kayong non magic users.katulad ko rin silang tatlo na level B ang category.hindi mo talaga yun makikita sa level reader.
Nagkataon na si pietro ay isang lalaking naniniwala sa wagas na pag ibig kayat na dala ito sa layunin ni daryl.
“Dahil ginagawa mo yan para sa pag ibig mo kay holy guide demeter.sige ituturo ko sayo ang paraan.pero yun ay kung tataluhin mo ako sa inuman.”sabi ni pietro na noon ay nagbibiro lang na sineryoso naman ni daryl.
Napailing na ang mga kasama at alam na nagbibiro lang si pietro.
“po?hindi po ako malakas uminom eh.”sabi ni daryl.
“yun lang naman ang kondisyon ko.kung ayaw mo edi umuwi ka nalang.”biro parin ni pietro.
“Po?!.hindi po gusto ko po.iinom po ako!.”sabi ni daryl na sobrang ikinatuwa ni pietro.
“Napakadakila talaga ng pag ibig.hinahangaan kita bata.bukas magkita tayo sa park sa bayan at magsisimula ang training mo at hindi yon magiging madali dahil physical ang paraan nating mga non magic users.ok edi shot na tayo.”sabi ni pietro at sinalinan ang limang baso para sa bottoms up at nagpahain ng masasarap na pulutan at karagdagang alak para lahat ay magsaya.
Unang lagok ay hindi malulon ni daryl ang napakatapang na alak.
“kaya mo yan.sabi ni minerva habang akbay si daryl.”unang shot palang ay ramdam na ng binata ang mabilis na pagkahilo at paginit ng kanyang muka at punung tenga,at ang kanyang mata ay unti unting pumupungay.
Apat na sunod na shot pa ay tuluyan nang nalasing at tinanggap ng tinaggap ang sunod sunod na baso ng alak na sinamantala naman ng apat para sa kasiyahan hanggang sa dumukdok na sa lamesa ang binata at nakatulog.
Nagtawanan ang 4 ngunit humahanga sa binata.
Ipinahatid ng hari sa royal convoy si daryl dahil hindi na ito magising pa sa kalasingan at hiyang hiya kay demeter na nagawa pang magpadala ng mensahe..
Umaga ng umalis si daryl sa sambahan ngunit hating gabi na nang ihatid.Lasing na lasing si daryl na noon ay sinimplehan pala ni minerva na pinainom ng alak na may halong love potion at umaasang gagana iyon sa sandaling makita si demeter.
“good evening po holy guide demeter.ipinapaabot po ng hari ang kanyang paghingi ng paumanhin at nalasing po si daryl sa kasiyah nila ng mga royal guards.”sabi ng convoy.
“Ganun po ba.kaya po pla ginabi na sya.paki sabi nalang po sa hari na wala pong ano man.natural lang po sa mga lalaki ang umuwi ng lasing.”sabi ni demeter na noon ay masyado ang pag aalala kay daryl.
Agad ipinatuloy ni demeter sa loob ng bahay.At ipinahiga sa supa.
Nilinisan ng maligamgam na tubig ang katawan ni daryl na noon ay puro suka.
At dahil doon ay bahagyang nahimasmasan at nagkaroon ng malay kung saan kasalukuyang gumagana ang love potion.isa itong potion na nagpapalakas sa damdamin ng umiinom.
Alam ni demeter na may kakaiba sa amoy ng katawan ni daryl.
sigurado syang galing sa ipekto ng kung anong potion ngunit binalewala lamang.
Ngunit biglang hinila  ni daryl si demeter nang maaninaw ng kanyang mata at agad na hinalikan.
Nagulat si demeter at pumiglas noong una,na unti unting lumambot at dinama ang bawat halik ng labi ni daryl.
Dahan dahan na binitawan ni daryl si demeter na noon ay napapik sa sarap ng kanyang pakiramdam at narinig muli ni demeter ang magical word na unang narinig noong unang nalasing si daryl.
“gusto kita holy guide demeter.”sabi ni daryl at biglang nawalan ng malay dahil nawala na din ang bisa ng potion.
Tulala pa si demeter  na parang nasa cloudnine habang hindi malimot ang halik ni daryl na agad din nyang nalaman na ipekto ng love potion dahil nalasahan nito ang laway ni daryl na noon ay aktibo ang love potion.
Habang nakahiga sa supa at natutulog ay hinawakan ni demeter sa pisngi si daryl at hinalikan sa noo at sinabi ang magic word.
“gusto rin kita daryl.”sabi ni demeter sa natutulog na binata.
Buong magdamag na hindi nakatulog si demeter sa kaiisip sa halik ni daryl at kung paano haharapin ang isat isa kinabukasan.
Ngunit ang hindi nalalaman  ni demeter na ang   love potion ay nagsasabi lamang ng katotohanan ng damadamin at sa paggising ni daryl ay wala itong maaalala sa kanyang nagawa.
Kinabukasan  nang magising si daryl ay matindi pa ang hangang over kayat agad na tumakbo sa cr para sumuka.
Masyado ang pag aalala ni demeter at habang hinahagod ang likod ni daryl.
“Ahhhh.kasakit ng sikmura ko..”sabi ni daryl habang hilong hilo pa.
“Ikaw naman kasi.sinagad mo nanaman eh.katigas kasi ng ulo mo.sabi ko sayo wag ka nang maglalasing ng sobra.kung ano ano pa ang ginawa mo kagabi.”sabi ni demeter na para bang sinasadyang alalayan si daryl at inaasahan nang gagawa ng reaksyon  patungkol sa nangyari kagabi.
Ngunit wala talagang naalala ang binata.at dirediretso sa supa at namaluktot sa sobrang sakit ng sikmura at ulo dahil sa hang over.
“Bakit parang wala yata syang naaalala”sabi ni demeter habang pinagmamasdan si daryl sa supa.
“Siguro nga ay wala syang naaalala.”sabi ni demeter at nakahinga ng muluwag.ngunit hindi nito napansin na nakikinig sa kanya ang tatlo.
“Ayiiii.bakit po.may nangyari po ba kagabi.”sabi ni rina habang yakap sa braso si demeter.
Na sinegundahan naman ni bela.
“namumula po kayo.may ginawa po ba sa inyo si daryl.uyyy”bulong ni bela.
Yumakap naman sa bewang si mia at.”nagkiss po ba kayo?”sabi ni mia na natumbok ang nangyari kahit hindi sinasadya.
Namula sa hiya si demeter at hindi nakasagot kayat tinakpan nalang ang muka.
Maya maya pa ay tumakbo sa loob ng cr dahil hindi makapag isip ng ipagsisinungaling.
Nagtawanan ang tatlo at nagsipagbalik sa lamesa at nakikitawa na rin si himawari na noon ay nakikinig sa kanila at nauunawaan na ang namamagitan sa dalawa.
Habang si daryl ay walang naririnig dahil iniinda ang hang over.
Makalipas ang isang oras ng pamamahinga at pag inom ng malamig na tubig ay pinilit nang tumayo ni daryl dahil sa kanilang usapan ni peitro.
Lumapit ito sa mga babae na noon ay nag aagahan parin at napasarap ang kwentuhan kung saan patuloy nilang binubully si demeter.
Wala sa kanyang loob ang mga pinag uusapan ng mga babae nang maupo ito sa tabi mismo ni demeter.
Biglang tukop ng bibig ang mga babaeng kinikilig at nang aasar ng tingin.
