Late na akong nakarating sa hotel dahil pinahupa ko muna ang pag iyak ko kanina. Inayos ko din ulit ang aking sarili bago tumungo sa hotel. I don't want people to notice my pain. I can handle myself all alone.

Tahimik akong naupo sa tabi ni Amarah na ngayon ay kumakain. Napansin ko ang suot niyang gown na backless at napansin ko din ang plato niyang punong-puno ng pagkain.

"Ang sexy ng gowm mo pero 'yang pagkain mo pang construction." Puna ko sabay ngisi.

Literal na nanlaki ang mata niya pagkakita sakin. Uminom siya sakanyang baso bago nagsalita.

"Bakla ka! Bakit ngayon ka lang? Tapos na mag speech ang daddy mong bruha ka!" Matinis na sabi niya.

Ang ibang kasama naming OJT dito sa lamesa ay pinagmamasdan lang kaming dalawa ni Amarah.

"May nangyari lang kaya ako nalate." Palusot ko.

"Aysus! Ang sabihin mo gusto mo lang ng grand entrace." Kumunot ang noo niya at sinuri ang suot ko kahit na nakaupo pa lang ako. "Ateng, ano 'yang suot mo?" Kunot noong tanong niya.

Umirap ako. "Sempre, dress."

Ngumuwi siya. "Hindi ko alam na baduy pala ang taste mo! Okay ka naman kapag naka office attire at casua ah? Pero bakit sa ganitong formal event ang baduy? Ang pangit ng suot mo! Ay nako!" Reklamo niya.

"Ang importante hindi ikaw ang may suot. Bahala ka nga diyan, kakain ako at ako'y nagugutom." Sabi ko sabay tayo para pumunta sa buffet table.

Hindi ko na siya hinintay pang sumagot. Agad na akong umalis sa aking upuan para mag punta sa buffet table para kumuha ng pagkain. Kapag kasi nag tagal ako sa aking upuan ay  alam kong paliliguan ako ni Amarah sa panlalait tungkol sa damit ko. Iba pa naman ang talas ng dila nun.

Pumila pa ako para makakuha ng pagkain. Medyo madami parin kasi ang kumukuha ng pagkain. Habang nakapila, inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan nitong hotel. Nasa malaking function room kami na kayang iaccommodate ang 500 guest. Everyone is wearing a long evening gowns and a tux. Halos hindi ko na mamukhaan ang iba dito dahil lahat sila ay nakaayos, ibang-iba kapag nasa opisina.

Nawala ang atensyon ko sa kabuuan ng hotel nang mapadako ang mata ko kay Wendy. He's with Peter, pero hindi maalis ang atensyon ko kay Wendy. Hindi ako puwedeng magkamali sa nakikita ko. Lumapit ako sa lamesa nila at gulat silang lahat dahil bigla akong naupo sa tapat ni Wendy.

"Oh! My twin sister. You're here. Akala ko hindi kana makakarating because dad's mad at you again and again." Malaki ang ngisi ni Wendy habang pinaglalaruan niya ang strawberry na nakalagay sa jar.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Nanatili akong nakatingin sa ginagawa at kinakain niya. May hindi tama!

"Is this your twin? Infairness, maganda din siya katulad mo. Simple." Dinig kong sabi ng isang lalaki.

"Sang-ayon ako sayo, Mr. Ferrera. Maganda siya litaw na litaw ang pagka simple niya sa lugar na ito." Dagdag pa ng isa.

"I'll take no for your deal, Ferrera and Gomez. I don't need the two of you for my business." Dinig kong matigas na saad ni Peter.

Tinaasan ako ng kilay ni Wendy bago niya isubo at nguyain ang strawberry na kanyang hawak. Nanlamig ako dahil doon. I waited for five minutes for the side effects pero wala. She's still okay and still eating those strawberry cheesecake in a jar like what the fuck is happening? Is that even possible? She's fucking allergic to that food, specifically to the strawberry! She and mom are allergic to that! Pero bakit kain siya ng kain noon pero there's no reaction at all? Posible ba na gumaling ka sa isang allergy?

I'm only just your TinkerbellWhere stories live. Discover now