08

179 14 10
                                    

Dapat masaya ako ngayon. Isang buwan na akong nagtratrabaho rito at katatanggap ko lang ng aking unang pasahod.

”Uy, huwag ka nang malungkot. Baka busy lang talaga si Rhys kaya ganoon,” I can hear the hesitancy of Yvonne as she said the last line.

Busy. Busy ignoring me. Kung noon, nagagawa niya pa akong tapunan ng tingin ngayon ay hindi na. Para akong hangin na kahit nasa paligid lang ay hindi niya napapansin.

Naiintindihan ko naman kung bakit siya nagalit, e. Siyempre pinahiya ko siya sa harap ng kaniyang mayayamang kaibigan kaya ganoon na lang siya kung makapagreact. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit umabot ng isang buwan ang hindi niya pagpansin sa akin! I tried alright! I tried but he kept on shoving me. Nang napuno siya sa akin ay nag-effort pa siyang magpahayag ng restriction order na bawal akong palapitin sa kaniya.

What was that?

Ginawa niya pa akong ‘personal’ nanny kung ayaw niya akong palapitin sa kaniya personally?

Tapos kanina noong bigayan na ng mga sahod namin, pinakahuli ako. Though that wasn’t a big deal for me, alam kong ako iyong pinakabaguhan kaya ayos lang iyon. Pero noong turn ko na hindi na ako pinapasok sa opisina niya dahil dala na pala noong nauna sa akin ang sahod ko. Ang sabi pa ay, abala na raw si Rhys kaya hindi na niya maibigay sa akin personally.

Busy his face. Kung galit pa rin siya, galit na rin ako! You can’t just ignore a person’s existence then later get angry because of that person’s act like you really cared!

Kung hindi lang talaga impossible, iisipin kung nagseselos siya sa akin at sa lalaking iyon sa bar, e!

I rolled my eyes harshly. “Excuse me, Von. May tatawagan lang ako,” saad ko bago pumasok sa kwarto ko at sumalampak sa kama.

One ring was all it take before he answered.

”I missed you!” pambungad ko, sadness and longing drip in my voice.

“Uwi ka na, hindi na ako galit,” ani niya sa kabilang linya habang natatawa. Kahit kailan talaga feeling bagets itong si Tatay. “Miss na rin kita, Anak. Kumusta ka na riyan?”

“Ayos lang ako, ‘Tay.” kahit na hindi ako pinapansin ng amo ko. “Kayo po ba? Oo nga po pala, nakuha niyo na po ba iyong ipinadala ko?”

“Ito, guwapo pa rin, anak. Ngayon ko lang nakuha, nandito pa nga ako sa Palawan ngayon, e.” napangiti ako sa sinabi ni Tatay. Kahit kailan talaga ang hangin. “Pero ang laking halaga naman nito. Saan ko naman ito gagamitin? May iniligpit ka pa bang pera para sa iyo? Huwag mong sabihing ipinadala mo lahat sa akin,” pabulong pa nitong dagdag.

“Huwag kayong mag-alala, may pera pa po ako rito.”

Totoo iyon. Plano kasi naming mamasyal at magshopping ni Yvonne, pumayag ako kasi gusto kong may gamit na makita palatandaan na ito ang aking nabili sa una kong suweldo. Remembrance kumbaga. Saka may nahulog na rin akong ipon sa aking alkansiya.

“Salamat anak, ha? Pero kung nahihirapan ka na riyan, puwede ka namang umuwi at bumalik dito sa atin. Kaya pa naman kitang buhayin kahit uugod-ugod na ng kaunti ang Tatay.”

“Tatay, gusto mo na naman akong i-spoil, e!” ngumuso ako. “Kaya ko po. Ang mas mabuti pa ay umuwi na kayo para makapagpahinga. Bumili ka na rin po ng paborito mong biko dukot sa merkado!”

“Alam mo talaga ang tumatakbo sa isipan ko. Papunta na ako roon!” humalakhak ito nang bahagya. “May ipakikila ka na ba sa akin, anak?” nagsimula na siyang mang-usisa.

“Wala, ‘Tay!”

“Nako, ang hina mo naman. Kung ako iyang nasa ka-edaran mo, kaliwa’t-kanan na siguro ang karelasyon ko.”

The Broken Hearts ClubМесто, где живут истории. Откройте их для себя