“hmmmm ahhh.(hinga).kasakit pa ng ulo ko.pasensya na guys.magpapaalam lang muna ako sa inyo.hindi muna ako makakasama sa raid.may kailangan lang akong gawin.kapag natapos ko yon.promise sasama ulit ako.kayo na muna ang lumakad.kaya nyo naman basta palagi nyong babantayan ang likod ng bawat isa.kasama nyo din si edge .para bantayan kayo lalu na si mia, magpapatuloy ang pagpapalevel ni edge kasabay ninyo.basta magpalevel lang kayo at magpalakas kahit wala pa ako.para umabot tayo sa mga dungeon.maintindihan nyo sana.”sabi ni daryl na hilong hilo pa.
Natahimik ang lahat at nagulat.
“pero bakit?”sabi ni demeter.
“Wag po kayong mag alala.hindi naman ako aalis,uuwi rin ako tuwing hapon.may roon lang po akong dapat na gawin kasama ni sir pietro.yung royal raider guard.”sabi ni daryl.
“Promise yan kuya ha.pagtapos nyan gagawin mo, sasama ka na ulit ha.”sabi ni mia.
“oo naman.promise yan.”sabi ni daryl at ngumiti.
“ano ba yang gagawin mo at mukang napakaimportante.”sabi ni bela.
“hindi ko pa alam eh.basta malalaman ko mamaya kay sir pietro.”sabi ni daryl upang hindi na humaba pa ang mga tanong.
“ok sige.hihintayin ka namin.”sabi ni bela.
“okie thank you..basta magpalakas lang kayo.”sabi ni daryl.
Alam ni demeter na resulta iyon ng pakikipagusap ni daryl sa lalaking tinutukoy kayat nagtiwala nalang at inintindi ang binata.
Takot na mahuli sa napag usapan kayat agad na nagpaalam para umalis kahit nahihilo pa sa hang over.
Napakaaga na ni daryl ngunit masmaaga pa si pietro.
“O bakit ganyan ang itsura mo.may hang over pa ba?.sabi ko na at tama ako eh.o ito amuyin mo para mawala agad yan nang makapagsimula na tayo.”sabi ni pietro at ibinigay ang isang maliit na bote.
“Bago tayo magsimula,ipapaliwanag ko muna sayo ang lahat lahat tungkol dyan sa katawan mo.parehas tayong non magic user at pareho din na swords man.
Ang level ay palaging ikalawa lang ng ability.
Masmalakas at masmaraming  ability,masmataas ang tyansang manalo.
Hindi ibigsabihin na masmataas ang level ng kalaban mo ay wala ka nang pagasa,hindi tama yon.
Kahit mataas ng level ng kalaban mo ay nasasaktan mo parin sya,kaya sa unti unti mong pag atake gamit ang iyong husay sa iyong mga ability ay matatalo mo sya ng paunti unti.
Imagine na meron kang magaling na ability gaya ng sinasabi ko,tsaka natin dagdagan ng mataas na level na makukuha mo sa masmaraming experience sa pakikipaglaban,magiging napaka epektibo mo.
Kaya tandaan mo.una palagi ang ability at skills,ikalawa lang ang level.babalansihin mo depende sa makakalaban mo.
Para maabot mo ang higher parameter ng level improvement,syempre simple lang.kailangan mo lang ng maraming exp.na makukuha habang masmalalakas ang nakakalaban mo at tinatalo.masmalakas masmalaki ang exp.
Kaya tuturuan kita ng adisyonal na paraan para paghusayin at pagtibayin pa ang mga ability mo at ang mga karagdagan na ability at skills  na kailangan mo,para tumaas ang tyansa  na mananalo ka sa masmalalakas sayo.sa ganoong paraan ay mapapadali ang pagiipon mo ng experience.
Dahil non magic users tayo,palagi tayong umaasa sa mga physical training or physical experience.
Kaya sa gagawin ko ay talagang mappwersa ang katawan mo.dahil ang ability at skills na ituturo ko sayo ay hango sa pinakahirap na katawan ng tao.at hindi basta basta natutunan.kadalasan ay inaabot ng maraming taon bago lumabas ang mga ability dahil sa dami ng pasakit na inaabot sa pakikipaglaban.swerte lang tayo at alam na natin ang paraan o proseso kung paano iyon makukuha at mattraining dahil din sa kanilang mga nakatuklas sa ability.kailangan nalang ng hard training.
