05

186 12 4
                                    

Not all of our dreams will come into reality and not all that came into reality is what we've dreamed of. Just like my situation as of the moment. Never in my entire life I have dreamt to become a nanny. But due to circumstamces, destiny leads me unto where I am right now.

Since I was a kid I dreamt to become a chef. I want the world to have a taste of my specialty. I want them to feel what it taste like to eat a food cooked by someone full of passion and love. My dream... The dream that I will never give up. The dream that will be my inspiration to do my best in the present to live that dream of mine in the future.

I will not let my dreams stay as dreams.

But for now, I'll be contented with what I have. Hindi man ito ang trabahong pinangarap at ipinagdarasal ko gabi-gabi pero ito naman iyong trabahong ibinigay Niya. I trust whatever His plans for me is.

I stared at myself in a full-sized mirror here in my designated room at the mansion. I wore a black shirt with a green plant embroidered and match it with a grey jog pants and an open toe faux fur fluffly slippers that's been provided by our boss. Ganito muna ang get-up ko sa ngayon dahil hindi pa ako nagagawan ng uniporme kagaya ng iba.

Lumabas na ako sa aking kwarto at tinahak ang mahabang pasilyo papunta sa isang hall. Ang sabi sa akin ni Mamacitta ay doon magtitipon-tipon ang lahat ng kasambahay at trabahador dito tuwing umaga. Hindi ko alam kung bakit required na pumunta roon. Maybe they will do the briefing on what should I do while I'm in this house.

Nakaawang nang kaunti ang pinto rito kaya hindi na ako nag-abala pang kumatok. Pumasok na ako ngunit natigilan din nang makitang lahat sila ay nakatingin sa akin. I shifted uncomfortably. Ang ayaw ko sa lahat ay iyong may matang nakamasid sa akin, pakiramdam ko kasi limitado lang dapat ang pwede kong ikilos.

Pero kasalan ko rin naman. Kung naging mas maaga sana ako edi sana hindi ako iyong kahuli-hulihang pumasok rito at napagtuonan ng pansin.

I cleared my throat and greeted them in my low voice. "Good morning everyone."

"Good morning, hija. Buti naman at gising ka na. Please take a seat," pagbati sa akin pabalik ni Mamacitta habang iminumuwestra ang sofa na mayroon pang malawak na espasyo para roon ako maupo.

"Buti naman at nagising ka pa," nagpanting sa tainga ko ang sinabing iyon ng isang babae. Tinignan ko siya ngunit binigyan niya lang ako ng mapanuyang ngiti. Binalewala ko na lamang at inisip na kaya siya ganoon ay dahil hindi siya marunong ng tinatawag nilang sentence construction. Pasalamat siya optimistic at mabait akong tao.

Mabilis lumipas ang oras at natapos na agad ang aming usapin. Hindi naman pala araw-araw ang pagtitipon, tuwing unang Lunes ng buwan lang. Ang sabi kasi kada buwan nagsasalinan ng trabaho ang mga kasambahay rito. Kung ngayon sa kitchen ka nakatalaga baka sa susunod sa garden naman. Ito raw ang utos ni Rhys sa kanila. He wants us not to stay in one place, he wants us to try everything by doing this. His goal is for us to realize that we are not just good at one thing, that, we, also can be versatile and do multi-tasking.

"So, Miss, since tapos na kaming magpakilala. Pwede bang ikaw naman?" pagtatanong ng isang lalaki sa akin, iyong personal driver ni Rhys tuwing M-W-F. I don't know if I forgot his name or I didn't even have a chance to remember at all. Teka, parang parehas lang iyon ah?

Lahat ng taong nasa silid na ito ay nagpakilala kaya kaunti lang ang mga pangalang natatandaan ko dahil sa sobrang dami nila.

"Ako si Shullamyte Nuzuya Ramientos. Zuya for short. Don't bother to call me 'Ate' because I'm still young, 22 it is."

"Where are you from, Zuya?" ani ni Mamacitta.

"Cagayan De Oro," I said proudly.

"Bisaya ka?" they asked in chorus. I saw how their eyes widened and lips slightly parted. Anong meron?

The Broken Hearts ClubWhere stories live. Discover now