Chapter 15

1K 18 0
                                        

©pinaykimchii

When we reach Kuya Ryan's house, nagmadali si daddy at mommy na makababa ng sasakyan, ano kayang nangyare kay Kuya Ryan? Bakit halos lahat sila nandito, just like before nung malaman kong may kapatid pala akong nawawala.

"Sweety, make it fast." Sabi ni mom at nilahad niya ang kamay sakin.

Kinuha ko 'yun at sabay kaming tatlo na pumasok sa loob ng malaking bahay nila Kuya Ryan. Everyone's here. Kami nalang yata ang kulang, but the elder's not here. Inilibot ko ang paningin ko sakanilang lahat, everyone seems so serious. Ano ba kasing nangyayare?

"I'm sorry, Allan.  Naabala pa kita, gusto ko lang nandito tayong lahat para sa problemang ito." Sabi ni Tito Antonio sabay baling kay Kuya Ryan.

Sumama ang timpla ng mukha ni Kuya Ryan. "Dad. Huwag na natin palakihin pa 'to. It's my problem!"

Kumunot ang noo ko. Lumapit ako sa mga magpipinsan na puro seryoso rin ang mga mukha. Kahit si Cole na palabiro ay seryoso rin ngayon.

"What happened? Bakit nandito lahat?" Nagtataka kong tanong.

Inginuso ni Cole ang kanyang magulang na may hawak na sanggol. Nanlaki ang mata ko.

"Nag-adopt kayo?" Gulat na tanong ko.

Lalapitan ko sana si Tita Annalyn na siyang may hawak sa sanggol ng biglang hinawakan ni Peter ang palapulsuhan ko. Napatingin ako sakanya.

Umiling siya. "Don't." Mahina niyang sabi.

"Anak 'yan ni Ryan." Nakahalukipkip na saad ni Kuya Dan.

Literal na napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. May anak na si Kuya Ryan? At anak niya ang buhat ni Tita Annalyn? Oh my gosh!

"Your problem is our problem too, Ryan! Kahit na lalaki ka pa, nasa puder parin kita at nagsosolo kitang anak!" Dumagundong ang malakas na boses ni Tito Anton.

Mahigpit na hinawakan ni Peter ang kamay ko.

"Dad! It's my problem, okay? Huwag niyo nalang kasing palakihin pa, you called them para malaman nila na nagkaroon ako ng anak?! Eh ni hindi ko nga alam kung sino ang nanay niyan o kung anak ko ba talaga 'yan!" Inis na sabi ni Kuya Ryan.

"Hindi ko 'to pinapalake! I called them because I badly need there support, on us! Most especially to you and to that child!" Sigaw ni Tito sabay turo sa sanggol na hawak ni Tita Annalyn.

"Fine! Magpapa DNA test ako, kung anak ko ba talaga 'yan o hindi na." Iritadong sabi ni Kuya Ryan.

"Paano kapag anak mo nga siya?" Tanong ni Tita Ilonah. Napatingin kami sakanyang lahat.

Tinignan ni Kuya Ryan sa malayo ang bata. "Tatanggpin ko siya. Simple as that."

"Eh kung hindi?" Singit ko.

Narinig ko ang  saway sakin nila Kuya Dan pero hindi ko sila pinakinggan. Sakin naman ngayon nakatuon ang atensyon nila, si Kuya Ryan ay nanatili ang tingin sa batang kalong ni Tita Annalyn.

"H-hindi ko alam." Nahihirapang sabi niya.

Hindi ko alam pero kusang tumulo ang luha ko. Naaawa ako sa sanggol. He/she's still a child, walang kamuwang-muwang sa mundo pero hindi malaman kung sino ang tunay na magulang. Hindi ko alam kung paano siya napunta dito sa bahay nila Kuya Ryan para sabihin na anak niya ito pero hindi parin kasi tama. Kawawa ang bata, iniwan lang siya dito. Nasaan ang ina niya? Bakit niya naatim na iwanan ang bata? Paano kapag nagutom ito? Paano kapag naghanap ito ng gatas ng ina? My god! That poor child.

Niyakap ako ni Peter habang nilapitan naman ako ni mom.

"Shhh. Sweety, hindi makakatulong kung makikisali ka sa usapan." Marahan niyang sabi at pinunasan ang luha ko.

I'm only just your TinkerbellWhere stories live. Discover now