Sa training natin,matututunan mo ang gumamit ng advance ability  and skill.
Una ay ang  large trend muscle control ability.kung saan magfofocus sa malalaking hibla ng muscles mo.na syang gumagawa ng lakas at tibay.madedevelope mo dito ang buff type reinforcement  support skill na kung tawagin ay push.lalakas ng higit ang power ng muscles mo depende sa tindi ng  training o experience ng ability  mo na naayon sa isip mo.
Pangalawa ang small trend muscle control ability,ito ang advance reflex ability na syang ugat ng lahat ng speed.madedevelope naman dito ang buff type reinforcement support skill na tinatawag na pull.bibilis ang lahat ng pagkilos mo depende parin sa trining o experience ng ability mo na naayon sa isip mo.palaging isip natin ang gumagagawa ng limiter kung hanggang saan ang kaya nating dalin.
Pangatlo ang  endurance solidification muscle control ability.para naman patigasin ang mga bahagi ng mascles mo hanggang sa mapalabas natin ang passive  type reinforcement support skill na kung tawagin ay yudo o yung kalamnan na kasing tigas ng bakal na kusang gagana kahit hindi mo isipin dahil kabisado na ng mga laman at sub conscious  mo.
Masmaraming pagkakataon na nabubugbog ang katawan mo at lumalaban ay masmalakas na yudo ang makukuha mo.
Yan ang sikreto ng tibay nating mga non magic user.ang yudo.
ang iba na hitik ang pagsasanay sa yudo ay nagiging kasing tibay ng pinakamatigas na baluti.
Parang automatic armor yan na magaactivate sa oras na gamitin mo ang muscles mo sa pagsalag o sa pag atake.
Kaya ang unltimate secret ay combination ng tatlong skill.ang push,pull at yudo.
Kasangkapan iyan ng ability at level.para maging tunay na killing machine.”sabi ni pietro.
“wow!.astigen po pala.handa po akong mahirapan sir.”sabi ni daryl.
“buti naman kung ganon.hahatiin natin sa tatlo ang training mo araw araw.
Magsisimula tayo ng 8am sharp.kaya madaling araw palang ay tatakbo kana papunta sa private gym namin.bago mag 8am.hindi ka sasakay ng kahit anong sasakyan.
3hrs sa large trend muscles.
3hrs sa small trend muscles.
3 hrs sa muscle endurance.
At 3hrs sa over all ability enhancement sa actual battle ng self copy dami doon sa magical sparing room.
Lalabanan mo ang sarili mo para makita mo kung saan ang mga bahagi na mahina ka.
At kapag nakapag adopt na ang katawan mo sa hirap ng training ay maaari mong gamitin ang  teleport gate ni agustus sa mideocre dungeon ng karapasya mountain peek.doon karin babalik kung saan ka lumabas.
Lalakas ang mga muscles mo at  lalaki depende naman sa kinakain mo,kaya sa tamang diet makukuha mo ang laki ng katawan na gusto mo habang ginagawa natin ang hard training mo.
Ginusto ko ang ganito kalaking katawan kaya maraming karne ang kinain ko.”sabi ni pietro na mukang wrestler ang katawan.
“simple lang po ang gusto ko para balanse ang lakas at bilis.”sabi ni daryl.
“Bantayan mo nalang ang diet mo.halika na at nang makabisado mo ang daan papunta sa training gym.ikaw lang ang pinapayagan namin na gumamit doon.kaya hindi mo pwedeng sabihin sa iba.”sabi ni pietro.
“ok po.”sabi ni daryl.
At nagsimula nang tumakbo ang dalawa patungo sa secret training gym ng apat na royal guard kung saan ang facilities ay sila mismo ang gumawa base sa pangangailangan ng ability training.

Zero To Heroजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें