Chapter One

37 0 4
                                    

READ THIS FIRST: Matagal ang update? I know, isa lang naman akong kolehiyo na halos wala ng bakasyon kaya ang update ko lang kung kailan ako may free time. So, read at your own risk guys hahaha ayoko ng makabasa ng "GUSTO KO SANA YUNG STORY MO KASI ANG GANDA KASO LANG ANG TAGAL MO KASI MAG-UPDATE KAYA TATANGGALIN KO NALANG SA LIBRARY KO" *pakikonaman* char hahaha pero please kung ayaw niyo ng matagal na update like 5 chapter per year :D wag niyo na balakin basahin 'to balik nalang kayo pag tapos na. I warn 'ya! Bahala kayo.

THE GIRL

Mayaciel Recana POV

"HOW about the geometric mirror?" suggest ni Hailey kay Empress na siyang leader namin dito sa group project na 'to na kailangan lang naman ipasa na next week.

"Nah! Masyadong common." Sagot ni Empress dito sabay sip sa cappuccino na inorder nito.

Kanina pa kami dito sa Nikkita's Café pero hanggang ngayon wala pa rin kaming— I mean, silang naiisip na gagawin namin. Hindi naman kasi ako tumutulong sa pag-iisip hassle lang yan, taga-gawa lang ako, bala na sila mag-isip.

"Geometric town nalang kaya." Suggest ni Nickel ang dakilang alalay slash utusan ni Empress.

Iritang ibinaba ni Empress ang cup na hawak niya "Really Nick? Yan na yung best mo?" saka nito inirapan ang huli.

Natawa nalang ako ng mahina nang bumulong pa si Nick ng 'nag-ssuggest lang naman'. Pero hindi na siya pinansin ni Empress.

Nilingon naman ni Empress si Ashielle na nasa kaliwa nito. "You! Ashielle, any suggestion?" nakataas ang kilay na tanong nito.

Tinitigan lang ni Ashielle si Empress sabay sabing "Wala, wala 'kong maisip."

Isang matinding pag-ikot naman ng mata ang natanggap nito mula kay Empress "Useless human being." ouch!

Hindi naman ito pinansin ni Ashielle sanay na rin kasi kami sa ugali niyang si Empress. Mula ba naman kinder magkaka-kaklase na kami. Ganiyan talaga siya kasakit magsalita, sanayan nalang.

"Ikaw Maya!" La! Eto na ang paglilitis. "Baka naman may maitutulong yang cute mong utak?" iritado nang tanong ni Empress.

Cute, kung akala niyo namumuri siya pwes sinasabi ko na ngayon pa lang na hindi! Lagi niyang sinasabi ang word na cute pag naiinis siya.

At sa kasamaang palad ako ang laging nasasabihan niyan.

Halimbawa nalang ngayon sinasabihan niyang cute ang utak ko which means hindi nakakatulong yung quote and unqoute cute na utak ko.

Nginitian ko lang si Empress with matching labas may super white teeth na alagang colgate, kaya naman kitang kita ko ang pagtubo ng sungay at maraming galamay sa katawan niya. Pero syempre joke lang yung part ng sungay at maraming galamay. Pero kasi kung titingnan siya ngayon parang ganun na rin.

Bubugahan na dapat ako ni Empress ng apoy mula sa bibig niya ng isalba ako ni Hailey. 'YEAH! THAT'S MY GIRL!'

"Ahm, how about geometric lamp?" suggest ni Hailey na nakapag-patigil sa pagbuga ng aboy ni Empress sakin.

Pinag-krus muna ni Empress ang braso bago nakataas ang kilay na nagsalita kay Hailey "What kind of lamp?"

"Beehive, I mean geometric beehive lampshade. Hindi siya ganun ka common kasi hindi pa naman yun nagagawa ng mga batch na nauna sa'tin saka tingin ko mas matutuwa si Sir kapag yun ang ginawa natin." Paliwanag ni Hailey.

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Mar 07, 2021 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

Twist Of FateTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang