06

146 8 2
                                    

This is my second day as her nanny.
So far, okay ang daloy ng trabaho ko. Akala ko ay mahigpit siyang amo dahil sa karangyaan at kagwapuhan niya. Kasi ganoon naman talaga kadalasan, hindi ba? Pero mali ako. 

Pero hindi pa rin talaga nawawala ang kontrabida sa isang kwento. Gaya lang ng sa akin, si Ambrosiya ang kontrabida. Ewan ko ba sa kaniya kung bakit ako ang kaniyang napagtripan. Hindi siguro pinapansin ni Bossing kaya ganoon.

“Anong gagawin mo ngayon, Zuya?” tanong ni Yvonne sa akin nang matapos kaming mag-umagahan. Sasagot na sana ako sa kaniya nang bigla akong nagburp.

“Sorry,” kakamot-kamot sa kilay kong paghingi ng paumanhin, nahihiya. “Siguro sasali ulit sa inyo. Wala naman kasing inuutos si Rhys sa akin, e. Saka nasa kompaniya niya iyon buong araw, kaya,” saad ko at nagkibit-balikat.

“Sige, ayos iyan nang makapagkwentuhan din tayo.”

Nang nagsimula nang magligpit ang mga kasambahay na sa kusina nakatalaga ay kaniya-kaniya na rin kaming kumilos. I excuse myself to Yvonne and to the others. Pupuntahan ko muna si Rhys at baka may ipapagawa pala iyon sa akin.

Kumatok ako ng tatlong beses sa kaniyang opisina ngunit walang nagsalita mula roon. Pinihit ko ang door knob at binuksan ang pintuan ngunit wala akong nakitang tao. Nasaan kaya ang isang iyon? Pumasok na ba siya? Hindi ko siya nakitang bumaba o narinig man lang ang ugong ng kaniyang sasakyan papaalis, a?

Sunod kong tinahak ay ang kaniyang kwarto. Kumatok ulit ako ng tatlong beses. Akma ko na sanang bubuksan ang kaniyang kwarto ng wala pa ring nagsalita ngunit naunahan niya na ako.

Nagkagulatan kaming dalawa.

His face is full of irritation. Naputol ko ang kaniyang pagkakatulog kaya sinong hindi maiirita? His hair is messy but it looks so goddamn hot on him. Naka-sando lang siya kaya nadedepina nang maayos ang kaniyang mala-adonis na katawan. Bumaba pa ang tingin ko sa kaniya at napagtanto kong naka-boxers lang siya.

Holy cow.

“Boss, ang laki,” wala sa sarili kong naisambit habang doon pa rin nakabaling ang paningin. Nanlaki ang kaniyang mata at agad niyang tinakpan iyon. Saka lang ako bumalik sa huwisyo nang marinig ang pabagsak na pagsarado ng kaniyang pintuan. Amporkchop, pinagsarhan ako?

Kinusot ko ang aking mata at ilang beses kumurap-kurap. Bakit nakatayo iyon? Ah, jusko, Nuzuya, ano ba iyang pinagsasabi mo? Shit. Hindi mawala sa isip ko ang itsura nun.

“Boss, ang laki ng kwarto mo. Oo, iyon nga iyon. Wala po akong ibang tinutukoy sa sinabi kong iyon,” nanginginig ang boses ko nang isigaw ko iyon. Sana lang ay hindi soundproof ang kaniyang kwarto.

Kailangan kong magsimba ngayong linggo, ang dumi na ng utak ko. Kailangan ko na atang maghilamos ng holy water. First time ko makakita nun ng live.

Ilang minuto akong nakatunganga sa labas ng kaniyang pintuan. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin.

Napatayo ako nang tuwid ng bumukas ang kaniyang pintuan. Nakatitig lang ako sa kaniyang likuran. Hindi ko siya matignan sa mata at lalo na doon sa ibaba.

“Forgot what happened earlier,” panimula niya at ibinigay sa akin ang isang folder.

“P-para saan ito?”

“Read it for yourself.” Napalunok ako sa lamig ng kaniyang boses. “And oh, thanks for ruining my sleep and curing my hangover,” he said sarcastically and closed the door between us. Again.

Huminga ako nang malalim at pumikit nang mariin. So much for this morning. Anyways, “You’re welcome,” bulong ko sa hangin na isasagot ko sana sa kaniya.

The Broken Hearts Clubजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें