01

407 31 0
                                    

Pagkatapos kong maligo ay napagpasyahan kong lumabas muna. Gusto kong makipaglaro sa mga bata sa labas lalo na at maganda ang tyempo ng panahon ngayon. Hindi masyadong maaraw ngunit hindi naman makulimlim. Pero paano ako makakalabas?

Malamang, gamit ang pinto. Sigaw ng isang parte ng aking utak. Oo nga naman. But how could I go out without getting noticed by my family and the visitors?

My family is having a meeting with the family of my Ate's suitor. Siguro pormal silang manghihingi ng permiso ni Nanay at Tatay para ligawan si Ate.

Ganoon pala kapag nanliligaw? Ang dami pang pagdadaanang proseso? Kung ako naging lalaki, mas pipiliin ko nalang matulog kaysa magmahal. Less heartbreak, less tears to waste.

Kung papipiliin din ako ng magiging nobyo, kama ko ang pipiliin ko. Walang pagdadalawang-isip 'yan. Final answer. Padlock. Tapon susi.

Char lang. Mas gusto ko pa rin ng lalaki.

"Manang, saan mo po 'yan dadalhin?" tanong ko kay Manang nang makita ko siya pagbaba ko ng hagdan na may hawak na screwdriver, ang tagapangalaga ng bahay namin lalo na sa tuwing pumupunta kami sa ibang bansa.

"Sa labas. Kailangan daw ni Mario," ani niya. Kuya Mario is our personal driver.

"Ako na po," pagpepresinta ko. Kinuha ko na ang bagay na iyon sa kamay niya bago pa siya tumutol. Alam kong gagawa pa siya ng snacks para sa bisita and of course, I thought of this as a plan for me to escape.

Tahimik kung tinahak ang daan palabas. When I am finally near the dining area I can already sense the heavy atmosphere there. I heaved a sighed and continue walking without giving them a glance.

"Nuzuya," my father's authoritative voice echoed. Napaayos ako ng tayo at parang robot na humarap sa gawi niya.

"Yes, Tatay?" I uttered while painting my face with my sweetest smile.

"Where are you going? Come here," saad niya at tinapik ang espasyo sa sofa para doon ako umupo. Umiling ako at itinaas ang hawak kong screwdriver.

"Sa labas po. Ihahatid ko lang ito kay Kuya Mario." tinitigan niya ako nang mataman bago tumango. Napangiti ako at itinuloy na ang paglalakad, palayo sa kanila.

I am not in the mood to entertain visitors today. Hindi ko nga man lang matapunan ng tingin ang mga bisita dahil sa hindi ko malamang dahilan. Ang gusto ko lang ngayon ay makapaglaro, iyon lang.

Pagkatapos kong maibigay kay Kuya Mario ang kaniyang kailangan ay umalis na ako. Mabuti nalang at hindi niya ako napansin na tumakas dahil abala siya sa kaniyang ginagawa.

Nakita ko agad ang mga batang naglalaro sa ilalim ng punong Acacia. Ngiting-ngiti ako habang tumatawid sa two-lane road papunta sa kanila. Pero bago pa man ako makatawid ay may kamay na humila sa akin para mapabalik sa gilid at ni... niyakap niya ako.

"B-bakit?" tanong ko sa taong nakayakap nang mahigpit sa akin.

"May sasakyang papalapit sa'yo. Hindi mo man lang ba nakita?" tanong niya at binitawan ako at pumamulsa.

"Wala akong nakitang sasakyan kanina," himutok ko sa kaniya at pinagkrus ang dalawang braso.

"Siyempre hindi mo talaga nakita kasi focus na focus ka sa mga batang naglalaro."

Siguro nga meron. Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy na sa pagpunta sa mga batang naglalaro.

That boy... He's not someone in my age. Siguro he is three years ahead from me based on his height, face, and voice. I don't think he is with the same age with my Ate too who's eight years older than me.

The Broken Hearts ClubWhere stories live. Discover now